Chapter 28:
Napatigil siya ng sabihin ko iyon saka muling tumingin sa'kin.
"Iyon ba? Wala lang iyon sa'kin..." Sambit niya ng hindi nakatingin sa mata ko.
"Sabihin mo sa'kin ang totoo dahil hindi iyon ang nadama ko no'ng mga panahon na iyon, Yuri." Sambit ko at hinawakan na siya sa damit niya. I don't care if I look desperate ang mahalaga ay malaman ko ang totoo.
Hinawakan niya muli ako sa balikat at tinitigan sa'king mga mata.
"Wala lang iyon para sa'kin. Walang halaga. Naiintindihan mo?" Sambit niya at inalog-alog ako.
"It's just my needs. Don't you understand? Si Nicole lang ang mahal ko. Ang halik? Yakap? At pag-aalaga? Ginampanan ko lang ang pagiging asawa ko sa'yo." Sambit niya ng nakatingin sa aking mata at maririnig mo ang galit sa kanyang boses.
Sinampal ko siya dahil doon. How can he do that? Even if I'm her why wala siyang karapatan na paasahin at paglaruan ang damdamin ko.
"Bakit mo ginawa iyon? Sana pinaramdam mo na lang na ayaw mo sa'kin." Sambit ko at nagpumiglas sa kanya. Hinampas ko ang dibdib niya ng malakas. Kulang pa iyon sa sakit na nadarama ko.
"Hindi iyong hinayaan mo akong maanod sa mga kasinungalingan na pinapakita mo na magiging dahilan ng pagkalunod ko. Edi sana hindi ganito kasakit ang nadarama ko. Edi sana alam ko kung hanggang saan pa rin ako dahil sa ginawa mo ay umasa ako. Nakakainis lang dahil akala ko meron na. What the h_ck, Yuri? " Humahagulgol na sambit ko.
"I'm sorry. Si Nicole lang talaga ang babaeng nakakapagpatibok ng puso ko. We can continue our marriage but after two years maghihiwalay din tayo." Sambit niya sa'kin at binitawan ako. Napayuko ako dahil sa narinig ko at tila ba nauupos na kandilang napaupo sa sahig.
Lumuluha ako habang nakatingin lang sa kanila habang inaalalayan niya si Nicole.
Tulad kanina ay wala pa ding lubay sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi na rin ako nag-abala pang punasan iyon dahil alam ko sa sarili ko na wala ring silbi iyon.
Napangiti na lang ako ng mapait habang tinitignan siyang alalayan di Nicole.
Ahh.. That Nicole. Ang babaeng mahal niyang talaga. Like what he said, I'm just his wife in papers but the wife in his heart is that d_mn girl.
Ano nga bang laban ko? Eh, pinagpilitan ko lang naman ang sarili ko sa kanya, 'di ba?
"Hindi ako uuwi hanggang mamaya dito o bukas ng umaga kay Nicole muna ko mananatili." Sambit niya at inalalayan si Nicole.
"No! Ayoko!" Sigaw ko sa kanya at pilit na tumayo.
"Wala kang magagawa kahit na umayaw ka pa." Sambit niya at lumabas na silang dalawa ng bahay.
Napaupo nalang ako ng marinig ko ang pag-andar ng makina. Wala akong ginawa kundi umiyak lang ng umiyak.
"Bakit? Why do I need to feel this way? Why it's f_cking hurt?!" Sigaw ko hinampas ang dibdib ko umaasa na kahit papaano ay mababawasan ang sakit na nadarama ko pero hindi. Mas masakit pa ang sakit na pinaramdam ni Yuri kaysa sa paghampas ko sa sarili ko.
--
Hinintay ko si Yuri pero tulad ng sabi niya ay hindi siya umuwi. Sinubukan kong pumunta sa Sync Entertainment pero laging hindi ko siya naabutan.
Nasa mall ako ngayon at nagpapakalibang para kahit papaano ay makalimot ako kahit saglit. Napahinto ako ng makita ko ang familiar na pigura ng isang lalaki ay babae. Lumapit pa ako at nagsimula na namang tumulo ang luha ko. It's Nicole and she's with Yuri na naka-disguise. Ang saya-saya nilang tignang dalawa habang ako naman ay unti-unting nadudurog.
Sinundan ko sila kahit na mukha na akong t_nga. Sinasaktan ko lang ang sarili ko sa ginagawa ko but I can't stop myself to follow them. Napaka-martyr ko. Nakita ko silang dalawang magsubuan ng ice cream, magholding hands, magyakapan and I even see them kiss. Ayoko na! Sobrang sakit na. Gusto mo pa bang ipa-mukha sa sarili mo na hindi ka mahal no Yuri, ha, Kie?
Napaka-bobo mo kasi, Kie. Bakit naisip mo pa silang sundan!
Tinalikuran ko na sila at tumakbo papalabas ng mall.
Napasigaw ako nang biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko at nagpagulong-gulong kami sa daanan.
Pwede ng action scene ito. Napatayo ako ng marealize kong kong nakadagan pa rin ako sa lalaking nakabangga ko.
"May balak ka bang magpaka-action star?" Sambit ng pamilyar na boses at umupo siya saka pinagpagan ang sarili niya.
"Baymin?" Gulat na sambit ko ng makita siya. Kaagad naman siyang tumayo at tinakpan ang bibig ko.
"Shh!" Sabi niya at nag-peace sign naman ako na ikinailing-iling.
"Umiiyak ka ba?" Tanong niya sa'kin kaya bahagya akong napaiwas ng tingin sa kanya.
"Oo, ang sakit kaya..." Bulong ko sa kanya.
Ang sakit kayang mapaglaruan ang feelings mo. 'Yong akala mo meron nang pag-asa pero pinaasa ka lang pala.
Hinihintay niya lang pala iyong taong matagal niya nang mahal.
"Mukha nga..." Rinig kong sambit niya at nagulat ako ng punasan niya ang pisngi ko. Tumayo siya at inalalayan akong tumayo na rin.
"Thanks, pauwi ka na ba?" Tanong ko sa kanya at pilit nq ngumiti.
"Sana?" Patanong na sagot niya sa'kin.
"Inom tayo." sambit ko sa kanya at pinilit na ngumiti muli. Kumunot ang noo niya at tinitigan ako bago nagsalita muli.
"Hindi ako pwedeng uminom ngayon, eh," sagot niya.
"Edi samahan mo na lang ako," sambit ko sa kanya.
"Bakit ba gusto mo uminom?" Tanong niya sa'kin at nagpamulsa.
"Trip ko, eh! Bakit ba? Nakakamiss kayang uminom. Alam mo 'yun dati gimik-gimik lang ako tapos ngayon, hays!" Sagot ko sa kanya.
"Drama mo. Tara na nga." sambit niya at hinila ko. Alam kong marami pa siyang tanong ngunit pinili niyang manahimik and I'm thankful for that.
Napangiwi ako ng hawakan niya ang braso ko may pasa pa iyon sa mahigpit na pagkakahawak ni Yuri sa'kin kahapon. Hindi pa rin iyon naghihilom gaya ng invisible pain sa puso ko.
"Okay ka lang ba? Bakit parang namutla ka?" Tanong ni Baymin sa'kin.
"W-Wala. Tara na." Sambit ko at pinilit na ngumiti saka siya hinila upang maglakad.
"Saan ba tayo iinom?" Tanong niya.
"Akala ko ba bawal sayo?" Takhang tanong ko sa kanya.
"Konti lang naman. Ano ikaw lang iinom? Tss," sambit niya na ikinatawa ko.
"Saan tayo?"
"Sa bar namin," sabi ko sa kanya at sumakay na ng kotse niya.
--
Nang dumating kami sa bar ay todo takip ng mukha si Baymin dahil baka daw may makakilala sa kanya at ipagkalat sa internet. Kaya inutusan ko ang mga staff namin na huwag magpapapunta sa VIP bar kung saan kami iinom.
Pwera kasi sa main bar ay may VIP bar pa kung saan iyong mga gustong mapag-isa o sa mga party iyon nagagamit.
"Um-order ka nalang ng kahit anong gusto mo dyan," Sambit ko sabay turo sa lalaking nagbibigay ng order.
"Bakit ka ba kasi maglalasing?" Tanong niya.
"Wala nga. Trip ko lang manahimik ka iinom ako. Ayoko ng maraming tanong." Sambit ko at ngumiti sa kanya sabay tapik sa balikay niya.
"Bahala ka." Sambit niya at nagsimula na rin uminom.
Hindi na wala ang sama ng loob ko sa pagkanta kaninang umaga kaya siguro dito mawawala na ito. Baka makatulong ang pag-inom dahil kadalasang ginagawa ito ng mga taong sawi sa pag-ibig.
"Give me more! Hard drink please!" Sambit ko sa lalaking staff namin.
"But ma'am lasing na kayo nakaka-walong hard drink na po kayo." Sagot nito sa'kin.
"Mukha ba akong lasing? Ano mas marunong ka pa sa'kin? Ikaw ba ang umiinom? Hindi nga ako tinatamaan sa binibigay mo. Hard ba talaga ito?" Tanong nito sa'kin.
"Pero ma'am baka magalit ang Dad mo pagnalaman ito." Muling sambit nito kaya napairap ako.
"Magagalit talaga iyon kapag sinabi mo pero kung hindi ka magsusumbong hindi niya malalaman kaya manahimik ka! Bibigyan mo ba ako o ipatatanggal kita?!" Inis na sambit ko sa kanya.
Agad-agad namang siyang kumilos at kung ano-ano ang pinaghahalo bago ito ibinigay sakin.
"D-Demon's drink po 'yan. Pinaghalo-halo ko ang lahat ng hard drinks," nauutal na sambit niya.
"Ganoon ba? Bigyan mo ako ng lima." Utos ko sa kanya.
"Pero ma'am isa pa lang yan panigura—"
"Ano? Aapela ka na naman? Ibigay mo nalang sa'kin," pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"O-opo, ito na po."
"Good!" Sambit ko sa kanya.
"Grabe? Kapag ikaw hindi nakatayo mamaya at magkakalat ka lang ay iiwan kita dito. Ayokong mag-amoy suka ang kotse ko." Sambit sa'kin ni Baymin.
"Duh? Pwede naman dito matulog like, duh? Bar kaya namin ito." Lakas loob kong sambit sa kanya.
Pero teka? Nandito pala si Dad sa umaga. Waah!
"Hindi pala pwede. Nandito si Dad sa umaga." Nakangusong sambit ko sa kanya.
"Patay ka!" Sambit niya at uminom sa tequila na hawak niya.
"Bahala na!" Bulalas ko at in-isang lagok ang laman ng basong hawak ko. Napapikit pa ako dahil tila ba gumuhit iyon sa lalamunan ko pababa sa aking tiyan.
I just want to forget baka kasi isa lang itong bangungot at kailangan ko ng pampakalma para maging matiwasay ito. Hindi ko pa nauubos ang pangalawang baso ng maramdaman kong umiikot na ang paligid ko.