Chapter 26:
Pumasok na ako muli sa loob at niligpit ang pinagkainan namin. Napatingin ako sa pagkain ni Kie kanina na hindi man lang nabawasan. Kinuha ko ito at itinabi saka siya pinuntahan sa kanyang kwarto. Kumatok ako sa pinto niya ng ilang beses ngunit walang sumasagot kaya binuksan ko nalang ito. Nakita kong tulog na siya.
Lalabas na sana ko ng kwarto niya ng mapansin nanginginig siya kung kaya’t nilapitan ko siya. Napansin ko ding pawis na pawis siya. Napakunot ang noo ko dahil napakalamig naman sa kwarto niya pero pawis na pawis siya. Agad kong hinawakan ang noo niya at naramdaman kong sobrang init niya.
"Kie? May lagnat ka." Sambit ko ngunit ungol lang ang isinagot niya.
Saglit akong lumabas upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo upang ipunas sa kanya. Matapos ko siyang punasan ay kumuha ako ng konting pagkain at gamot para sa kanya.
"Kie?" Dumilat naman siya at inalalayan ko siyang umupo.
“Heto ang pagkain tapos uminom ka ng gamot pagkatapos,” sambit ko sa kanya ngunit umiling lang siya bilang sagot at bumalik sa pagkakahiga.
"No, you should eat this para mainom mo ang gamot. Kahit konti lang ay sumubo ka." Sambit ko sa kanya at inalalayan siya muling umupo at isinandal siya sa’kin.
"Ayoko nga. Nasusuka ako." Sambit niya at babalik na sana muli sa pagkakahiga
"Tsk! Pilitin mo kahit tatlong subo lang." Ulit ko at this time ay pinasandal ko na siya sa dibdib ko upang hindi na siya makabalik pa sa pagkakahiga.
Sinimangutan niya ako ngunit kumain din naman siya ng kaunti.
"Gamot naman." sambit ko kaso bigla na naman siyang humiga.
"Ayoko n’yan. Ayoko ng gamot!" Sambit niya saka nagtalukbong ng kumot kaya napakamot nalang ako sa batok.
"Paano ka gagaling niyan?" Inis na tanong ko sa kanya.
"I don't care, mawawala din ito." Sambit niya sa mahinang boses.
Ang kulit naman nitopinapahirapan ako. Tsk!
"Ayaw mo ba talagang inumin?" Inis kong tanong sa kanya at hindi na naiwasang itago ang inis na nararamdaman ko.
"Ayaw!" sambit niya at nagtakip pa ng unan.
Ang hirap-hirap talaga pa-inumin ng gamot nito. Let's use a new strategy. Ayokong gawin ito kaso kailangan. Sinubo ko ang gamot at uminom ng konting tubig saka tinanggal ang pagkakatalukbong niya. Kinuha ko din ang unan na nakapatong sa mukha niya.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya dahil pilit siyang nanlalaban. Masama niya akong tinignan samantalang ako naman ay tinitigan muna siya saglit at tinansya ang mga gagawin ko. Gano’n lang kami hanggang makalipas ang isang minuto.
“Ano ba? Bitawan mo nga ako,” sambit niya at muling nagpupumiglas.
Isinawalang bahala ko iyon at tumingin sa labi niya. I kiss her. At first, hindi siya nagrespond kaya kinagat ko ang ilalim ng labi niya kaya bahagya siyang napanganga. Then, through kiss pinasa ko ang gamot sa kanya at wala siyang naging choice kundi lunukin iyon.
"Edi nakainom ka ng gamot," sambit ko at nginisian siya. Namumula ang kanyang pisngi ngunit masamang tingin ang iginagawad niya sa’kin ngayon.
"Go back to your sleep." Sambit ko at pinunasan siya ng maligamgam na tubig gamit ang bimpo. Inilagay ko din iyon sa kanyang noo pagkatapos bago lumabas sa kanyang silid.
--
Kie's Point Of View:
Tanghali na akong nagising. Kinapa ko ang noo ko ng maramdamang may nakadikit dito. Tsk! That man, taman bang ilagay sa noo ko ang sticky note? Napakurap-kurap ako ng mata saka napahawak sa labi ko ng maalala ko iyong kiss na naganap kagabi. Shemay lang! Kung gano’n lagi ang way ng pag-inom ko ng gamot kahit wala akong sakit iinom ako. Napahawak ako sa pisnge ko ng maramdaman ko biglang ang pag-init nito kaya tinapik-tapik ko ito.
Pakiramdam ko naman ay okay na ako. Sa kauna-unahang pagkakataon ay isang gabi lang ang itinagal ng lagnat ko karaniwan kasi ay tatlong araw o hindi naman kaya ay tumatagal ng isang linggo.
Is this because of Yuri's kiss? Napailing-iling na lang ako dahil sa naiisip ko. Binasa ko naman ang note na dinikit sa noo ko ni Yuri.
'Pagkagising mo kumain ka na at inumin mo ang gamot na nasa mesa. Please lang.'
Makatayo na nga at makakain.
-
Mabilis lumipas ang oras at narito ko ngayon sa training room at puspusan sila sa pagpapractice. Akala ko pa naman ay maso-solo ko ngayon si Yuri dahil wala ngayon ang Nicole na iyon pero ang scheduled niya naman ang kaagaw ko ngayon. Tss.
"Aray!" Daing ko at napahawak pa sa noo ko ng maramdaman kong may pumitik nito
"Ahahaha... Your face is so priceless!" Tatawa-tawang sambit ni Baymin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tss.. I hate you." Inis na sambit ko sa kanya.
"Don't worry, the feeling is mutual. " Natatawang sambit niya kaya inirapan ko nalang siya.
"Oh!" sambit ni Yohan at may inabot na mineral water sa’kin.
"Gagawin ko dyan?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Tapon mo iyong tubig tapos ngatain mo iyong bote para masaya," Nakangiwing sambit niya at umupo sa tabi ko. Hinampas ko naman siya ngunit agad siyang nakaiwas.
"Kasi nagtatanong ka pa malamang iinumin mo," naiiling na sambit ni Yohan.
"Where's Yuri?" Tanong ko sa kanya.
"Pinatawag ni Jackson sa office niya." Sagot niya at nag-scroll sa cellphone niya. Napangalumbaba naman ako at napanguso.
"Akala ko pa naman maso-solo ko siya ngayon. Pft! Kaagaw ko ang schedule niya." Sambit ko ng nakanguso at pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Kawawa ka naman, pakamatay ka na." Sambit ni Yohan ng natatawa at tinapik pa ang balikat ko. Kaya hinampas ko siya ng malakas at this time hindi na siya naka-ilag pa.
"Aray!" Reklamo pa niya.
"Joke lang naman, eh!" Sambit niya at hinimas ang braso niya.
"Hindi nakakatuwa," Inis kong sambit at nginusuan siya.
"Cute mo dyan." Matapos niyang sabihin iyon ay kinurot niya ang magkabilang pisnge ko.
"Ayam kong kyut ako windi mo na dawat pwa sabihwin. ARWAY! Witiwan mo na ko." Reklamo ko habang hinahampas ang kamay niya at pilit na tinatanggal ang pagkakakurot niya.
Tinawanan lang ako ng loko-lokong 'to, ah! Paglumaylay pisnge ko naku! Kakagatin ko siya. Siyempre ayaw kong magpatalo kaya kinurot ko din ang pisnge niya. Bahala siya kapag nakita ng fans niya na namumula ang mukha niya dahil kasalanan niya naman. Siya ang nauna.
"Aray!" Reklamo niya.
"Bitawan mo na kashi ang mukwa kwo!" sambit ko at hinila ang mukha niya.
"Ayokwo!" sambit niya at para na kaming tanga dahil naiiyak na kami tapos biglang tatawa. Napabitaw ako sa pisnge ni Yohan ng makita ko si Yuri sa gilid namin. Ilang na napatawa ako at si Yohan naman ay binitawan ang pagkakakurot sa pisnge ko.
"Practice na daw uli," sambit niya at tinignan ng masama si Yohan saka kami tinalikuran.
Ano 'yun? Nagseselos?
"Nagselos ata ang asawa mo?" Sambit ni Yohan saka tumawa.
"Malabo ata 'yan. Bumalik ka na nga roon." Sambit ko sa kanya at biro siyang itinulak. Tumayo naman siya at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba?! Ang hirap kaya magsuklay, Yohan." Reklamo ko at tinignan siyang masama
"Ay?! Nagsusuklay ka pala? Hindi halata, eh," sambit niya at tumawa muli. Akmang babatuhin ko siya ng plastic cup ng tumakbo na siya sa papunta kila Yuri.
Pasaway na nilalang.
--
Dalawang buwan na ang lumipas at ang babaeng iyon ay lagi pa rin nakabuntot sa’min ni Yuri. Like what da pak? Sawang-sawa na ko sa mukha niya. Naiirita na ko sa pagdikit-dikit niya kay Yuri.
Huwag niyang i-excuse sa'kin na magbestfriend sila at nakasanayan na niya iyon dahil baka magdilim ang paningin ko at masabunutan ko siya tapos sabihin ko, sorry nakasanayan ko na kasing manggigil sa’yo.
"Hoy! Ang talim naman ng tingin mo mukha ka ng papatay." Napatingin ako kay Glyren na ngayon ay kumakain ng pizza.
"Do I?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.
"Oo kaya, ilang beses mo na bang na murder si Nicole dyan sa utak mo?" Tanong niya ng nakangiwi.
"Kung ako sa'yo 'wag mo ng tanungin baka hindi mo kayanin," Sambit ko at humalukipkip habang tinitignan iyong pito kasama iyong epal na linta.
"Bakit kasi nandyan ka at hindi doon?" Tanong niyang muli.
"Ewan," walang ganang sagot ko sa kanya.
"Mas mukha pa silang mag-asawa kaysa sa inyo. Nagtataka na tuloy ako kung magbestfriend lang nga ba talaga sila." Napatingin naman ako agad sa kanya ng sabihin niya iyon.
"What? I'm just saying kung anong nakikita ko. Bakit ikaw ano bang nakikita at nadadama mo?" Tanong niya na siyang naging hudyat na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at magsimula na naman akong mag-isip ng kung anu-ano.
"Same." Malungkot kong sambit na may halong inis
"Bakit hindi ka kumilos? Like, duh! Bobohan mo pa, Kie. Maagaw na ng babaeng iyan ang asawa mo." Sambit ni Glyren na nakakunot ang noo saka humalukipkip.
After I heard that tumayo agad ako.
"Hindi ako papayag! Ako na ang asawa niya ngayon kaya hindi ako papayag na mapunta siya sa iba," sambit ko at lumapit kay Yuri.
"Kie," ngiting sambit niya.
Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan tatlong oras na ako doon. Hindi mo man lang ako pinapansin sipaiin ko kaya 'yang bakat mo.
"Tapos na ba kayo magpractice?" Tanong ko at pilit na sumiksik sa gitna nilang dalawa ni Nicole.
Usod doon. Umusog ka!
"Yes, nagpapahinga na kami," sagot niya.
"Then, can we go home now?" Tanong ko sa kanya at kumapit sa braso niya.
"Sure, let's go." sambit niya at tumayo na. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Yuri, pwede makisabay?" Nicole asked.
"Ye—" Naputol ang sasabihin ni Yuri ng biglang magsalita si Samantha.
"Hindi ba’t may kotse ka namang dala? Bakit ka pa sasabay sa kanila?" Tanong ni Samantha sa kanya.
"Ahh.. Oo, nga pero kasi pupunta lang sana ko—"
"Hindi ba you promise Nicole na pupunta tayo ng art gallery ngayon?" Baymin asked. Buti nalang at nakiki-ayon ang tadhana sa'kin ngayon.
"Oo, nga pala. I forgot about that."
"Next time nalang, Tangkad. Si Baymin na muna for now," she said then smiled at Yuri. Kung sipain kaya kita dyan.
Si Yuri naman ay tinanguan lang siya. I saw him na sinundan pa ng tingin ang sinasakyan ni Nicole. Napatingin naman siya sa'kin and I saw something in his eyes that I can't explain.
On our way home, tahimik lang kaming dalawa para bang napakalalim ng iniisip niya.
"Are you tired?" Tanong ko sa kanya.
"Yes," maikling sagot niya.
"Nagugutom ka ba?"
"No,"
"Nauuhaw?" Tanong ko at inalok siya ng tubig.
"No," tipid niyang sagot muli.
Nainis na ako dahil ang ikli ng mga sagot niya kaya minabuti ko nalang na manahimik.