Chapter 25:

Bahagya naman kaming napalayo sa isa't-isa ng may lumabas mula sa rehearsal room at napatingin sa pwesto namin si Jayvee.

"Oh? Bakit kayo nandyan sa labas?" Nakangiting tanong nito sa'min.

"We're just talking. Nagkakamustahan…" Sagot ko sa kanya.

"Talking? Dito sa labas? Bakit hindi nalang sa loob?" Tanong muli ni Jayvee.

"Eh, alam mo naman kami ni Yuri, 'di ba, Jayvee? Sobrang close kaming dalawa. Ayaw ko namang mag-away sila ng asawa niya dahil lang sa'kin baka pagselosan pa ako." Paliwanag ni Nicole.

"Sabagay, pumasok na kayo at hinahanap ka na ni Kie, Yuri, " natatawang sambit ni Jayvee.

"By the way, saan ka pupunta Jayvee?" Tanong ni Nicole sa kanya.

"Susunduin ang girlfriend ko dyan sa labas." Nakangiting sagot niya.

"Woah! May girlfriend ka na?" Manghang tanong ni Nicole sa kanya.

"Yes! I have. Best friend siya ng asawa ni Yuri. Sige una na ko baka naghihintay na iyon." Sambit ni Jayvee at umalis na.

"Let's go inside baka magtaka na sila." Sambit ko at inaya na si Nicole pumasok.

"Sure, basta ang bilin ko, huh?" Sambit niya at tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

"Yuri!" Tawag sa'kin ni Kie at binigyan ako ng pagkain.

"Thanks, Kie." Sambit ko sa kanya at kinuha ang inaabot niyang pagkain.

"Oh! You must try this soup and this curry. Oh! And also this salad." Sambit ni Nicole at inabot sa’kin ang mga pagkaing sinabi niya. Napaurong na lang si Kie dahil sa biglang pagsingit ni Nicole sa gitna namin.

Napatingin ako kay Kie na kasalukuyang nakangiti sa'kin kaya ngumiti nalang din ako pabalik sa kanya. Maghapon namin na kasama si Nicole at nakikipag-harutan sa’min.

"Let's take a groufie." Sambit ni Nicole at kinuha ang cellphone niya sa kanyang pouch bag.

"Hey, Kie." Tawag niya sa kay Kie na ngayon ay katabi ko.

"Yes?" Sambit ni Kie at lumingon sa kanya.

"Picturan mo naman kami," nakangiti niyang sambit at binigay ang cellphone kay Kie.

"S-Sige," utal niyang sambit at inabot ang cellphone ni Nicole at tinapat ang camera sa’min. Si Nicole naman ay tumabi sa’kin at kumapit pa sa braso ko ng bahagya.

Nakita ko kung paano kumunot ang kilay ni Kie ngunit tumahimik lang siya at nagsimula ng kuhanan kami ng litrato.

"Isa pa," Sambit ni Nicole matapos niyang tignan ang mga litratong kinuha sa’min ni Kie. Nakailang takes din kami bago niya naisipang tumigil na. Mga twenty pictures ata?

"I enjoy this day thank you, guys. I should go home now." Nakangiting sambit niya at kumaway pa kila Jayvee.

"Dapat lang..." I heard Samantha murmuring something. Napansin niya ata akong nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya sa’kin.

"Hatid na kita palabas," Sambit ko kay Nicole at isinawalang bahala ang mga titig ni Kie sa’kin.

*****

Kie's Point of View:

Nakakainis! Lagi nalang nakikiepal ang Nicole na 'yan. Since dumating ang babaeng iyan ay wala na ata kaming bonding ni Yuri. Lagi nalang sila ang magkasama at nag-uusap sa praktis room kapag nasa bahay naman kaming dalawa ay hindi na ako pinapansin ni Yuri dahil dumideretso na siya para magpahinga.

Ang mas nakakainis pa sa babaeng iyon ay kung hindi siya sa Sync Entertainment sumusulpot ay sa bahay naman siya nanggugulo. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil nagiging dragon si Yuri. Nakakainis dahil mas kinakampihan niya ang babaeng iyon. Ako kaya ang asawa niya. Kahit na peke lang ang lahat kasal siya sa’kin at hindi ko gusto ang nakikita ko.

Noong una ay ang gaan ng pakiramdam ko sa Nicole na iyon. Akala ko pa nga magiging okay kami dahil bestfriend niya si Yuri but now? Gusto ko na siyang balibagin at sabunutan! Kung hindi lang siya bestfriend ni Yuri at kaibigan nila Jiro ay kakaladkarin ko na siya palabas ng bahay.

"Baka naman nakakagulo na ko sa’yo?" She asked.

"Hindi naman." sambit ko at pilit na ngumiti.

Hindi ka naman nakakagulo. Nakakasira ka na ng araw pati ng moment namin ni Yuri nasisira mo na. Gulong-gulo lang ang bonding namin ni Yuri dahil sa’yo. Bwiset ka!

"I really love cooking. Gusto ko kayo ipagluto para naman madama ni Yuri ang luto ng…” Huminto siya saglit sa pagsasalita saka bumulong ng mahina, “... mapapangasawa niya dapat."

"What?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig ang huling sinabi niya.

"Ang sabi ko… Dahil asawa ka niya siguro ang saya-saya niya na kasi nararamdaman niyang may nag-aalaga na sa kanya." sambit niya at hinalo ang niluluto niya

"Can you taste it?" Tanong niya at pinakita sa’kin ang sandok na may lamang sauce ng curry.

Tumango naman ako at lumapit sa kanya. Tinikmam ko ang niluto niya at nanlaki ang mga mata ko dahil ang sarap ng luto niya. What the fudge? Nahiya naman ang luto ko.

"Masarap." sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Then, serve na natin sa me," sambit niya at kumuha ng plato.

"Then, buhos na rin natin sa’yo kasi nakakainis ka na," mahina kong sambit na ikinalingon niya sa’kin ng nakakunot ang noo.

"I mean, isasalin ko na sa lalagyan para makakain na tayo," pilit na ngiti kong sambit at kumuha na ng sandok para ilagay ang niluto niya sa lalagyan.

After namin maghanda ay tinawag na namin si Yuri. Oo, namin dahil masyado siyang pabida sa buhay. Nakakahiya daw kapag nagfeel at home siya masyado at naunang kumain sa’min kaya sumama siya para tawagin si Yuri.

Akalain mong uso pala sa kanya ang mahiya. Hindi halata, ah!

"Masarap ba?" Tanong niya kay Yuri, at tumango naman ito bilang sagot. Tsk!

He smiled at her. I had never seen that smile before. Ouch!

"Super sarap ba ng niluto ko?" Tanong niya muli kay Yuri. Hindi nagsalita si Yuri sa halip ay sunod-sunod siyang sumubo ng pagkain at sinimot ang laman ng pinggan niya.

Why does it hurt so much? Pagkain lang naman iyon? Bakit parang wala lang ako dito? Like hello? I exist!

Simula ng dumating ang babaeng 'yan, feeling ko nagkaroon na naman ng pader sa pagitan namin ni Yuri. Kahit na pinapansin niya ako at kinakausap alam kong may nagbago sa’ming dalawa. Ramdam ko iyon. Hindi na rin kami magkatabi sa pagtulog. Basta sinabi niya nalang isang araw na matulog na lang ulit kami sa magkaibang kwarto.

Then, not like before, he always kissed me on the lips or cheeks, but now wala na. Hindi dahil adik ako sa kiss feeling ko kasi may nag-iba na o feeling ko lang iyon?

"Hey, hindi ba masarap?" Tanong ni Nicole sa kanya na agad niyang ikinalingon.

"Hindi, I mean masarap." sambit ko at pilit na ngumiti. Nawalan na ako ng gana dahil sa pinag-iisip ko at feeling ko rin ay bumibigat na ang pakiramdam ko.

*****

Yuri’s Point of View:

"I'm sorry. I'll go first. Sumama kasi ang pakiramdam ko." Sambit ni Kie at umalis na sa hapag. Sinundan ko lang siya ng tingin. Siguro nga ay sumama talaga ang pakiramdam niya.

"Atlast! Umalis na rin siya," sambit ni Nicole at lumipat sa tabi ko.

"Hey, baka lumabas iyon at mahuli tayo." Nanlalaking matang sambit ko at umusad palayo sa kanya.

"Hindi 'yan," sambit niya at ngumiti ng nakakaloko sa’kin.

"Sabihin lang natin na kumakain lang tayo," sambit niya at bigla akong sinubuan ng pagkain. Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya.

Lagi kaming magkasama ni Nicole this past few days, alam kung hindi ko na napagtutuunan ng pansin si Kie pero hindi naman siya nagsasalita kaya baka hindi niya napapansin iyon.

"Here eat this too," sambit ko at sinubuan siya ng chicken.

"Akala ko ba ayaw mo dahil baka mahuli tayo ng asawa mo?" Sambit niya at mahinang humagikgik.

"Maybe masama talaga ang pakiramdam niya kaya hindi iyan lalabas for sure," sambit ko at sumubo ng pagkain.

"Wala ako bukas at sa susunod na araw," sambit ni Nicole sa'kin

"Why?" Takhang sambit ko sa kanya.

"I have a photoshoot in China for two days, kaya kailangan kong umalis kahit ayoko," sambit niya at napatingin sa orasan niya.

"I need to leave now," Sambit niya at tumayo na,

"Akala ko ba bukas pa?" Nakangusong sambit ko sa kanya

"Ang flight ko ay 2 o'clock this day, Yuri." Sambit niya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa orasan ko at napasimangot ng makitang one na.

"Okay, ingat ka sa flight mo." Malungkot kong sambit sa kanya.

"Hindi mo ba ako hahatid?" Tanong niya sa’kin. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

"No, Kie is here at hahanapin niya ako kapag nagising siya. Alam mo naman, ‘di ba?" Sumimangot naman siya sa sinabi ko ngunit tumango din kalaunan.

"Fine," Hinatid ko siya hanggan sa pintuan habang yakap ko siya sa likod. Nakanguso akong nagpaalam sa kanya na ikinatawa niya.

"Bye," sambit niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi na siyang ikinangiti ko. Kumaway muna siya bago tuluyang umalis.

Panakaw-nakaw na sandali, ganoon ang relationship namin ngayon ni Nicole.

Kapag kaharap sila at si Kie ay magbestfriend kami pero kapag kaming dalawa lang ay alam naman namin sa isa’t-isa na kami ang dapat magkasama ngayon.