Chapter 24:
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinititigan si Nicole. Siguro kong hindi siya umalis, siya siguro ang ipinakasal sa'kin ni Dad kahit na may issue ang family namin because he really like Nicole for me.
"Huwag mo na akong titigan matulog ka na rin." Sambit niya at sumiksik sa leeg ko.
"Masisisi mo ba ako? Eh, sa namiss talaga kita." Sambit ko at niyakap din siya ng mahigpit.
"I know but now let's sleep."
"Opo, liit."
---
"Babe? Babe?!"
"Hmm..."
"It's already 9:30 kanina pa kita ginigising." Sambit sa'kin ni Nicole.
"Sh. t!" Bulalas ko at napatayo na kaagad.
"Why?"
"My practice kami ngayon at eight ang call time." sambit ko at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko
"Kumain ka na muna."
"I'm sorry. Kailangan ko na talagang umalis." Sambit ko at hinalikan siya sa pisnge.
"Ingat!" Rinig ko pang sigaw niya.
"Para sa'yo mag-iingat ako." Sambit ko at napangiti naman siya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nakitang lowbat ito.
Shit! Why now? Lagot talaga ako nito.
--
Nang makarating ako aa praktis rpom ay nagsi-simula sila. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto ngunit huminto pa rin sila ng makita ako.
"Atlast your here," sambit ni Baymin ng nakakunot ang noo.
"I'm sorry..." Hinging paumanhin ko sa kanila.
"Saan ka nanggaling? Malabong sa bahay niyo dahil hinahanap ka ni Kie kani-kanina lang." Sambit ni Jayvee.
"May pinuntahan lang ako..." Pagpapalusot ko.
"Pinuntahan? At saan naman?" Tanong pa nito.
Sh*t! Hindi ko naman pwedeng sabihin na kay Nicole ako galing.
"Nasaan na ba si Kie?" Tanong ko sa kanya para maiba ang usapan dahil baka makahalata. Magaling pa naman mag-analyze si Jayvee ng sitwasyon.
"Kasama ni Yohan. Pupuntahan daw nila ang Slay Kids."
"Ahh.. Sige, puntahan ko muna si Kie." Sambit ko at umalis na.
Mahirap na baka mabuko ako. Pumunta naman ako kaagad sa training room ng Slay Kids at nakita ko sila ni Yohan na nagtatawanan.
What's with that?
Nakita ko pa na hinahampas niya ng mahina ang braso ni Yohan.
"Yuri," Tawag ni Kie sa'kin ng makita niya ako sa pinto. Agad din siyang tumayo at lumapit sa'kin
"Saan ka ba galing? Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka." Malungkot na sambit niya.
"I'm sorry, may emergency kasi. 'Yung pinsan ko kasi sumakit ang tyan niya at nagpatulong sa'kin magpadala sa ospital. Ayoko namang gisingin ka. Ite-text sana kita kaso lowbat naman pala ang cellphone ko," pagsisinungaling ko sa kanya.
"Aww! Emergency pala. Kamusta na pinsan mo? Okay na ba siya?" Nag-aalalang tanong niya na ikina-kunsensiya ko.
"She's okay now." Sambit ko sa kanya at napaiwas ng tingin.
"Good. Sa susunod magpaalam ka o mag-iwan ng note para hindi ako nag-aalala. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo dahil hindi mo sinasagotang tawag ko. Iyon pala ay may emergency ka at nalowbat ang cellphone mo." Sambit niya at bakas ko ang pag-aalala sa boses niya.
"I'm sorry..." sambit ko at hinawakan ang kamay niya.
"It's fine, naintindihan ko namam na emergency iyon." Sambit niya at ngumiti sa'kin.
"Tara na. Yohan, sumunod ka na din sa'min dahil magsisimula na daw tayo mag-rehearse sabi ni Jackson." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinila ko na si Kieseyah.
Nakatingin lang ako kay Kieseyah habang nagre-rehearse kami. Until now wala pa rin siyang kaalam-alam and she will never know about it.
"Okay. Let's take a break." Sigaw ni Jayvee at kinuha ang cellphone niya.
Swerte din itong si Jayvee dahil mula sa pagiging photographer ay naging instant artista siya.
"Let's take a break para makalandi muna si Jayvee kay Glyren." Sambit ni Baymin at binato siya ng tuwalya ni Jayvee na naiwasan naman nito agad.
"Yuri, punasan natin pawis mo." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kie sa tabi ko at pinunasan ang pawis ko.
"Thanks," sambit ko at ngumiti sa kanya.
"Welcome basta ikaw,"
"And here it goes, sila Yuri naman ang naglalandian. My eyes!" Sambit ni Baymin nang napapailing.
"Puro ka reklamo. Maghanap ka na nga ng lovelife mo. Hindi iyong parang nakalunok ka ng ampalaya sa tuwing makikita mo si Jayvee at Yuri na kasama ang girlfriend at asawa nila." Natatawang sambit ni Jackson pagkapasok.
"Naku! Huwag na, hindi pa ako handang mabaliw sa pag-ibig dahil lang dyan." Sambit ni Baymin
"Water guys!" Sigaw naman ni Samantha at binigyan sila ng tubig isa-isa.
"Thanks." sambit ko ng abutan niya ako ng tubig.
"Kumain ka na ba?" Tanong naman sa'kin ni Kie.
"Hindi pa." Sambit ko sa kanya at sumimangot naman siya.
"Let's eat, sabi ko naman sa'yo ayokong nagpapalipas ka." Seryosong sambit niya at hinawakan ang kamay ko.
"Hi, guys!" Sabay kaming napalingon sa taong pumasok sa pinto.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino siya. Sh*t! Anong ginagawa niya dito?
Bakit siya nandito?
"Nicole!" Masayang sambit ng mga ka-grupo ko at napatingin naman ako kay Kie at Samantha na clueless kung sino siya.
"Miss me guys?" Masayang sambit niya
"Yes, kamusta ang France?" Tanong ni Jackson.
"Sa New York, 'di ba?" Tanong naman ni Jayvee.
"Haha.. Saan ka ba talaga galing?" Natatawang tanong naman ni Yohan.
"Sa France mas matagal ako doon." Sagot naman niya at tumingin sa'kin.
"Who is she?" Bulong naman ni Kie sa'kin kaya napatingin ako sa kanya
"Ahh.. She is---"
"Hindi mo ba ako iwe-welcome, Yuri? Ang tagal ko ding nawala, ah." Nakangiting sambit ni Nicole kaya nagulat ako.
"Oo, nga welcome mo naman ang bestfriend mong si Nicole." Sambit naman ni Mark at inakbayan siya.
"Ahh... Oo, nga welcome, liit." Sambit ko at ngumiti sa kanya.
"Akala ko nakalimutan mo na ko, tangkad, eh." Sambit niya at tumingin kay Kie na nakakapit sa braso ko.
Sa taranta ko ay agad kong inalis ang kamay ni Kie na nakakapit sa'kin. Gulat na napatingin sa'kin si Kie ngunit hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin. Tikom ang bibig ni Kie habang nakatingin siya sa'kin at tila ba naguguluhan.
Sh*t! Wrong move.
"Hindi mo ba ipapakilala sa'kin ang dalawang babaeng kasama niyo?" Sambit ni Nicole at lumapit sa'min. Sila Jiro naman ay lumapit din sa'min.
"Ahh... This is Kieseyah... My wife," Sambit ko at inakbayan si Kie.
I saw pain in Nicole's eyes kaya agad ko din tinanggal ang pakaka-akbay ko kay Kie.
"Hi," nahihiyang sambit ni Kie at nginitian siya.
"And this is Samantha," sambit ko at tinuro si Samantha na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Nicole.
"Hi, Nicole." Mahinang sambit ni Samantha.
"Hi! Nice to meet you, guys." Sambit ni Nicole at tinalikuran na kami.
"By the way, meron pala akong dalang mga pagkain sa inyong lahat. Lunch na kasi alam kong gutom na kayo." Sambit niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Tara na Kie. Tumulong tayo sa kanila." Sambit ni Samantha kay Kie. Agad namang tumango si Kie at nagpaalam sa'kin.
Nang busy na ang lahat ay hinila ko si Nicole palabas ng training room. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Saka okay na ba siya?
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"Dinalhan ka ng pagkain dahil hindi ka nakapagbreakfast kanina." Sagot niya sa'kin saka ngumiti.
"Pero sana sinabihan mo ko," pabulong kong sambit sa kanya.
"I'm sorry, okay? Nag-alala lang ako kasi hindi ka pa kumakain," sambit niya at lumungkot ang expression ng mukha niya kaya agad akong na konsensya.
"Fine. I'm sorry din." Sambit ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"By the way, your wife is pretty and seem nice pero mas maganda kung ako 'yong nasa pwesto niya." Sambit niya at tumingin sa'kin. Malungkot na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"Don't dare to fall inlove with her, Yuri. Naagaw ka na niya sa'kin sa papel bilang mag-asawa kaya hindi na ako papayag na pati dyan sa puso mo ay maagaw ka niya sa'kin." Sambit niya at tinuro pa ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko.
Napatingin naman ako sa kaliwa't kanan ko, nang masigurado akong walang tao ay mabilis ko siyang ninakawan ng halik sa kanyang labi.
"It will never happen. Trust me," sambit ko sa kanya at tinitigan siya ng diretso sa mata upang iparamdam sa kanya na totoo ang mga sinasabi ko.
"Sa'yo may tiwala ako, Yuri..." Saglit siyang napatigil at ngumuso bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pero sa babaeng iyon ay wala akong tiwala." Seryosong sambit niya habang nakakunotang noo.
Natawa ako dahil sa reaction niya. Minsan lang kasi siya maging sweet at ang cute niya. Halos magdikit na din ang kilat niya but Kieseyah is much better with it.
"What are you laughing at? I'm serious," nagtatampong na sambit niya.
"I know baby and you're jealous," Sambit ko sa kanya at nginitian siyang muli.
"Sino ba naman kasi ang hindi magseselos, di ba? Kasal na kayong dalawa. Peke man o totoo iyon ay para sa ibang tayo ay legal kayong kinasal. Inshort, third party na ako dito. Isa na akong kabet," sambit niya sa inis na tono.
"Two years lang naman ang titiisin natin and we're free. Trust me nasa magkahiwalay kaming kwarto and kapag nandyan lang ang parents namin saka lang kami nagihing sweet sa isa't-isa," sambit ko sa kanya.
"Sure? Promise?" Tanong niya.
"Oo, sure. Promise. Sa'yo lang ako." Sambit ko sa kanya na ikinangiti niya.