Chapter 23:

Yuri's Point of View:

Mabilis natapos ang tatlong araw at kasalukuyan na kaming pababa sa eroplano ngayon. Nang makarating kami sa van na gagamitin namin papunta sa Sync Entertainment ay kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Kieseyah na nakabalik na ako. Hindi pa man ako nakakapag-type mg message ng may matanggap ang akong mensahe mula kay Nicole.

From: Liit

Come here in our favorite place nasa rooftop ako. Please we need to talk.

I wanted to ignore her pero nagtext siyang muli.

From: Liit

'Come here or tatalon ako.'

Dahil sa text niyang iyon ay pumunta na ko sa rooftop. Wala pang 30 minutes ay nakarating na ako at nakita ko siyang nakatayo doon sa railings kaya lumapit ako. Kinabahan ako na baka gawin niya talaga ang sinabi niya sa text kaya hinila ko siya at napayakap siya sa'kin.

"Akala ko hindi ka na darating," umiiyak na sambit niya.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya at hindi maiwasang mag-alala.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na hindi ko papayagang agawin ka sa'kin ng babaeng iyon." Galit na sambit niya.

"Pero paano ang pangarap mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ang pagmo-model? Kaya kong bitawan iyon pero ang mawala ka ay hindi ko kaya. Walang saysay kung maabot ko iyon ngunit mawawala sa'kin ang taong mahal ko. You're my world, Yuri. Alam mo iyan," sambit niya at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa kanyang mata

Masakit para sa'kin ang makita siyang umiiyak. Yes, I love her. I really do but may nabubuo na rin akong feelings para kay Kie.

'What will I do?'

"You don't love her, right?" Tanong niya sa'kin. Saglitakong napatitig sa kanya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"A-Answer me. Yuri." Sambit niya at tuluyan ng umiyak.

"Stop crying. I love you," sambit ko at niyakap siya.

"I know. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo," sambit niya at hinalikan ako sa labi.

"I miss you," sambit niya pang muli ng maghiwalay ang mga labi namin.

"I miss you, too." Nag-aalangan kong sagot sa kanya dahil nagsisimula na akong maguluhan sa nararamdaman ko.

I'm confuse. I don't know what should I do.

My mind says that, this is wrong dahil kahit kontrata lang ang namamagitan sa'min ni Kieseyah ay kasal pa rin ako sa kanya.

My heart says that, this is right dahil siya talaga ang babaeng mahal ko. Kung hindi dahil kay Kieseyah ay okay pa sana kaming dalawa at sana hindi pa ako kasal.

"Tara na at ihahatid na kita sa Hotel mo." Sambit ko at hinawakan ang kamay niya.

Ngumiti siya sa'kin at hinawakan din ang kamay ko. Hawak kamay kami hanggang sa makarating kami sa hotel niya. Hinintay ko lang siya hanggang sa makatulog siya bago ako umalis.

-

Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa'kin ang sandamakmak na message ni Kieseyah.

'Nasaan ka na, Yuri?'

'Nandito na ang mga kaibigan mo pero bakit wala ka pa?'

'Yuri?'

'I miss you, Yuri.'

I don't know what to feel naguguluhan na ako. Sinagot ko ang tawag ng makita ko ang pangalan ni Kieseyah sa screen.

"Finally, sumagot ka din." sambit niya at napangiti ako ng ma-visualize ko sa isip ko na nakanguso na naman siya.

"Huwag ka ng ngumuso dyan. Sorry na nalowbat kasi ako." Pagsi-sinungaling ko sa kanya.

"Are you sure?" Tanong niya niya sa'kin.

"Yes, may pasalubong ako pag-uwi ko." Sambit ko sa kanya at narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

I'm sorry, Kieseyah.

-

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Kieseyah na natutulog sa sofa. Nakatulog siguro siya kakahintay sa'kin.

"Yuri," nagising siya ng ayusin ko ang pagkakahiga niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya bilang sagot.

"Ito kain tayo may dala kong roasted chicken." Sambit ko sa kanya at pinakita ko sa kanya ang hawak kong plasticbag kung nasaan ang rosted chicken.

"Saan ka ba nanggaling? Bakit ang tagal mo?" Bungad na tanong niya sa'kin sakaniya kinusot ang kanyang mga mata.

"May dinaanan lang ako. Iyong kaibigan ko kasi may pinabili sa Thailand kaya binigay ko muna sa kanya. S-sakto namang nalowbat ako kaya hindi ko nasagot ang tawag mo saka naki-charge na rin ako sa kanila." Sambit ko sa kanya at kunwari inaayos ang mga dala ko.

"Ah! Kaya pala,"

"Tara, kain na tayo baka gutom ka na." Sambit ko sa kanya at kumuha ng pinggan.

"Wah! Nabusog ako," sambit niya at hinimas pa ang tyan niya na ikinatawa ko.

"Halata nga. Halos pumutok na iyang tyan mo sa dami ng kinain mo," Nginusuan niya lang ako dahil sa sinabi ko.

"H-Hoy! Seksi pa din naman ako kahit na madami akong nakain ngayong gabi." Utal na saad niya kaya nginitian ko siya.

Tumayo ako at paupong tumalikod sa harap niya saka tinapik ko ang likod ko.

"Ano 'yan?" Tanong niya

"Piggy back ride. Dali na, sampa na." Sambit ko at pumasan naman siya sa'kin.

"Ang bigat mo. Bagay nga sa'yo ang piggy backride." Sambit ko ng natatawa sa kanya kaya hinampas niya ako ng mahina sa balikat.

"Bad. Baba mo na nga ako."

"Joke lang. Ito naman hindi mabiro," sambit ko sa kanya ng natatawa at hinatid siya sa harap ng kwarto niya.

"Good night." Sambit ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng pigilan niya ako kaya tinignan ko siya ng nagtataka.

"Ano? Ahm, gusto mo dito ka nalang matulog? Matutulog lang naman, eh. Hehe..." Awkward na sambit niya kaya natawa ako.

"Mag-aaya ka lang na matulog ako sa tabi mo hirap na hirap ka pa? At dahil dyan sige na nga." Nakangiting saad ko sa kanya at hinila na siya sa higaan niya.

-

Nagising ako ng may tumawag sa cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Bago ko tignan kung sino ang tumatawag sa cellphone ko ay napatingin ako kay Kieseyah na mahimbing na natutulog ngayon at hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang cute niyang tignan. Muling nag-ring ang cellphone ko kaya dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa'kin ni Kie, at lumabas ako ng kwarto ng makita kong si Nicole ang tumatawag sa'kin.

"Hello?"

"Help me, Yuri. It hurts." Sambit niya sa kabilang linya na parang naiiyak na.

"Why? What happen?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko alam basta pagkagising ko ang sakit-sakit na ng tyan ko." Sambit niya at rinig ko sa boses niya na nahihirapan na siya sa sitwasyon niya.

"Okay! I'll be there." Sambit ko sa kanya at pinatay ang na ang tawag.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 3 am na. Kinuha ko ang susi sa kwarto ko at umalis na ng bahay.

--

Nakarating ako sa condo unit ni Nicole.

"Nandito na ako sa tapat ng unit mo." Sambit ko sa kanya pagkasagot niya ng tawag ko.

"Same password." sambit niya ng hirap na hirap sa pagsasalita

Pinindot ko ang 120418 ang araw kung kailang naging kami pero kami lang ang nakakaalam. We keep it secret because we don't want paparazzi na umisyoso sa'ming dalawa. Pumasok na ako at dumiretso sa kwarto niya. Nakita ko siyang namimilipit sa sakit kaya agad ko siyang nilapitan.

"What happen?" I asked her.

"Ano kasi..." Parang nahihiyang sabi niya kahit na hihirapan na sa pamamaluktot.

"I have..."

"You have period today?" Tanong ko sa kanya.

"Y-Yes,"

"Hayst! Akala ko kung ano na? Wait me here, okay?" Sambit ko at lumabas ng kwarto niya. Hinanap ko iyong hot compressor niya at kumuha ng pain reliever.

"Here." Sambit ko at binigay sa kanya ang gamot. Inalalayan ko naman siyang umupo at tumabi ako sa kanya.

"Thank you," sambit niya pagkainom ng gamot.

"Welcome," sambit ko sa kanya at binigay ang hot compressor. Humiga na siya ulit at tinapik-tapik ko ang likod ng balakang niya to relieve her pain.

"Are you okay now?" Tanong ko sa kanya. I need to go back to Kieseyah.

"Why?" She asked.

"Uuwi na ako kung okay ka na." Sambit ko at bigla siyang umupo.

"Don't leave me please. I miss you, Yuri." Sambit niya at niyakap ako.

"Hahanapin ako ni Kie." Mahinang sambit ko na narinig naman niya.

"Eh! Ano naman ngayon? You don't love her right?" Tanong nito at narinig ko ang pagpiyok niya.

"Yes, pero asawa ko pa rin siya."

I see pain in her eyes after I said those words.

"Ako sana iyon kung hindi ko inuna ang pangarap ko." Sambit niya at sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.

"Shh! Idon't want to see you cry..." Sambit ko at pinunasan ang mga luha niya saka dinikit ang noo ko sa noo niya.

"How would I? Kung ang lalaking mahal ko ay ikinasal na sa ibang babae. It's all my fault." sambit niya at humagulgol pa lalo.

"Hush! It's just two years, Liit. Then, makikipaghiwalay na ako sa kanya." sambit ko at tumingin siya sa'kin

"What do you mean two years?" She asked between her sobbed

"We made a contract na two years lang kaming magsasama and she agree with it. I love you, okay? Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan." sambit ko sa kanya.

"Really? Totoo ba talaga iyan?" Hikbing sambit niya pa din.

"Yes, kaya ngumiti ka na. Hinding-hindi kita ipagpapalit. Remember Tangkad is only for liit." Sambit ko at hinalikan siya sa labi.

"I love you." Sambit ko sa kanya.

"I love you, too." Nakangiting sambit niya sa'kin.

"Now, matulog na tayo. Hindi na ako uuwi because I miss you, too." Sambit ko at hinila siya pahiga.

"Goodnight." Sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Goodmornight," sambit ko ng nakangiti saka siya hinalikan muli sa noo.

I think I'm wrong. I'm not falling inlove with Kie. Akala ko lang siguro nahuhulog na ang loob ko sa kanya dahil lagi kaming magkasama pero hindi. She's not the one who owned my heart. I'm just confused dahil simula ng bumalik muli si Nicole nawala lahat ng nararamdaman ko para kay Kie.

My heart knows who is his real owner and that's Nicole.