Chapter 22:

Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa front seat at nilagyan ng seatbelt. Kung titignan ay para siyang anghel kung matulog. May mahahaba siyang pilik-mata at matangos na ilong. May mapulang labi na masarap halika— Tsk! Sabi ko nga magda-drive na ako pauwi dahil kung anu-anong naiisip ko.

Pagkadating sa bahay ay binuhat ko siyang muli papunta sa kanyang kwarto. Tsk! Hindi man lang nagising. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya at muling napatitig sa kanyang mukha pababa sa kanyang labi. Bahagya akong napailing-iling at humiga sa tabi niya.

Hoy! Mind huwag ka nga matutulog lang kami.

"Bakit nasa tabi kita?" Bungad niyang tanong ng magising siya at makita ako sa tabi niya.

"Kasi tumabi ako?" Patanong kong sambit sa kanya.

"Eh, bakit ka tumabi sa'kin?" Tanong niya din sa'kin.

"Kasi gusto ko. Ngayong gabi lang aalis ako bukas at three days ako doon." Sambit ko sa kanya.

"No, hindi pwede kahit three days ka doon mananatili. Hindi ka pwedeng tumabi sa'kin," Sambit niya sa'kin.

"Marupok pa naman ako pagdating sa'yo." Dugtong na bulong niya at napayakap sa sarili.

"Baliw! Ano bang kalokohan ang iniisip mo? Matutulog lang ako sa tabi mo." Sambit ko sa kanya at binato sa mukha niya ang maliit na unang na sa pagitan namin.

"Ay? Matutulog lang ba? Akala ko naman," sambit niya at umayos ng higa.

"Ikaw, ah! Anong iniisip mo dyan?" Sambit ko at ngumisi sa kanya.

"May iniisip ba ako? Wala naman, ah?" Patay malisyang sambit niya at nag-iwas ng tingin.

"Sus! Palusot pa more. Iniisip mo 'yun, ano?" Sambit ko at hinila siya palapit sa'kin. Bale naka-half hug ako sa kanya habang nakahiga kami.

"Uy! Bakit?" Gulat niyang sambit ng hindi makatingin sa'kin.

"Gawin kaya natin iyang iniisip mo? Total mag-asawa naman tayo wala ng masama doon," Sambit ko at lumapit sa mukha niya. I look at her in seductive way at nakita ko kung paano namula ang kanyang pisngi.

"L-Loko ka," namumulang sambit niya ng nauutal at napalunok pa. "Pero pwede din pala." Pagkarinig ko ng sinabi niya ay hindi ko na napigilan pa ang tawa ko.

"Tawa ka dyan? Nagsa-suggest lang, eh." Nakanguso niyang sambit sa'kin.

"Tulog na tayo. Maaga pa akong aalis bukas." Sambit ko at mabilis na hinalikan siya sa labi. Naramdaman ko naman na ngumiti siya sa pagitan ng halik namin kaya tumingin ako sa kanya.

"Sleep na," Sambit ko sa kanya at humikab.

"Ikaw na ang maunang matulog. Ikaw ang aalis bukas, eh." Sambit niya sa'kin.

"Kahit na. Matulog ka pa rin." Sambit ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Niyakap niya ako sa leeg at lumapit pa sa'kin para halikan ang tungki ng ilong ko.

"I love you, Yuri Hazlewood." Sambit niya saka pumikit na.

I know I have feelings for her now pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang mga salitang iyon. Tuwing sinasabi niya iyon ay ngini-ngitian ko lang siya at niyayakap ng mahigpit. Alam kong hinihintay niya na sabihin ko din iyon sa kanya pero hindi ko pa kaya. Gusto ko munang makasigurado.

"I think I'm falling but mas maganda kung malalaman mo iyon kapag sigurado na ako. I don't want to give you a false hope, Kie. But I think I always end up giving you a false hope." Sambit ko kay Kie na natutulog na ngayon. Hinalikan ko siyang muli sa noo bago tuluyang makatulog.

--

Kieseyah's point of view:

Naalimpungatan ako at nakita ang anghel sa tabi ko. Napangiti ako ng maramdaman na nakayakap pa rin siya sa'kin.

"Totoo na ba talaga ang mga pinapakita mo sa'kin, Yuri?"

Dahil kung hindi... Hindi ko na alam ang gagawin ko. You're my world now, Yuri.

"Ayokong dumating sa point na kung kailan handa ka na. Wala na ko sa tabi mo." Sambit ko at hinawakan ang mukha niya.

Ngunit kung totoo na talaga ang pinapakita mo. Ako na nga ata ang pinakamasayang tao sa lahat. Hindi talaga siya nakakasawang tignan.

"Madaling araw palang bakit gising ka na?" Tanong niya sa inaantok na boses na makita niya akong gising na.

"Hindi ko rin alam," sagot ko sa kanya at ngumiti.

"Matulog ka pa." Sambit niya at niyakap akong muli.

---

Nagising ako ng may maamoy akong spaghetti. Pagdilat ko ay nakita ko si Yuri na naka apron at may dalang plato na papaupo ngayon sa tabi ko.

"Breakfast in bed," sambit niya at umupo sa tabi ko.

"Luto mo?" Tanong ko habang kinukuha sa kanya ang plato.

"Syempre naman para sa'yo," Sambit niya at umupo sa tabi ko.

"Yiee, nagluto ka talaga para sa'kin?" Tanong ko sa kanya at napangiti ng malawak.

"Oo, kaya kainin mo na 'yan." Sambit niya at inayos ang buhok ko. Tinikman ko ang niluto niya at napangiti uli dahil masarap ang pagkakaluto nito parang siya. Napailing ako dahil sa isiping iyon at binigay sa kanya ang tinidor upang makakain din siya ng niluto niya.

"Saluhan mo ko." Sambit ko at sabay kaming kumain.

Napakurap ako ng subuan niya ako ng pagkain. Saglitan ko siyang tinitigan at napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay nagiging sweet siya sa'kin at nag-eeffort na mag-work ang relationship namin. Masaya sa pakiramdam na nakikita kong may progress sa pagitan naming dalawa... Na meron na akong puwang sa puso niya at mayroon ng patutunguhan ang relasyon namin na ito. May pundasyon nang nabubuo sa pagitan namin. Sana magtuloy-tuloy na ito hanggang sa tuluyan na akong makadiretso sa puso niya.

"Bakit ka ganyan ngayon?" Hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

Pwera kasi sa pagiging masaya na ganto siya sa'kin ngayon ay natatakot din ako. Sobra akong natatakot na baka palabas lang ito... Na baka pinipilit niya lang ipakita sa'kin dahil gusto ko iyon... Na baka kapag natapos na ang kontrata namin ay bigla nalang siyang mawala tapos sabihin niya sa'kin na ginawa lang niya lang iyon dahil ginampanan niya lang ang pagiging asawa niya. Natatakot ako na baka iyon ang dahilan at baka wala talagang nabubuong pagmamahal sa pagitan naming dalawa. Na baka... Baka ako lang talaga ang nagmamahal sa'min ng sobra...

"Bakit? Ano ba ako ngayon?" Takhang tanong niya.

"Ang sweet mo kasi nakakapanibago. Hindi ka naman ganyan, Yuri." Sambit ko sa kanya at hindi ko maiwasang titigan siya sa kanyang mga mata.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya at sinalubong ang aking mga tingin.

"Hindi sa ganoon. Natatakot lang ako, Yuri." Sambit ko at umiling-iling pa.

"Hayaan mo na ako baka magbago pa isip ko," sambit niya at ginulo ang buhok ko.

Baka magbago pa ang isip niya? Tinitigan ko siya saglit saka pilit na ngumiti. Dahil alam ko na ang sagot... Alam kong ginagawa niya lang ito dahil nais niya lang magwork ang pagsasama namin hanggang sa matapos ang kontrata.

Ano pa bang aasahan mo, Kieseyah? Bakit umaasa ka pa?

"Bilisan mo na. Gusto kong sumama sa airport para makasama sa paghatid sa'yo sa eroplano " Sambit ko para maiba ang usapan. Tumango siya bilang sagot sa'kin at naggayak na.

---

Kalahating oras din ang lumipas bago kami nakarating sa airport. Nakita namin ni Yuri na nandoon na sila Baymin at Jiro na naghihintay sa kanila.

"Hi, guys!" Masayang bati ni Baymin sa'min at nakipag-apir pa.

"Yo! Where's Jayvee? Akala ko kasama siya sa flight natin?" Tanong ni Yuri kay Baymin at tumingin pa kay Jiro.

Ngumiwi lang si Baymin sabay turo sa gilid niya kaya sabay kaming napatingin ni Jiro. Nakita namin si Jayvee at Glyren na magkayakap sa gilid habang nagpapaalam sa isa't-isa.

"Bye, Kungju." Sambit ni Jayvee.

"Huwag lalandi Jayvee, ha?" Sambit ni Glyren sa kanyang kasintahan.

"Don't worry Kungju. Your wangja is only for you."

Yuck! Cringe.

"Bye, Ate Kieseyah." Sambit naman ni Baymin sa'kin na ikinakunot ng noo ko.

"Maka-ate ito. Hoy! Magka-age lang tayong dalawa, 'no." Sambit ko sa kanya at inirapan siya.

"Ay, sorry na." Sambit niya at natawa kaya muli ko siyang inirapan.

"Bye, palaka." Sambit naman ni Yohan kaya tinignan ko siya ng masama. Yayakap nga sana siya sa'kin kaso hinila siya ni Yuri papalayo sa'kin.

"Nagba-bye ka na. Ayos na 'yan huwag ka ng yumakap pa," kunot-noong sambit ni Yuri sa kanya at niyakap ako. Napatawa naman ako dahil sa ginawa niya. Tsk! Yayakap lang si Yohan, eh.

"Damot naman. Tsk! Dami naman hindi ka ganyan," naiiling na sambit ni Yohan na nagpakilig sa'kin.

"Bye na, baby. Mag-ingat ka dito, ah." Sambit naman ni Yuri at hindi pinansin si Yohan na ngayon ay inaakmaan siyang babatuhin ng bag.

Tsk! Parang mga bata.

"Ikaw din. Maraming maganda doon baka..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil alam ko namang kontrata lang ang namamagitan sa'min.

"Don't worry, sa'yo lang ako." Sambit niya at hinalikan ako sa pisnge na ikinapula ng pisngi ko. Saglitan din akong kinilig dahil sa sinabi niya.

"Bye. Ingat ha," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Don't worry akong bahala sa mga bebe niyo. Magiging taga-sumbong niyo ako ng 24/7 basta bigyan niyo ako ng sweldo." Sambit naman ni Samantha ng natatawa.

"Ayon naman pala may bantay kami, Kungju." Sambit naman ni Jayvee.

"Sige na doon na kami. Tinatawag na ang flight namin." Dugtong niya pa at nagwave sa'min ni Ren. Nagwave rin ako pabalik sa kanila.

Sa pagbabalik mo kaya Yuri ay mahal mo na rin ako? Ako na kaya ang nasa puso mo?