Chapter 21:
Hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng practice studio ng Sync Entertainment. Alam naman ng mga staff dito na siya ang asawa ko and if there's a rumor na kakalat about sa'min I will confirm it. Alam naman na ni Jackson ang gagawin. Napatingin ako kay Kie na nakatingin ngayon sa magkahawak namin na kamay at napangiti.
"Your late, Yuri." Bungad sa'kin ni Mark pagkapasok namin.
"Oww, mukhang may something na naganap kaya ka nalate." Nakangising sambit ni Jayvee at nakatitig sa kamay naming magkahawak.
"Mga loko!" Natatawa kong sambit.
"Kie, practice muna kami." Sambit ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
-
Kieseyah's Point of View:
Focus na focus ako sa pagsasayaw ni Yuri ng bigla nalang magpop-out sa utak ko iyong kiss namin kanina. Waah! Mabura ka sa isip ko. Mygosh!
"Hoy? Anong nangyayari sa'yo mukha kang tangang nakangiti dyan?" Tanong ni Samantha sa'kin
"W-Wala," utal na sambit ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi i-kwento sa kanya.
"May nangyari bago kayo pumunta dito, 'no?" Namula ako ng maalala ko iyon.
"Huwag mo i-deny namumula ka, oh?" Sambit ni Samantha at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
Nakakainis naman. Bakit ba hindi ako makamove on sa nangyari kanina? Kinikilig pa din ako hanggang ngayon.
Napatingin ako kay Yuri at saktong nakatingin din siya sa'kin at kinindatan ako. Gosh! Ang puso ko hulog na hulog na. Waah! I smile back na lalo niyang ikinangiti.
"Mag-kwento ka!" Sigaw ni Samantha kaya naagaw ang atensyon nila.
"Shh! Ang ingay mo naman. Oo na magku-kwento na."
Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina pati na sa kiss namin ni Yuri. Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil napatingin sa'min ang mga empleyado pati na sila Yuri at Jiro.
"Shh! Sasabunutan talaga kita," sambit ko sa kanya
--
Yuri's Point of view:
Hapon na ng matapos kami sa praktis para sa showcase event. Tinawagan ko ang cellphone ni Kieseyah. Namasyal kasi sila ni Samantha pinayagan ko na dahil baka mainip lang siya kakahintay sa'kin. Bukas na kasi gaganapin ang showcase event namin kaya todo praktis kami ngayong araw. Tinawagan ko ang cellphone niya at ilang ring lang ay sumagot na rin siya.
"Yuri!" Masayang sambit niya mula sa kabilang linya.
"Where are you?" Tanong ko sa kanya
"Sa mall malapit lang din dyan."
"Good. Pupuntahan kita riyan magbibihis lang ako."
"Sige. Papunta na kami ngayon sa resto para kumain. Doon ka nalang namin hihintayin," sambit niya at maririnig mo ang masayang himig sa kanyang boses.
"Sige, sige." Sambit ko at pipindutin na sana ang end button ng magsalita siyang muli.
"Ingat, Yuri. I love you," sambit niya bago i-end call. Saglitan akong napatulala at napakurap-kurap pa ng biglang magsalita si Jayvee sa tabi ko.
"Nasaan daw sila?" Tanong ni Jayvee habang inaayos ang hawak niyang camera.
"Sa mall daw malapit dito," sagot ko sa kanya saka inilagay sa bulsa ko ang cellphone.
"Okay," sambit niya at inayos ang mga gamit niya.
"So, bakit ka nga nalate?" Biglang tanong ni Jackson at ngumiti ng nakakaloko.
"Wala ka na doon," sambit ko sa kanya na lalo niyang ikinangisi.
Jackson is our CEO. Isa siya sa mga taong masaya makasalamuha off work dahil madali siyang pakisamahan but when it comes in work, ang trabaho ay trabaho. Sometimes he can be the center of attention to attract more viewers. Kahit saan mo siya ilagay o isama ay makukuha niya talaga ang loob mo. Isa iyon sa mga gusto namin sa kanya.
"Huwag mo na kasi tanungin. Simple lang ang sagot dyan, syempre naglandian sila." sambit naman ni Baymin na ngayon ay nagsusuot ng headset. Napaka-bitter talaga ng lalaking ito.
"Nakita mo ba ang mga titigan nila kanina? Grabe parang glue na hindi maialis ang paningin nila sa isa't-isa." Sambit naman ni Jiro with matching-action pa sa kamay. Napailing-iling na lang ako sa kanila at namula ng maalala ang nangyari kaninang umaga.
"Hala! Do you see that guys? Yuri smile like an idiot at namumula pa." Gulat na sambit ni Jiro at napatakip pa sa bibig.
"Hala? Oo nga," sambit naman ni Yohan at napatakip din sa bibig niya.
"Ewan ko sa inyo para kayong t*nga," sambit ko at naglakad na palabas.
"Saan ka pupunta?" Tanong nila.
"Sa asawa ko!" Sambit ko at nagwave na ng kamay.
"Ayon, oh! Dati ayaw na ayaw malapit kay Kie ngayon naman mukhang ayaw ng humiwalay sa kanya." Hindi makapaniwalang sambit ni Jiro at ngumiti.
"Omg! Kinain na ni Yuri ang kinain niyang hindi niya magugustuhan si Kie. Isa na din siya sa mga alagad ni Jayvee." Sambit ni Baymin na para bang hindi makapaniwala.
"Huwag kang mag-alala sa susunod ay magiging alagad na din kita." Sambit ni Jayvee at ngumiwi lang si Baymin sa kanya.
"Yuck! No!" Sambit ni Baymin at pinag-cross ang daliri niya.
"Tsk! Basta ako lalayas na para puntahan ang asawa ko. Bahala kayo magbangayan diyan." Sambit ko at dumiretso na ng pintuan.
Narinig ko namang nag-ayiee sila pwera kay Baymin na nag-'Eww'. Mga baliw talaga.
--
Sinuot ko ang hood at salamin ko bago ako bumaba ng sasakyan para wala gaanong makakilala sa'kin. Nakita ko na kung saang restaurant sila Kie pumunta. Naglalakad na ako papunta doon ng may tumawag sa'kin kaya kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko.
'Unregistered number'
Napakunot ang noo ko ng mabasa ito, pero dahil baka importante ay sinagot ko ito.
"Hello?"
"Hello?" Pag-uulit ko dahil wala akong naririnig na nagsasalita mula sa kabilang linya.
"Who's this? Kung balak mong mang-prank maghanap ka ng ibang mapagti-tripan mo." Inis na sambit ko at papatayin na sana ang tawag ng may magsalita sa kabilang linya.
"Paano mo nagagawang tumawa matapos mo akong biglang iwan?"
Napahinto ako sa paglalakad ng dahil sa boses na iyon at gulat na napatingin sa screen. Natuod ako sa kinatatayuan ko ng marealize ko kung kanino ang boses na iyon. Sinabi niya iyon sa pagitan ng mga hikbi niya. Hindi ako maaaring magkamali that voice is...
"Nicole..." Mahinang sambit ko.
"Ayokong maagaw ka niya sa'kin ng gano'n lang kadali, Yuri. Kaya kong iwan ang lahat pero ang mawala ka hindi! Hindi ako papayag na maagaw ka niya sa'kin." Sambit niya ng umiiyak at natapos ang tawag.
Saglit akong nakalimot tungkol sa kanya. Napatingin ako ngayon sa pwesto nila Kie na ngayon ay kumakaway na. Nagbigay ako sa kanya ng tipid na ngiti at kumaway. Sinikap kong umakto ng normal saka lumapit sa kanila.
"Dito ka maupo," Sambit ni Kie at inurong ang bakanteng upuan sa tabi niya.
"Hoy! Yuri. Tulala ka?" Sambit ni Samantha at kumaway pa sa harap ko kaya napakurap-kurap ako.
"Sorry pagod lang,” sambit ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Bakit gano'n? Saglit ko lang nakausap si Nicole pero sapat na iyon para maguluhan ako sa nararamdaman ko. Sapat na iyon para bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya na akala ko ay nakalimutan ko na.
"You look good together," sambit ni Samantha na nakakuha ng atensyon ko.
"Really?" Nakangiting sambit ko at inakbayan si Kie na namumula na ngayon. Tumango siya bilang sagot at ngumiti.
"Ang laki naman ng sinubo mo," nakangusong reklamo ni Kie ng malunok niya ang isinubo kong pagkain sa kanya.
"Kakainggit sana nandito din ang Jayvee ko," sambit naman ni Glyren saka nagpalumbaba. Napangiti nalang ako dahil hindi niya alam na kanina pa nasa likod niya si Jayvee na tinitignan siya mula pa kanina.
"Asus! Namiss niya ko," sambit ni Jayvee kaya napalingon siya sa likod at nakita siya.
"Ang cute mo talaga pag nagugulat," tatawa-tawang sambit ni Jayvee at tumabi kay Glyren.
"Argh! Tell me why am I here? Kayo na may jowa," bitter na sambit ni Samantha at pinagtawanan namin siya dahil pinagpupunit niya ang tissue na hawak niya dahil sa pagkainis niya.
"Pinsan, ikaw na kasi ang dumamoves kay Jiro. Araw-araw kayong magkasama tapos hindi ka makascore?" Natatawang sambit ni Glyren na ikinapula ng mukha ni Samantha.
"He likes Jiro?" Gulat na tanong ko sa kanila.
"Idol niya si Jiro. Crush na crush niya kaya iyon. Kung alam mo lang ang ginawa niya ng malaman niyang magiging personal assistant na siya ni Jiro." Pigil-tawang sambit ni Glyren.
"Bakit ano bang ginawa niya?" Curious na tanong ko sa kanila
"Ginawa lang naman niya ay nagpagu— “
"Wala. Wala akong ginawa." Tarantang sambit ni Samantha at sinubuan ng buong brownies si Kieseyah na ikinagulat ko. Ang laki no'n at pinilit niyang isubo kay Kie.
"Huwag mo namang ganyanin ang asawa ko," reklamo ko at pinigilan siya sa pagsubo ng brownies sa bunganga ni Kie. Kinuha ko ang brownies sa bibig ni Kie saka ito binigyan tubig. Hinimas ko din ng dahan-dahan ang likod niya saka ito tinapik-tapik dahil nabulunan siya.
"Salbahe!" Sambit ni Kie at tinignan siya ng masama.
"Nagpagulong-gulong daw ‘yan sa bahay nila at nagtitili," sambit ni Jayvee na ikinasimangot ni Samantha kaya natawa si Jayvee at tinuro si Glyren.
"I'm sleepy," bulong ni Kieseyah sa'kin at sumandal sa balikat ko. Hindi naman siya kumain, eh. Tanging ang brownies lang na isinubo ni Samantha ang nakain niya.
"Daya! Nakakahiya! Sinabi mo talaga kay Jayvee?! I feel betrayed!" Hindi makapaniwalang sambit ni Samantha at ngumuso.
"Sorry na. I love you pinsan!" Sambit ni Glyren ng tumatawa na ikinairap ng pinsan niya.
"I hate you all. Pinagkakaisahan niyo ako porke’t wala akong kakampi. Hmp!" Sambit niya at tinusok-tusok ang walang kamalay-malay na pagkain.
"Shhh! someone is sleeping," napalingon naman ako kay Glyren at nakitang nakaturo siya kay Kie.
"Napagod ata ang bruha kaka-ikot rito," sambit ni Samantha at uminom ng tubig.
Nagpaalam na ako sa kanila at binuhat si Kie na kasalukuyang tulog pa din. Mahirap kasi gisingin ang babaeng ito kung kaya't hindi na ako nag-abalang gisingin pa siya.