Chapter12:
Kunot-noo akong napatingin kay Dad. Ano na naman bang kalokihan ang naiisip ni Dad? I have this feeling na hindi ko na naman magugustuhan ang sasabihan niya.
"Magkasama kayong magta-trabaho sa kompanya natin, Yuri. Iyon ang way para mapalapit kayo sa isa't-isa. Two months lang naman hanggang sa kaya ko na ulit magtrabaho," paliwanag ni Dad sa'min.
"What? Ikakasal na nga ako sa Sasaeng na ito tapos pagsasamahin niyo pa kami sa trabaho? Dad naman," pagrereklamo ko sa kanya at sinamaan ng tingin si Sasaeng.
"Shut up! Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Starting tomorrow she will be your secretary," sambit ni Dad na siyang ikinatahimik ko dahil sa biglang pagsigaw niya.
"How about your secretary?" Tanong ko naman.
"She will assist Miss Lxeno for your work kapag kaya na niya pagbabakasyunin ko na muna ang secretary ko," sagot ni Dad. Napalingon naman ako kay Sasaeng at kitang-kita ko na tuwang-tuwa siya sa sinabi ni Dad.
"Tsk! Anong nginingiti-ngiti mo dyang Sasaeng ka?" Angil ko sa kanya.
"Pake mo at saka hindi ako sasaeng. Don't call sasaeng because I have my name it's Kie-se-yah. Kieseyah, not sasaeng!" sambit niya sa'kin at umirap pa.
"Whatever!" sambit ko naman kanya.
"Magtigil nga kayong dalawa." Paninita ni Mom sa'ming dalawa.
"Sorry po, Tita." Paghinging paumanhin naman ni Sasaeng kay Mom.
"Lakas, ah! Tita na agad tawag kay Mom." Pabulong kong sambit na hindi nakatakas sa pandinig ni Mom.
"Yuri!"
"S-Sorry Mom." sambit ko at iniwasan ang masamang tingin nito sa'kin.
"Basta starting tomorrow magkasama na kayong magtatrabaho at please lang huwag kayong mag-aaway. Hindi na kayo mga bata." sambit ni Dad na naiiling pa sa'ming dalawa.
"Mukhang malabo ata 'yan, Tito. Mainit ang dugo ng future husband ko sa'kin, eh!" sambit ni Sasaeng at nginisian ako.
Tsk! Ang pangit pakinggan kapag siya ang nagsasabi ng 'future husband'. PWE!
"Papa-obserbahan ko kayong dalawa kaya malalaman ko lahat ng kilos niyo kaya umayos kayo," sambit ni Dad at napalunok naman ako. Ang malas naman!
---
Kieseyah's Point Of View:
Maaga akong nagising at natuwa ako dahil naunahan ko pa ang alarm clock ko.
"Goodmorning alarm clock naunahan kita para sa araw na ito. Yieee!" sambit ko at tumayo na.
"Goodmorning nature!" sambit ko at binuksan ang bintana.
"Goodmorning, Manong hardinero!" Sigaw ko ng makita ang hardinero namin na hindi ko naman alam ang pangalan.
"Good morning din ho! Sa inyo ma'am." Bati niya din sa'kin pabalik at yumuko pa.
Para akong t*ngang kumakanta habang papalabas ako sa kwarto ko. Tumatalon-talon pa nga ako na parang bata.
"Ang ganda ata ng gising ng unica iha ko ngayong araw?" Bungad sa'kin ni Mom at ako naman ay ngumiti ng malapad sa kanya saka sya hinalikan sa pisnge.
"Siyempre naman, Mom. Sino bang hindi gaganda ang araw kung simula sa araw na ito araw-araw ko ng makakasama sa trabaho ang taong dati ay pinapangarap ko lang."
"Sabagay tama ka riyan anak," matapos sabihin ni Mom iyon ay nilagyan niya ang pinggan ko ng fried rice saka bacon bago ibigay sa'kin ang orange juice.
"How come kapag magkasama na kami sa iisang bahay. Kyah!" kinikilig na sambit ko at napapailing na lang si Mom.
"Naku! Anak kumain ka na nga at baka lamunin ka na ng imahinasyon mo malate ka pa ngayong araw." Naiiling na sambit ni Mom.
Masaya akong kumain at ninamnam ang bawat subo ko. Finally, I can reach Yuri Hazlewood and I will do anything para maging feeling is mutual. Kailangan bago tayo ikasal mayroon na akong puwang sa puso mo para konting kembot nalang hindi ka na maagaw ng iba. Yiee! I'm so bright! talaga.
-
Sakto lang ang dating ko sa Hazlewood restaurant dahil nakita ko na si Yuri na papasok nasa loob kaya nagmamadaling naglakad na rin ako papalapit sa kanya. Sa sobrang pagka-excite ko ay nadulas ako. Napalingon naman sa'kin si Yuri akala ko nga ay sasaluhin niya ako pero tinignan niya lang ako hanggang sa masaldak ako. Ang sakit ng pwet ko, Huhu!
"Stupid." sambit niya habang kunot-noong nakatingin sa'kin.
"Bakit hindi mo ko sinalo?" Inis kong tanong sa kanya at hinimas ng pwet ko.
"Malay ko ba sa'yo kung trip mo maglinis ng sahig," sambit niya at tinalikuran ako.
Ang mga bodyguard naman niya ay tinulungan akong tumayo. Napahawak naman ako muli sa pwet ko. Ang sakit talaga, wala na ngang pwet nagkagano'n pa. Binilisan ko naman ang hakbang ko para maabutan ko siya.
"Goodmorning..." Bati ko sa kanya at nagpa-cute pa. Tinignan niya lang ako saka pinindot ang button sa elevator.
"Yah! Kapag binati kita dapat bumati ka din pabalik." sambit ko at sumunod sa kanya sa loob ng elevator.
"Ahh, ganoon ba?"
"Oo,"
"Edi, Morning!" Bored niyang sambit.
"Eh! Bakit walang good?" Tanong ko sa kanya kasabay ng pagbukas ng elevator.
"Sino ba naman ang gaganda ang umaga kung makakasama mo taong napakadaldal at ayaw tumahimik mula pa kanina? Higit sa lahat ay ikakasal sa'yo kahit hindi mo naman talaga mahal." sambit niya at lumabas na sa elevator.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nakaramdam din ako ng kirot pero totoo naman kaya isinawalang bahala ko nalang ang nararamdaman ko.
"Miss Lxeno?" Napatingin ako sa tumawag sa'kin at nakita ko ang isang matandang babae.
"Y-Yes?"
"Tara na po sa loob ng opisina ni Sir Yuri."
"Ah.. Sige," sambit ko at lumabas na sa elevator napansin ko din na pindot-pindot niya yung button para hindi magsara ang pinto nito.
Gaano na ba ako katagal doon sa loob ng elevator? Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si Yuri na nakaupo na sa pwesto niya.
"Saan po ako?" Tanong ko doon sa babae.
"Edi sa labas kung saan siya naka-pwesto," sambit naman ni Yuri.
"No, dito daw po siya sa loob sabi ni Chairman." sambit nito at tinuro ang mesa na malapit sa pintuan. Napatingin ako doon at ang cute, green lahat. Sinunod ni Tita ang request kong kulay.
"No! Paano ako makakapagtrabaho ng maayos kung nandyan siya?" sambit ni Yuri kaya napalingon ako at talagang nakaturo pa siya sa'kin. Hate na hate ako gano'n? Awts lang!
"As if guguluhin kita dyan ka at doon ako. Ang layo ko kaya sa'yo." Ang arte-arte kung hindi ko lang mahal itong lalaking 'to sasapakin ko ito, eh.
"Kahit na ayokong kasama ka." sambit niya ng may diin bawat salita at naka-exis pa ang daliri.
"Arte mo."
"Pag-umangal si Yuri sabihin mo lang sa'kin para maka-usap ko si Sir Jackson na i-cancel lahat ng activity niya o kaya bawasan pwede din na kuhanin ko lahat ng gamit niya at i-freeze lahat ng card niya." Sabay kaming napatingin sa secretary ng Dad niya.
Ay, wow lang. Napatingin muli ako kay Yuri na nakasimangot na at naka-kunot ang noo. Why so cute Bebe loves?
"Aangal pa po ba kayo o tatawagan ko nalang po si Chairman?" Tanong niya kay Yuri na siyang ikinasimangot nito.
"No. You can leave now and you Sasaeng go to your desk," sambit niya at umupo na muli.
Lumabas na ang secretary ng Dad niya pero ako ay nakatayo pa din sa harapan niya. Bakit ko siya susundin hindi naman Sasaeng ang pangalan ko. Tsk.
"Anong tinatayo-tayo mo dyan? Doon ka na sa pwesto mo," sambit niya at nagsuot ng salamin sa mata. Napalunok ako dahil lalo siyang naging gwapo sa salamin na suot niya. Napailing na lang ako dahil sa naiisip ko.
"Why would I? Hindi naman Sasaeng ang pangalan ko. Call me in my name and I will follow your order," sambit ko sa kanya at nag-cross arms pa. Pa-strong ako kunwari hindi naa-apektuhan sa kaseksihan ni Yuri in his bossy outfit.
"Fine. What's your name again?" Tanong niya at napahilot pa sa sintido niya.
"What? Kagabi ko lang sinabi ang pangalan ko kinalimutan mo na agad?" sambit ko at inis na tumingin sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago sumagot.
"Bakit importante ka ba para tandaan?"
"Peste!" Hindi ko napigilang sabihin dahil sa inis ko.
"What?"
"Wala. My name is Kieseyah Lxeno, Sir!" Inis kong sambit at padabog na pumunta sa pwesto ko.
Kaya mo yan, Kie. Ang importante magkasama kayo. Mamatay lahat sa inggit ang mga fans na makakaalam nito.
"Kieseyah!"
"Oh! Ano may sunog saan banda? Bakit? Bakit?" Tanong ko ng magulat ako ng may sumigaw.
"Walang sunog! Jusme! Kanina pa kita tinatawag tulog ka naman pala. Anong klaseng sekretarya ka." Galit na sambit niya sa harap ko.
"I'm sorry," sambit ko ng nakatungo.
"Ito dalhin mo sa accounting office," sambit niya at tinalikuran ako pasalamat ka at ang sexy mo pa din kahit galit ka. Tsk!
Kinuha ko ang folder na hawak niya saka lumabas na ng opisina nya. Bakit ba kasi ako nakatulog? Hays! Nasa loob na ako ng elevator ng marinig ko ang dalawang empleyado na nagchi-chismisan.
"Alam mo ba ang balitang kumakalat ngayon na confirm na daw na magme-merge ang dalawang kompanya na Hazlefood at Lxeno." sambit ni Employee #1.
"Ang balita ko pa nga ay ikakasal na daw si Sir Yuri doon sa anak ng CEO ng Lxeno Company. Paniguradong magiging magarbo ang selebrasyon niyan at magiging maingay sa buong bansa ang balitang iyan."
"Sinabi mo pa," sambit nito at lumabas na sila ng elevator. Mga chismosa.
Nang makarating na ako sa first floor ay agad na akong pumunta sa accounting office para ibigay ang mga documentong pinadadala ni Yuri. Kumunot naman ang noo ko ng makita ang Unregistered number na tumatawag sa'kin.
'Unknown Caller'
'Yes? Who is this?'
'It's Yuri ang bagal mo bilisan mo dyan baka namamasyal ka pa!'
'Uy, paano mo nalaman number ko? Ayiee. Stalker!'
'Asa ka! Kinuha ko sa resume mo ang number mo.'
'Ay! Akala ko pa naman...'
'Tsk! Bago ka umakyat i-order mo muna ako ng cappuccino.'
'Aye! Aye! Mr. —' Hindi pa ako tapos magsalita ng babaan niya ako ng telepono.
Nakakainis hindi man lang ako pinatapos magsalita ng lalaking iyon.
-