Chapter 11:
Nasa private room na ngayon si Dad at hinihintay nalang namin siyang magising.
"Saan ka ba nagpunta, Yuri? Namiss ka namin." sambit ni Yohan at inakbayan ako.
"Basta. Nag-isip lang. Hindi ko naman alam na magkakaganto."
"So, what's your plan?" Tanong naman ni Mark sa'kin.
"I don't know. Tanging naiisip ko lang ngayon ay ang recovery ni Dad." sambit ko sa kanila.
"Kailangan mo ng makapagdecide dahil once na magising iyang si Tito. Iyon agad ang ibubungad niyang tanong sa'yo." sambit ni Jayvee at pinakatitigan ako.
"I agree." sambit naman ni Jiro at nagsipagtanguan ang iba. Napabuntong hininga naman ako.
"Ano bang gagawin niyo kung kayo ang nasa sitwasyon ko?" Tanong ko sa kanila at saka ko sila nilingon.
"I will fight for my free will." Sagot ni Mark na nakatulala.
"Susundin ko ang parents ko." sambit naman ni Jayvee at tumango-tango pa.
"Maglalayas." Matipid na sambit naman ni Jiro.
"Ako din maglalayas. I can decide on my own kahit na mahal na mahal ko ang magulang ko hindi ako papayag sa ganyan." sambit naman ni Baymin.
"I will respect my parents and the girl. Yes, hindi ko siya mahal ngayon pero kapag sa nagdaan na panahon hindi ko pa rin siya kayang mahalin uso naman ang divorce paper, Yuri. Hiwalayan na lang." sambit naman ni Jackson.
"How about you, Yohan?" Tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya at nag-isip. Inilagay niya pa ang mga palad niya sa ilalim ng baba niya at hinimas ito.
"If I were you anong gagawin ko?" Pag-uulit ni Yohan sa tanong ko.
"Yes."
"Tatanggapin ko siya tulad nga ng sabi ni Jackson maybe hindi mo siya mahal ngayon pero sa araw-araw na magkakasama kayo sa tingin mo ba hindi mo siya magagawang mahalin?" sambit niya at nilingon ako.
"I will never fall in love in that girl ni hindi ko nga siya type. Hindi rin siya pasok sa ideal girl ko." sambit ko sa kanila.
"Madalas namang hindi nasusunod ang ideal girl kapag nakuha niya ang puso at atensyon mo boom! INLOVE! That's what you call love. Tungaw!" sambit ni Yohan at binatukan ako.
"Sa love basehan lang ang ideal type pero sa oras na mainlove ka mababalewala iyan." sambit naman ni Jayvee.
"One's you fall inlove 'yun na 'yun. Hindi mo mapipigilan at hindi mo maiiwasan." Dugtong pa ni Jayvee at napangiti.
"Mga may pinanghuhugutan! Mga kalokohan niyo!" sambit ko sa kanila at binato ng mga orange.
"Akala mo talaga mga love expert!" sambit ko pa at tinawanan lang nila ako.
--
Matapos ang dalawang araw mula ng operahan si Dad ay nagising na siya. Sinabi niya din na ako muna daw ang papalit sa kanya sa work niya. Five months kasi ang binigay ng doctor na recovery time para sa kanya at hindi daw siya dapat mapagod at ma-stress kaya heto ako ngayon papunta na sa company ni Dad. This is my first day at pagsasabayin ko ang pagiging idol at CEO ng company namin.
"Goodmorning, Sir." Bati sa'kin ng secretary ni Dad.
"Morning," sambit ko at dumiretso na sa opisina. Hindi pa nag-iinit ang aking pwetan ng may kumatok sa pintuan at pumasok ang aking sekretarya.
"Sir, you have two meetings today before lunch and at three pm. May ivi-visit din po kayong lugar para tignan kung doon gaganapin ang nalalapit na event," sambit niya at tumingin sa'kin.
"Event?" I asked then looked at her.
"Yes, event po kung saan ay officially ng i-a-announce ang pagme-merge ng Hazlefood and Lxeno." Sagot niya.
"Merge?" Tanong kong muli.
"Yes po, merge between Hazlewood and Lxeno's Business." Pagpapaliwanag nitong muli sa'kin.
"I don't get it." sambit ko at napakunot pa ang aking noo.
"Maybe you should ask Mrs. H Hazlewood for further explanation hanggang doon lang po ang alam ko." sambit nito muli at yumuko bilang hinging paumanhin.
"Okay. You may go now." sambit ko at tumango siya saka umalis.
Merging Business? Baka ito na ang sinasabi ni Mom kaya ako magpapakasal sa sasaeng na iyon dahil napagdesisyunan nila ni Dad na sa ganitong paraan nila isasalba ang restaurant. Hindi ko din naman masisi ang Dad ko dahil buong buhay niya ay ginugol niya sa restaurant. Maybe he loves us and he loves his company. Susundin ko nalang siguro ang payo ng mga kaibigan ko.
---
"Come in," sambit ko ng may kumatok sa pintuan. Hindi na ako nag-abalang lingunin ito dahil sa dami ng mga papeles na nasa harapan ko.
"Ito po iyong mga kulang na supplies para sa extended building natin sa iba't-ibang lugar," sambit ng secretary at inabot ang isang folder sa'kin.
"Sige, I will leave early today dahil pupuntahan ko pa ang father ko. Just call me kung magkakaproblema dito." sambit ko at tumango naman siya. Palabas na ako ng building ng makatanggap ako ng isang text.
From: Mom
Your father will be going home now
To: Mom
Ok, Mom. Susunduin ko po kayo.
Matapos kong mag-reply kay Mom ay sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso na sa ospital kung nasaan sila.
"Hi! Mom,"
"Hello, baby." sambit ni Mom at ngumiti.
"Nasaan si Dad?"
"Dinala lang siya sa lab." Sagot ni Mom habang nilalagay sa bag ang iilang gamit ni Dad na ginamit dito sa ospital.
"Galit po ba siya sa'kin?" Tanong ko sa kanya at napakagat labi pa.
Ayoko naman na magalit sa'kin si Dad pero ayaw ko din naman ng gusto niya. Bakit ba kasi ganto ang nangyayari sa buhay ko? Nang makabalik na si Dad galing sa lab ay umuwi na din kami. Tahimik lang kaming lahat sa loob ng sasakyan at walang umiimik kahit isa sa'min.
After thirty minutes nakarating na rin kami sa bahay. Sa maids na namin pinaligpit ang mga gamit dahil pagod na rin kami.
"How's work?" Tanong ni Dad sa'kin ng makarating kami sa sala. Ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ako mula ng umalis kami sa ospital.
"Nakakapagod, Dad." Tanging sagot ko sa kanya.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Mom sa'kin. Umiling naman ako bilang sagot sa kanya.
"Dad, what's the event they are talking about?" Tanong ko kay Dad ng maalala ang pinag-usapan namin ng sekretarya niya kanina. Although alam ko na ang sagot I need to confirm it.
"Merging of Hazlewood and Lxeno Corporation." Maikling sagot ni Dad sa'kin.
"Seriously? Ikakasal talaga ko para masalba ang kompanya?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa flat tone at pinilit ngumiti. Hindi na ba talaga pwedeng magbago ang naiisip niya? Hays.
"Yes." Direktang sagot ni Dad.
"Eh! Paano kung yung naipon ko nalang sa pagiging idol ang gawin nating pangsalba?" Malay mo naman magbago isip niya.
"No at isa pa hindi pa kayo napapanganak ay napag-usapan na anak namin na ikakasal kayo sa isa't-isa." sambit ni Dad na desidido sa kanyang pasya.
Uhh... Traditional marriage sucks!
"Tuna sandwich at hot choco para sa baby ko." Nakangiting sambit ni Mom pagkalabas niya ng kusina.
"Mom naman hindi na ako baby." sambit ko at nagpout pa.
"Ay, oo nga pala hindi ka na baby. Ikaw na nga pala ang gagawa ng baby once na ikasal kayo ni K—"
"MOM!" Panunuway ko kay Mom na ikinatawa niya lang. Tsk! Nakakainis.
"You can try to love her kapag lumipas na ang panahon at hindi niyo pa rin mahal ang isa't-isa pwede kayong magdivorce." sambit ni Mom na para bang hindi mahalagang bagay ang pagpapakasal at ang divorce.
"Eh! 'Di nagsayang lang kami ng panahon, Mom." Nakangusong sambit ko sa kanya.
"Pwede din naman kayong mauwi tulad namin ng Mom mo at first we don't love each other but now hindi na kami mapaghiwalay." sambit naman ni Dad at hinawakan pa ang kamay ni Mom.
Tumahimik nalang ako. Bakit kasi hindi pa siya umuuwi? Dapat siya ang ipinaglalaban ko.
"Bakit sa Lxeno's Corporation pa tayo magme-merge bakit hindi nalang sa Leen—"
"No! Alam mo naman kung gaano ako kagalit sa pamilyang iyon! Maayos ko lang silang pinapatunguhan dahil sa business. Nakuha pa nga nila tayong lokohin at pinagbigyan ko lang sila muli tapos ngayon sasabihin mo sa'kin na makipag-merge tayo sa kanila? Are you insane?" Sigaw ni Dad pero pinipilit na kontrolin ang kanyang boses.
"But Dad you don't have an evidence para masabi 'yan. Isa pa hindi sila ang nangloko kundi ang sponsor na tinaka—"
"Please lang huwag mo ng ipilit pa," hindi ko na na sambit pa ang nais kong sabihin dahil pinandilatan na ako ng mata ni Mom.
Mahirap na baka atakihin na naman si Daddy. Bakit kasi nagkagano'n ang friendship nila ni Tito Clint? Kasalanan itong lahat ng scammer na sponsor nila. Sana siya nalang kasi. Paano ko ba siya ipaglalaban kung pamilya namin ang problema.
'Oo nga at ayos ang pakikitungo nila kay Liit pero deep inside alam kong ayaw nila sa kanila.'
Napatigil ako sa pag-iisip ng may kumatok. Lumapit si Mom sa pintuan para buksan ang pinto.
"Iha? Sa wakas nandito ka na rin." Masayang bati ni Mom sa bisitang dumating.
Napalingon naman ako sa pintuan at napasimangot. Si Sasaeng nandiyan na naman.
"Pasensya na po at hindi ako nakaabot sa ospital galing pa po kasi ako sa trabaho." Pagpapaliwanag niya. Tsk.
"Ayos lang iyon." sambit ni Mom at lumapit sa'min. Nagkatinginan naman kami at nakita ko siyang bahagyang ngumiti kaya iniwasan ko siya ng tingin.
"Good timing, Iha. Yuri is here, too. Mapag-uusapan na natin ang tungkol sa pagtatrabaho niyo." sambit ni Dad na nakapagtaas ng kilay ko.
"Po? / What do you mean, Dad?" Halos magkasabay na sambit namin ni Sasaeng.