Chapter 13:

Nang makarating ako sa coffeeshop ay agad akong pumunta sa counter para um-order ng pinabibili ni Yuri.

"One Cappuccino and one mocha please." sambit ko sa babaeng nasa counter.

"Okay Ma'am." sambit ng empleyado at inabot ko naman sa kanya ang credit card ko.

"What's your name, Miss? Tanong niya sa'kin habang hawak ang isang cup.

"It's Kie." sambit ko at sinulat niya ito sa cup na hawak niya.

"Just wait for your order, Ma'am. I will call your name once it's ready." Naghintay muna ako sa waiting area hanggang sa matanaw ko ang isang familiar na lalaki.

"Wait? Is that Jiro?" Bulong ko ng makita ang isang lalaking nakahood at may suot na salamin. Huminto naman siya sa harap ko habang sumisimsim sa cup na hawak niya.

"Hey, where's Yuri?" Tanong niya sa'kin.

"Nasa office niya." Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at hindi ko alam kung tatawa ba ako o maawa dahil nakikita ko ang eyebags sa mata niya. He looks very tired.

"Are you tired Jiro?" Tanong ko sa kanya dahil napipikit-pikit na siya.

"Medyo. Kagagaling ko lang kasi ng shooting at dumiretso ako dito dahil may sasabihin lang ako kay Yuri," sambit niya at nag-iwas ng tingin sa'kin.

"Uso kasi ang magpahinga, Jiro." sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Ms. Kie," tawag sa'kin sa counter.

Nag-excuse naman ako kay Jiro para kuhanin ang order ko doon sa counter pagkatapos ay bumalik ako sa table kung nasaan siya nakaupo. He's now sleeping habang nakapalumbaba. Pagod na pagod siya. Ito ang mahirap sa pagiging idol mapapagod ka talaga at mapupuyat.

"Jiro?" Tawag ko sa kanya. Babagsak na sana ang ulo niya sa mesa mabuti na lang at nasalo ko siya kaagad ng kamay ko. Medyo malakas ang impact ng noo niya sa kamay ko kaya nagising siya.

"S-Sorry..." sambit niya at umupo ng maayos. Napatawa naman ako ng mahina kaya napakunot ang kilay niya.

"Sorry~ Dahil gising ka na babalik na ako sa opisina ni Yuri." sambit ko at pini-pigilan na tumawa muli. Tumayo na ako para bumalik sa office ni Yuri baka kasi nanggagalaiti na iyon dahil ang tagal kong bumalik.

"Sabay ako," sambit niya at tumayo na. Sinuot niya naman muli ang sunglasses niya.

"Bakit ka nga pala naririto?" Tanong niya sa'kin.

"Dito na ako nagwo-work kasama si Yuri." Honest na sagot ko sa kanya.

"Weh?" Hindi makapaniwalang sambit niya.

"Oo nga."

"Buti hindi nagmaktol at umangal si Yuri?" Tanong ni Jiro at tumawa. Nakita ko tuloy ang linya sa gilid ng mata niya na nagpapadagdag sa kagwapuhan niya. Itong bias wrecker ko nilalandi ako unintentionally.

"What are you staring at?" Tanong niya ng mapansing naka-titig ako sa kanya.

"Nothing na starstruck lang," sambit ko at nauna ng pumasok sa elevator.

"Gwapo ko no?"

"Sige, pagbigyan ang pandang si Jiro Aemilius," sambit ko at bumungisngis.

"Hoy, anong panda?" Nakangusong sambit ni Jiro.

"May maleta ka dyan sa mga mata mo kaya panda ka. Mr. Aemilius." sambit ko at nginisian siya.

"Tsk! Panda man sa iyong paningin atleast maraming nahuhumaling kunyari ka pa deep inside ikaw ay kinikilig din." sambit niya na nagpanganga sa'kin at naunang lumabas ng elevator.

"Boom! Epekto ng puyat at pagod ni Jiro! Oh! Men, my heart is melting." Pabulong kong sambit. Potcha! Kinikilig talaga ko. Una akong pumasok sa office ni Yuri at nakitang abalang-abala siya sa ginagawa niya.

"Yow!" sambit ni Jiro na nakakuha ng atensyon ni Yuri.

"Jiro!" Masayang bati ni Yuri at nakipag-apir sa kanya. Ako naman ay naupo na sa pwesto ko at ginawa na ang ginagawa ko kanina. Minsan naman ay nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Kamusta sa Sync Entertainment?" Tanong ni Yuri kay Jiro.

"Okay lang naman kahit wala ka." Natatawang sagot nito kay Yuri na tila ba sinasabi na mas masaya sila kapag wala siya.

"Bro naman! Iyong seryoso,"

"Nagpa-practice naman kami kaso hindi makompleto dahil wala ka pa. We understand your reason so it's okay." sambit ni Jiro at tinapik ang balikat ni Yuri.

"Mabuti naman."

"Pero sabi ni Jackson dapat daw next month ay bumalik ka na dahil kailangan na nating maperfect ang cheography natin atsaka sabi din niya ay kakausapin din daw niya ang Dad mo next week para sa schedule mo." Napatango naman si Yuri ng sabihin iyon ni Jiro.

"At para na rin sa sitwasyon niyong dalawa." Napakunot ang noo ko ng mapansing nakaturo siya sa'kin. Kailangan may pagturo pang nagaganap?

"What?"

"Pag-uusapan daw nila ang tungkol sa inyo." Pag-uulit ni Jiro na ikinasimangot ni Yuri.

Hays! Nakakawalang ganang makinig kong maririnig mo at madadama na ayaw sayo ng tao. Nagheadset nalang ako at ginawa ang stock report ko. After one hour ay natapos na din ang office hour ko.

"Bye! Yuri." Nakangiting sambit ko sa kanya at tinanguan lang niya ko.

"Hindi ka pa uuwe?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Hindi pa, tatapusin ko pa ito." sambit niya ng hindi pa rin lumilingon sa'kin at patuloy na nagta-type sa kompyuter. Hindi ko yata araw ngayon para makuha ang atensyon mo Yuri. Hays.

-

Yuri's Point of view:

Mabilis lumipas ang tatlong linggo at puro trabaho lang ang inaasikaso ko. Itong Sasaeng na ito naman kapag hindi mo tinawag sa pangalan niya ay hindi ka papansinin at susundin. Kapag inandar naman ng kabaliwan ay maghapon dadaldal at hindi patatahimikin ang araw ko kahit hindi mo kinakausap ay tuloy lang sa pagsasalita. Tulad nalang ngayon ayaw na naman manahimik. Jusme!

"Yuri!"

"Yuri?" Tawag niya sa'kin at sinundot ang pisnge ko. Nakakunot-noo naman akong tumingin sa kanya.

"Ano na naman?" sambit ko at tinapik ang kamay niya.

"Arouch naman!" sambit niya at hinimas ang kamay niya at ngumuso pa. Tsk.

"Anong arouch-aaouch pinagsasabi mo diyan?" Inis kong sambit sa kartehan niya.

"Aray plus ouch equals arouch, duh?" sambit niya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Arte nito! Dami mong alam manahimik ka nga," sambit ko at nagsimulang pirmahan muli ang mga dokumento.

"Tss! Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya at nangalumbaba sa harap ko.

"Hindi,"

"Anong oras na baka malipasan ka masama 'yun," sambit niya saka nagpacute pa sa harap ko.

"Oh! Ano naman sa'yo?" sambit ko at tumingin sa kanya ng tuluyan. Tsk! Nagpapa-cute na naman ito.

"Masama 'yun, ikaw ang future ko mamaya magkasakit ka paano pa ako gaganahang pumasok araw-araw?" Parang tang*ng sambit niya.

"Tsk, corny." sambit ko sa kanya at bumalik sa ginagawa ko.

"Ano na naman?" Inis kong sambit ng mapansin na kung anu-anong ginagawa niya sa harap ko.

"May sasabihin ako sa'yo Yuri. Tanungin mo ko ng ano? Dali-dali!" sambit niya in childish tone.

"Anong kabaliwan na naman 'yan? Pero sige ano?" sambit ko at tumigil sa ginagawa ko saka nagpalumbaba.

Ewan ko ba? May araw na isip bata ito. Noong una naiinis ako sa kanya but later on nasanay na rin naman ako kasi kahit ganyan siya nakakawala siya ng stress minsan. Minsan lang! Well? Ayaw ko pa rin naman ikasal sa kanya but nasasanay na ako sa presensya niya. Minsan nga nakakatakot siya dahil biglang tumatawa tapos biglang magsasabi ng kung anu-ano. Minsan nahuhuli ko siyang nagbabasa ng mga post sa chistwit at feedbook o kaya naman ay nanunuod ng videos.

*Flashback*

Isang pangkaraniwang araw na sana ito para sa'kin kung hindi lang tumatawa na parang baliw si Sasaeng. May pahampas-hampas pa nga siya sa mesa habang naka-earphone. Porket malakas kay Dad ang lakas ng loob magcellpon habang nagtatrabaho.

"Waah! I can't ang pogi nu Baymin. Ang cute ni Jackson mag-aegyo. Shemay!"

She's really disturbing but part of me is happy. Ganto ba reaction ng lahat ng mga fans everytime they watch us on our shows? Nakakatuwa lang.

"YoBay is real!" sambit niya.

Napasimangot ako dahil mga kaibigan ko lang ang sinasabi niya. Eh! Nandoon din naman ako sa mga pinapanood niya pero di niya binabanggit ang pangalan ko. Paano ko nalaman? Kanina pa kasi ako dito sa tabi niya. Kanina pa ako nakikinood at wala siyang kamalay-malay. Teka self? Ano naman kung hindi ka niya binabanggit? Bakit ka dissapointed? Kasi naman ako bias niya di ba? Kaya nga naisip niya na magpapirma sa marriage contract noon sa fan event, eh.

"Wahahaha... Ang kulit ni Baymin...” ngiting-ngiti niyang sambit. Nandoon ako pero hindi niya talaga ako binabanggit.

"Nagtatrabaho ka ba o magpapaka-fangirl nalang?" sambit ko at tinanggal ang earphone sa tenga niya.

"Ay, pota bakat yung ano ni Yu— " Gulat na sambit niya at napatakip pa bibig niya.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kanya

"W-Wala. Hehe.. Ano ba kasing ginagawa mo dyan? Bakit nandyan ka kanina ka pa ba dyan?" Utal-utal niyang tanong sa'kin.

"Oo, kanina pa ko dito. Napakaingay mo kasi. Sigaw ka ng sigaw dyan." sambit ko at nagcross-arms pa.

"Talaga? Weh?" sambit niya at parang hindi pa naniniwala sa'kin.

"Oo, kanina pa ako dito at iniiba mo ang usapan. Anong bakat ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ka ng pakialam doon. Babalik na ako sa trabaho. Bumalik ka na din doon." sambit niya at binalik ang cellphone niya sa drawer.

"Aba! Ako boss dito lakas mong mag-utos."

"Pake ko." sambit niya habang nakatingin sa laptop niya.

"Sesantihin kaya kita?"

"As if you can." Tss...

"Maiba ako."

"Ano?" Tanong niya. Tatanong ko ba? Tss, baka mag-assume na naman ang babaeng ito. Bahala na nga.

"Nandoon naman ako sa video na pinapanood mo kanina bakit hindi mo ako binabanggit?" Tanong ko sa kanya saka niluwagan ang neck tie ko at napalunok pa.

Napatingin naman siya sa'kin at ako naman ay umiwas ng tingin. Teka? May ginawa ba akong masama? Bakit hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. It's just a simple question.

"Eh? Sa ayoko, eh."

"Bakit naman?" Kunot-noong tanong ko.

"Nandyan ka naman na personally kaya bakit pa kita papanoorin sa mga video niyo kung pwede naman kitang panoorin in person, 'di ba? Matititigan pa kita anytime," sambit niya sa'kin at kumindat-kindat pa.

"Uy, ngumiti siya kinilig!" Letse! Hindi ko napigilan ang ngiti ko!

"Hoy! Hindi ako kinilig bumalik ka na nga dyan sa trabaho mo." Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko siya. Bakit kasi ang corny ng babaeng iyon?

"Sus! Aminin mo na kasing kinilig ka. Nahiya pa ka pa, Hahaha.."

"Ewan ko sa'yo!" Hindi ako kinikilig. Hindi talaga. Sige na nga konti lang. Shh!

*End Of Flashback*