Chapter 10:

Kie's Point Of View:

Nandito kami ngayon sa Aisler Private Restaurant na inarkila ng familya ni Yuri. Madaming bisita ang nagpunta at halata mong mayayaman sila.

"Where's Yuri?" Rinig kong bulong ng Daddy niya sa Mommy niya.

"Sorry, wala pa ang anak ko." Hinging paumanhin ng Mom niya sa'min.

"It's fine." sambit ni Mom sa kanila.

"Kyahh!"

"Si Jayvee,"

"Saluhin niyo ko nakikita ko si Jiro. Hihimatayin na ata ako."

"Bahala ka d'yan 'teh. Tapakan ka pa namin, eh."

"Si Jackson!" Sunod-sunod na sigawan nila ng dumating sila.

"Where's Yuri?" Bungad na tanong ng Daddy niya sa mga kaibigan niya.

"I'm sorry nakatakas po siya sa'min, Tito." Hinging paumanhin naman ni Jayvee.

"That kid." May galit na sambit ng Daddy ni Yuri.

"We still continue kahit na wala siya." sambit nito at naglakad papunta sa stage.

"Is he okay, Tita?" Tanong ni Jayvee sambit Mom ni Yuri.

"I think okay naman siya."Sagot naman ng Mom ni Yuri.

"You all are here because of my son's engagement party but I'm sorry hindi siya makarating dahil may biglaang schedule siya ngayon." sambit nito at yumuko ng bahagya. Napuno ng bulungan ang buong paligid at nagtaka dahil sa kanilang narinig.

"Nandito nga ang katrabaho niya sa Sync Entertainment pero bakit wala siya?"

"He has solo activities for today, Ma'am." sambit naman ni Jayvee at napatango sila.

"He doesn't care for her fiancé?"

"No, syempre he cares. Busy lang siya. Mahirap maging idol at naiintindihan naman iyon ng fiancé niya. Right, Iha?" sambit ng Daddy niya at lumingon sa'kin.

Napalunok naman ako sa kanila at kinabahan ng magsilingunan din sila sa'kin. Bakit parang nasa hot seat ako? Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ng Dad niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng pumunta ang sila Jiro sa stage para magperform at para makuha na rin ang atensyon ng mga bisita. Napuno ng tilian ang buong lugar ng simulan na nila magsayaw. Meron pang mga taong nakikisayaw at nakikikanta sa kanila. Ako lang ata ang malungkot sa lugar na ito.

"Are you okay baby?" Tanong ni Mom sa'kin.

"Opo, Mom. Magpapahangin lang po ako sa labas." sambit ko at tumango naman siya.

Pagkalabas ko ay pumunta ako sa mini forest na nakita ko noong dumating kami dito kaninang tanghali. Niyakap ko ang aking sarili ng maramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot sa aking balat. Nakasuot kasi ko ng tube dress ngayon.

Pft! Nag-ayos pa naman ako ng bongga ngayon para kay Yuri tapos wala siya. Gano'n niya ba kaayaw sa'kin? Kaya hindi siya pumunta? Hays! Should I stop this?

Malungkot akong napangiti ng maalala ko ang sinabi sa'kin ni Mom noong pauwi na kami sa restaurant kung saan ko nakilala ang parents ni Yuri.

*Flashback*

Sumulyap akong muli kung saan nakaupo sila Yuri bago kami tuluyang lumabas nila Mom sa restaurant kitang-kita ko ang nakakunot niyang noo. Ayaw niya talaga ng pinag-usapan kanina. Inalis ko na ang paningin ko sa kanila at tuluyan ng lumabas.

"Maybe their son is not in the right mood." sambit ni Dad at tipid na ngumiti.

"Maybe? After all kagagaling niya lang sa work at iyon agad ang malalaman niya." My Mom said.

"Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nalaman mo na sinet-up ka ng parents mo sa taong hindi mo naman gusto, 'di ba?" Malungkot kong sambit at napakagat-labi pa.

"He doesn't like you now baby but soon he will." My mom said then tap my shoulder giving me an assuring look.

"Baka lalo niya lang akong kamuhian no'n, Mom."

"If ever man na hindi magwo-work itong relationship niyo ititigil natin ito. We don't want to see you hurt pero dahil siya ang gusto mo ay tinulungan ka na namin. You will do the rest." sambit naman ni Dad.

"But we see na ito ang reason kaya ka masaya."

"Are you ready to bet? Handa ka na bang isugal ang puso mo?" Tanong ni Mom sa'kin.

'Am I ready? I don't know? I just want to be happy with him. In his side. I will give it a try.'

"I'm so lucky na magkaroon ng parents na tulad niyo. Sinusuportahan niyo ako at tinutulungan." sambit ko at niyakap sila.

"Just one rule baby," sambit ni Dad sa pagitan ng mga yakap namin.

"What is it?" Tanong ko na may kuryosidad.

"If he can't love you back at sasaktan ka lang niya. We will leave at lilipat tayo sa ibang bansa." sambit ni Dad na ikinagulat ko.

'Kaya mo kayang mahalin din ako Yuri Hazlewood?' Hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko susubukan.

"Okay, Dad. I will do anything para ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya at mahalin niya rin ako. Papatunayan ko sa lahat na pwedeng magkatuluyan ang isang fan at ang isang idol." sambit ko kay Dad kahit na maging kalaban ko ang bilyon o milyon na fans niya. I don't care.

Isusugal ko ang lahat kahit na alam kong walang kasiguruhan atleast sinubukan ko. Whatever happen in the future I will never regret it dahil magiging parte ako ng buhay niya.

*End of Flashback*

"Huwag mong isipin iyon hindi ka niya iniisip." Napatalon ako sa gulat ng marinig na may nagsalita sa likod ko at pinatong niya ang coat sa balikat ko. Napahinto tuloy ako sa pagmumuni-muni. TSK!

"Ang harsh naman," sambit ko at inismiran siya. Tinawanan niya lang ako at sinimangutan ko naman siya.

"Yohan? Kie? " Sabay kaming napalingon ni Yohan kay Baymin ng tawagin niya kami.

"Gabing-gabi na naka-sunglasses ka pa?" Tanong ni Yohan sa kanya.

"We need to be cool bro~" sambit pa ni Baymin at nag-dub. Kakaiba din mga trip nito.

"Mas mukha kang t*nga. Let's go, Kie. It's getting cold here." sambit ni Yohan at hinila ako papasok sa loob.

"Hey, wait for me!" sambit ni Baymin at humabol sa'min.

Lumipas ang isang oras.

Dalawa...

Tatlo...

Hanggang apat na oras at unti-unti na ring nagsi-uwian ang mga bisita.

"Tara na at umuwi na rin tayo. He will come next time..." sambit ng Mom ni Yuri sa'kin at tinapik ang balikat ko.

"It's fine. Naiintindihan ko naman po." sambit ko at pilit na ngumiti sa harap nila.

Hinintay nalang namin na maunang umuwi lahat ng mga bisita tsaka kami umalis. Pagkasakay ko sa kotse namin ay pumikit na ako kaagad. May pinag-uusapan pa sila Mommy at Daddy pero masyadong okyupado ang isip ko para alalahanin pa ang mga iyon.

'Stop thinking Kieseyah. Stop it. Please!' Sabi ko sa isip ko habang pinipigilan ang luha kong nagbabadya.

--

Yuri's Point Of View:

Tatlong araw na ang lumipas simula ng hindi ako sumipot sa engagement party na hinanda para sa'min. Hindi rin ako nagpapakita sa mga kaibigan ko at sa magulang ko. Nakikipag-usap lang ako sa kanila through chats. I just want space baka magbago ang isip ni Dad at kung hindi man ay makagawa ako ng plano para matakasan ito.

Should I do a Marriage Contract Plan?

Ow, it's good. I should do that dapat marami siyang limitations. Siguro siya rin ang nagrequest sa family niya ng arranged marriage dahil nagfailed ang plano niya sa fan meeting or una palang alam niyang ikakasal kami kaya nagbaon na siya ng marriage paper noong fan meeting namin. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kung anu-ano ang naiisip ko. Napaparanoid na ako.

Napansin ko rin na ilang beses na akong tinatawagan ni Mom but I keep on ignoring it. Papauwiin lang ako niyan at pilit na kukumbinsihin tungkol sa kasal. Bakit hindi nalang sila ang magpakasal sa babaeng iyon? Tsk!

After my Mom missed called sumunod namang tumawag ang sila Jayvee, Jiro, Yohan at Baymin but still in-ignore ko sila. Itu-turn off ko na sana ang cellphone ko ng magregister naman ang pangalan ni Jackson sa screen. Pinag-iisipan ko pa ng ilang segundo bago ito sagutin.

"H-Hello..." Nag-aalinlangan ko pang sambit.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag nila Jayvee? Even your Mom?" Galit na sabi niya.

"Sorry," tanging sambit ko.

"We're trying to reach you..." Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"That's not important right now. Mag-uusap tayo mamaya. Your father is in the hospital. He's on emergency room right now. He is taking a surgery. Pumunta ka sa ite-text kong hospital." sambit niya at in-end ang tawag.

Wala pang ilang segundo ng makatanggap ako ng text galing sa kanya. Agad-agad akong umalis papunta sa lokasyon kung nasaan si Dad. Naabutan ko sila sa harap ng emergency room. Si Mom ay iyak ng iyak habang yakap siya ni Baymin. Ang iba naman ay nakaupo lang habang naghihintay.

"What happen to Dad?" I asked them worriedly.

"Inatake siya sa puso..." Sagot naman ni Jayvee sa'kin.

"Since kasi hindi ka sumipot noong araw na 'yon ay sumubsob siya sa trabaho niya. Palagi ring mainit ang ulo niya," sambit ni Mom habang yakap pa rin ni Baymin.

"I'm sorry..." sambit ko nalang at napayuko.

'This all my fault.'

"Na-stress din siguro siya dahil sa hindi mo pagdalo that day. Ang marriage na 'yon na lang ang makakapagsalba sa business natin but you keep disagreeing." sambit ni Mom na lumuluha.

"What do you mean by that?" Kunot-noo kong tanong ko kay Mom. Napatakip naman siya ng bibig niya.

"Mom?" Napabuntong hininga siya ng malalim bago magsalita.

"Tutal nadulas na rin naman ako sasabihin ko na sa'yo. Ang restaurant natin ay pabagsak na at sila nalang ang natitira nating pag-asa. Ginagawa ng Dad mo ang lahat to save our business pero you insist na 'wag magpakasal kaya sinubsob niya ang sarili niya sa pagtatrabaho para masave 'yun." Pagpapaliwanag ni Mom.

"But Mom! I'm an Idol magagawan ko naman ng paraan 'yan. Magtutulungan kami ng mga kaibigan ko para masalba ang business natin." Pagpapaliwanag ko kay Mommy.

Bakit hindi nila sinabi ng maaga? Edi sana maagang naayos.

"But you can't be an idol forever..." My Mom said. Napatigil ako. It hits me.

"Pag-iisipan ko Mom." Tanging na sambit ko nalang. Lahat ng sila nakatingin lang sa'kin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay kung kaya't nagsitinginan sila sa iba't-ibang direksyon. After an hour lumabas na ang doctor sa Emergency Room.

"Kamusta po ang asawa ko?" Agad na tanong ni Mom sa doktor.

"The surgery is successful. Ililipat nalang siya sa ward for his recovery, Ma'am." sambit ng doctor.

"Thanks God!" sambit ni Mom at lahat naman kami ay nakahinga ng maluwag.

"Magigising siya after two hours dahil sa binigay naming pampatulog at anesthesia para na rin makapagpahinga siya mula sa operasyon." sambit ng doctor.

"Excuse us. May i-che-check pa kaming ibang mga pasyente." sambit ng doktor at umalis na.

--