Chapter 25.

ElIHA

I was so amazed at what I saw in front of me. It may look scary, but I can say it is beautiful—it is a palace.

I looked at Prince Kein; he was holding my right hand. I felt shy, so I removed my hand from his hand.

"Ano po ang ginagawa natin dito? Ito po ba ang palasyo ninyo, prinsipe Kein?"

"Huwag mo na akong tawagin na prinsipe, Kein na lang. Sa ngayon ay napagdesisyunan ko na sa palasyo ka na muna tumira."

"A-ano?! Nakakahiya naman, Kein. Tsaka, sigurado ka ba talaga? Hindi naman tayo malapit masyado sa isat-isa 'di ba?"

"Noong nakita kita sa mansyon ng mga Vampyres ay alam ko na mabuti ang iyong kalooban. Eliha, nais kitang maging kaibigan. Maaari ba?"

Nag-bow ako. "Oo naman, Kein! Isang karangalan 'yun sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Isa lang naman akong hampaslupa."

Tumawa lang siya sabay hinawakan ulit ang kamay ko. Gusto kong alisin pero nakakahiya naman dahil baka isipin niya na mayroon akong iniisip na kakaiba.

Sabay kaming naglakad ni Kein sa hagdan. Bago kasi makarating sa palasyo ay may malaki at mahabang hagdan.

Kumusta na kaya si Keegan? Hindi ko pa rin siya maalis sa aking isipan. Ang sakit kasi isipin na sa kabila ng kasiyahan na naramdaman ko noong kapiling ko siya ay maglalaho rin pala. Pero 'yung pagmamahal ko para sa kanya ay hindi mawawala.

Ano ba ang nangyari sa ating pagmamahalan, Keegan? Hindi mo ba talaga ako minahal? Kahit kaunti lang ay tatanggapin ko pa rin.

Nakarating na kami ni Kein sa malaking pintuan papasok sa palasyo. Pero humarang ang mga kawal niya.

"Hayaan niyong makapasok siya sa palasyo na kasama ako. Siya ay aking kaibigan," Kein ordered.

Yumuko lang naman ang mga kawal at binigyan kami ng espasyo sa daan.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa hindi ko akalain na ganito kaganda ang kanilang palasyo. Akala ko kasi ay kulay itim ang theme ng palace nila pero hindi pala dahil kulay ginto.

"Halika, umupo ka muna." Inalalayan ako ni Kein na makaupo sa magandang upuan.

Ako naman ay kaagad na umupo. "Salamat."

"Eliha, nagugutom ka ba? Okay ka lang ba? Masakit pa rin ba ang iyong p-puso?"

Napayuko ako. "Hindi ako gutom, okay lang ako at ang puso ko naman ay okay lang din. Salamat sa pagtanong, Kein."

Ngumiti lang siya sa akin. At kinuha ang isang baso na naglalaman ng dugo na ibinigay sa kanya ng kanyang maid.

"P'wede ko bang banggitin si Keegan sa ating usapan ngayon?" He asked na mayroong pag-aalinlangan.

"O-oo naman, bakit? Ano ang mayroon sa kanya na kailangan nating pag-usapan?"

"Ako ay isang prinsipe.. pero si Keegan ang gusto ng aking ama na magmana ng kanyang trono."

"A-ano?! Hindi naman siguro makatuwiran 'yun!"

Ngumiti lang siya, "Okay lang naman sa akin dahil hindi ako sang-ayon sa gusto ng aking ama kung paano siya mamuno. Alam mo ba na kahit si Keegan ay ayaw rin sa gusto niya? Ang gusto kasi ni ama ay dalisay na dugo mula sa buhay na mga tao."

"Mali naman kasi talaga 'yun.. at kilala ko si Keegan 'no, hindi siya gano'n at ayaw niya ng gano'n. Masaya rin ako na hindi ka sang-ayon sa gustong pamamalakad ng iyong ama."

Napakamot siya sa ulo. "'Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Salamat sa pakikinig."

"Kein, napunta ako rito dahil sa sumpa, mayroon ka bang kaalaman para makaalis ako rito?"

Hindi siya nakatingin ng diretso sa akin, "S-sa tingin ko ay hindi ko pa masasagot 'yan, Eliha."

"Okay lang! Ano naman ang iyong tungkulin bilang prinsipe sa inyong kaharian?"

"Alam mo naman na normal na sa mga bampira na ang inumin ay dugo.. ako ang nag-aasikaso kung ilang buhay na tao ang napatay ng mga kawal ng aking ama."

"Nakakalungkot naman na marinig 'yan.. alam ko na higit pa sa milyon ang iyong naulat. Hindi sa kinukumbinsi kita, ayaw mo bang umalis dito?"

"Makapangyarihan ang aking ama kaya hindi ko siya p'wedeng kalabanin. Makakawala lang ako kung mamamatay ako. Pero hindi ko naman 'yun hahayaan, aalagaan pa kita."

Tinulak ko siya dahil natatawa ako. Tumingin siya sa akin kaya napatitig ako, grabe! Ang awkward pala ng ginawa ko.

"S-sorry, Kein! Pero salamat dahil may balak ka pa lang alagaan ako. Huwag kang mag-alala, hindi ako magiging pabigat sa inyong palasyo. P'wede niyo akong maging katulong dito."

Ngumiti lang siya at tumango.

Nakaramdam naman ako ng kilabot nang may biglang sumulpot sa aming harapan. Siya ay si haring Keg.

"Ano ang ginagawa ng mangkukulam na ito sa aking kaharian?!"

Napatayo si Kein at napahawak sa braso ng kanyang ama na galit na galit na nakatitig sa akin habang namumula ang mga mata.

Ako rin ay napatayo. "H-hindi po ako mangkukulam. Alam niyo naman po ang katotohanan na hindi ako anak ni Eliza."

"Isa ka ng ganap na mangkukulam nang makarating ka rito," seryosong sagot niya.

"Hindi po 'yan totoo dahil tao po ako."

Tumawa siya nang tumawa, "Wala ka pa talagang alam sa mundo na ito, hija."

"Kung gano'n ay p'wede ko po bang malaman ang katotohanan?!"

"Sa Dipsa Chupar Vampire World ay-" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil may biglang sumulpot sa malaking pintuan na inagaw ang atensiyon naming lahat.

Bakit kaya siya nandito?

"Keegan! Nandito ka ba dahil napagdesisyunan mo na ang aking alok?!"

Bago sumagot si Keegan ay tumitig muna siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik.

Sana naman ay huwag niya akong sisihin sa mga nangyayari dahil biktima lang din ako.

"Ano kaya ang nagpabago ng desisyon ni Keegan?" bulong ni Kein.

Kahit ako ay nagtataka. Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Keegan?

Lalapit na sana ako sa kanila pero bigla silang naglaho ni haring Keg.

Kein tapped my back. "Halika, ituturo ko sa 'yo ang kwarto mo."

"H-hindi pa naman ako pagod, ano ba ang p'wedeng gawin sa palasyo ninyo?"

"Gusto mo ba talaga na may gawin ka rito? Puwede naman na wala dahil bisita kita."

"Gusto ko kasing maglibang."

"Sige, magwalis ka sa buong palasyo."

"A-ano?!" gulat na tanong ko.

Tumawa siya, "Tapos hugasan mo ang libu-libo na baso sa kusina."

"Akala mo ba ay aatras ako? Kaya ko 'yun!" pagmamayabang ko.

"Pero magpahinga ka muna."

"Ayaw ko, gusto ko na ngayon ko na gawin."

Bumuntonghininga siya sabay tumango. So it means na pumayag siya.

Kaagad niyang tinawag ang isa nilang maid para asikasuhin ako.

"Linisin mo muna ang mga kwarto rito." Inabot ni Ate maid ang mga panlinis.

Naglakad ako papalapit sa hagdan. Pakiramdam ko ay pagdating ko sa itaas ay pagod na pagod na ako dahil ang haba ng hagdan.

Ilang kwarto kaya ang mayroon sa palasyong ito?

Mabilis akong umakyat sa hagdan. Pagkatapos ng sampung minuto ay nakarating na ako.

Bumungad sa akin ang kahoy na naglalaman ng impormasyon. Ang nakasulat ay mayroong singkuwenta na kwarto. Ano?! Gano'n ba karami ang mga nakatira rito? Samantalang ang nakikita ko lang naman ay ang mga katulong, mga kawal, at ang mag-ama. Siguro ay para ito sa mga bisita nila.

Sinimulan ko nang maglinis.

Pagkatapos ng isang oras ay isang kwarto pa lang ang nalilinis ko. Ang laki kasi masyado kaya siguro ay ito na lang muna.

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Kein sa pintuan. "Nalinis mo na pala ang kwarto na ito. Gusto mo ba na dito na lang ang kwarto mo?"

"N-nakakahiya naman, Kein. Ganito ba talaga kaganda ang kwarto ko?"

Nag-nod siya at biglang naglaho.

Hihiga na sana ako sa kama pero may narinig akong yapak ng mga paa. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. At unti-unti kong isinara ang pinto pero nag-iwan ako ng maliit na space para makita ko kung sino 'yun.

Nakita ko si Keegan at si Keg.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Keegan?"

"Alam mo na matagal na akong hindi pumayag na mapunta sa akin ang trono dahil sa masama mong pamamalakad. Pero dahil sa sinabi mo na malalaman ko kung nasaan ang totoong Eliha ay 'yun ang nagbago ng isip ko."

"Mabuti naman kung gano'n! Bukas o sa susunod na mga araw ay maaari na kitang ihalal bilang bagong hari!"

Hindi ko na natiis ang gano'ong klase ng usapan kaya kaagad akong nagpakita sa kanila. Tumitig ako kay Keegan. "Seryoso ka na ba talaga? Alam ko na hindi rin papayag si ina at ama!"

"Wala akong hindi gagawin para sa mahal ko."

"Talaga ba, Keegan?! Paano naman ako?"

Hindi siya sumagot.

Hinarap ako ni Keg sa kanya. "Alam mo, peke ka lang naman."

"Oo peke ako! Pero imposible naman na hindi ako minahal ni Keegan!"

Hindi sumagot si Keg. Bagkus humarap siya kay mahal. "Ang usapan natin ay sasabihin ko lang sa 'yo kapag nahalal ka."

Tumango lang si Keegan. Si Keg naman ay naglaho na kaya kami na lang ang natira.

"Mahal, hindi na ba magbabago ang isip mo? Gusto mo ba na ako na lang ang maghanap kay Eliha para sa 'yo?! Basta huwag ka lang mag-decide ng isang bagay na hindi ka naman sigurado! Please, ako na lang ang maghahanap sa kanya!"

"Mahalin mo ang iyong sarili, Eliha. Sa pangalawang pagkakataon ay huwag mong saktan ang iyong sarili ng dahil lang sa akin," tumingin siya sa malayo.

Ako naman ay napaluhod. Hindi ako makapaniwala na ang tigas na ng puso niya.

Hindi ako nag-a-assume pero hinihintay ko na alalayan niya ako para makatayo pero bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo.

"Hindi na ba talaga ako mahalaga sa 'yo, mahal?" I whispered. Tumalikod na lang din ako at naglakad papasok sa aking kwarto.

Pero hindi ko kayang manahimik dito sa palasyo. Kailangan kong puntahan si Eliza para mailigtas si Keegan kay haring Keg.

Sumilip ako sa bintana. Grabe, ang ganda ng paligid at sobrang taas ng kwarto ko. Pakiramdam ko tuloy ay nasa langit na ako.

Habang dinadama ko ang sariwang hangin ay may isang gold na walis tambo ang biglang lumutang sa harapan ko. Teka, seryoso ba ito? Sino kaya ang nagpadala nito? O sa akin ba ang walis tambo na ito? Pero hindi naman ako mangkukulam. Basta ang alam ko ay tao pa rin ako.

Pero dahil sa gusto ko munang makaalis sa palasyo para puntahan si Eliza ay kaagad kong kinuha ang tambo at mabilis akong sumakay rito.

Habang lumilipad ang tambo ay masaya naman ako habang nakasakay rito. Bigla kong naalala 'yung time na nag-transformed si Keegan as bat para lang ilipad ako at makita ko nang malawak ang mundo nila.

Kailan ko kaya ulit mararanasan ang pagpapahalaga ng isang Keegan Vampyres? Siguro ay malabo na.

Mabilis akong nakarating sa lugar ni Eliza. Pero bago ko kontrolin na ibaba ako ng tambo ay mayroon akong nakita na isang maliit na tindahan ng mga alak. Woah! Seryoso ba 'to? May ganitong inuman dito? Baka naman dugo ang alak nila. Pero i-ta-try ko pa rin.

Pagkababa ko ay kaagad akong lumapit sa tindahan. Umupo ako sa maliit na upuan. Nang tingnan ko ang tambo ay nasa gilid ko lang ito. Siguro nga ay akin talaga 'to.

"Magandang binibini, ano ang inyong nais inumin?" tanong ng isang matandang lalaki. Sa itsura niya ay mukha siyang mangkukulam.

"Totoong alak po ba ang inumin dito?"

"Oo naman! Gusto mo ba na bigyan kita ng isang bote? Alam mo kasi, hija, ang mga mangkukulam ay mahilig sa alak na nagmula sa mundo ng mga tao. Kaya naman gamit ang aking mahika ay nakakakuha ako ng mga alak sa kabilang mundo. Huwag kang mag-alala, hindi ito galing sa nakaw."

"Gano'n po ba? Sige po, gusto ko po ng isang bote ng alak."

"Sa tingin ko ay malaki ang problema mo, maayos ba ang iyong kalagayan?"

"Hindi po, pero pinipilit ko po na maging kalmado."

Tumango lang siya at kumuha ng isang bote at maliit na baso. Kaagad niya namang ibinigay sa akin.

"Sa tingin ko ay hindi mo ito kayang bayaran kaya naman libre na lang."

"S-salamat po!" Hindi ko na ginamit ang baso dahil kaagad kong tinungga ang alak. Gusto kong makalimot sa idinulot na sakit sa akin ng mga nasa paligid ko.

"Mayroon po akong tanong.. posible po ba na makapasok ang isang tao sa mundo na ito?"

"Imposible 'yan, hija. At ang alam ko na makakasagot ng iyong katanungan ay ang isa sa mga Vampyres."