Chapter 24.

ELIHA

Ako ngayon ay nasa isang silid. Hindi kasi ako pinaalis ni ina. Pero kahit anong oras daw ay p'wede na akong umalis dahil hindi talaga ako ang asawa ni Keegan. Naniniwala raw sila sa ipinakita ni Eliza dahil nararamdaman nila ang enerhiya ng katotohanan sa mga mata nito at sa ipinakita.

Ako ay napaluhod. Umiyak ako nang umiyak dahil hindi talaga totoo na ako ang asawa ni Keegan. Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon at kahit sinong matalino na tao ay hindi maipapaliwanag ang aking nararamdaman. Ang gusto kong mangyari sa akin ay ang maglaho at mawala na rito sa mundo nila. Pero kakayanin ko ba? Kung mahal na mahal ko na si Keegan?

Keegan is everything to me. Siya lang ang gusto ko at gugustuhin ko.

Kung hindi ako ang totoong Eliha, bakit nagkaroon ako ng kapangyarihan? Kasama rin ba 'yun sa sumpa?

Lumabas ako sa kwarto. Sakto dahil biglang dumaan si Keegan. Gusto ko mang pigilan ang aking mga paa papalapit sa kanya ay hindi ko nagawa kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya habang nakatalikod.

"Sana ay walang magbago sa pagtrato mo sa akin, Keegan, mahal na mahal kita."

"Paano na hindi magbabago, Eliha? Kung hindi naman ikaw ang totoong minamahal ko." Inalis niya ang dalawa kong kamay na nakayakap sa kanya. At siya ay humarap sa akin.

Lumuhod ako sa harapan niya. "Please! Ako na lang ang mahalin mo!"

"H-hindi ko kaya, Eliha.. alam na alam mo kung gaano ko kamahal ang totoong Eliha. At gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Kapag siya ay nahanap ko na ay papakasalan ko ulit siya, paumanhin."

"H-hindi ka ba naaawa sa akin, Keegan?" hindi ko na napigilan na tumulo ang aking luha.

"Naaawa ako sa 'yo dahil sa akin ka napunta. At wala ka ring kaalam-alam na ako ang papakasalan mo."

"'Yun lang? H-hindi ka ba naging masaya sa akin?"

"Hindi, Eliha. Akala ko kasi talaga ay ikaw siya kaya naging masaya ako sa ating pagsasama. Pero hindi talaga dahil sa 'yo." Tumalikod siya. Pero ako ay nananatiling nakaluhod lang.

"Wala ka bang napansin na differences namin ni Eliha? Kung mayroon man ay 'yung pagkakaiba ko ba sa kanya ay minahal mo? O nagustuhan mo?"

"W-wala akong minahal sa 'yo."

"Paano naman 'yung nangyari sa atin, Keegan?! Biktima rin naman ako rito!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas. At lumuhod din siya sa harapan ko. "Paumanhin, Eliha, hindi ko naman dapat iparamdam sa 'yo na ako lang ang biktima rito pero ako rin ay wala akong alam. Ngayon ay humihingi ako ng kapatawaran mo dahil sa nagawa ko sa 'yo."

"Pinapatawad na kita, Keegan. Pero maaari ba akong manatili rito?"

Pumikit siya, siguro ay ayaw niya dahil magkamukha kami ni Eliha. At maaalala niya lang sa akin ang totoong minamahal niya.

"H-hindi ko kaya na makita kita rito, pero sige, ako ay papayag."

Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit at hinalikan ko siya sa pisnge. Pero mabilis niya akong itinulak.

"Pasensya na, salamat, Keegan."

Tumango lang siya at mabilis na naglaho. Ako naman ay naiwan lang na mukhang kawawa, biktima, at hindi kamahal-mahal.

Sana pala ay hindi na lang kita nakilala, Keegan. Pero hindi ako nagsisisi na minahal kita.

Bumalik na lang ako sa kwarto at humiga sa kama. Ang pakiramdam ko ngayon ay mas masakit pa keysa sa pananakit ni Papa dahil ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi lang sinusuntok ang aking puso kundi hinihiwa isa-isa.

Humagulhol ako dahil sa sobrang hinagpis ng aking puso.

Lumapit ako sa bintana. Keegan, kagaya ng bituin ay gano'n ka na rin kalayo sa akin. Ang sakit na nangyari pa ito sa atin kung kailan masaya na tayo.

Alam mo ba, ng dahil sa 'yo ay naranasan kong mahalin at alagaan. Pero hindi ko akalain na sa 'yo ko rin mararanasan ang totoong kirot sa puso.

Paano ako mag-mo-move-on sa 'yo? Paano kita makakalimutan? Mabuti sana kung mawala na ako rito sa mundo niyo pero mukhang malabo. At paano kung mahanap mo na ang totoong Eliha? Paano na ako? Wala ng magmamahal sa akin kagaya ng pagmamahal na ibinigay mo.

Gano'n ba talaga ka-unfair sa akin ang mundo? Na binigyan ako ng nanay na iniwan ako, na binigyan ako ng tatay na sinasaktan at kinukulong lang ako at isang bampira na minahal nga ako ng sobra pero dahil naman pala sa isang sumpa.

Paano ako makakaramdam ng pagmamahal muli kung sinira ng mga tao sa paligid ko ang aking puso? At paano ko rin maiiwasan na hindi sila mahalin kahit hindi nila ako mahal?

Gano'n ba ako kahirap mahalin? Gano'n ba ako kahirap pakisamahan? At pinanganak lang ba ako para saktan?!

Mas lalo akong humagulhol habang tumitingin sa kalawakan.

Hindi ko napigilan ang sarili kong lumabas. Pagkalabas ko ay nakita ko ang kwarto ni Keegan. Siguro ay tulog na siya dahil ilang oras na rin ang nakalipas.

Kaagad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at kaagad akong pumasok. Nakita ko na nakahiga siya at nakapikit na.

Inalis ko ang butones ng suot ko at hinubad ang aking mga saplot. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at kaagad akong pumatong sa kanya. Dahan-dahan kong hinalikan ang leeg niya papunta sa ibabang parte ng dibdib niya.

Hinawakan ko rin ang kanyang ruler at pinisil. Naramdaman ko naman na umungol siya.

Maya-maya pa ay bigla niya akong niyakap. "Eliha, ikaw ba 'yan? Bumalik ka na ba talaga? Hindi na ba ikaw 'yung peke na Eliha?"

Halos malaglag ang aking puso sa aking narinig. Si Keegan naman ay patuloy na sumisipsip sa aking leeg at dinilaan niya pa. Mabilis niya ring hinalikan ang aking labi at sinipsip.

Huhubarin ko na sana ang short niya pero bigla niya akong itinulak. "H-hindi ikaw si Eliha, 'di ba?"

"Ano naman? Masaya naman tayo 'di ba?" Itinulak ko siya pahiga at mabilis kong hinubad ang kanyang short. Nang mahubad ko ay kaagad kong ipinasok sa aking bulaklak ang kanyang ruler. Nakapatong ako sa kanya ngayon habang ako ang bumabayo sa kanya.

Pero nakita kong hindi masaya si Keegan at hindi siya mukhang nasasarapan. Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paggalaw sa kanya. Ngunit napahiya ako nang bigla niya akong inihiga sa kama at umupo siya.

"Hindi kita asawa, sana ay alam mo 'yun."

"Pero mahal kita, Keegan! Masama bang mahalin kita kahit na hindi ako ang babaeng mahal mo? Puwede bang ako muna ang mahalin mo habang wala pa si Eliha?"

Yumuko siya at bigla akong niyakap. "Hindi ko maaaring sulitin ang iyong katawan o ikaw mismo dahil hindi naman talaga kita mahal. Ayaw kong gamitin ka at ang iyong katawan ng dahil lang sa nami-miss ko ang aking asawa. Sana ay patawarin mo ako."

Hindi ko siya pinakinggan dahil niyakap ko siya nang mahigpit. Inilapit ko naman ang mukha ko sa mukha niya at bigla ko siyang hinalikan ng madiin. Pero hindi siya gumaganti. Gano'n ba kahirap ang request ko?

"Eliha, umalis ka na lang habang hindi pa ako nagagalit."

"Alam ko na hindi mo kayang magalit sa akin dahil mayroon din tayong pinagsamahan. Kaya puwede bang ako muna? Puwede bang katawan ko muna? Puwede bang bulaklak ko muna? At puwede bang puso ko muna? Habang siya ay wala."

"Gusto kong makita mo ang iyong halaga sa ibang lalaki, huwag sa akin."

"Pero ikaw ang nakikita kong magmamahal lang sa akin, Keegan."

"Hindi lang ako." Mabilis kaming naglaho. Nagulat na lang ako dahil nasa labas na kami ng mansion. Grabe, seryoso nga siya.

"Paalam, salamat." Tumalikod si Keegan. Yayakapin ko na sana siya pero kaagad siyang naglaho. Napaluhod na lang ako sa harapan ng mansion nila.

"Mahal na mahal kita, Keegan, paalam at salamat." Tumalikod na ako at naglakad nang naglakad sa madilim na daan.

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa gubat. Ang dilim, natatakot ako. Pero kakayanin ko ito at hindi ako matatakot dahil mayroon naman akong kapangyarihan. Ang ikinakatakot ko ay ang hindi ko na makita nang tuluyan si Keegan at ang mahanap na niya ang tunay niyang minamahal.

Ang sakit, kung gaano pala kadali na mag-travelled ako sa mundo nila ay gano'n din kadali na mababawi sa akin. SANA PALA AY HINDI NA LANG AKO NATULOG. Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito.

I hate you, Dad kasi ng dahil sa 'yo ay pinagdadaanan ko 'to. Sana ay minahal mo na lang ako at hindi ikinukulong. Siguro ay kung minahal mo ako ay nagmahalan sana tayo hanggang ngayon ay inaalagaan kita. At kung pumayag ka lang siguro na magkaroon ako ng asawa ay sana'y mayroon ka ng apo.

Tumigil ako sa puno at doon umupo. Saan na ako titira nito? At ano na ang mangyayari sa akin? Ganito na lang ba talaga ako? Bakit ang dali nila akong palayasin? I see, hindi ako kamahal-mahal. Ang sarili ko ngang ama ay hindi ako mahal.. si Keegan pa kaya?

Imbis na umiyak ako sa takot ay mas umiyak ako sa lahat ng alaala namin ni Keegan ko. At sa pagmamahalan namin na madaling tinapos ng isang Eliza.

Uhm, speaking of Eliza.. kailangan ko siyang makita at pagbayarin.

I do not deserve this type of pain. Pero bakit paulit-ulit na ipinararamdam sa akin?

Tumayo na ako. Ako ay pupunta kay Eliza, hindi pa kami tapos at hindi matatapos 'to hanggang hindi ko nalalaman kung sino ang totoong Eliha.

Mabilis akong nakarating sa mansion ni Eliza. Ang plastic niya, hindi ko pala siya nanay. Again, pinaasa niya lang ako at umasa naman ako. Bakit ba kasi assuming ako masyado?

Pinasok ko ang loob ng mansion niya dahil nakabukas naman ang pinto. Nakita ko kung gaano siya kasaya ngayon habang nakaupo sa upuan. Masaya siya dahil nawasak niya ang puso ni Keegan. At ako na naging victim sa kabaliwan niya.

Lumapit ako sa kanya. "Eliza!"

Humarap naman siya sa akin at tumayo. "Nandito pala ang isang babae na wasak ang puso!" masayang sabi niya.

"Ang sama ng ugali mo! Paano mo ito nagawa sa akin? At bakit si Keegan pa ang sinaktan mo?! Napakabuti niya pero ang choosy mo naman para sa anak mo! Nasaan siya?!"

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Umalis ka na rito."

"Ayaw ko! Sinira mo ang buhay ko! Alam mo ba na masaya na kami ni Keegan?! Pero ano ang ginawa mong alipunga ka? Sinira mo 'yun ng dahil sa sumpa! Sana ay mawala ka na!"

Lumapit siya sa akin at sinakal ako habang nanlalaki ang mga mata. "Mabuti na lang dahil nagtagumpay ako."

"Akala mo ba ay titigil ako sa paghahanap sa totoong Eliha? Hahanapin ko siya!"

"Hindi mo siya makikita kahit na ano ang gawin mo."

"Bakit?! Kasi pinatay mo ang sarili mong anak para sa sumpa na ito?!"

Tumawa siya nang tumawa at tumalikod. "Mahal ko ang anak ko kaya hindi ko 'yun gagawin sa kanya. Ikaw ba? Gano'n ka rin ba kamahal ng iyong ina?"

Sinampal ko siya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Ang pinaka ayaw ko kasi ay binabanggit si Mama at kung mahal nga ba ako ni Mama.

"Mapangahas ka! Ano ang karapatan mo para saktan ako?!" Tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"At ano ang karapatan mo para tanungin kung gano'n din ba ang aking ina sa akin?! Oo wala akong galang! Dahil kayong mga nakapaligid sa akin ay sinasaktan lang ako at inaapi! T*ngina mo! Ako ay nananahimik lang sa mundo namin tapos may sinumpa ka palang libro! Isa kang hayop! Sira ang ulo mo!"

Ako naman ang sinampal niya pero mas malakas. Tumayo ako kaagad at tinulak ko siya.

"Hindi ko hahayaan na masaktan mo pa ako ulit, Eliza." Dinuro ko siya sa mga mata. Tutusukin ko na sana ang mga mata niya gamit ang dalawang daliri ko pero naaawa pa rin ako sa kanya.

"Umalis ka na! Hindi mo mahahanap ang aking anak!"

Ngumisi ako sa kanya, "Mahahanap ko siya, at kapag nangyari 'yun ay wala kang magagawa."

"Ano bang balak mo sa aking anak?! Papatayin mo ba siya?"

"Wala ka na do'n." Tumalikod ako at naglakad papalayo. Hindi mo ako maiisahan, Eliza. Sisiguraduhin ko na magsu-suffer ka rin.

Naglakad ako ulit sa madilim na daan. Wala bang nagtitinda ng alak dito? Ang cheap naman ng Dipsa chupar vampire world dahil walang alak store.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mayroon akong nadaanan na isang maliit na kubo pero maganda ang kubo, hindi basta-basta.

Lumapit ako sa kubo. Sana naman ay walang tao. Papasok na sana ako sa kubo pero may biglang lumabas na isang matanda ma mukha ring mangkukulam.

"Ano ang ginagawa mo sa tapat ng aking bahay?" malumanay na tanong niya. Siguro naman ay hindi siya masama.

"Napadaan lang po ako. And akala ko po ay walang nakatira."

"Parang kilala kita, ikaw ba si Eliha? Ang asawa ni Keegan?"

"Opo," sagot ko kahit hindi naman talaga ako.

"Pasensya na ngunit hindi kita matatanggap sa dahilan na ang ina mo ay si Eliza, ang masamang mangkukulam."

"Pero hindi po niya ako katulad. Puwede po bang makitulog ako kahit ngayon lang?"

Tumango siya at pinapasok ako sa loob. Wow! Bumungad sa akin ang loob ng bahay niya na hindi marumi, sa totoo lang ay very aesthetic ang itsura.

"Maraming salamat po."

"Walang anuman. Okay ka lang ba, hija?"

"Oo naman po."

"Sa tingin ko ay hindi dahil nararamdaman ko na ikaw ay biktima ng isang sumpa. Ako ba ay tama?"

"O-opo.. isang sumpa na hindi ko akalain na makakabago sa buhay ko."

"Sabihin mo sa akin, nanggaling ka ba sa mundo ng mga tao?"

"Opo, bakit po?"

"May iba ring dahilan kung bakit ka nandito. At hindi ka na makakabalik sa dating mundo mo dahil ang mundo na ito ang nakalaan para sa 'yo."

"Ano po?! Totoo po ba 'yan? Walang halong biro?" nagtatakang tanong ko.

"Oo, pero hindi ko pa masasabi sa iyo kung ano ang totoong dahilan."

"Pero bakit po?"

"Nalaman ko rin sa mga mata mo na hindi ikaw ang totoong anak ni Eliza kaya ikaw ay aking tinanggap. Sige na, matulog ka na para makapagpahinga ka."

"Salamat po ng marami."

Nag-bow lang siya sa akin.

**

Nang magising ako ay hinahanap ko sa tabi ko si Keegan. Pero wala talaga siya.

Paglabas ko sa maliit na kwarto ay wala ang matandang mangkukulam. Ako ay aalis na lang. Siguro ay maglalakbay na lang ako kahit saan.

Nakalayo na ako sa kubo at nakarating sa isang gubat na kakaunti na lang ang mga puno.

Habang naglalakad ako ay may isang lalaki ang nakatalikod. Nang humarap siya ay nagulat ako dahil maraming dugo ang nasa bibig niya. At may isang hayop ang nasa harapan niya.

Nang tumingin siya sa akin ay kaagad siyang nagpunas ng bibig.

Nagulat na lang ako dahil mabilis siyang lumapit sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito? Kasama mo ba ang iyong asawa?"

"H-hindi, Prinsipe Kein."

"Bakit naman?"

"Hindi mo ba alam? O hindi pa nasabi sa 'yo ng iyong ama?"

"Parehas, Eliha. Kung ikaw man ay magkukwento ay makikinig ako."

Kinuwento ko ang lahat kay Kein. At kahit siya ay hindi makapaniwala.

"Halika." Inilahad niya ang kamay niya. Ipinatong ko naman ang isa kong kamay.

Nagulat ako nang hilahin niya ako bigla at mahigpit na niyakap.

Napangiti ako sa ginawa niya kaya niyakap ko rin siya pabalik. Si Kein ay matangkad, sobrang guwapo at sobrang puti pero kung ikukumpara kay Keegan ay eighty percent lang siya.

"Ang sabi mo ay wala kang matutuluyan, gusto mo bang sumama sa akin sa aking bahay?"

"Huwag na, ayaw kong maistorbo ka."

"Pero Eliha, saan ka naman tutuloy? Sige na, pumayag ka na." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. Grabe, ang bampirang 'to ah, mahilig manghila.