7: CAEL IS DRUNK

Tinignan ko lamang siya ng taimtim at nakikipag titigan din ito sa akin. Gusto ko mang magsungit sa kanya pero bakas sa mukha nitong nasasaktan siya, hindi ko alam kung trip lang ba niya ito o hindi. Parang kailan lang ay binantaan pa ako nito tapos ngayon sa akin lalapit.

"It's okay if you don't want to listen," he said at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa kanina. I just let out a heavy sigh at umupo sa upuan.

"No, it's okay. Makikinig ako," saad ko ngunit hindi ako nito pinakinggan bagkus ay nagpatuloy lang siya sa pagt-type sa laptop niya. Madalas talagang hindi ko maintindihan ang lalaking ito. I just rolled my eyes before speaking. "Fine, I guess I need to walk away now," dagdag ko at saka tumayo.

Tuluyan na akong nakaalis sa office niya at nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Tinignan ko muli ang papel at may pirma pa ito ng dad ni Cael. Napasampal nalang ako sa aking noo dahil hindi ko alam kung anong klaseng business ba magandang ipatayo.

"Nakakainis naman, hindi pa ba sapat sa kanila na writer ako? Buhay mayaman nga naman," saad ko ng mahinahon lamang at bigla nalang bumukas ang pinto ng elevator. Agad na akong umalis at lumabas ng building, tinignan pa ako ng guard at nginitian ako. Ngumiti nalang din ako sa kanya.

Naglakad ako papuntang sakayan nang biglang mag ring ang phone ko. Tinignan ko ito at si Cael na naman ang tumawag na agad ko ring sinagot. "Did you bring your car?" he asks.

"No, David was the one who brought me here. It's okay if he's still not here, sasakay nalang ako ng jeep since may pupuntahan din naman ako," sagot ko sa kanya.

"You sure?" he asks concernly. What the h*ck happened to this guy? Hindi naman siya ganito dati.

"Yeah," I replied shortly. I was waiting for his answer but I receive no response and he just hung up the phone. "Ewan ko sa'yo," I muttered and put the phone back at my sling bag and began to walk. Nakalimutan ko rin palang magdala ng payong, napaka init pa naman ngayon.

.

I'm currently at the bookstore, checking out books. I am an author, but I always buy books from other authors for reference. They gave me inspiration to write more books.

While I was walking at the book shelves, I saw my book displayed which made me smile widely. I touch the book and look at it, it's been a long time since I publish this book. This is the first book I made for my childhood bestfriend when I was a child but, we parted ways after grandpa took us from the orphanage.

I just spend my time at the mall, treating myself, trying out some clothes, playing at the arcade and eating in restaurants. I kinda miss hanging out just by myself, this is I always did when I was in high school and in college. May mga mga tao ring nakakakilala sa mukha at agad namang nagpa picture at nagpa sign ng books, I didn't think they will find me here. Dapat pala nag cap nalang ako nag face mask to avoid attention.

It's already 9 in the evening kaya't nag desisyon na akong umuwi, sasakay nalang muli ako ng jeep or taxi pauwi. Habang ng masasakyan ay bigla na namang may tumawag, chineck ko ito at si Cael na naman ang tumatawag. Nag aalinlangan pa akong sagutin ito ngunit wala na akong magawa. "Hi," I said at puro ingay lang ang naririnig ko hanggang may ibang boses na ang nagsalita.

"Hi, ikaw ba si Hazel? Cael's wife," tanong nito dahilan para kumunot ang noo ko. "Cael is drunk, pinilit ko nang pauwiin ngunit ayaw, lasing na lasing na," dagdag pa niya.

"Andiyan ba si David?" tanong ko. For sure kasama niya si David ngayon dahil parati naman silang magkasama.

"Yes, but ayaw pa ring umuwi si Cael. Maybe, ikaw mapapauwi mo si Cael sa inyo. He really need your help," sagot niya sa akin. Napatulala nalang muna ako sa sahig na inaapakan ko at bumuntong hininga.

"Saan ba kayo?" tanong ko muli. Naririnig ko pa rin sa kabilang linya ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao. Nasa bar ata ang lalaking ito, nagpakalasing dahil kay Cassy.

"Here at Neon Nights Bar," sagot niya. Lumingon muna ako sa kaliwa't kanan bago tumawid sa daan. Malapit lang 'yon dito sa mall dahil lagi ko ring nadadaanan ito. Nagsimula na akong maglakad papunta roon.

"Sige, papunta na ako," sagot ko at saka binaba ang phone. Patakbo akong naglalakad habang hawak-hawak ang phone ko. Ang laki-laki na pasaway pa rin, kung malaman ito ng ama niya ay baka mapagalitan pa siya.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa bar na sinasabi nila. Masyadong crowded, mga taong sumasayaw, umiinom, nagtatawanan at sumisigaw. May nahagilap pa akong biglang nag hahalikan, jusko naman.

Hinanap ko na kung nasaan sila at nakita ko rin si David na pinipilit pa ring pauwiin si Cael, he's really making a mess. Binasag pa niya ang mga babasaging bote at baso. What I saw right isn't Cael, this is the first time I saw him making a wreck.

"Ilang oras na ba siyang andito?" tanong ko agad nang makalapit ako sa kanila. The boy whom I talk to earlier turn his gaze from me. I see, siya si Travix, ang close bestfriend ni Cael. Mukhang silang dalawa lang ang andito at kasama na rin si David.

"Finally, you're here," Travix said and let out a heavy sigh. Cael was sitting in a couch drinking, he didn't even look at me. I know na narinig niya ang boses ko pero patuloy pa rin siya sa pag-iinom. "Cael, you're wife is here. You should stop drinking, alam mo namang ayaw nang dad mo na umiinom ka ng sobra," Travix said and stops Cael to drink again.

Nag cross arms na lamang ako at sinamaan siya ng tingin nang lumingon ito sa akin. "Don't tell me pipilitin pa kitang umuwi? it's already 9 in the evening, Cael. Tama na 'yan," sambit ko at saka kinuha ang baso na hawak-hawak niya.

"Did I call you to come here?" he coldly said at balak pa sanang uminom pa pero agad kong sinampal ang kanyang kamay dahilan para mapa aray siya.

"Sabi kong tama na 'yan e, you're already at your 20s Cael. Huwag ka ngang pasaway," sambit ko at tinitigan lang ako nito ng mariin. Dali-dali naman itong kinuha ang bote at saka ininom agad. Naubos na niya ang isang bote at tumayo.

Napa nganga nalang ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Kung p'wede lang sapakin agad 'to rito sinapak ko na e. "Let's go," sambit niya at nagsimula nang maglakad. Nagsitinginan na lamang kaming tatlo at agad nang sinundan ni David si Cael.

"Pasensiya na sa abala at maraming salamat," sambit ko at nginitian ko lamang siya. Ngumiti rin ito at agad na akong umalis para sundan si Cael. Nakita ko namang lasing na lasing itong naglakakad, nais mang alalayan siya ni David ngunit hinahawi niya lagi ang kamay niya hanggang sa natumba na ito at agad ko ring sinalo nang makarating ako sa likod niya.

"Take the car, David," sambit ko at agad naman itong sumunod sa utos ko. Nauna na siyang lumabas habang ako naman ay inaalalay si Cael sa palabas ng bar. "Ang bigat mo!" I exclaimed while assisting Cael. He's now sound asleep, resting his head on my shoulder.

Nakalabas na kami sa bar and I take a glimpse on his innocent face, he looks like a baby sleeping. His face looks like one of my characters I made, napa iling-iling na lang ako at sumakay na sa kotse nang dumating na si David. Tinulungan niya rin akong pasukin si Cael sa kotse, at nang matapos ay agad nang nag drive si David.

Dahan-dahan ko rin namang inilagay ang ulo nito sa aking braso. Tinignan ko muli ang kanyang mukha saglit at ibinalik ang aking tingin sa bintana. Sisingilin talaga kita paggising mo, Cael.