6: OPEN UP

Natapos ang araw ng paggala ko kasama si Venice ayon nga lang nag text bigla si Cael. Sa text palang niya ay alam ko na agad ang nais niyang ipahiwatig sa akin, panigurado ay galit na galit ito dahil sa ginawa ko sa girl friend niya kanina.

Ako nalang mag-isa ngayon dahil naihatid ko na rin si Venice sa bahay nila. Nagpumilit pa nga na sa bahay nalang namin daw siya matulog dahil baka mamaya kung ano raw ang gagawin ni Cael kung sakali. Well, as if he can do something una palang naman si Cassy na talaga gumawa ng bagay na ikinagalit ko.

Nakarating na ako sa bahay at agad nang pinarke ang sasakyan at lumabas. Habang papasok ako sa bahay ay nakita ko si Cael na nakatayo sa pintuan kasama nito ang kanyang butler na si David. Anong ginagawa niya rito?

"Mag-usap tayo," Cael said while fixing his gaze in my eyes. Si David naman ay nakatayo lamang sa likuran nito at nakatingin din sa akin. He smiled faintly looking at me, iniiling-iling ko na lamang ang aking ulo at saka nagsimulang humakbang ngunit bago pa man ako makalayo ay hinawakan na ni Cael ang braso ko.

"What? Galit ka dahil sa ginawa ko kay Cassy? Bakit hindi mo muna turuan ng magandang asal ang jowa mo bago ka magalit sa akin," inis kong sabi at galit na inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"You're lucky dahil hindi ka nakapag asawa ng lalaking nananakit but this is your last warning Hazel Marcheossa, kapag pinahiya mo ulit si Cassy sa harap ng mga kaibigan niya at sa maraming tao ay hindi ako mag aatubiling sirain ang kompanya ng grandpa mo. Remember my words," banta niya sa akin at saka umalis ng bahay kasama si David. Aalis ata siya at pupunta sa bahay nilang dalawa ni Cassy, narinig ko namang umandar na ang sasakyan niya at saka umalis ng tuluyan sa bahay.

I slap my face so hard dahil sa inis, ano bang nakita niya sa babaeng 'yon at napaka overprotective. Niloloko na nga siya ng jowa niya nagpapaloko pa, iba talaga tama ng pag-ibig. Napa iling-iling na lamang ako at saka pumasok sa loob.

Natapos ang isang linggo at simula nung pagbanta sa akin ni Cael ay hindi na siya umuuwi rito. Mas mainam nga at ma solo ko ang bahay but Cael's father called me earlier para puntahan sila ni Cael. I don't know what's going on pero tingin ko ay tungkol lang din ito sa kompanya.

Pumunta rito sa David para ihatid ako papunta sa lugar kung saan nakatayo ang kompanya ni Cael. David have been a butler to Cael, same age lang sila kaya naman ay magkasundo ang dalawa. Nag t-type lang ako sa phone ko nang biglang may bagong nag send ng friend request sa akin, chineck ko ang timeline nito at iilan lamang ang nakikita kong mga pics nito. Mukha pa nga atang poser.

"Malapit na po tayo," sambit ni David dahilan para mapatingin ako sa kanya. Pinatay ko na ang phone ko at inilagay ito agad sa bag. Ilang minuto na ang nakalipas ay lumabas na ako ng sasakyan saka inayos ang aking damit. Nakasuot lamang ako ng black jeans at saka white loose shirt na may design na mini heart sa left side nito. Nagsuot lang din ako ng sneakers at sling bag lang ang aking dala.

Yes! I love wearing simple clothes at hindi gaanong mahilig magsuot ng mga parang mamahaling damit. Minsan, oo, lalo na at may mga occasiona but I prefer wearing these kind of clothes dahil ang comfy sa akin. Naglakad na ako papasok sa building habang si David naman ay nagparke na ng kotse. Nauna na ako sa kanya dahil minamadali na rin ako ng tatay ni Cael na pumunta.

I was about step in when a guard suddenly block my path. "Miss? Ano po ang gagawin niyo rito?" tanong niya sa akin at saka pinauna ang ibang mga papasok.

I don't know what to say, alangan namang sabihin kong asawa ako ng CEO nila. Ang hirap naman banggitin 'yon. Kinuha ko nalang 'yung phone ko para tawagan si David at antayin ko nalang siya rito para makapasok. Wala naman akong ibang excuse na makita para makapasok.

Kanina pa ako tawag nang tawag ngunit hindi pa siya sumasagot. Then after a couple of minutes ay sinagot niya na rin, napabuntong hininga na lamang ako. "David, when will you come here? Ayaw akong papasukin ng guard," sambit ko.

Hindi ito sumagot pero pagkatapos ng ilang segundo ay nagulat ako sa boses na narinig ko. "He left his phone and I ordered David to buy some stuff too so he's not here," Cael added, "Just say the guard that you're my wife."

As if this guard will believe me. Tumingin muna ako sa guard at saka lumapit habang naka on call kay Cael. "Well, you know..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko, hindi ko kayang sabihin na asawa ko si Cael!

"Ano po iyon, ma’am?" tanong niya sa akin. Jusko po, bigyan niyo ako ng lakas na loob para masabi na asawa ko si Cael. Gusto ko nga siyang isuka araw-araw tapos sasabihin ko ang mga katagang ito sa isa sa mga empleyado niya?

Magsasalita na sana ulit ako nang mag-salita si Cael sa phone. "Let her in," he coldly said. Nagulat naman ang guard nang marinig niya ang boses ni Cael at dali-dali akong pinapasok. Ngumiti muna ako sa kanya at pumasok na ako. Namangha naman ako bigla sa nakita ko sa loob ng building after I saw how stunning the inside of the building is, I didn't think na ganito ito kaganda.

Agad ko na ring pinatay ang tawag at saka nagtanong sa guard kung nasaan ang office ni Cael at agad naman niyang sinabi sa akin. Sumakay na agad ako ng elevator, nang makarating na ako sa floor na dapat kong puntahan ay agad na akong lumabas sa elevator. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa office ni Cael at binuksan ang pintuan. Nakita ko naman siya na may ginagawa sa kanyang laptop at seryoso ang mukha nito.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto at naglakad palapit sa kanya. Dahan-dahan naman niyang ini-angat ang kanyang ulo at saka tinignan ako. His brows furrowed after seeing me wearing simple clothes. "Kaya naman pala hindi ka pinapasok," saad niya at tinuloy ang ginagawa niya.

Umupo lamang ako sa upuan sa harap niya at nagsalita. "Tinawag ako ng dad mo na pumunta raw ako rito. What's the reason?" I asks but Cael is still typing on his laptop.

"Dad already left while ago but, sinabi niya sa akin na iwan ito sa iyo," sagot niya at ibinigay sa akin ang isang papel na tungkol sa isang pagpapatayo ng business. "As a part of Mendez family, you should also have a business of your own," dagdag pa niya.

Binasa ko ng buo ang papel at totoo nga ang sinasabi niya. I need to make a business and within two years ay dapat may naitayo na ako, what kind of business naman ang itatayo ko nito? I don't have an interest in business but, what can I do?

"I'll think about this," sagot ko nalang habang nakatingin pa rin sa papel. I don't have the rights to reject this, making a business, huh?

"Don't worry, if you don't want it I can talk to him. Just tell me," sabi niya habang nag t-type pa rin. Hindi na ako nag-salita pa at agad nang tumayo para umalis nang mag-salita muli ito. "We broke up," saad niya at tumigil sa pagt-type.

Napalingon naman agad ako sa gawi niya at gulat na tumingin sa kanya. "Broke up? or Cool off lang?" tanong ko pabalik sa kanya.

"You heard me, right? We broke up, she broke up with me I don't know why," sagot niya dahilan para mapangiwi ako. Akala ko pa naman siya ang nakipag break, laking t*nga talaga nitong lalaking ito. G'wapo at matalino nga t*nga naman sa pag-ibig. Hindi pa ba siya nadala sa ginagawa ni Cassy sa kanya?