8: WHERE IT STARTS
Pagkarating naman namin sa bahay ay agad kaming inalalayan ni Yaya Melda at dinala si Cael sa kanyang kuwarto. Nahulog pa nga ang phone ko dahil nakalimutan ko palang isara ang sling bag ko, laking tang* ko rin talaga.
Bago pa man kami makarating sa kuwarto ni Cael ay parehas pa kami ni David na sinukahan nito. Amoy suka pa nga tuloy ang damit ko. Pinaalis naman agad ako ni Yaya Melda nang makita niyang may suka ang damit ko at sinabihan akong maligo at magbihis agad baka pa raw ay dumikit ang amoy sa katawan ko.
Sinabihan ko naman siyang tulungan si David sa pag aasikaso kay Cael habang ako ay maliligo. Pagkatapos kong maligo't magbihis ay agad akong tumungo sa kuwarto ni Cael at nakita ko si David na pinupunasan ang katawan ni Cael. Kinausap ko naman si David na magbihis muna bago umalis ngunit nagpupumilit itong huwag na raw at uuwi nalang agad.
Wala naman akong magawa kung kaya't hinayaan ko siyang gamitin niya ang sasakyan ni Cael para makauwi rin siya agad. Umakyat na ako sa taas at tumungo muli sa kuwarto ni Cael, sinabihan ko naman si Yaya Melda na ako na ang bahala kay Cael. Tumango muna ito at ngumiti bago pa siya umalis.
Dahan dahan akong lumapit sa higaan ni Cael at umupo sa upuan katabi ng kanyang kama. Hinawi ko ang buhok nitong nakatakip sa kanyang mukha at agad kinuha ang kumot para kumotan ito. Sinabihan naman ako ni Yaya Melda na ayos na siya at hayaan nalang siyang matulog. He's half naked, medyo sanay na ako rito na naka half nake dahil madalas naman niya itong ginagawa.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ang lakas ng tama niya kay Cassy, though wala naman akong problema kung may mahal siyang iba pero sana marunong siyang pumili ng taong mamahalin siya ng totoo at hindi siya lolokohin. "Love is blind, huh?" I murmured.
Moments later, I decided to get out from his room but before I could stand up he suddenly holds my hand. My brows knitted in confusion when he held my hand tightly as if he don't want me to let go. "Cassy, don't leave," he softly said but I can hear it with my two ears.
I wonder how many days have passed since they broke up? Wala naman akong magawa at umupo nalang ulit habang hinahawakan niya ang aking kamay. Para siyang bata na ayaw mahiwalay sa kanyang nanay dahil kapag sinusubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya ay para siyang binabangungot.
Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa mesa malapit sa upuan na kinauupuan ko habang ang isang kamay ko ay hawak hawak ni Cael. Inaantok na rin kasi ako dahil pasado alas diyes na, hindi ko na mapigilang ipikit ang mga mata ko at nakatulog na.
Cael's POV
Iminulat ko na ang aking mga mata at bumangon. Naramdaman ko namang may hinahawakan ako at paglingon ko ay nakita ko si Hazel na natutulog sa upuan habang sinasandal ang ulo nito sa mesa. Paano naman nakapasok si Hazel dito? Nakita ko namang may kumot na nalaglag sa sahig, ito ang paboritong kumot niya.
Dahan-dahan ko na lamang inalis ang kamay ko nang makita ko itong mahimbing pa rin ang tulog ang tulog niya. Tinignan ko kung anong oras na at alas singko na pala ng umaga. I looked down at my body and saw that I was half naked. Hindi kaya ay si Hazel ang naghubad ng damit ko? Hindi naman siguro ano? Hindi naman ginagawa ni Hazel iyon lalo na at alam niyanv hindi ko hinahayaan ang mga babaeng hahawakan ang katawan ko liban lang sa girlfriend ko.
Bigla namang sumakit ang aking ulo kaya't tumayo na ako para umalis sa kuwarto. Naka amoy naman ako ng mabango at nakita si Yaya Melda na nagluluto na ng ulam. Lumingon ito sa akin nang maramdaman niyan nasa mesa na ako at naghihintay nalang sa pagkaing ihahain niya. "Naandito ka na pala Sir Cael, sandali lang at ihahain ko na ang nailuto kong tocino," sambit nito at kumuha ng plato.
"Bakit nga pala andoon si Hazel sa kuwarto ko?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko naman siya at nakita kong nakangiti ito.
"Nako, ginising ko nga 'yon nang alas dose ng umaga dahil nakikita ko itong nahihirapan siyang matulog ngunit tuwing inaalis niya ang kanyang kamay sa kamay mo ay ayaw mo siyang pakawalan kaya hinayaan ko nalang siya roon at binigyan ng kumot," sagot sa akin ni Yaya Melda.
Ako? Ayaw siyang pakawalan? "Ah oo nga pala, si Sir David ang naghubad sa'yo bago pa man siya umalis at ang nag asikaso sa'yo , tinulungan niya rin si Hazel na dalhin ka sa kuwarto mo," dagdag pa niya. Tumango naman ako ng mabagal at tinignan ang phone na dala-dala ko nang may biglang nag notif.
Nag text ang secretary ko na kailangan kong maagang pumunta para sa meeting. I text back to her to cancel all the meetings for today, I need to relax for now. The second notification was about our anniversary, with Cassy. Tuwing anibersaryo namin ay lagi akong naglalagay ng reminder sa calendar ko para hindi ko ito makalimutan lalo na at marami akong ginagawa.
I stared at the notification for minutes and immediately delete the notification. "Kumain na po kayo para magkaroon ka ng lakas," saad ni Yaya Melda at inilagay sa harap ko ang pagkain. Nginitian ko lamang siya at inilapag ang phone sa mesa at nagsimula nang kumain.
"Oh, Hazel gising ka na pala," dagdag ni Yaya Melda dahilan para mapalingon ako sa kung saan siya tumingin. I saw Hazel yawn while covering her mouth and open her one eye looking at me habang ako ako ay yumunguya.
Tinitigan niya lamang ako nang ilang sandali at agad na pumunta sa tabi ni Yaya Melda. Umupo siya sa harap ko at binigyan ng masiglang ngiti si Yaya Melda at bumulong ito sa tenga niya. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Yaya Melda. "Nakakatuwa naman iyan Hazel!" Yaya Melda exclaimed at ako naman ay kunot noong napatingin sa kanilang dalawa.
"What happened?" I curiously ask them.
"Hmm, wala. Nga pala, kamusta na ang pakiramdam mo? Kagabi ay para kang bata ayaw humiwalay sa kanyang nanay," sambit nito at nagsimula nang kumain nang mailatag na ni Yaya Melda ang pagkain sa harap niya.
Parang bata? "Maayos naman," ikling sagot ko at kumain nalang. Hindi ko na tinanong ko pa kung ano ang sinabi ni Hazel kay Yaya Melda but na c-curious ako sa sinabi nito.
"Are you sure? There's nothing wrong with a man being honest at times, you know? Don't worry, I won't pass judgment," sambit nito dahilan para gumalaw ang aking mga mata para tignan siya. "But, okay lang din naman if ayaw mo," dagdag pa niya at sumubo ng pagkain.
Hindi na ako kumibo pa at kumain lang ng tahimik. Sabay kami ni Hazel na kumain at habang siya ay kumakain panay daldal ito kay Yaya Melda at tumatawa, mukhang alam ko na ang dahilan niya kung bakit ang laki ng ngiti niya kanina. Magkakaroon pala ito ng signing event sa isang bookstore na labis niyang kinatuwa.
Tinitignan ko lamang silang nagdadaldalan at ibinaling ang tingin ko kay Hazel na madalas ay tumatawa at ngumingiti kanina pa. After that night that I gave her a smack kiss, pakiramdam ko ay kumabog nang malakas ang dibdib ko. I don't know how did it happen, wala naman akong gusto sa kanya pero matapos ang gabing iyon ay minsan naaalala ko kung ano ang nangyari noon.
Hazel is a good wife but madalas naman ay may sumpong. Akala mo kung sinong matapang dahil madalas ay mas matapang pa siya sa mga lalaki. But, hindi siya pekeng tao. Anuman ang kanyang nararamdaman ay pinapakita niya talaga. She is a caring woman, beautiful and courageous.
Cassy is also a good girlfriend to me, before. Nagbago siya after I married Hazel kaya naman nagkaroon din ako ng galit sa kanya, sinisisi ko siya dahil siya ang dahilan ng pagbabago ni Cassy. But last last week ko lang nalaman na Cassy cheated on me for years already and she broke up with me right away. Hindi ko akalain na ginagamit niya lang din pala ako for fame and money, pero kahit na ganoon ay ayaw ko pa rin siyang pakawalan.
I don't know, after being attached to her for years ang hirap pakawalan ang isang taong naging parte na rin ng buhay mo. Kahit na may malaki siyang kasalanang nagawa ay ayaw ko pa rin siyang umalis sa tabi ko dahil nasanay akong lagi siyang nasa tabi ko. Even until now, I still love her.
"Hoy Cael!" biglang sigaw ni Hazel dahilan para magulat ako at binigyan ko siya ng masamang titig. "Galit na naman 'to, tinawag lang naman. Ubos na ang pagkain mo kumakain ka pa rin," dagdag pa niya para mapatingin ako sa plato ko.
Napatitig ako rito saglit at saka tumayo para ilagay sa lababo ang platong ginamit ko. I take a step para umalis na sa dining area ngunit nagsalita muli si Hazel. "Maligo ka na at aalis tayo," saad nito.
"To where?" I ask her confusedly but she just smiled at me dahilan para mag-taka ako. May delikadong plano ba ang babaeng ito?