CHAPTER 3: Look
KYLIE
“ are you okay??” tinignan ko ung nag tanong.
“ okay lang” sagot ko, inayos ko ung sarili ko.
“ you sure??” tumango ako.
“ kasalanan ko naman kasi may iniisip ako at sa iba ako naka tingin” ngumiti siya.
“ mmm.. next time always look at your front, here take this… call me when you feel something bad” inabot ko.
“ sige… pasensya na” tatalikod na ako ng nag salita pa siya.
“ what is your name?”
“ Kylie”
“ Toby” nag kamayan kami at tumalikod na ako, kailangan ko ng umuwi kasi maaga pa klase ko.
--
KYE
“ damn!!! Where is that bracelet?!” nakakainis! Kung hindi ako binangga nong babaeng iyon malamang hindi mawawala, nawawala tuloy ung bracelet ko na binigay ni chelsy. Chelsy is my first love, siya rin ang nagiisang kaibigan ko.
“ sir nakuha ko na po ang buong detalye nong pinapahanap niyo”
“ tell me everything” utos ko.
“ kylie ventura 1st yeat college at nag tatake ng h. r. m, hindi mayaman ang pamilya at namatay ang kanyang ama kaya ang ina na lang ang nagtataguyod sakanya pero may kinakasam ito at mukhang binubogbog ang kanyang ina” tsk! Kaya naman pala ganun siya, bastos at parang walang pinag aralan ay dahil kulang siya ng pagmamahal sa pamilya.
“ puntahan niyo ang bahay nilA bukas at halughugin, mAaaring naka tago Lang ang bracelet ko sa bahay nila” utos ko.
“ sir paano kapag may tao?”
“ then gawan niyo ng paraan!” inis kong sabi.
---
KYLIE
“ nakakainis ung math natin, ang hirap” reklamo ko.
“ hindi ka mahihirapan kapag nakinig ka kylie, puro ka naman kasi tingin ng tingin sa baba ng instruktor natiin” sabi ni katie.
“ grabe ka naman… parang sinabi mong ang manyak manyak ko” sumimangot ako.
“ namimili naman ako, matanda na ung intructor natin at kaya ako naka tingin sa baba kasi inaantok ako at ayoko ng math…ung utak ko nanginginig kapag nag iniexplain niya pa lang” napapailing si katie.
“ pero kahit hindi ka nakikinig bakit ka pumapasa parin sakanya?” tanong ni jane.
“ siguro may palihim kang ginagawa no” siniko siko ako ni jane,.
“ tsk! Talagang magaling lang ako” bilib kong sabi.
“ okay tama na iyan, sabi mo kylie kakain tayo sainyo” sabi ni katie.
“ oo nga pero need niyo bumili ng food para may makain tayo” ngumiti ako ng malawak.
“ ito talaga iisahan pa kami” sabi ni jane.
“ biro lang, ako na bibili” ngiti kong sagot.
Dumaan muna kami sa isang department, bumili ako ng makakain namin. Mag oover night kasi kami sa bahay, naipalaam ko na kaya mama. Hindi kasi uuwi si mama dahil mag oovertime daw siya kaya niyaya ko sila sa bahay at total walang pasok bukas.
“ pasok kayo, pasensya na maliit ang bahay namin”
“ ano ka ba, okay lang” sabi ni jane, kanya kanya na silang pwesto at talagang feel at home sila.
Inayos ko naman ang pinamili ko, nag saing na ako at inihanda na ang lulutuin. Pumasok muna ako sa kwarto para mag palit, sinabihan ko na din sila na iwan ang gamit nila sa kwarto at mag palit na sila or mag shower kung gusto nila.
Nag luto na ako ng makakain, tinignan ko ung dalawa na palabas na ng kwarto ko. Balik pwesto na sila kaya itinuloy ko naman ung ginagawa ko.
“ oyyy ang sarap ng bango” si jane.
“ tikman mo” pinatikim ko ung niluto ko.
“ mmm ang sarap, bagay mo talaga ang h. r. m.” tumango ako
“ ako hindi ko alam kung bakit nag take ako ng h. r. m, hindi naman ako mahilig mag luto” natawa naman ako sa sinabi ni jane.
“ alam ko kung bakit” singit ni jane.
“ dahil sa second year college na lagi mong kinukwnto” kumunot ang noo ko, hindi ko alam iyon ah.
“ sino?? Bakit hindi ko naman alam” sabi ko.
“ haha!! Eto kasing si jane may naka banggaan na lalaki at ang gwapo daw, ang bait at perfect to be her boyfriend ika niya…. Pero noon pa ito bago pa siya nag enroll bilang h. r. m” kwento ni katie.
“ talaga??” tumango si jane na naka ngiti.
“ kaya nga ko nag enroll kahit wala akong hilig sa pag luluto or what so ever, basta mapalapit lang ako sakanya ay okay na” sabi ni jane.
“ malapit na.. diba may school fest ng school natin?? Mag titipon ang mga first at second year habang ang third at fourth naman ang magtitipon” sabi ni katie.
“ kaya ngaaa!!! Excited na ako, ooy katie alam mo na, itilak mo ako at gagawin ko naman ung ginawa mo don sa mall” sabi ni jane, lumawak ang ngiti ko.
“ ah sige.. gusto ko yan” sagot ko.
“ oyy huwag naman… mamaya niyan mapahamak pa kayo diyan” ayan nanaman si katie na panay ang kontra.
“ chill…” sabi ni jane, ang sama ng tingin niya saamin.
“ kumain na nga lang tayo” sabi ko, luto naman na kaya pwede na kaming kumain.
Si jane ang nag hugas ng pinagkainan namin, si katie naman ang nag punas ng nahugasan na. inayos ko naman ung panuoran namin dahil mag momovie marathon kami.
Okay na ang lahat kaya pumuwesto na kami, pinatay namin ang mga ilaw at seryoso ng nanuod. Nag luto ako ng popcorn namin para may kinakain kami habang nanunuod.
Naka dalawa kaming movie, ayaw na daw nong dalawa at antok na kaya nag desisyon kaming matulog na lang. doon na din kami sa sala natulog at hindi sa kwarto.
THIRD PERSON
Dahan dahan kaming pumasok sa bahay, ito lang ung bahay na andaling pasukin dahil hindi naka lock. Nag lakad kami ng dahan dahan at nakita namin na may nakatulog sa sala, nag senyasan kami ng kasamahan ko na mag ingat.
Hinalughog namin ang bahay, ako na nasa kwarto. Wala akong pinalampas na area at gamit para hanapin ung pinapahanap ni sir, ilang minuto kaming naghahanap ng napadako ako sa isang bag. Binuksan ko at bumungad saakin ang kumikislap na bracelet.