CHAPTER 4: Bracelet
KYLIE
Nagising akong maingay ang kusina, tinignan ko kung sino. Si mama, dumating na pala siya at nagluluto ng almusal namin.
“ good morning mama”
“ mukhang napasarap ang bonding niyo anak at hindi niyo na naayos ang mga gamit niyo, kanina pumasok ako sa kwarto mo para ipasok ung natupi mong damit jusko bakit naman ang kalat. Inayos ko tuloy” nagtataka naman ako.
“ ganun ba ma?? Hindi ko napansin, dito na kasi kami sa sala… pasensya na ma” sabi ko na lang.
“ okay lang…umupo kana at malapit na akong matapos dito” sabi niya.
“ good morning tita”
“ helo tita” gising na din sila.
“ kamusta naman ang tulog? Hindi ba kayo nahirapan?” tanong ni mama.
“ hindi naman tita, ang sarap matulog dito sainyo” sabi ni katie.
“ mag pagawa ka kasi ng higaan mong papag sa bahay niyo para hindi ka lagi sa higante mong kama” sabi ni jane..
“ kung pamamahay ko lang bakit hindi” sagot ni katie.
“ tsaka kapag gusto ko matulog sa papag, tatawagan ko lang si katie.. diba tita okay lang?” tanong ni katie na nagpapa cute pa.
“ oo naman, kung gusto niyo dito na din kayo tumira pero simple lang ang ulam namin” sabi ni tita.
“ its okay tita dahil masarap naman” sabi niya.
“ thank you… halina kayo at mag almusal na, may mga kape na din kayo” nag si upo na sila.
“ ma hindi ka sasabay?” tanong ko.
“ matutulog na muna ako anak, antok na ako… bahala na kayo diyan ha” sabi niya.
“ sige po”
Ako naman ang nag hugas habang ung dalawa naligo dahil may lakad kami, susunod din ako matapos ko lang itong iayos para pag gising ni mama ay wala na itong gagawin.
BLAG!!!
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan, mag mga lalaking pumasok na naka itim at agad akong hinawakan.
“ teka sino ba kayo?! Tulong!!!” sigaw ko, lumabas si mama at sila katie.
“ get her!” napakunot ang noo ko, ito ung nag pa blotter saakin.
“ ah mister… anong nangyayari at bigla bigla kang pumapasok sa pamamahay ko at sino ka ba?!” tanong ni mama.
“ your daugther is a thief!!!” napaawang ang labi ko.
“ kung tungkol ito sa bracelet diba kinalkal niyo—”
“ lets find it if its not you, sumama ka saamin para makuhua ang finger print mo. Kapag nag match ang finger print sa bracelet sayo then its true na ikaw ang kumuha” inirapan ko siya.
“ okay sige” sigurado kong sagot.
Sumama ako sa presinto, kinuha nila ang finger print ko at nag hintay kami kung akma ba ang nakuha saakin sa bracelet.
“ mama” tahimik lang kasi siya sa gilid.
“ hindi ako—”
“ Alam ko anak, kilala kita at pinalaki kitang hindi ganung tao pero ang kinakabahala ko paano kung nag match? Ipapakulong ka nila” kita ko ang lungkot sa mata ni mama.
“ ma hindi ako makukulong kahit lumabas na match” tinignan niya ako.
Nag hintay kami, kasama ko parin ang mga kaibigan ko na tahimik. Hindi ako nagnakaw sa bracelet na iyon, paanong ako??
“ meron ng result” napatayo ako.
“ negative, hindi nag match” naningkit ang mata nong lalaki.
“ did you double check?”tanong niya
“ yes sir at hindi kami pwedeng magkamali” panigurado ng pulis.
“ paano ba yan, hindi ako so ibig sabihin mali ka ng tao na pinagbibintangan?!! Okay na?” hindi umimik ung lalaki at tumalikod tsaka maglalakad palayo pero pinigilan ko.
“ teka…hindi pa tayo tapos” sabi ko, kumunot ang noo niya.
“ dahil sa bigla mong pagpasok sa bahay namin na walang ano ano, kakasuan kita ng trespassing at pangbibintang ng walang ebisensya” tama ba?!! Wala akong alam sa batas.
“ tama… bigla bigla kang nambibintang tapos papasok sa bahay namin” dugtong ni mama.
“ sir mag fifile ako ng case against him” pinasingkitan ko siya ng mata.
“ call my attorney and let him handle this” sabi nong lalaki at umalis na, nag tinginan kami.
Naiinis ako dahil inabisuhan akong huwag na lang mag file ng case dahil wala daw akong laban, kunin ko na lang ang pera at manahimik. Iyon din sabi ng mga pulis, kilala nila ang mga hulton. Makapangyarihan ang mga ito at gumagawa lang daw ako ng ikakapahamak ko kaya mas okay ng manahimik.
Si katie, iyon din ang sabi. Hindi niya kilala ang hulton pero may naririnig siyang tungkol sakanila at mas okay ngang manahimik na lang daw ako, hindi na din ako pinilit ni mama dahil natatakot na siya sa naririnig niya.
“ hayaan mo na anak, ang mahalaga naman ay hindi ikaw ang may sala” sabi ni mama, umuwi na kasi kami at naiinis na ako.
“ ngayon ko lang nalaman na may ka schoolmate tayong billionaryo?! At talagang sa skwelahan pa natin?? Nakaka pagtaka naman” sabi ni jane.
“ sa pagkakaalam ko may pagmamay ari sila na skwelahan at mukhang ung school natin, hindi din naman basta basta ang school natin dahil kilala naman itong elite school” sabi ni katie.
“ naku kung sakanya ang school ibig sabihin hindi pa tapos ang pagtutuos niyo kylie” sabi ni jane.
“ hindi ko siya uurungan” sabi ko naman.
“ anak huwag mo ng pansinin at mag aral ka na lang” sabi ni mama
“ kayo din, umiwas na lang kayo” tumango sila, hindi ako umimik.
--
KATIE
“ mam… naku mam magagalit ang mama niyo sa ginagawa niyo” sabi ng katulong namin, naiinis ako!!! Paanong napunta sakanya iyon??
“ bwesit!!!” hinagis ko ung vase na napaka mahal, napanganga ung katulong namin.
“ nakakainisssssssssssssss!!!” hinagis ko uli ung isa para matalsikana ako.
“ naku mammmmmm!!” nilapitan ako agad at tinignan ung dumudugong mukha ko, nagsisigaw siya at hindi alam ang gagawin.
Dinala ako sa hospital, napaka o. a nila. Nadaplisan lang naman kaya dumugo, bakit kailangang dalhin sa hospital.
“ what happen to you?” tanong ni mama.
“ anong nangyari at binasag mo ang mga vase natin?” dagdag niya.
“ what a useless girl, pareho kayo ng ama mo” inirapan ako at nag lakad palayo.