CHAPTER 2: School

KYLIE

“ GISINNGGGGGGGGGGGGG!” halos lumuwa ung tenga ko sa sigaw ni mama.

“ mama naman” simangot ko, pumaikot ako sa kama ko.

“ anak may pasok ka… baka naman nakakalimutan mo” napaisip ako….

“ meron ba mama?” pinalo ako tuloy.

“ bumangon ka diyan at andiyan na sila jane at katie sa baba… dalian mo” napa buga ako ng hangin, bumangon na ako at dumiretso sa c. r

Mabilis lang naman akong maligo at ung mag palit madali lang din kasi naka matchy matchy na lahat ng damit ko kaya kukunin ko na lang at isusuot, hindi na ako ung matatagalan pang I match ung damit.

“ grabe si madam… daig pa ang prinsipal” sabi ni katie, ngumiti ako.

“ mama alis na kami” kumuha ako ng tinapay, okay na ako sa ganung breakfast. Iniabot niiya ang baon ko.

“ mag aral anak ha.. huwag puro kamanyakan” natawa sila jane, alam naman ni mama ang kalokohan ko pero sa totoo lang mana ako sakanya kasi ganun niya nakilala si papa.

“ akala ko bakasyon na, may pasok pa pala”

“ huwag ka nga kylie, araw araw yan ang sinasabi mo” ewan ko ba minsan tinatamad ako tapos minsan gusto ko naman na may pasok, hindi ako tamad ah…. Binabagot lang, hindi naman ako boblaks para tamarin ako, may utak naman ako.

Nakapasok na kami sa school na may napansin ako, napatitig ako. Mmmm infairness madaming matatambok ngayong semester ah, mas napatitig ako sa mas matambok.

“ jane oh” tawag ko sakanya pero bakit papalapit ng papalapit ung tinitignan ko, iniangat ko ung mukha ko. Nanlaki ang mata ko at biglang umakting na napulingan ang mata ko

“ ahhh aray… ang alikabok naman dito” pakunwari ko.

“ tsk… hindi kana natutu sa nangyari” tinignan ko ung lalaki, ito kasi ung nag pa blotter saakin.

“ huh?? Pinagsasabi mo?” Pagsusungit ko.

“ tsk… you better stop doing that, kababae mong tao ang manyak mo” tumikwas ung isang kilay ko

“ manyak?? Ako??? Minanyak kita?? Sa anong parte??!!” pagsusungit ko parin.

Matalim niya akong tinignan tsaka lumapit ng lumapit saakin, napalunok tuloy ako ng matindi. Grabe ang tibok ng puso ko, grabeng kinis ng mukha yan, nahiya naman ung mga black heads at white heads ko sa mukha ko.

“ stop looking at my dick baka magsisi ka, pumapatol yan” bulong niya, namula ang buong mukha ko.

Nag lakad na siya kasama ung kaibigan niyang dalawa na malawak ang ngiti saamin, hindi ako agad naka balik sa sarili ko.

“ oyyy kylie” tawag ni jane, natauhan na ako

“ huh??”

“ may klase pa tayo” tumango ako at nauna ng nag lakad, naiinis ako…. Naiinis ako kung bakit hindi ako naka sagot doon.

“ oyy.. tulaley ka naman sa kagwapuan niya” pang aasar ni jane.

“ ang hilig mo sa gwapo kylie” sunod naman ni katie.

“ dapat lang… aanhin ko ang mata ko kung hindi gwapo ang titignan ko” sagot ko, natawa si jane.

“ puro ka kalokohan…” nginutian ko siya

“ nga pala katie anong balak nitong weekend?” pang iiba ko.

“ hmmmm?? Saan niyo ba gusto?” tanong niya, si katie kasi mayaman habang kami ni jane ay sakto lang.

“ oyy katie pa skate ka naman” nalungkot ako, hindi kasi ako marunong.

“ ahhh sige!!! IPapa schedule na ako tapos sa mismong vip para sulit natin” excited niyang sabi, nag aalangan tuloy akong pumunta.

“ oh bakit ganyan mukha mo?” tanong ni katie.

“ hindi ako marunong sa ganun” malungkot kong sagot.

“ madali lang yan! Tuturuan kita” sabi ni jane, ngumiti ako.

“ yakang yaka mo yon” dagdag niya pa, tumango ako.

Matapos ang klase namin ay dumiretso na ako agad sa bahay, nadatnan ko si mama na nakayuko. Nilapitan ko pero gulat na gulat ako sa nakita kong pasa sa mga katawan niya, iniangat ko ang mukha niya.

“ asan ung lalaking iyon---”

“ anak anak anak…. Huwag na, kasalanan ko naman” kumunot ang noo ko.

“ ma kasalanan mo man o hindi, wala siyang karapatang saktan ka! Grabe naman yan ma, tignan mo oh hindi kana makilala sa itsura mo!” inis kong sabi, umiling iling siya.

“ okay lang ako… sabi ko nga kasalanan ko ito kaya nangyari saakin to, mabait ang tito mo. Matigas lang ang ulo ko kaya---”

“ ma hanggang kailan ka magiging ganito?? Ma ang pag ibig hindi nakaka manhid yan, nag pag ibig dinadamdam yan” ngumiti siya kahit hirap at hinawakan ang kamay ko.

“ anak minsan kailangang maging manhid para sa ikaliligaya ng puso, pagbigyan mo na ako ngayon. Kaya ko ito, malaki na ako” napa buga ako ng hangin at niyakap siya.

“ sa susunod na makita kitang ganito ipapakulong ko na siya” banta ko.

“ mag palit kana at ipaghahain kita” kumalas na ako sa yakap at umalis tsaka pumunta sa kwarto, maagang namatay si papa dahil sa aksidente… ang pinaka masakit hindi nahanapan ang bangkay niya at ang sabi ay kinain na daw ng mga pating.

Isang crew si papa sa isang cruise tapos biglang may nangyari para masunog ang cruise, makakaligtas sana si papa kung hindi lang may iniligtas siyang pamilya.

Napaka bait ni papa, ni minsan hindi niya pinagbuhatan si mama at laging kalagayan namin ang iniisip niya maski hirap na siya.

Lumabas na ako para kumain, umupo na ako at uupo na sana si mama ng biglang bumukas ang pintuan. Si tito ronald, tumayo ako para puntahan sana siya at sampalin pero agad agad na pinuntahan ni mama si tito at hinila papuntang kwarto nila.

Nakarinig ako ng mga kalampag, napakuyom ang kamao ko. Hindi na ako kumain at umalis na lang ng bahay, mas gusto ko pa dito sa labas kaysa marinig ang iyak ni mama.

WAla namang problema kapag kami lang ni mama eh, ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ung lalaking iyon na wala namang naihahatid na maganda sa buhay namin??? Madaming lalaki diyan kung tutuusin kung pagmamahal din lang naman ang hanap niya.

“ aray!” nabunggo ko ung sasakyan.