CHAPTER 11: Manloloko

JANE

Hindi ako maka galaw dito dahil sa titig niya, para akong kinukuryente. Kinuha ko ung drinks ko at talagang kinakabahan ako.

“ ang tahimik naman natin?!!” simula kasi ng hindi na nag usap sila kye at kylie ay wala ng nag uusap pa.

“ dapat maging close tayo diba?!! Lalo pat were having a trip!” napa tingin kami sakanya.

“ tulad nong school fest magkakasama ang first at second, hindi ko alam kung saan pero balita ko hiking daw ang nabunot ng head para saatin. Hindi ito sapilitan na sasama at hindi ah, sa may gusto lang pero sa course kasi namin nirequire” sabi ni nate.

“ seriously??!!” sabi naman ni kye na halatang ayaw.

“ ahuh… hindi pwedeng tumanggi kye, you need this trip tsaka parang may alam namansi tito about this kasi nakita ko siya kanina sa school” hindi naka imik si kye, tinignan ko naman si kylie.

“ hindi kami sasama” sabi ko, alam kong ayaw ni kylie kasi meron si kye para iwas away na din.

“ hindi pwede… look oh” si katie, tinignan namin ung message sa gc ng first year course namin.

“ sabi hindi sapilitan tapos ngayon need pumunta??” sabi ni kylie.

“ Same tayo ng course?? Ang galing napaka coincidense ng mga nangyayari” sabi ni nate.

“ bat parang ang saya mo pa?” tanong ni toby, naka ngiti siya

“ yeah im happy” sabay tingin saakin, namula naman ako.

Muli nanahimik nanaman kami habang kumakain, mayat maya ay naubos na namin ung pagkain namin. Bubulungan ko sana si kylie ng may nakita ako sa labas, si tito randy niya iyon ah at may kasamang babae.

“ kylie” turo ko, tinignan naman ni kylie.

Dali dali siyang tumayo at lumabas, sinundan namin ni katie. Hindi kasi ang mama niya ang kasama ni tito randy niya kundi iba at ang sweet sweet pa nila.

“ walang hiya ka!!! Manloloko ka!!! Ang pangit na nga ng ugali mo manloloko ka pa!!!” pinagsasampal niya si tito randy hanggang nahawakan niya si kylie at itinulak.

Tumayo uli si kylie at pinagsasampal niya, hinawakan ni tito randy ang magkabilang braso at sinigawan.

“ manahimik kana!!!” sabi niya.

“ manloloko!!! Akala mo hindi ko sasabihin ito kay mama!!” sabi ni kylie.

“ sabihin mo!!! Wala din namang kwenta yang mama mo, laging walang pera at may anak na matigas ang ulo!” kita mo ang galit kay kylie.

“ mas wala kang kwenta, anlaki laki mo bakit hindi ka mag trabaho kaysa manghuthut sa iba” sagot ni kylie.

“ gustong gusto naman ng mama mo tsaka wala ng magkakagusto sa mama mo dahil matanda na!!! Kaya iniwan na din ng papa mo!!!” lumapit uli si kylie at pinag sasampal siya, hindi na mapigilan pa si kylie hanggang sinampal siya ni tito randy para mapa upo ito.

“ kylie” tinulungan namin, dumating na din sila kye at mga kaibigan niya

“ sabihin mo sa mama mo, mag ayos ayos naman at maligo, bilasa na kasi!” natatawa pa si tito randy, si kylie naman namulot ng bato at ibinato. Natamaan ung babae niya kaya nainis si tito randy at akmang sasampalin niya ng humarang si kye.

“ ipapakulong kita” tinignan siya ni tito randy.

“ once again, ipapakulong kita at sisiguraduhing hindi na lalabas” dagdag niya, umurong si tito randy at hinila ung babae tsaka umalis.

Tinignan ko si kylie na tumutulo na ang luha, pinatayo ko at inayos ung buhok niya.

“ okay lang kayo??” tanong ni toby.

“ okay lang pero si kylie” pinunasan ni kylie ang luha niya.

“ okay lang ako, mauuna na ako pasensya na sa iskandalo” sabi niya sabay lakad palayo saamin.

“ Ihahatid na kita” sabi ni kye.

“ huwag na baka ma doble pa ang galit ko” sagot ni kylie.

“ then let me” singit ni toby, hindi umimik si kylie kaya nilapitan na ni toby.

Bumalik kami sa loob, halatang bad trip si kye dahil sa itsura niya pa lang at the way siya uminom.

“ mabuti na ung wala na sakanila si randy na yan, ilang beses na ding nagugulpi si kylie” sabi ni katie.

“ Bakit hindi niya ireklamo sa pulis” sabi naman ni nate.

“ gusto ni kylie pero ayaw ng mama niya, give a chance daw pero heto naulit lang uli buti nga hindi malala na halos may black eye si kylie” sabi ko naman.

“ nasa nanay niya na iyon, alam niya na ngang sinasaktan ang anak niya okay pa din sakanya at hindi niya aksyunan” sabi ni kye.

“ maybe takot maiwan uli ang mama niya” sagot ni katie.

“ tsk… hindi rason iyon, ipagpapalit niya ang anak niya sa kaligayahan niya?!!” inis na sabi ni kye nanaman.

“ that’s love” sabi naman ni katie.

“ its not love, pagiging martyr o manhid na iyon” tama nga naman si kye.

“ pero mukhang magiging okay na sila dahil mukhang di naman na babalik ung lalaki” singit ni nate.

“ hindi na sila mabubogbog pero si kylie at si tita naman ang hindi magiging okay, sana mali ako” sabi ko.

“ im going to tell this to dad, if di niya kayang protektahan si kylie then let us do it” nag tinginan kami ni katie, ung lalaking hindi mo aakalain na ganito siya pala kumpara sa pagkakakilala namin na ang sama sama niya.

“ Now that you have a sister, iba kana mag salita… niceeeee, sana alam ko na iyon lang pala magpapabago sayo ay kinuhanan na kita agad ng kapatid” binatukan siya ni kye, seryoso na eh tapos may ganito siyang banat

“ ung isinusumpa mo noon na kapatid mo na hahahahhaa… what a world, unpredictable talaga baka mamaya niyan kapatid na naging lover na total hindi naman kayo tunay na mag kapatid” hindi na naka reak si kye at iniwas na lang ang tingin.

“ malabo…ayaw niya kay kye” singit ni katie na napaka seryoso at madilim ang mukha, namalit mata lang ba ako o talagang iyon ang nakita ko.