CHAPTER 10: Hulton
KYLIE
“ it’s a no no” tinignan ko ung sumalo ng sampal, si kye.
Tinignan niya ako, inirapan ko siya. Tatalikod sana ako ng hinila niya ang braso ko palayo, inilayo niya ako hanggang sa walang tao.
“ can you stop staring other people?!” tinaasan ko siya ng kilay.
“ masamang tumingin? So paano pipikit ako?! “ bumuga siya ng hangin.
“ I mean stop staring downward para hindi ka pagkamalang manyak” napa ngiti ako.
“ hindi ako pagkakamalan kung hindi mo sinabi sa buong school na manyak ako” sagot ko, natahimik siya.
“ tsaka anong masama kung titingin sa baba? Manyak na ba iyon?! Gosh!! Hindj ko hinimas o what so ever diyan! Mali ata ang alam niyong manyak, search mo sa google baka sakaling malaman mo” inis kong sabi, tumalikod na ako para bumalik.
Naka simangot akong umupo, tumabi si jane na ang lawak ng ngiti.
“ problema mo?” tanong ko.
“ isang hulton lang naman ang sumangga sa sampal na para sayo…. Ayiiiehhh anong ganap?!” tumikwas nanaman ang kilay ko.
“ walang ganap” bakit ba bigla bigla kasing sumusulpot iyon.
“ parang umiba ung awrahan niyo”
“ mag iiba na talaga lalo pat nalaman kong papa niya na si papa” nanlaki ang mata niya.
“ papa niya si tito?” si katie biglang sumulpot.
“ mmm… matagal na and annuled na din sila ni mama so hindi ko na siya legally na ama” ang sama parin ng loob ko, hindi ko sinabi kay mama na alam ko na ang lahat.
“ ama mo parin dahil mag kadugo kayo” sabi ni jane.
“ sa dugo oo pero sa papel hindi na, hiniwalayan niya si mama so parang inialis niya na din ako. Ang bilis niyang ipag palit kami?! Kami na nakasama niya sa hirap, kami na nagbigay ng kompletong pamilya” tinignan nila ako.
“ bakit andali niyang Kalimutan ang pagmamahal niya saamin?!” ung sinabi niyang si mama ang nauna, mali siya doon dahil gabi gabi ko siyang naririnig na umiiyak at tinatanong kung naSaan na si papa simula nong nawala siya.
Dumating si tito randy nitong taon lang sa bubay ni mama, siguro nalaman niya kung nasaan na si papa kaya pumatol na siya sa taong iyon na hindi man lang nag iisip.
“ nagkausap kayo?” tanong ni katie.
“ gusto niyang mag paliwanag pero sa nakita ko, naintindihan ko na agad at sa sinabi niyang annuled na sila wala na akong gustong malaman pa” nakakadismaya lang kung bakit ganun ganun lang niya binitawan ang pamilya niya.
“ ano na balak mo? Ang labas kasi niyan kapatid mo na si kye” sabi ni katie.
“ puputulin ko ung koneksyon namin, kaya naman namin ni mama kahit wala siya” sagot ko.
Hindi na sila umimik dahil dumating na ang intruktor namin, natapos na ang klase namin. Palabas na kami ng room ng may naka abang sa labas.
“ antagal mo” bagot niyang sabi, tinignan ko lang siya at nag lakad. Sinundan naman ako nila katie at jane maski si kye ay sumunod.
“ eyyy… ihatid daw kita, utos ni papa” huminto ako.
“ paki sabi huwag na, kaya ko naman” sagot ko.
“ ayoko nga, ikaw mag sabi kung gusto mo” sabi naman niya.
Hindi ko na lang pinansin at nag lakad, naka sunod lang siya saamin.
“ kye!” napa kapit si jane saakin.
“ pauwi na kayo??” lapit niyang sabi, tinignan kami at nginitian.
“ hi… im nate kaibigan ni kye” pakilala niya agad.
“ hindi nila gustong makilala ka” sabi ni kye.
“ grabe naman pero maiba ako, uwi na kayo??? Kain muna tayo” paanyaya niya.
“ ah tama… isama mo yang kaibigan mo para hindi kami ang ginugulo” singit ko.
“ hm?? Sama na kayo, libre niya” turo kay kye, nagtaka naman si kye kung bakit siya?
“ haha!!! Tara na? Ohhh si toby…… toby!!!!” lumingon kami, so kaibigan niya din ito. Pambihira, kawawa ung mga kaibigan niya puro mababait habang siya kabaliktaran…. Sayang di nila maipasa man lang ung kabaitan nila sakanya.
“ were going to eat, sama ka?” teka pumayag ba kami, aangal sana ako ng siniko ako mi jane.
“ plesssseeee” bulong niya, anong please? Tinignan ko si katie na nag kibit balikat lang.
“Sure sama ako” sagot ni toby, tinignan ako at nginitian. Ginantihan ko lang ng tipid na ngiti at lumingon agad sa iba sakto naman na kay kye ako napa tingin.
“ lets go” sabi niya, teka hindi kami pumayag.
Nag lakad sila, sumunod naman ung dalawa. Huh?! Seryoso ung dalawa??!! Napa buga na lang ako ng hangin at sumunod. Tahimik lang akong naglalakad ng may tumabi saakin.
“ huwag kang lalapit kay toby” problema neto.
“ masamang lumapit?? Kaibigan mo ung tao tapos ganyan sasabihin mo” sagot ko.
“ I know him more than you do kaya I suggested lumayo layo ka kung ayaw mong mabiktima” sabi niya, napa pout ako.
“ mas okay ng mabiktima niya kaysa mabiktima mo” tinignan niya ako, ang dilim ng mukha niya.
“ then go… huwag kang magsisisi sa huli” sabi niya sabay layo saakin, napa buga uli ako ng hangin.
Nakarating na kami sa resto at sila na din umorder, tahikik lang ako habang si jane halatang kinikilig. si katie nahuli ko siyang naka tingin kay kye pero nong napansin ko ay iniba ang tingin.
“ woooww…. This is life!” sabi ni nate, parang ngayon lang kakain.
“ by the way kye, bakit ka naka sunod sakanila?” tanong ni nate.
“ may sinusundo---”
“ naks…. Jowa na ang kinasusuklaman niya” napa kunot ako, kinasusuklaman talaga???
“ no… inutusan lang ako” sagot niya.
“ inutus ni?” tanong naman ni toby.
“ our dad” walang naka imik sa sinabi niya, ako na namula sa sinabi niya kasi iba ang naintindihan ko sa sinabi niyang ‘our dad’
“ Not my dad anymore” sabi ko.
“ its still your dad, kung hindi sakanya wala ka kaya tatay mo parin siya plus sa ayaw at sa gusto mo susunod ka saakin dahil utos ni dad” hindi ako umimik.