CHAPTER 12: Kylie
KYLIE
Simula ng iniwan siya ni tito randy, hindi na lumalabas si mama. Hindi na siya kumakain, parang nawalan na siya ng gana maski ako nawawalan na ako ng pag asa sakanya. Ginagawa ko naman ang lahat pero lahat ng iyon ay binabalewala niya at ako pa nga ang sinisisi niya dahil inwan siya ni tito randy.
Knock knock
“ anong ginagawa mo dito?” si kye pero hindi lang pala siya mag isa kundi kasama niya si papa.
“ were here to talked to your mom” sabi ni kye.
“ wala siya sa mood maki pag usap, kapag okay na lang siya” sagot ko.
“ kylie let me talked to your mom” tinignan ko si papa.
“ wala nga siya---”
“ sino yan?” binuksan ko ang pintuan at nakita nila si mama na magulo ang pananamit at ang buhok.
“ paalisin mo sila” sabi ni mama.
“ brenda mag usap tayo para kay kylie” sabi ni papa.
“ anong pag uusapan tungkol sakanya? Gusto mong kunin siya?? Kunin mo” nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni mama.
“ ipag eempake ko na siya”
“ ma naman” tutol ko, nilingon ako.
“ hindi kita kayang pakainin, hindi kita kayang paaralin, kaya don ka kay papa mas maganda ang future mo at isa pa ayoko ng pabigat sa buhay ko” nasaktan ako sa sinabi niyang iyon, pabigat ba ako?
“ gusto kong mabuhay ng walang pabigat, gusto kong mabuhay ng walang inaalala, gusto kong mabuhay ng wala ka” napakuyom ang kamao ko.
“ kaya sumama kana” tumalikod na siya at pumasok sa kwarto ko, ilang minuto lang ay lumabas na siyang dala ang damit ko.
“ kunin niyo na yan” ibinigay sakanila ung gamit ko, naka tingin lang ako kay mama.
“ sana kung ganito din lang pala ang gagawin niyo saakin sana hindi niyo na lang ako ipinanganak” tumulo ang luha ko.
“ pero mag tha-thank you na lang ho ako na ipinanganak niyio ako kahit pabigat po ako” tumalikod na ako.
Sumunod sila saakin at pinag buksan ako ng pintuan, pumasok ako. Pumasok na din sila, tahimik lang ako na naka tingin sa labas hanggang makarating kami sa bahay nila. Napaka layo ng bahay namin sa bahay ni papa ngayon.
“ kaya pala iniwan mo kami” mahina kong sabi, alam kong narinig nila iyon kahit mahina ang pagkakasbai ko.
“ hon meron na pala kayo” lumapit ang isang babae, matanda siya pero hindi mo maikakaila na maganda ito at kumpara kay mama, malayo layo ang ganda.
“ hello” bati niya saakin, nginitian ko na lang ng tipid.
“ please feel at home, gusto mo na ba mag pahinga?? Ihatid ka namin” sabi niya.
“ let kye do that, mag usap muna tayo” sabi ni papa.
“ ah okay, kye ikaw na mag hatid sakanya sa kwarto niya” nag lakad na si kye kaya sinundan ko, inaalala ko si mama na wala ng kasama ngayon. Kahit ganun naman na itinakwil na ako, nanay ko parin siya at mahalaga parin ang lagay niya para saakin.
“ dito na ang room mo, sa kabila ang room ko at doon naman sila mom and dad” turo niya, pumasok na ako.
“ magsabi ka lang ng kailangan mo” sabi niya.
Hindi ako umimik at hhumiga na lang sa kama, hindi na siya nag salita pa at narinig ko na lang na isinara niya ang pintuan, tumulo na lang ang luha ko.
Unexpected ang mga nangyari, simula nong nalaman ko na may pamilyang iba si papa nagka gulo gulo na. si mama hindi naman siya ganun pero dahil siguro sa pagkikimkim niya at bumigay ang utak at hindi na maintindihan ang gusto niya.
Iyon ang mahirap, ang kimkimin ang problema at hindi nila ilabas. Ang problema kasi sinosolve yan, hindi mas lalong pinoproblema. Hindi naman masamang mag sabi, hindi naman ako iba. Anak niya ako, kapamilya niya ako.
Karamay niya ako, kaya nga pamilya para mag tulungan. Hindi lang naman ako anak na pag aaralin at mag tra-trabaho para iangat sila kundi kaibigan din ako na pwede nilang pag sabihan ng problema, hindi na din naman ako baby na hindi maintindihan ang mga bagay.
“ kylie” si papa.
“ ngayon na nasa poder kita, gusto kong sumunod ka sa saamin at kay kye na magiging kuya mo. I heard na hindi maganda ang pakikitungo niyo sa isat isa kaya nakikiusap ako sayo na pag aralan niyong magin okay lalo pat nasa iisang bahay kayo”
“ gusto ko rin sabihin na hindi porke iniwan natin ang mama mo ay pababayaan na natin siya, ill make sure na okay parin siya” dagdag niya.
“ sa nangyari sa nakaraan, humihingi ako ng sorry kung sa tingin mo ay ako ang sumuko. Hindi naman nagbago ang lahat, mahal ko parin kayo” bumangon aak at tinignan siya.
“ kung mahal mo kami sana hindi ka nag hanap ng ibang pamilya” sagot ko.
“ kylie hindi mo pa maintindihan dahil bata ka pa at hindi mo pa nararanasan ang mag mahal, sa love susubukin ang lahat at ung sa tingin mong pang forever ay hindi naman pala, everything happens has a reason”
“ everything you decide has a choice” balik ko sakanya, hindi naman porke ang desisyon ka ay iyon na. may mga choices iyon na pwede mong pag isipan pa bago ka mag decide.
“ I know may mali ako kaya im sorry, sorry that I ruined our family. Sorry kung nasaktan ko kayo ng mama mo, sorry dahil wala ako sa tabi mo nong kailangan mo ako”
“ tapos na at nangyari na, gusto ko lang sabihin na hindi ako maninirahan dito ng libre. Mag tra-trabaho ako para bayaran ang gastos ko, aalis din ako dito sa poder mo kapag naka pag tapos na ako pero syempre hindi ako tulad mo na aalis na lang kundi babayaran ko lahat ng ginastos niyo saakin”
“ kylie anak kita, hindi mo kailangang mag bayad”
“ sana naisip niyo yan na may anak kayo” hindi siya umimik, bumalik na din ako sa pagkakahhiga.