Chapter 32
"THANK YOU so much for investing to us, Ms. Lee," muling pasasalamat ni Hycent sa dalaga pagkapasok nila sa loob ng kanyang opisina.
Bigla itong humarap sa kanya, mabuti na lang at mabilis siyang naka atras. Kung hindi ay baka nagkabungguan na sila.
"You're very much welcome, Mr. Bustamante. May I call you by your first name, masyado kasi tayong pormal sa isa't isa," sabi nito.
"Sure. Should I call you by your first name, too?" Balik-tanong niya rito.
Tumango ito. "That's better then,... Hycent." Parang may kakaibang sensasyong ang gumapang patungo sa kanyang puso. Bakit parang pamilyar ang boses nito. Kung paano nito tawagin ang kanyang pangalan ay parang ang tagal na nitong sinasambit. "You okay?" Nabalik siya sa sarili sa tanong nito.
"Ye-yeah. I-check ko lang ang mga design para masimulan na." Nagsimula na siyang humakbang palayo rito dahil muli na naman bumalik ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Which he finds strange.
"By the way, Hycent. I will be the one to say thank you for making one of my dreams come true." Natigilan si Hycent sa paghakbang sa sinabi nito. Nagdadalawang isip man ay pinili niyang humarap rito.
"Pardon?" Gusto niya lang siguraduhin na tama ang kanyang narinig.
Matamis itong ngumiti at nagwala na naman ang kanyang puso. Konti na lang baka ma-heart attack siya sa pesteng puso niya na mukhang naliligaw ng landas.
"I said thank you. One of my dreams is to have my own clothing company. Pero dahil malayo 'yun sa line ng business namin, I need to adjust and give it up. Okay lang naman sa akin. I told myself that someday I will be part of one of the best clothing companies. That's why I'm thankful to my brother when he informs me about your company looking for investors."
"May I know the name of your brother?" tanong niya dahil nacu-curious talaga siya kung sino ba ang kuya nito na kaibigan ni Noel. He has known Noel for too long. At kilala niya mga kaibigan nito because they only have one circle of friends kaya nagulat siya na mayroon pa pala siyang hindi kilala.
"Rohan Velasco," tipid nitong sagot pero siya at natigilan.
'Rohan Velasco?' usal niya sa isip. Para kasing pamilyar sa kanya ang pangalan. Narinig na niya o dahil nasa business world din ito.
"He knows that I would love to work with your company. Kaya naman siguro tinanong niya ako kung gusto ko. Kung siya kasi," bahagya itong tumawa, "walang pag-asa na mag-invest siya kahit wala naman siyang kailangang gawin kung hindi ibigay ang pera. Okay na rin 'yun at least I got the chance to experience it."
Napatango-tango si Hycent at inalis muna sa isipan ang pangalan ng kuya nito. "That is why you offered to be my personal assistant? You want to see how clothing companies run? It is just the same company your family owns."
"Yes and no." Nalito si Hycent sa isinagot nito. Kaya naman binigyan niya ito nang nagtatanong na tingin. Pero naglakad si Reese patungo sa table nito saka may kinuha sa tingin niya ay cellphone nito. Naglakad ulit ito pabalik sa kanya. Nang ilang dipa na lang ang layo ay huminto ito. "I want to show you something, can I?"
Nalilito man ay tumango siya. Itinuro nito ang kanyang swivel chair na para bang sinasabi na umupo siya. Tinalikuran na niya ito at umupo. Habang si Reese naman ay naglakad palapit sa kanyang lamesa. Sa harapan, pumapagitna sa kanila ang kanyang malapad na lamesa.
"What is it?" tanong ni Hycent habang tila may hinahanap ang dalaga sa cellphone nito.
"A minute, please," pakiusap nito habang patuloy sa paggalaw ang mga daliri nito.
Si Hycent naman ay napapikit dahil sa napakalambing nitong boses.
"Here it is." Biglang napamulat ng mga mata si Hycent. Dumiretso ang kanyang mga tingin sa cellphone ni Reese na inilapag nito sa ibabaw ng kanyang lamesa. "Check it out."
Wala sa sariling kinuha ni Hycent ang cellphone na binitawan na ni Reese.
"Scroll down to see more," sabi pa nito. Kaya naman sinunod niya ang sinabi nito at sigurado siyang napaawang ang kanyang bibig. Shocked, it was all written on his face. Pinagpatuloy niya ang pag-scroll down hanggang sa umabot siya sa pinakadulo. Once again, he repeated to scroll his thumb finger upward.
"Wh-who did this?" naitanong ni Hycent. Nang wala siyang makuhang sagot ay inangat niya ang kanyang tingin. And there she was wearing the most gorgeous smile. For the nth time he was stunned and let himself enjoy the beautiful view.
"Hycent, hey!" Pinukaw nito ang kanyang pagkakatitig rito.
"Yea," mabilis niya tugon. Nakita niyang napailing ito at may sinusupil na ngiti.
"I asked you, what can you say about it?" Itinuro pa ni Reese ang hawak niyang cellphone kaya mabilis niyang inayos ang sarili.
"Amazing." Tanging lumabas sa bibig ni Hycent habang muling itinuon ang tingin sa mga litrato ng mga damit na kakaiba ang design. "Sino may gawa nito?" Hycent repeat his question.
"It's my work." Literal na umawang ang bibig ni Hycent na tumingin kay Reese. Napalunok pa siya ng ilang ulit dahil sa nagtama ang kanilang mga mata. At mababakas ang katotohanan sa sinabi nito. Siya ang may design sa mga ito. "Pangarap ko talaga maging isang sikat na fashion designer pero hindi ko pa natupad because usually our line of business was not connected." Kinuha nito ang cellphone sa kanyang kamay na nagpabalik sa kanyang sarili. "Thank you for liking it."
"Why didn't you pursue your dream?" Wala sa sariling tanong niya.
Huminga ito nang malalim at pinagdikit ang mga labi. Napunta roon ang tingin ni Hycent. Ang maninipis at mapupulang labi nito na tila inaanyayahan siyang halikan. Na para bang sinasabi nito na dadalhin siya sa ibang mundo. Mabilis niyang sinaway ang anumang pumapasok sa isipan niya. Business first and flirting is not his cup of tea.
"It's a long story, Hycent. But I did, I am here, right?" Bakas ang kasiyahan sa boses nito.
"But not as a fashion designer," kontra niya rito. Bigla ay tila naging magaan ang kanilang pag-uusap
Tumango-tango ito. "It's okay. After all, I did not study any course about it. I'm happy at least I was given a chance to see how it works. I'm so excited to learn." Bakas ang excitement sa boses nito at ang kislap ng mga mata. At nakakahawa 'yun dahil hindi napigilan ni Hycent na mapangiti.
"Would you allow us to use your design but of course to be credited to you."
Namilog ang mga mata ni Reese at natakpan pa nito ang bibig na ikinangiti lalo ni Hycent. She was so cute with that shocked face.
"What? Papayag ka ba?" pukaw niya rito.
"Are you serious?" gulantang pa ring tanong nito.
Tumango si Hycent saka siya tumayo at naglakad. Umikot siya na sinundan naman ni Reese. Ngayon ay magkaharap na sila. Nakapamulsa si Hycent habang si Reese ay nanatiling nakatakip ang isang palad sa bibig nito.
"I am. May mga ready na kaming design that I know will be a good way to start to get back what we lost. Though, I am pretty sure that your design will be a centre of attention," kumpyasang sabi niya.
"But…but I'm not graduated of any-"
"C'mon Reese, is not a problem. You have the talent and with the help of our best fashion designer." Hycent grinned. "I know this one will be one of the best collections of our company."
"You trust me that much?" nagdududang tanong nito sa kanya.
"You can say that again. I can figure out what is good and not when it comes to design. Kaya nga ako nandito sa industriyang ito. At naniniwala ako na may talento ka, disregard the idea you are not qualified. Now, should we start to make you a name in the clothing industry?"
Nagulat si Hycent nang bigla na lang siyang sugurin ng yakap ni Reese. Ang puso niya ay nagwawala na naman.
'Tang'ina naman. Tukso, utang na loob, layuan mo ako,' piping usal ni Hycent.
"Thank you, thank you so much, Hycent. Thank you for making my dreams come true." Nakayakap pa rin na pasasalamat ni Reese kay Hycent.
"Y-your welcome," nauutal na sagot ni Hycent. Hindi alam kung susuklian ba ang yakap ng dalaga o ilalayo na ito dahil nagsisimula gumapang ang kakaibang init sa kanyang buong katawan.
Mabilis silang naghiwalay nang makarinig sila ng katok. Kapwa nila inayos ang sarili at mabilis na bumalik si Hycent sa kanyang swivel chair. Habang si Reese naman ay nagtungo sa pintuan upang buksan.
"May kailangan lang pong pirmahan si Sir," magalang na sabi ni Misty na siyang kumakatok. Niluwagan naman ni Reese ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ito saka siya bumalik sa kanyang sariling table.
"What is it, Misty?" tanong ni Hycent sa secretary habang nakatuon ang tingin sa kanyang laptop.
"Papirmahan ko lang po ito, Sir." May inilapag si Misty na isang folder na agad naman kinuha ni Hycent at tiningnan. "Report from the production department. At nagtatanong kung nakapili na po ba kayo ng mga disenyo para ma-ready na nila ang mga kakailanganin," paliwanag ni Misty.
"Hold on. I want you to call an emergency meeting from our designing team, now," utos ni Hycent at isinara ang hawak na folder.
"As in now po sir?" ulit na tanong ni Misty.
"Yes, may mga pagbabago lang na gusto kong i-discuss. Go on, Misty. We need to do it so we could attend the biggest fashion show that could help us to go back to the top. Where we belong?" Hycent smirked na ikinatigil ni Misty. "Go na."
"Yes, yes, sir!" Ang bilis kumaripas nang takbo ni Misty palabas na naiwan na ang folder. Napailing na lang si Hycent at napadako ang tingin kay Reese na nakatingin sa kanya. Alam niyang gwapo siya pero kasal na siya. He will help Reese to reach her goal atleast in that way hindi niya masasabing siya lang ang nakinabang rito. Give and take. Reese will help him to reach the top again and he will help her to make her dream come true. And soon BCi will slay again.
'Talaga ba? Baka may hidden agenda ka.' Sabi ng isang bahagi ng isip niya.
Wala siyang panahon na i-entertain ito.
The next thing he knew he winked at Reese and said, "Prepare your design, let's do this."