Chapter 33
WALONG KATAO silang nasa loob ng meeting room. Ipinakilala si Reese sa anim na taong kinabibilangan ng Designing Team.
Reese couldn't explain how happy she was. Meeting some of the fashion designers known already in the country and outside the country. Especially Miss Diva Sales-one of the top ten famous designers. Kaya pala hindi nawala sa taas ang BCi dahil hawak nito ang mga magagaling na designers. Sadyang malaki lang ang nawala sa mga ito ng masunog ang production area. Yes, ito ang rason kung bakit biglang bumagsak ang BCi, ayon sa imbestigasyon ay aksidente ang nangyari pero may mga haka-haka na sinadya upang isabotahe ito. Pero dahil walang sapat na ebidensya ay hinayaan na lang at heto nga nagsisimula muli ang BCi na makabawi. Mabuti na lang at nangyari ang aksidente ng oras ng tanghalian kaya walang nasaktan. Kung hindi malaking problema pa 'yun.
Reese was updated to Hycent life. Hindi naman sa nag-stalk siya sadyang gusto niya lang maging updated sa buhay nito. Naging busy lang siya kaya hindi nakarating sa kanya na naghahanap ito ng mga bagong investor dahil isa-isang kumalas ang ibang investor thinking that the company will go bankrupt soon.
No one knows her because her true identity was hidden. Sa kuya niya halos nakapangalan ang kanilang negosyo ang tanging hawak niya ay ang nasa Canada. Kung saan siya nanirahan kasama ang mommy niya.
"Good day again everyone." Napukaw ang pag-iisip ni Reese ng magsalita si Hycent. May tumawag kasi kanina rito kaya nag-excuse at sinagot muna ang tawag. Nacu-curious man siya kung sino ang tumawag hindi naman niya pwedeng sundan at maki-epal doon. Kaya naman kahit labag sa loob ay pinilit niyang maupo at hintayin ang pagbabalik nito. "Alam ko na nagtatanong kayo kung bakit ko kayo biglaang pinatawag. Everyone is aware that we already found a new investor. And that is Ms. Lee. Only one but she's willing to provide the whole budget we needed to start the project. Then why I call an emerg-"
Lahat sila ay napatingin sa pagbukas ng pintuan na ikinatigil din sa pagsasalita ni Hycent. Pumasok si Misty na bakas ang pagkataranta sa mukha nito.
"What is it, Misty? You are disturbing us," mahina pero madiing salubong ni Hycent kay Misty.
"I'm sorry sir. But you need to see this," mabilis nitong tugon at nagpunta sa may gilid. She turned on the big monitor in front and connected something into her phone.
Lahat sila ay natuon ang tingin sa monitor. It was a live interview. And the person being interviewed is the CEO of Perlon-their competitor.
"Thank you for accepting our invitation, Mr. Vince Lazo. You said that you are going to show us some of your upcoming new designs." The interviewer asked.
"It's also my pleasure. And yes, you're right. Today we just finished some of our upcoming new designs and we are very glad to give you a peek at it. As you know, we are being careful because we don't want to have rumors that we stole the design where in fact my designers take time to finish it," Mr. Lazo said while grinning.
Napalitan ang palabas sa monitor ngbisang video kung saan sinimulan ipakita ang mga bagong design daw ng kabila.
Pearl looked at Hycent when he cursed loudly. At nakita niyang binuksan nito ang laptop at kinuha ang isang folder. His aura became so dark. Nagtatagis ang bagang nito habang halos mapunit na ang hawak na folder kung saan inisa-isa niya itong nililipat pagkatapos ay titingin sa monitor.
Lahat sila ay nagulat nang ibalibag ni Hycent ang folder at sunod-sunod na nagmura. She sees Misty hurriedly get the folder and turn off the monitor. Habang si Hycent naman ay nakatalikod sa kanila na nakapamaywang pa.
'What is happening?' tanong niya sa sarili.
Ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito ay tila naghatid sa kanya ng takot.
Napatingin si Reese sa mga kasamahan. Lahat ay nakatikom ang bibig pero mababakasan nang pagkagulat. Nalilito tuloy siya kung anong nangyayari. Napadako ang tingin niya kay Miss Diva na parang nawalan ng kulay ang mukha.
"Who is the traitor?!" Dumagundong sa apat na sulok ng silid ang galit na galit na boses ni Hycent. Kaya naman nabalik rito ang tingin ni Reese. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. She remembers the first time she met him. The first time… "Why? How could you do this?! Answer my f*cking question! Who is the traitor?!" Inisa-isa tiningnan ni Hycent ang anim na tao, matatalim na tingin ang ipinukol nito sa bawat isa.
"I will sue who did this! I will not show mercy to the person behind this sabotage!" Maya-maya sabad ni Miss. Diva. Mukhang nakabawi na ito mula sa pagkabigla.
Doon ay unti-unti naunawaan ni Reese ang nangyayari. Ang mga design na ipinakita ng kakumpetensyang kumpanya ay kapareho ay hindi talagang iyon na iyon ang design na hawak ni Hycent.
"Ano?! Walang aamin sa inyo?" bulyaw muli ni Hycent na ikinapitlag nilang lahat dahil sumabay ang pagbalibag ng upuan nito. "Nasa loob lang ang traydor! Hindi pa lumalabas ang mga design na ipinasa n'yo. Even the production department doesn't know about it. Now, answer me, who among of you give our f*cking designs!" Lumalabas na ang ugat nito sa leeg sa sobrang galit. At malakas nitong hinampas ang mesa.
"Sir, I think we need to do an investigation. I won't tolerate that in my department. Pinagpaguran ko 'yun, natin! Tapos ganun na lang mawawala sa atin. I don't want to pinpoint but I swear once we find out who's behind this will taste hell!" Bakas rin ang galit sa boses ni Diva.
"I can't do it, masyado akong loyal sa BCi para magtraydor," sabad ni Jamy.
"Me too, malaki ang utang na loob ko kay Sir Hycent," segunda rin ni Elisse.
"Even me, kung hindi dahil kay Sir baka nasa lansangan na kami nakatira," sabad din ni Darren- his a gay.
"I don't have the reason to betray," Kiana said, she's a foreigner and a good designer too.
"Hindi ko kaya magtraydor. I can't do that," si Princess na maluha-luha na. Sino ba ang hindi? Ang ilang araw ng mga ito pinagpuyatan ay minsan lang nawala. Ang oras na ginugol ng mga ito, there effort and the ideas they put together, in just a blink of eyes, they lost it.
"Shut up!" sigaw ni Hycent na ikinatigil nila. "No one! No one! No one betrayed?" Hycent gave them a sharp looked. "And how come they have those designs? Lumipad papunta sa kanila. O, baka naman, I give it to them!" Puno ng sarkasmong sabi nito.
"Sir," sabay-sabay na sambit ng mga ito.
"All of you are suspects. Hindi sapat na matagal na kayong nagtratrabaho rito para maging excuse 'yun. Because honestly, as of now…. I don't know who to be trusted! Now, all of you, out!" Bulyaw nito at itinuro pa ang pintuan. "Out, now!"
Mabilis naman silang nagtayuan. Hindi alam ni Reese kung kasama ba siya sa pinapalabas nito.
Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal si Noel na bakas rin ang pag-aalala sa mukha nito.
"What happened?" Agad na tanong ni Noel.
Tumalikod naman si Hycent. "Palabasin mo sila. Let Ms. Lee stay," maawtoridad na utos ni Hycent.
"Sige na, lumabas na muna kayo. Let me talk to him." Sinenyasan ni Noel ang mga ito at laglag ang mga balikat na nagsimula nang humakbang palabas. Nang tuluyan makalabas ay naiwan na lang silang tatlo. Maging si Misty kasi ay lumabas.
"Bro," tawag ni Noel kay Hycent.
"F*ck! F*ck! F*ck!" Sunod-sunod na mura ni Hycent at pinagsisipa ang kawawang upuan. He looks sh*t at the moment.
"Tama na 'yan bro, we can't fix it if you won't collect yourself!" Matigas na sabi ni Noel na maging ito ay bakas ang paghihina.
"F*ck them all! Hindi na ba talaga ako tatantanan ng p*tang'inang problemang ito! Ano pa ang susunod? Ano ba ang naging kasalanan ko at lahat na lang at ginagago ako!" Napasabunot na si Hycent sa buhok nito at parang batang sumalampak sa sahig at nakadukdok ang ulo.
Gustong takbuhin ni Reese ang lalaki at yakapin ito. Sabihin rito na magiging ayos lang ang lahat. Na narito lang siya sa tabi nito at hindi ito iiwan. Pero, sino ba siya? Wala naman siyang karapatan at mas lalong hindi naman siya kilala nito.
"How about your wife, hindi ba niya-" Natigil sa pagsasalita si Noel nang masama itong tiningnan ni Hycent.
"Watch your words, Noel. Asawa ko ang pinagbibintangan mo." Tila may libo-libong karayom ang tumusok sa puso ni Reese. Hearing how Hycent depends on his wife. She felt jealous.
"Bro, is not like that… I'm just saying that-" Muli na naman nahinto ang sasabihin ni Noel nang tumayo si Hycent at kwelyuhan ito.
"One more word at baka makalimutan kong kaibigan kita. Akala ko malinaw na sa atin ang lahat. Pearl is trying her best to make us forgive her. And I already did. Now, kung may problema ka sa asawa ko, just tell me. Don't you dare try to blame her. Dahil mula nang bumalik siya hindi na siya tumapak rito at mas lalo ang galawin ang mga gamit ko," sabay bitaw sa kwelyo ni Noel.
Napatiim-bagang naman si Noel. Habang si Reese ay napahawak sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. Masakit. Masakit marinig ang katotohanang may asawa ito. Masakit marinig na ipinagtatanggol nito ang taong sumira sa buhay niya. Tama lang ang desisyon niya na huwag basta ipaalam rito ang katotohanan dahil baka siya pa ang baligtarin.
"Miss Lee, I am sorry for what happened but we will fix it. I hope you won't back out," malumanay na sabi ni Hycent pagkaharap sa kanya. Puno nang sinseridad ang bawat salita nito.
Reese gives a glance to Hycent before she excuses herself while grabbing his chest. At bago pa tuluyan tumulo ang kanyang mga luha ay mabilis siyang tumakbo palabas without minding her surroundings.