Chapter 31
KANINA PA nakatanga si Reese mula nang iwanan siya ni Misty sa kanyang table daw. Ang boss-bosan naman niya ay wala naman sinabi sa kanya maliban sa itinuro nito kung saan siya nito itatapon. Pasalamat ito at love niya ito.
Pasulyap-sulyap siya sa lalaking kasama niya sa silid na 'yun. Nag-e-enjoy siya sa pabago-bago ng ekspresyon ng mukha nito. May time nakakunot ang noo nito tapos ay biglang magsasalubong ang mga kilay nito. Pero hindi pa rin maikakaila ang kagwapuhang taglay ng isang Hycent Henry Bustamante.
Bigla niyang binawi ang tingin nang bigla itong tumingin sa gawi niya. Kunwari ay inabala niya ang sarili sa kanyang laptop kahit wala naman siya talagang ginagawa. Naramdaman niya ang matiim nitong titig sa kanya.
Para tuloy siyang biglang nauhaw. Pakiramdam niya ang tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Kahit hindi siya lumingon ay malakas ang pakiramdam niya na nakatingin ito sa kanya.
"Mr. Busta-
"Ms. Lee-"
Magkasabay nilang bigkas sa pangalan ng isa't isa. Kaya naman mabilis siyang napatingin rito.
Nagsalubong ang kanilang mga mata. Tumagal 'yun ng ilang minuto hanggang sa ito ang nagbawi ng tingin.
"Go ahead," sabi ni Hycent na ibinalik ang tingin sa mga papeles na hawak.
"No, go ahead first. May kailangan ka ba? Ipag-uutos or what is it?" mahinahon na saad ni Reese.
Nakita niyang bumuntung-hininga ito. Ano ba sinabi niyang mali na naman? Hinilot nito ang sentido kaya naman dali-dali siyang tumayo at lumapit rito.
"Masakit ba ulo mo? Let me do it." Hindi na hinintay ni Reese na sumagot si Hycent at inalis nito ang kamay at ipinalit ang sariling kamay. Bigla siyang nag-alala para rito. Masyado siguro itong stress sa mga nagdaang araw dahil sa muntikan ng pagkalugi ng kumpanya nito sa pangalawang pagkakataon.
Naramdaman niyang natigilan si Hycent pero binalewala niya lang 'yun at sinimulan hilutin ang sentido nito.
"Dito ba masakit? Tell me where side so I could massage it," puno nang lambing ang kanyang boses. Kaya nga pala siya narito at inalok ang sariling maging personal assistant nito ay upang mapalapit siya dito. This is it pansit. She needs to do her best to bring him to his true home, and that's her.
Hindi sumagot si Hycent sa kanyang tanong kaya itinuloy na lang niya ang pagmamasahe rito. Habang gumagana sa isip ang mga plano niya sa pang-aakit rito.
SAMANTALA, halos pigil ni Hycent ang kanyang hininga. Ang malambot na kamay ng babae ay sadyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
Kanina pa nga siya hindi makapag focus sa trabaho dahil sa presensya nito. Nararamdam niya ang panakaw tingin nito hanggang sa napatitig na lang ito sa kanya. Kaya naman pinilit niyang alisin ang kakaibang nararamdaman nang tawagin niya ito. Pero mukhang mali pa ang ginawa niya.
Lalo na at ngayon ay nasa likod niya lang ang babae at minamasahe ang kanyang sentido na hindi naman talaga masakit.
Dapat ay itinutulak niya ito. Pero bakit tila siyang nawalan ng lakas para gawin 'yun. Dahil ba ito ang magsasalba sa kanyang paglubog.
'Hindi, dahil gusto mo rin ang pakiramdam ng kanyang balat na dumidikit sa iyong balat.' Sigaw ng kabilang bahagi ng isip niya.
"Lean your head here," malambing nitong utos sa kanya. At mukha ngang may sarili ng isip ang katawan na sumunod sa pinapagawa nito.
Sa kalituhan at kakaibang sensasyong nagsisimulang lumukob sa kanyang kaibuturan ay ipinikit niya ang nga mata upang ibalik ang sarili sa katinuan bago pa siya magsisi.
Nagbilang siya hanggang sampu sa isip. Nang malapit na siya sa sampu ay inihanda na niya ang sarili upang paalisin ito nang makarinig sila ng tumunog.
Napakunot noo pa siya nang marinig ang ring tone. Bigla na lang din nawala ang kamay ng babae sa kanyang sentido at narinig niya ang nagmamadaling mga yabag nito.
Binuksan ni Hycent ang mga mata saka napasunod sa babaeng tila nataranta sa pagtunog ng cellphone nito. Nakita niyang muntik pa nitong mabitawan ang cellphone sa pagkataranta.
Sino ba ang tumatawag at tila itong isang daga na nakakita ng pusa.
Pinagmamasdan niya ito hanggang sa sagutin nito ang tawag. At dahil nakatalikod ito sa kanya ay napagmasdan niya ang likuran nito.
A perfect butt. Mahahabang mga binti at ang bakat na bakat na hugis ng katawan dahil sa suot nitong dress na kulay cream na pinatungan ng blazer.
Kanina pa nga niya pinipigilan ang sarili huwag mapatingin sa hinaharap nito. Hindi niya alam kung nananadya ba ito o ano. Dahil naghuhumiyaw ang malulusog nitong dibdib na lamasin at panggigilan niya ito.
Ang bilis niyang sinaway ang isip nang magreact ang kanyang sawa.
"Tang'ina!" mahina niyang mura sa sarili at pasimple hinimas ang gitnang parte ng katawan. He needs to avoid the woman before he makes a big mistake. He believes in fidelity like his late father. Isa sa mga itinatak nito sa kanya ay ang pagiging loyal sa pamilya, lalong-lalo na sa asawa.
'Your wife betrayed you." Sigaw na naman ng isang bahagi ng isip niya.
"Yes, mom. I will pick you up then. Ok, mom. Kapag nagising po siya pa-kiss po ako sa kanya at pakisabi na miss ko na po siya at mahal na mahal ko po siya."
Nabalik ang tingin ni Hycent kay Reese nang marinig nito ang sinabi. May nobyo na ba ito? Bigla siya napahawak sa kanyang kaliwang dibdib. Bakit tila may tumusok sa kanyang puso sa narinig na may minamahal na ito. Hindi dapat ganoon ang maging reaksyon niya. Dapat matuwa pa siya dahil.... dahil….
"Mr. Bustamante, are you okay now? Or, would you like me to continue-"
"No!" napalakas ang boses ni Hycent na ikinagulat ni Ms. Reese. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadya napalakas ang boses ko. But I'm good now, thank you." Tinawagan niya si Misty upang mabaling roon ang kanyang atensyon dahil nararamdaman niya pa rin ang kirot sa nalaman na may mahal na ang babae.
Bumalik si Reese sa kanyang pwesto habang patingin-tingin kay Hycent.
"Ok, punta na kami dyan." Ibinaba na ni Hycent ang tawag saka siya tumayo. Inayos niya muna ang sarili at pinilit huwag magpaapekto sa pares ng matang nakatitig sa kanya. Ano ba talaga trip ng babaeng ito?
Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng babae.
"The contract is ready. Nasa meeting room na sila, Ms. Lee, shall we?" pormal niyang saad rito.
Tumango naman ito saka inayos rin ang sarili. Naglakad na ito patungo sa pintuan. Akmang bubuksan na nito nang pigilan niya ito. Nagtataka naman itong tumingin sa kanya.
Muli siyang tumikhim. Napapadalas yata ang pagbara ng lalamunan niya.
"Ms. Lee, ahmm, could you, ah-"
"What is it, Mr. Bustamante?" Kunot noo na nitong tanong sa kanya.
Marahas naman siyang napabuga ng hangin.
"Would you mind if I ask you to close your blazer. Ayoko lang mabastos ka, you know. I hope you get my point." Kailan pa siya nautal lalo na sa harap ng isang babae.
Reese's lips formed into an 'o' before she looked at her open blazer that showed her big and yummy breast.
"It's hot here and don't mind it, Mr. Bustamante because I can take care of myself," nakangiting sambit nito at tuluyan nang binuksan ang pintuan nang hindi man lang talaga siya pinakinggan.
Wala naman nang nagawa si Hycent kung hindi sundan ito. Saka, ano nga ba pakialam niya. Concern lang naman siya para rito pero mukhang sanay itong ibandera ang katawan nito. Dahil sa naisip ay napasimangot siya hanggang sa pumasok sa loob ng meeting room.
"What is that face of yours? You should celebrate by now because finally, we're safe again," salubong sa kanya ni Noel. Hindi niya pinansin ito dahil naiirita siya.
"I think he has headache, I did massage it kaso may tumawag sa' kin kaya nahinto ako. Do you have medicine here?"
Napalingon siya kay Ms. Lee dahil sa sinabi nito. Hindi niya akalain na sasabihin nito ang bagay na 'yun. Kung para rito ay normal lang 'yun pwes not to those people around them. At nararamdaman na niya ang mapanuksong tingin ng abnormal niyang kaibigan. F*ck!
"Let's do the contract signing," pag-iiba niya sa usapan dahil wala siyang panahon upang i-entertain ang anumang nasa isip ng mga taong kasama nila lalo nang kaibigan na hindi na inalis ang mapanuksong tingin sa kanya. Sa inis niya dito ay itinaas niya ang middle finger na ikinasinghap ni Ms. Lee.