Chapter 30
PAGKAGISING pa lang ni Reese ay hindi na nawala ang ngiti niya sa mga labi. At mukhang mas mapapadalas ang kanyang magandang umaga.
"Good morning everyone," masiglang bati ni Reese sa kanyang brother at sister-in-law na nasa harap nang hapagkainan. Saka siya umupo sa kanyang nakalaan na upuan.
"What is good in the morning?" nakabusangot na tanong ng kuya niya.
"A lot of things. Oh, my brother. Why so bitter? Dahil ba sa guestroom ka natulog?" pang-aasar niya rito. Nakita niyang mas sumimangot pa ito pero sh*t lang ang gwapo pa rin. Kumuha siya ng bacon saka nagsimula na siyang kumain.
"Stop reminding me that. It's all your fault," asar na sabi nito.
"Stop it, love. Nasa harap tayo ng pagkain. Mag move on ka na. Huwag mong sirain ang araw ni Reese," saway ni Ate Yasmin sa kuya niya. Irap ang naging tugon ng kuya niya na ikinailing ni ate Yasmin habang siya ay natatawa lang.
"Salamat po, manang," sabi ni Reese nang ilapag nito ang kanyang gatas.
"What exactly is your plan?" Maya-maya ay tanong ng kuya niya. Napalingon siya rito na busy sa pagkain.
"Simple, akitin siya," balewalang sagot niya.
Nakita niyang dumilim ang mukha nito pero nawala din ng sikuin ito ng asawa.
"And you think you are capable of it? Are you aware that Mr. Bustamante is one of those who believes in fidelity?" dugtong pa rin ng kuya niya.
Napatango-tango naman siya habang nginunguya ang hotdog na nasa bibig. Akala niya pa man din ay tapos na ang kuya niya pero hindi pa pala.
"Reese, tutal pauwi na next week sina mommy, why don't you just introduce Ryleigh Hira tapos ang usapan."
"No brother," mabilis niyang kontra sa sinabi nito. "Yea, maybe…. but I want to prove something and it is not that easy. Paano kung i-deny niya ang anak ko? I can't accept that. Brother, the situation is complicated and you know that. Gusto ko kapag nakilala siya ni Hira wala ng problema. Ayoko maipit si Hira. Ayoko siya maguluhan. Kaya please brother, trust me," pakiusap niya sa kuya niya.
Lumambot ang mukha ng kuya niya saka marahas na bumuga ng hangin. "I'm just concerned about you. I heard from my friend that this man knows how to be loyal. Ilang beses na nga daw nilang niyaya tumikim ng iba but he's always say no. Ayoko lang masaktan ka na naman. Hindi mo ba talaga siya pwedeng kalimutan and just find another man who's willing to be the father of Hira. Alam ko maraming nakapila."
Sunod-sunod siyang umiling. "I tried, didn't I? But I can't. Siya lang ang gusto ko kaya kuya, hayaan mo na ako," laban niya sa desisyong ginawa.
"Love, let her be. What Reese needs for now is our support." Tumingin sa kanya si Ate Yasmin. "But Reese, I hope you know when to stop. Always remember we are just here," nakangiti nitong sabi.
Sinuklian niya ang ngiti nito. "Maraming salamat sister, you're such a blessing in this family. Pero sure ka ba sa brother ko pwede pa naman magbago-"
"Reese!" nagbabantang tawag sa kanya ng kuya niya na ikinahinto niya sa iba pang sasabihin. Pinaglakihan pa siya ng mga mata nito na ikinatawa niya lang saka niya inubos ang pagkain na nasa plato niya.
Nakita niyang may ibinulong si Ate Yasmin sa kuya niya pagkatapos ay napakunot noo na lang siya nang magsimulang mag-usap ang mga ito at tuluyan na siyang naging hangin.
Kinuha niya ang kanyang gatas saka inubos ito. Nakatingin pa rin siya sa dalawa na busy na sa paglalambingan. Parang hindi natulog na magkahiwalay kagabi.
"Brother, sister, alis na ako," paalam niya sa mga ito pero tila hindi siya narinig dahil parang mga tanga lang na nagpatuloy sa paglalambingan.
Umismid siya saka tumalikod sabay sabing, "Sana all!"
Dumiretso na siya sa labas kung saan nanghihintay na ang kanyang driver na si manong Juanito. Ayaw niya sana pero talagang hindi pumayag ang kuya niya. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi pumayag at baka maudlot pa ang mga plano niya.
Habang tinatahak ang daan patungo sa kumpanya ng lalaki ay tinawagan niya muna ang kanyang personal assistant slash bff.
Oh, saan kayo makakakita ng personal assistant na may personal assistant pa? Only in the Philippines. Natawa siya sa sariling kalokohan.
"Good morning, Juri speaking," sagot sa kabilang linya na ang tinis ng boses.
"Is that how you answer a call?" Tanong niya rito.
"Oh, yes. Lalo na kung 'yung tumatawag ay MIA."
"What is Mia?" naguguluhamg tanong niya. Nababaliw na yata ang personal assistant niya.
"Hay naku naman. Mia-stand for missing in action, exactly like you. Saan lupalop ka na naman ba naroon?"
Natawa siya sa sinabi nito. "Oh, now I know. Thank you for the information. By the way, bahala ka na muna dyan. I will be very busy for the next couple of days or maybe months."
"And where are you going?"
"To my destiny," sabi niya na may kilig pang kasama.
"F*ck! Huwag mong sabihin itinuloy mo?!" bakas ang gulat sa boses nito.
"I told you, right," sagot niya sa maarteng paraan.
"My gosh! Akala ko pa man din pinakinggan mo ang mga advice ko sayo. Nag sayang lang ako ng laway sa kakapayo, wala din naman pala!" Paninibugho nitong sabi sa kanya.
"Sorry na, I try-"
"No! You didn't! Kasi kung sinubukan mo, sana nandito ka at hindi ipinapasa ang trabaho mo sa akin," putol nito sa kanya.
"So, kaya ka nagdradrama talaga dahil gagawin mo ang trabaho ko? At hindi naman talaga dahil binalewala ko mga payo mo. I knew it," nang-aasar niyang sagot rito.
"Kasi naman, eh.."
"Double your salary and free meal?" Panunukso niya rito.
"Mag-enjoy ka lang dyan. Don't mind your company, everything is under control. Go and get your man, madam."
Bumunghalit si Reese nang tawa dahil sa bilis magbago ng mood nito. Basta pera talaga ang bilis nito. Kungsabagay, sa panahon ngayon, money is important.
"Sabi ko na mukha ka talagang pera," biro niya rito. Alam niyang umiikot na ang mga mata nito kahit hindi niya nakikita.
"Whatever. Pero isang advice lang pwede?"
"Sure, what is it?"
"Huwag ka masyadong marupok, pwede? Pakipot naman ng konti, konti lang naman. Remember, dapat sila ang ma-ulol sa beauty natin saka-"
"Oo na, memorize ko na mga linyahan mo. Sige na, I go ahead. Take care and thank you so much." Siya na ang pumatay sa tawag dahil alam niya kung saan patungo ang usapan. Para itong kuya niya na papaulanin siya ng sermon.
Nakita niyang malapit na sila sa kumpanya ng lalaki kaya naman muling bumalik ang matamis niyang ngiti at inayos ang sarili.
Nang huminto ang kotse sa harap ng building ng BCi ay mas lalong tumamis ang ngiti ni Reese.
"Salamat po, tatawagan ko na lang po kayo kapag pauwi na po ako," magalang niyang sambit kay manong Juanito. Tumango naman ito at isinara ang pintuan.
Isinuot ni Reese ang kanyang sunglasses. Tumingala pa siya upang makita kung gaano kataas ang building kung saan niya sisimulan ang kanyang Road to Forever.
"It's showtime," bulong niya sa sarili at nagsimula nang humakbang papasok.
Magalang siyang binati ng mga security guard na sinuklian naman niya. Nakikita niya ang pagsulyap ng mga empleyadong nasa lobby. Nagtataka, namamangha, at iba-iba pang reaksyon ang makikita sa kanilang mukha.
"Goodmorning, Ms. Lee." Isang pamilyar na boses ang umagaw ng kanyang atensyon. Paglingon niya ay nakita niya si Noel. His brother's friend. Si Noel, siya 'yung against noon na tanggapin siya ni Hycent. Sa pagkakaalam niya ito rin ang tumulong kay Hycent upang makabawi nang pagnakawan, lokohin at iwan ito ng asawa. Bigla ay nakaramdam siya ng galit nang maalala ang asawa nito.
'She doesn't deserve him and Harold. Wait and I will torture her to hell.'
"Morning," ganting bati niya kay Noel.
Matamis itong ngumiti sa kanya. "Would you mind if I guide you to the CEO's office?" tanong nito.
"No problem. Thank you." Inalalayan na siya nito tungo sa elevator kung saan nagsipag tabi ang mga empleyado.
Nginitian niya ang mga ito. Hindi naman siya 'yung kontrabida para awayin at tarayan ang mga ito. She must be in their good side.
Habang sakay ng elevator ay hindi malaman ni Reese kung bakit kumakabog ang kanyang dibdib. Habang palapit sila nang palapit ay mas lalong lumalakas ito.
Hanggang sa tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na sila.
"Let's go," pukaw sa kanya ni Noel.
Ngumiti siya rito saka sinimulan ihakbang ang mga paa. Bakit tila bumigat ang 4inches na heels na suot?
"Are you okay Ms. Lee?" Muling tanong ni Noel sa kanya.
"Ye-yeah." Pinilit niyang bilisan ang mga hakbang hanggang sa tumapat sila sa pintuan na may nakalagay na Ceo office.
Biglang nanlamig ang kanyang mga palad.
'Ano ba? Diba ikaw may gusto nito? Heto na, chillax. Tang'ina!' Sabay mura niya nang marinig ang boses ng lalaki na nagbibigay ng permiso sa kanila na pumasok.
Napasunod na lang siya kay Noel nang pumasok ito.
"What are you doing here?" Ang boses ng supladong ceo ang sumalubong sa kanila.
"Hey, relax. Makapag tanong ka naman parang wala akong karapatan. Saka, sinamahan ko lang si Miss Lee rito." Humarap sa kanya si Noel dahilan para makita siya ni Hycent. "Maiwan na kita rito, may gagawin pa ako. Huwag kang mag-alala hindi kumakain 'yan esteh mabait 'yan." Nakakalokong ngumiti pa ito sa kanya saka itinaas ang isang kamay upang magpaalam kay Hycent.
"Goodmorning," bati niya rito nang makalabas si Noel.
Nakita niyang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakita niya pa ang pagtiim bagang nito.
"Morning too," tipid nitong sagot. "Misty, are you done?" Napatingin siya sa gilid dahil sa itinanong ng lalaki. Naroon pala ang secretary nito at may inaayos na lamesa. Akala niya sa labas ang table ng secretary.
"Yes, sir. Okay na po lahat. May ipapagawa pa po kayo?" magalang na sagot nung Misty. Wala naman siyang maramdaman na pagseselos, siguro hindi naman ito isa sa mga kaagaw niya. Mukha itong mas bata. At wala naman siyang makitang malisya sa pag-uusap ng dalawa. Ang kailangan niyang gawin ay kaibiganin si Misty, madali lang naman 'yun para sa kanya.
"Just coffee, Misty. Ask Ms. Lee what she prefer to drink," sabi ni Hycent at muling ibinalik ang tingin sa laptop nito.
Akala niya maaga na siya mukhang mas maaga pa ang mga ito sa kanya.
"Miss Lee, would you like coffee or tea?" tanong ni Misty sa kanya.
Nginitian niya ito. "No, thank you. Ahmmmm. Sa-saan pala ang table ko? Sa labas ba?" Itinuro niya pa ang labas gamit ang hintuturo.
"No, your table is there," sabad ni Hycent at itinuro pa sa kanya ang table na inaayos kanina ni Misty.
Napakurap-kurap na lang siya dahil sa isiping magkasama sila sa iisang silid. Hindi sa ayaw niya pero… Ahhhhh, kailangan niya ng anti-rupok.