Chapter 29
KANINA PA nakatulala si Hycent at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanilang bagong investor. Bago kung tatanggapin niya ang inaalok nito. Pero sino ang sira-ulo ang tatanggi? Pera na ang lumalapit sa kanila. Ang hindi niya maunawaan ay ang kapalit nang pagtanggap nito bilang bagong nilang investor.
"Baka mahipan ka dyan at tuluyan ka mabaliw," pukaw sa kanya ng taong kanina niya pa pinatay sa kanyang isip. He gave him his daggering looks.
"How dare you betray me, Noel!" Bulyaw niya rito na ikinangisi lamang nito.
"How do I betray you?" nagmamaang-maangan nitong sagot. Kaya mas lalong tumalim ang tingin na binibigay niya rito.
"Stop acting innocent! Hindi mo bagay g*go ka. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na babae, batang babae ang investor natin. I thought he was an old man," reklamo niya.
Mas lalo siyang nabuset nang tumawa si Noel nang malakas. Na para bang nakikipag biruan siya.
"F*ck you, asshole!" malutong niyang mura rito.
"Actually I also don't know. Nagulat din ako nang makita ko siya. I thought it was her brother and not her."
"She has a brother?" gulat na tanong niya.
Noel nodded. "Yup. Siya talaga ang kausap ko because we're friends. Sinubukan ko lang naman i-offer nang una nagdalawang-isip siya dahil it's not his cup of tea. Kaya nagulat ako nang tumawag siya and informing me that he will come and see the presentation. Kaya naman pala…" Patango-tango pa nitong paliwanag.
Napabuntung-hininga na lang si Hycent.
"By the way, ano ba problema dun? He or she is just the same. What we need now is money, investor, and she's willing to invest-"
"Exchange of what? Being my personal assistant? Is she crazy?" putol niya kay Noel.
Naiiling naman si Noel na tiningnan siya. "Mas baliw ka pa nga sa kanya. Look at yourself. You're making things complicated. She wants to be your personal assistant. Then, accept it. Wala akong makitang problema dun? Unless…." Binigyan siya nito nang nanunuring tingin.
"What?" inis niyang tanong.
Nagkibit-balikat ito saka tumayo. Namulsa pa itong humarap sa kanya. "Are you affected by her? Because you think about that, think first about your company. Konting-konti na lang at lulubog na ito and I can't do anything about it. Ms. Lee is the only hope you have for now. Take it or leave it. The ball is in your court." Tuluyan nang lumabas si Noel ng kanyang opisina.
Naiwan siyang nalilito pa rin. Tama naman si Noel, as of now, only Ms. Lee can save his company. Pero bakit tila may pagdadalawang-isip siya. Dahil siguro sa hinihingi nitong kapalit.
Being his personal assistant means she needs to be by his side. Paano siya makakapag focus kung nasa tabi niya ito.
Hindi niya rin alam pero iba talaga ang epekto ng babae sa kanya. May nobyo na kaya ito.
"F*ck!" mura niya sa sarili. Napa hilamos siya ng mukha at sabunot sa kanyang buhok. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganito. It can't be. Alam niya ang ganitong pakiramdam at hindi maari 'yun. He's f*cking married!
Pinakalma niya ang sarili. He needs to decide. At alam niyang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang tanggapin ang alok nito. Siya pa ba ang mag-iinarte, e, siya ang may kailangan dito.
Hindi niya lang maintindihan kung bakit gusto nito na maging personal assistant nito.
Hindi kaya type siya nito.
Natigilan siya sa pumasok sa kanyang isipan. Is she aware that he is married?
"Ahhhh!" Frustrated siyang tumayo at dumiretso sa isang pintuan. Isa itong silid na pinasadya niya para kapag marami siyang ginagawa at hindi na siya nakauwi ay pwede siya mag stay rito. May banyo at mga gamit rin siyang sa loob.
Lumapit siya sa mini bar na naroon. Kumuha siya ng isang bote ng Rum. Alam niyang hindi dapat siya uminom dahil oras ng trabaho. Pero isa lang. Kailangan niya lang ng pampalakas ng loob upang masabi ang desisyon niya kay Ms. Lee.
Nagsalin siya sa baso saka mabilis na tinungga. Naka limang baso siya bago niya napag pasyahan na huminto na.
Kahit paano ay kumalma ang sistema niya. Pumasok siya ng banyo na naroon din sa loob saka inayos ang sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang lumabas sa kanyang opisina.
Bumalik siya sa kanyang swivel chair at tinawagan ang kanyang sekretarya.
"Pasok," sabi ni Hycent nang marinig ang tatlong katok.
"Yes, Sir?" bungad na tanong ni Misty sa kanya.
"Does Ms. Lee left a contact number?" tanong niya. Sa gulo kasi ng utak niya kanina sumabay pa ang puso niya ay nawala na sa isip niya ang tungkol doon.
"Yes, sir." May kinuha ito sa bulsa ng blazer nito saka inilapag sa ibabaw ng kanyang table. "Ibinigay niya po 'yan kanina nang samahan ko siya sa banyo. Sabi niya, we will need it daw po. Mukhang tama po siya." May bakas na panunudyo sa boses nito.
"Misty, go back to your work." May Awtoridad niyang sabi. Ngumiti ito nang malapad bago umalis. Naiiling na lang si Hycent. Si Misty ang isa sa kanyang mga empleyado na hindi man lang natatakot sa kanya.
Napadako ang tingin niya sa calling card na inilapag ng sekretarya. Itinaas niya ang kamay at kinuha ito.
"Reese Arabejo Velasco," mahina niyang bigkas. "Saan galing ang Lee?" tanong niya sa sarili.
Bago pa siya mabaliw sa sariling tanong ay kinuha niya ang cellphone saka itinipa ang numero nito. Hindi naman siya makapaniwala na personal number ang ibinigay nito. Dahil sa calling card ay nakabura ang dapat na numero at may isinulat na bago na may note pa na 'my personal number'. Ano ba talaga trip ng babaeng ito.
Nang matapos niya i-dial ang numero ay napatitig siya sa hawak na cellphone. Nandun pa rin ang pagdadalawang-isip niya.
"Bahala na." Sabay pindot sa call button at lagay sa kanyang tainga. Ayun na naman ang paghuhurementado ng puso niya. Ang bilis ng tibok.
Tatlong ring lang ay sinagot na ito.
"Yes, hello," malambing nitong saad sa kabilang linya.
Natigilan siya. Mas bumilis ang kabog ng kanyang dibdib at rinig na rinig na niya 'yun.
"Who is this?" Napalitan nang iritasyon ang tono ng boses nito.
"Hello, this is Hycent of BCI," mabilis niyang sagot at baka babaan siya nito ng tawag. Natawa pa siya sa sarili dahil hindi siya nautal na para bang achievement 'yun.
Biglang tumahimik ang kabilang linya kaya napalingon pa si Hycent sa kanyang cellphone baka kasi pinatay na nito ang tawag. Pero napakunot noo na lang siya na ibinalik muli ang aparato sa kanyang tainga nang makitang naka on pa ito.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang tila nakarinig siya nang impit na tili.
"Are you still there?" tanong na niya dahil sayang ang load.
"Ye-yes, I'm sorry about that. What can I do for you, Mr. Bustamante," tugon nito sa mababang boses. Bumalik din ang lambing ng boses nito.
Pinilit niya inalis kung anumang estrangherong pakiramdam ang lumulukob sa kanyang ngayon.
"You know why I call you. It's about the deal you said."
"Ohh." F*ck! Mura ni Hycent sa sarili dahil parang tunog ungol ang pagkaka sagot nito. "And your answer is?" dugtong nito.
Napabuntung-hininga siya. "Do I have a choice?"
"Ofcourse, you have."
"And that is?"
"To let your company go bankrupt, which I'm pretty sure you won't, right?" Bakas ang kasiguraduhan sa boses nito.
"You got it right, Ms. Lee. Kaya nga wala na akong pagpipilian kung hindi pumayag sa deal mo."
"Wait. Why do I feel like…. lugi ka pa sa offer ko. My gosh. Saan ka makakakita na ako na nga nag-invest tapos magiging personal assistant mo pa ako," pagyayabang nito.
Hindi ni Hycent alam kung maiinis siya o matatawa sa mga pinagsasabi ng kausap.
"Kaya nga 'yun ang pinagtataka ko. Why do you need to be my personal assistant?"
Tumahimik ang kabilang linya.
Nakikiramdam lang si Hycent dahil pinasasakit nito ang ulo niya.
Narinig niya ang pagpapakawala ng hangin nito.
"Mr. Bustamante, accept the deal and we're done talking. Tomorrow is my first day, I will sign the contract and immediately transfer the money. Ok. Go and relax because your company is saved already. Have a nice day and see you tomorrow…. mahal."
Napaawang na lang ang bibig ni Hycent ng busy tone na lang ang marinig at hindi siya sigurado sa huling sinabi ng dalaga. Mahina kasi 'yun… It's like an endearment but he's not sure.
"Urghhhh! Who the heck are you?" Frustrated na naman niyang tanong. Whatever her intentions, he will find it out. Alam niyang habulin siya ng mga chikababes pero ibang usapan ang isang ito.
"Oh! Tukso, layuan mo ako!"