Chapter 28
"WHERE have you been, Reese?" Ang malakas na boses na tanong ang sumalubong sa kanya pagpasok ng kanilang bahay.
Reese just rolled her eyes while continuing stepping inside the house.
"Stop rolling your eyes at me, Reese! And answer me, where have you been?" Bakas na ang inis sa boses nito.
Nakanguso naman siyang humalik sa taong nakapamaywang habang ang mga kilay ay magkasalubong na.
"Just roaming around the city," sagot niya saka umupo sa mahabang sofa at inalis ang kanyang suot na heels. Pinatong niya ang mga paa sa center table. Sobra intense ng mga kaganapan ng araw na 'yun. "Annie, pakikuha naman ako ng malamig na malamig na orange juice, please," utos niya sa isa nilang kasambahay na pababa ng hagdan. Parang pamilya na rin ang turing nila sa mga ito.
"Sige po, senyorita." Humarap si Annie sa lalaking hanggang ngayon ay magka salubong pa rin ang mga kilay. "Gusto n'yo rin po ba senyorito?" magalang nitong tanong.
"No, thanks," tipid nitong sagot kaya umalis na ang kasambahay upang kunin ang kanyang pinapakuha.
Nararamdaman ni Reese ang matatalim na tingin mula sa kanyang nag-iisang kapatid. Nakakatandang kapatid.
"Roaming around the city? Alam ko nanggaling ka dun at itinuloy mo talaga ang gusto mo," anito.
Kumibot ang kanyang labi saka nagsalita, "Alam mo naman pala kung saan ako nanggaling. Why asking me?" Papilosopo niya sagot rito. Napangiti siya nang marinig ang pagmumura nito.
"Huwag mo akong pilosopohin, Reese! You know your situation, for peter's sake. Better go back in Canada-"
"No!" mabilis niyang putol sa sasabihin nito. Inalis niya ang mga paang nakalagay sa center table saka siya tumayo at humarap sa kuya niya.
"It's time to face them. My God brother! Bakit natin hahayaan na kontrolin nila ang buhay natin. We need to face them. To know who they are. To let this f*cking things done! I'm tired of hiding. I have a life to fix. Kaya pwede ba brother, stop telling me what to do." Hindi niya naiwasan ilabas ang sama ng loob rito. Nakita niyang natigilan ito saka bumuntung-hininga.
"Life to fix? Like what?" nang-uuyam nitong tanong.
Inismiran naman niya ito saka siya bumalik sa pagkakaupo sakto naman dumating si Annie dala ang kanyang orange juice. Inabot niya ito at nagpasalamat.
Halos makalahati niya ang inumin. Napagod siya magsalita, eh.
Tumunog ang cellphone ng kuya niya. Nakita niyang kumunot ang noo nito bago tumingin sa kanya.
"We are not done, stay there," pagkasabi nito no'n ay sinagot na nito ang tawag.
Siya naman ay inubos na ang orange juice. Nang maubos niya ay inilapag niya ang baso sa center table saka niya isinandal ang likod. Ang dalawang kamay ang ginawa niyang unan.
She remembered what happened this morning. Hindi niya napigilan sumilay ang ngiti sa mga labi habang nakapikit ang mga mata.
"Aray!" daing niya ng may tumama sa kanyang mukha. "What is your problem, brother?" inis niyang tanong. Babatuhin niya rin sana ito ng unan nang matigilan siya dahil sa madilim nitong mukha.
"What did you do this time? What the h*ck come into your mind to offer that deal to Mr. Bustamante?" Nagtatagis ang bagang nitong sabi.
Hindi na nagulat si Reese na alam nito ang nangyari kanina. She knows that her brother had an eye on her.
Nagkibit-balikat lang siya na mas ikinainis nito.
"What do you think you're doing? Anong gagawin mo dun? Hindi pa ba sapat na nag-invest ka na sa kumpanya niya. What is it this time?" Bakas talaga ang pagka disgusto nito sa kanyang naging desisyon.
Huminga siya nang malalim saka tumayo.
She crossed her arms over her breast.
"Hindi sapat 'yun. Paano ko magagawa ang plano ko kung hindi man lang ako makalapit sa kanya. I need to do something to get near him. At 'yun ang pinaka madaling paraan. Am I smart, aren't I?"
"What plan again?"
"Bawiin ang para sa akin," seryoso niyang sabi na ikinatawa nito kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"For you? Ang pagkakaalam ko, walang sayo."
Napahawak siya sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso.
"You're hurting me brother. Bakit hindi mo na lang ako suportahan," nagmamaktol niyang sabi.
"I will if it is worth it. But look at yourself. You're a f*cking billionaire and you ask someone to let him be your boss. Anong klaseng utak mayroon ka? Napasukan ba ng hangin 'yan. At anong gagawin mo? Will you seduce him? F*ck, Reese! Don't ever try that one. Ibababa mo ang sarili mo for the bastard!"
"Brother! Stop insulting him," inis na rin niyang sabi.
Pagak naman tumawa ito. "Seriously, Reese? Ano ba pinakain ng lalaking 'yun sayo at ganya ka ka-obsessed sa kanya. Maninira ka ng pamilya?"
Doon ay hindi na niya napigilan ang sarili. Gusto niya rin sana sabihin rito kung ano ang pinakain ng lalaki sa kanya at pinaranas. Heaven, 'yun lang naman at ang mala sawa nitong alaga. Naipilig niya ang ulo dahil sa tumatakbo sa kanyang isipan. Muli siyang humarap sa kuya niya.
"Pamilya? No, brother. Matagal ng wala ang pamilyang sinasabi mo! The moment I entered their lives is the moment I own that family. That b*tch doesn't deserve him. Babawiin ko kung ano ang ipinahiram sa akin. If I need to use the forbidden technique, I will." Buo ang loob niyang sabi.
"What forbidden technique?" naguguluhang tanong nito.
Inismiran naman niya ito. "Hindi mo alam ang pinagbabawal na teknik. Parang hindi mo ginawa sa asawa mo 'yun ah."
Nakita niyang napaisip ito. Pinanood niya lang ito habang nag-iisip. Hanggang sa muli na naman nag salubong ang mga kilay nito.
"No way! Hindi mo aakitin ang lalaking 'yun. My God, Reese. Hindi ka aabot sa puntong 'yun. Bilhin na lang natin ang kumpanya niya and let him be." Salubong ang kilay nitong saad sa kanya.
"I'm not going to listen to you. Tomorrow is my first day. And no one could stop me. Brother, let me be. I can handle it," pagsusumamo niya rito at nag puppy eyes pa siya rito habang magkadikit ang dalawang palad na tila nagdadasal.
"Urgh!" Naihilamos nito ang mga palad sa mukha. He looks so frustrated. Naiiling na lang si Reese habang pinagmamasdan ang isa sa dahilan kung bakit buhay pa siya. "Women! Why are you all stubborn! Mga sakit kayo sa ulo talaga."
Napagdikit ni Reese ang mga labi nang makita kung sino ang pababa ng hagdan
"What is it, Rohan?" Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ng kuya niya. Para itong tinakasan ng kulay. Kumurap-kurap pa ang mga mata nito na para bang umaasa na hindi totoo ang narinig. "Sino ang sakit sa ulo?" tanong muli ng babaeng bumaba ng hagdan.
Ang bilis humarap ng kuya niya rito.
"Lo-love, ka-kanina ka pa dyan?" Nauutal nitong tanong.
Gusto ni Reese na humagalpak ng tawa. Para kasi itong pagong na biglang nagtago sa loob ng bahay.
"Yes, and I heard what you said. Hmmmm."
"Lo-love, si Reese kasi pinagsasabihan ko lang. Kumain ka na ba? You want to go on a date?" Lumapit pa ang kuya niya sa asawa nito saka naglalambing na yumakap.
And a memory flashback in her mind. A memory where she and a man hugged each other while looking at the sky. A peaceful night. A night where she admits to herself that she was in love with her fake husband.
"Don't listen to your brother, Lee. Sinunod mo ba ang sinabi ko?" Napukaw ang kanyang pagbabalik-tanaw sa boses ng asawa ng kuya niya. "Reminiscing the past?" nakangisi nitong saad.
Sanay na siya rito at ito rin ang halos kasama niya noong mga panahon nagluksa siya dahil sa nangyari sa kanyang buhay. But at the same time she was thankful.
"A little. I'm almost there and I'll make sure this time I'm going to win." Determination is visible in her voice.
"That's my girl. Make her pay for what she did to you. Kung ako lang ang masusunod matagal nang nakabaon sa lupa ang babaeng 'yun."
"Love!"
Sabay pa silang napatingin sa kuya niya dahil sa pagsigaw nito.
"Are you shouting at me?" Nakataas kilay na tanong ng asawa nito.
"No-no. Pero tama na. Huwag mo nang sulsulan pa si Reese. I'm just afraid. You know what she's been through. Ayoko lang maulit 'yun, love." Muling yumakap ang kuya niya sa asawa nito.
Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ng dalawang babae nang marinig ang sinabi ni Rohan.
Alam nila kung gaano kamahal ni Rohan ang kapatid. Kung ito lang ang masusunod hinding-hindi na siya makakatapak pa sa Pilipinas.
"Fine. Just this one, let her be. Don't worry I won't let anyone hurt her. Dadaan muna sila sa bangkay ko bago nila masaktan si Lee." Tinapik nito ang ulo ng kuya niya na nakasubsob sa may dibdib nito. "Pwede ba lumayo ka muna sa akin. Ang init-init, e." Itinulak nito ang kuya niya.
Maluha-luha naman lumapit si Reese kay Yasmin ang asawa ng kuya niya saka niyakap ito.
"Thank you so much, sister. I'm lucky to have you."
"Siya lang? Paano ako?" nagtatampong sabad ng kuya niya parang bata talaga.
Umalis siya sa pagkakayakap kay Yasmin at mabilis siyang yumakap sa kuya niya.
"Thank you, brother."
"Hmmm. Wala naman ako magagawa, diba? Pero Reese, utang na loob huwag marupok, ah."
Natawa siya sa sinabi nito. Makapag-advice parang hindi rin ito marupok.
"Manang, pakihanda po ang guest room iyong nasa dulo po malayo sa kwarto ko at doon po matutulog ang senyorito n'yo."
Humagalpak siya ng tawa nang mabilis kumalas ang kuya niya sa pagkakayakap sa kanya at sinundan ang asawa nito na paakyat na sa taas.
"Love. Huwag naman ganoon. Hindi ako makakatulog nang hindi ka katabi." Naririnig niya pang sabi ng kuya niya.
"No. You will not sleep in our room. Sakit pala kami ng ulo, ah," sagot naman ng asawa nito.
Bigla niyang naitikom ang bibig nang lingunin siya ng kuya niya at binigyan pa siya nang nagbabantang tingin.
She stuck her tongue out like a kid. Saka siya natatawang pinagmasdan ang dalawang taong malaki ang parte sa kanyang muling pagbangon mula sa muntikan ng kamatayan.
And seeing them teasing each other. She remembered Hycent again. The man who never leaves her mind. The man who captured her heart and the man who she wants to get again.
Because Hycent Henry Bustamante is only for her. She will get him by hook or by crook.