Chapter 27

IPINAKILALA ni Noel si Miss Lee sa mga kasamahan nila. Kung pagmamasdan mo ang dalawa ay halatang magkakilala ang mga ito.

Pero hindi ipinaalam sa kanya ni Noel ang bagay na 'yun. Kaya humanda ito mamaya dahil talagang gigisahin niya ito. How could he betray him?

Naputol ang pagpat*y niya sa kaibigan sa kanyang isip nang siya na ang susunod na ipapakilala nito.

Naramdaman niya ang pagtingin ng mga ito sa kanya. Pinilit niya kasing alisin ang tingin sa babae dahil nagwawala ang puso niya at ang bilis nang pagkabog.

"And the last one is our beloved ceo." Tinaasan niya ng kilay si Noel. Ang dami pa kasing drama bakit hindi na lang nito diretsuhin. Narinig niyang tumawa ito. " Don't mind him Miss Lee. I want you to meet the CEO of Bustamante Clothing Industry none other than…. Mr. Hycent Henry Bustamante," pagpapakilala nito sa kanya.

Nalipat ang tingin niya kay Miss Lee. Muli na naman niya nahigit ang kanyang hininga nang matamis itong ngumiti sa kanya.

"It's our pleasure to meet you Miss Velasco," pormal niyang sabi. Nakita niyang natigilan ito ngunit ilang minuto lang ay sumeryoso na ang mukha nito.

May ginawa ba siyang mali?

Bakit bigla itong naging seryoso.

"Let's start. I still have other appointments." Umupo na ito sa upuang nakalaan para rito. Habang si Noel ay bumalik sa pwesto nito.

Napalunok siya ng sariling laway dahil sa lamig ng boses nito. Kanina lang ay napaka aliwalas nang bukas ng mukha nito. Bakit bigla na lang itong sumeryoso.

"Let's start, Mr. Bustamante," pukaw nito sa kanya.

Tumikhim siya upang alisin ang tila bara sa lalamunan kahit wala naman. Tumayo siya saka sinenyasan si Misty na umpisahan nang paganahin ang malaking monitor sa kanilang harapan.

He stood beside where he couldn't block the monitor while starting to discuss the presentation he prepared.

Only Hycent baritone and powerful voice filled the entire room.

And Miss Lee can't help herself to watch and enjoy the voice of the man in front. It's like a lullaby in her ears. That makes her close her eyes and just listen to the voice.

Matapos ang mahabang paliwanag ay natapos rin si Hycent. Misty quickly turned off the monitor.

"I hope you like it," agad na tanong ni Hycent kay Miss Lee. Napakunot noo siya nang makitang nakapikit ito.

Ganoon ba ito ka-bored sa presentation niya. Bigla ay nakaramdam siya nang pang-iinsulto mula rito. Lumakad siya palapit rito upang kunin ang atensyon nito.

Nang isang upuan na lamang ang pagitan nila ay nagbukas ito ng mga mata.

At sa hindi inaasahan na pagkakataon. Their eyes met. Kung kanina ay malakas na ang pagkabog ng kanyang puso. Tila itong dumoble ngayong magkahinang ang kanilang mga mata.

He knew those feelings. Naramdaman na niya na 'yun. Ganun na ganun.

Napahawak siya sa may sandalan ng upuan malapit sa kanya. Parang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod.

Those eyes. Ang matitingkad na mga matang kulay berde. Nakita na niya ito.

"Hey, bro. Are you alright?" Hindi niya napansin na nasa tabi na niya si Noel na ngayon ay nakahawak na sa kabilang braso niya.

Muntik na pala siya matumba. Pero hindi niya mabawi ang tingin kay Miss Lee. Ayaw niyang bawiin. Tila kasi may magnetong nakakabit sa kanilang mga mata.

Pero ito na ang kusang bumawi at tumayo.

Napakurap-kurap naman siya saka siya umayos din ng tayo.

"I'm fine. Medyo nahilo lang ako," pagdadahilan niya sa kaibigan na mukhang hindi naman siya pinaniwalaan. Pero bumitaw naman at dumiretso palapit kay Miss Lee.

Mabilis naman siyang tumalikod at bumalik sa kanyang upuan.

"Where are you going, Miss Lee?" Narinig niyang tanong ni Noel rito.

"I-I need a comfort room," sagot nito.

"Sure." Tinawag ni Noel si Misty at pinasamahan si Miss Lee sa banyo.

Narinig niya ang pagbukas at sara ng pintuan.

Doon ay nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Pakiramdam niya ay kanina niya pa pinipigilan ang paghinga.

Naramdaman niya ang pagtapik ni Noel sa kanya kaya nilingon niya ito.

"Ayos ka lang? Bakit parang kakaiba ang kilos mo ngayon?" tanong nito na nakakunot pa ang noo.

"I think I don't have enough sleep. Tinapos ko kasi kagabi ang presentation. But I will be fine basta ba mag-oo lang si Miss Lee sa atin," aniya rito. "What?" tanong niya nang makita ang kakaibang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Alam niya hindi ito naniniwala sa excuse niya pero f*ck him. Wala siyang balak ipaalam rito ang nangyayaring kaguluhan sa kanyang puso.

"Nothing," natatawang sagot nito saka siya iniwanan at bumalik sa upuan nito.

Muli siyang bumuga ng hangin at pinapakalma ang pusong hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari rito.

Umupo siya saka niya kinuha ang bottle water. He needed to drink. Dahil pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan.

"Your presentation really impressed us, Mr. Bustamante. We are very sure that Ms. Lee can't say no," sabi ni Mr. Jackson-one of the board members.

Sunod-sunod naman na sumang-ayon ang iba pang naroroon. Kaya naman nagpasalamat siya sa mga ito at hinintay na lang nilang makabalik si Ms. Lee upang malaman nila ang kasagutan nito.

Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil makalipas ang halos sampung minuto ay pumasok na ito kasama si Misty.

Gusto niyang tingnan ito pero pinili niyang abalahin ang sarili sa hawak na folder at kunwari ay may binabasa siya. Pero ang kanyang tainga ay alerto sa mga susunod na mangyayari.

"I'm very sorry for that, I think my stomach really doesn't like coffee that's why."

Hindi niya napigilan tingnan si Ms. Lee sa sinabi nito.

Hindi niya gusto ang kape. And a memory started to play in his mind.

"So, let's go back to our discussion, Mr. Bustamante, I just have one question for you," sabi nito na ikinabalik niya sa kasalukuyan.

Tumingin siya rito pero iniiwasan niya na magtagpo ang kanilang mga mata. At mukhang ganun din ito dahil halatang iniiwas din ang tingin sa kanya. Tumingin ito sa hawak na folder saka nagsalita, "The presentation was really amazing. I even asked myself, why would the ceo itself volunteer to do it. Until, I found out that your company is at risk at the moment. My question to you Mr. Bustamante is…" Huminto ito sa pagsasalita saka nito isinara ang hawak na folder.

Umangat ang tingin nito diretso sa kanyang mga mata. And for the second time since he saw her eyes. Hycent heart started thumping fast again.

"Gaano ako nakakasiguro na ang ipapasok kong pera ay hindi basta-basta mawawala?" diretsong tanong nito.

Napalunok pa si Hycent dahil sa napaka seryoso nitong mukha. But he needs to remove any distraction in his mind for now. Dahil nakasalalay sa babaeng nasa harap ang pag-angat muli ng kumpanya niya.

He gave him the same facial expression. Intimidating and serious. Nakita niya ang pag-angat ng gilid ng labi nito.

"We all know that investing is like risking. Sa dami nang naitayong kumpanyang kalaban namin. I know it will be very hard for you to consider only one option and that is us. Alam namin na marami na rin ang lumapit sa inyo. And we are very thankful that you give us the chance to show what we could offer.

"Bustamante Clothing Industry has something more to offer. We just lacked a budget. And if you are going to invest to us

…" He stood up and put his two hands on the table. "Mark my words, I will make it double, no, I could even make it triple," buong ang loob na sabi niya. Because one thing he must show and that is his determination.

Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. Kaya naman nalipat roon ang kanyang tingin. Muli na naman siyang napalunok. A natural red lips. Parang ang sarap lamukusin ng halik. Mabilis niyang sinaway ang kabastusan sa kanyang isip.

Tumayo rin si Ms. Lee at pinag-ekis ang mga braso sa dibdib nito.

A perfect breast.

Muli niyang sinaway ang isip. Ano ba nangyayari sa kanya bakit lahat na lang ay napapansin niya sa babaeng kaharap.

"I don't just trust like that. Let's do a deal, Mr. Bustamante. I will invest in your company only if…" Muli na naman nagtama ang kanilang mga mata. "You will let me be your personal assistant. That means, wherever you go I go with you."

Napaawang na lang ang kanyang bibig sa sinabi nito. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap na tila hindi maproseso ng utak ang sinabi ni Ms. Lee.

"Co-come again?" Lumabas sa kanyang bibig.

Tumaas naman ang kilay nito bago muling nagsalita, "Take it or leave it. Just give me a call. Mauna na ako at may susunod pa akong meeting. Thank you everyone. Have a nice day."

Mas lalong natulos si Hycent nang kindatan siya nito. What was it for? Parang biglang nag roller coaster ang kanyang utak.

Is she for real?