Chapter 26

AFTER 2 YEARS

"MOM, I"ll go ahead," paalam ni Hycent sa ina saka siya humalik rito.

Nilapitan niya ang anak.

"Alis na ako, baby. Very good ka sa school, ok." Hinalikan niya rin ang anak.

"Bye-bye, daddy."

"'Nay, nasaan po si Pearl?" tanong niya nang hindi makita ang asawa sa hapag-kainan.

Pasagot pa lang si Nanay Marissa nang saktong pumapasok na ang asawa.

"I'm here." Lumapit ito sa kanilang anak.

"Alis na ako," sabi niya.

"You're not going to eat?"

Napahinto siya nang marinig ang tanong ng asawa. Humarap siya rito.

"Hindi na, may importante kaming investor ngayon. Ayokong ma-late lalo na we need investor," paliwanag niya saka tinanguan ang asawa at tuloy-tuloy nang lumabas.

Two years had passed.

Dalawang taon na para lang siyang robot. Hindi niya alam pero parang may nagbago. Not to him but to his wife.

Yes. Bumalik ito sa dati. 'Yung dating asawa niya.

Hindi mawala sa isipan niya ang araw na 'yun. Ang araw na dumating ito mula sa pag-alis kasama ni Abygail.

FLASHBACK!

"Ang bilis n'yo nakabalik." Salubong niya sa asawa pagkakita rito na papasok. Nasa living room kasi sila ng anak at naglalaro.

Natigilan siya nang hindi man lang siya pinansin nito at dire-diretso kay Harold at mabilis itong niyakap.

Kunot ang noo niya itong tiningnan. Para kasi itong sabik na sabik samantalang ilang oras pa lang ang mga ito naghiwalay.

Nakarinig siya ng may tumikhim kaya napalingon siya sa kanyang likuran. Abygail is here.

"Parang ilang oras lang silang hindi nagkita, akala mo naman ilang taon, noh?" sabi nito na tila nabasa ang nasa kanyang isip. Naglakad ito palapit sa kanyang mag-ina.

May ibinulong ito sa asawa na hindi niya narinig dahil talagang mahina.

Nakita niyang natigilan ang asawa at dahan-dahan na lumingon sa kanya.

Mabilis itong tumayo. Walang salitang lumabas sa bibig nito. Nakatingin lamang ito sa kanya.

Nakita niyang siniko ito ni Abygail na nagpakurap-kurap sa mga mata nito at tila nagising.

And why suddenly her eyes back to it's same color as before.

Napapantastikuhan siyang tiningnan ang asawa.

"Wala ka bang trabaho? I mean, wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo," sabi nito.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "You forgot about our plan?" Balik-tanong niya.

May usapan kasi sila na sa labas sila magdi-dinner tatlo. Bakit parang nakalimot ito.

"Ah, sabi mo kanina Pearl may dinner date kayong tatlo. A family dinner date kasama si Harold. Kaya ka nga nagpahatid sa akin agad, diba," si Abygail ang sumagot na nakapulupot ang isang braso nito sa braso ng kanyang asawa. "Paano, mauna na ako. Enjoy your dinner," paalam nito at humalik sa kanyang asawa na may bakas pagkalito sa mukha nito.

Nagpaalam din si Abygail kay Harold bago tuluyan lumabas ng kanilang bahay.

Nang makaalis si Abygail ay parang biglang ang akward nang kinalalagyan niya. Hindi niya rin maramdaman ang pakiramdam na 'yun. Ano ba ang nangyayari?

"Pwede ba i-cancel na lang muna natin. I'm not feeling well. I want to rest. Maybe I got tired," pukaw nito sa kanya.

Bumahad naman ang pag-aalala para sa asawa kaya agad-agad niya itong nilapitan at sinalat ang noo at leeg nito.

Hindi naman mainit ang asawa. Napansin niya ang pagkabigla nito.

"Do you need anything, mahal? Ihahatid ko sa kwarto na-"

"Mahal?" sambit nito sa patanong na tono.

Muli ay kumunot ang kanyang noo. Bakit ba parang gulat na gulat ito.

Nang sapuin nito ang ulo ay mabilis niyang inalalayan ang asawa upang makaupo.

"What happened, mommy? Are you sick?" agad na tanong ni Harold na nasa tabi na nila.

"No, baby. Mommy just need rest," tugon ng asawa niya at tumingin sa kanya.

"Gusto ko na magpahinga, pwede ba?"

Tumango siya at inalalayan ito patungo sa kanilang silid.

NABALIK sa sarili si Hycent nang makarinig nang sunod-sunod na busina.

Masyado na pala malayo ang nilakbay ng kanyang isipan.

Nagsimula muli siyang paandarin ang kotse nang makitang naka green na ang stop light.

Hindi naman kalayuan ang kanyang kumpanya sa kanilang bahay kaya agad din siya nakarating sa kanyang opisina.

Pagkalabas niya sa sasakyan ay ibinigay niya ang susi kay Egoy na isa sa mga guwardiya. Ito ang magpa-park sa kanyang kotse.

"Magandang umaga po, Sir," bati nito na kanya namang tinanguan.

Dire-diretso na siya pumasok na nakapamulsa ang isang kamay habang hawak sa kabilang kamay ang kanyang attache case.

Lahat nang madaanan niya ay binabati siya. Tango lamang ang sinusukli niya sa mga ito.

Nakita niyang nag-atrasan ang kanyang mga empleyado na nag-aabang sa elevator nang makita siya paparating.

Ganito naman lagi. Everyone knows how strict he was when it comes to work. He doesn't want to make the same mistake he's been through before that includes his wife.

Diretso siyang pumasok sa elevator pagkalabas ng mga sakay nito. Pinindot niya ang top floor kung nasaan ang kanyang opisina.

Habang umaandar ang elevator patungo sa kanyang palapag ay hindi niya naiwasan isipin ang kanilang bagong investor.

Kailangan talaga niya ngayon ng tulong. Dumarami ang kanilang mga kalaban.

Nakabawi na naman siya sa loob nang halos dalawang taon.

Sa kanya na muli ang kumpanyang muntikan nang mawala dahil sa ginawa ng asawa.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Gusto na niyang kalimutan ang bahaging iyon ng buhay niya. They are okay. His family is complete. Ano pa ba ang mahihiling niya?

Kahit sa kasulok-sulukan ng kanyang isip ay may pag-aalinlangan. Pagdududa na hindi nawala sa kanya sa loob nang dalawang taon.

Ang pagtunog ng elevator ang pumukaw sa kanya. Naroon na pala siya.

Humakbang na siya palabas ng elevator.

"Good morning, Sir," nakangiting bati ni Misty ang kanyang sekretarya.

"Morning." Sumunod ito sa kanya hanggang sa loob ng kanyang opisina.

Misty Anunas is one of his trusted employees. Hindi kailanman siya nito niloko kahit halos alam nito ang lahat tungkol sa kanyang kumpanya.

Para na itong isang nakababatang kapatid sa kanya. Saksi din siya kung paano ito nagsikap sa buhay. Misty is one of her parents' scholars. Kaya naman madali para sa kanya na tanggapin ito.

"Is everything ready?" tanong niya pag-upo sa kanyang swivel chair.

"Yes, sir. Ang ibang mga board of directors ay nasa meeting room na po,"imporma nito sa kanya.

Ang aga naman. Sa isip niya.

Tiningnan niya ang suot na wristwatch. Halos dalawampung minuto pa bago ang itinakdang oras ng kanilang meeting.

"Prepare the coffee and all that we need. Check ko lang nang maayos itong presentation, then susunod na ako," sabi niya saka kinuha ang laptop upang siguraduhin na maayos ang kanilang ipapakitang presentasyon.

Balita pa man din niya ay mahigpit at masyado makilatis ang investor na ito. Ni pangalan nga hindi man nila alam, siya lang pala. Si Noel ang nakahanap rito. Maasahan talaga ang kaibigan niyang 'yun.

Nang makalabas ang kanyang sekretarya ay sinimulan na niya siguraduhin na maayos ang kanyang presentasyon. Hindi niya talaga inasa ito sa iba na dapat naman, eh. He wanted to do it by himself.

"GOODMORNING," sabay-sabay na bati ng mga tao sa meeting room pagpasok ni Hycent.

Tinanguan niya lamang ang mga ito at naglakad na patungo sa kanyang pwesto.

Napadako agad ang kanyang tingin kay Noel na prenteng nakaupo habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay nito.

Napailing na lang siya. May pagka-isip bata kasi ito kaya minsan hindi niya matuloy kung paano niya ito naging kaibigan.

Pero si Noel ang naging tagapagligtas niya. Ang dahilan kung bakit nasa kanya pa rin ang kumpanya na itinayo ng kanyang mga magulang.

"What's up, bro. You look nervous?"

Sinamaan niya ng tingin si Noel sa sinabi nito na ikinatawa lamang nito.

Wala talaga itong pakialam kahit sino ang kasama nila. Basta sumpungin ito ng pagiging isip-bata.

"I'm not, bastard!" sagot niya rito.

Sanay na rin naman ang mga kasama nila sa kanilang dalawa. This is how they are since.

"Are you aware that the investor we are going to meet is a female?"

Nahinto ang plano niyang pagkuha sa isang folder sa kanyang harapan sa sinabi nito. Mabilis na dumako ang tingin niya sa kaibigan.

Looking at him with a question in his eyes. Babae ang kanilang investor? Hindi sa minamaliit niya ang mga babae but he was expecting an old man.

Magtatanong pa sana siya nang bumukas ang pintuan hudyat na may dumating.

All of them look into the opened door.

Halos pigil niya ang hininga nang bumungad sa kanilang ang isang napakagandang babae. A Goddess.

Napatulala na lamang sila.

"Goodmorning," nakangiting bati nito na ikinasinghap nila at nagpabalik sa kani-kanilang ulirat.

"Goodmorning, too," they greet her back in unison.

Para na siyang pangangapusan ng hininga. His heart started to beat fast. So , darn fast. At hindi nakakatulong ang matamis nitong pagkakangiti sa kanila dahil mas lalo nagwawala ang kanyang puso nang hindi niya alam ang dahilan. Nervous?

Nakita niyang sinenyasan ni Noel si Misty paturo sa bagong dating at may ibinulong sa kanyang sekretarya.

May ideya ba si Noel kung sino ang babae sa kanilang harapan. Huwag nitong sabihin na ito ang bago nilang investor.

Nakita niyang lumapit ang kanyang sekretarya rito at inalalayan ito na maupo sa upuan para rito. Ngunit hindi ito umupo bagkus nanatili itong nakatayo na para bang may hinihintay.

Tumayo si Noel na may matamis na ngiti sa mga labi. And he walks towards the lady.

Nang makalapit ito bahagya pa itong yumuko na tila nagbibigay galang.

And knowing his friend who doesn't give respect is as easy as that. He can tell that the lady is not just ordinary.

"Good morning everyone," bati ni Noel sa kanilang lahat. Nanatili lang siyang nakaupo at nakatingin sa mga ito. Dahil medyo may kalayuan ang pwesto ng mga ito ay hindi niya ganun masyado makita ng malinaw ang mukha ng babae. But one thing is for sure, she's a head turner. "Let me be the one to introduce our hope to be a new investor…" Tumingin sa kanya si Noel na may ngisi sa mga labi bago nagpatuloy magsalita, " It's my pleasure to introduce to everyone the one and only Miss Reese Arabejo Velasco or Miss Lee, for short."