Chapter 25
"I'M HAPPY seeing you and my son fixing your family."
Napalingon si Pearl sa mommy ng asawa. Hindi niya napansin ang paglapit nito.
"Mom," aniya rito.
Matamis itong ngumiti sa kanya.
Isa sa ipinagpasalamat niya ang kabutihan ng mommy ni Hycent. Sa dalawang buwan na kasama niya ito ay nakita niya kung gaano nito kamahal ang mag-ama. At ganoon rin sa kanya.
Hindi siya itinuring nitong ibang tao. Nung una lamang na hindi pa sila maayos ni Hycent. Pero nang magkaayos sila ay nag-iba rin ang pakikitungo nito. She's really like a mother to her.
Kaya minsan naitatanong niya kung bakit nagawa ng tunay na Pearl na lokohin ang asawa nito.
Because she could say that Hycent is a husband material.
Kaya ipinangako niya sa sarili na aalagaan ang mga ito at hindi niya hahayaan na mapahamak. Kung sakaling magbalik man ang tunay na Pearl. Ipaglalaban niya ang mga ito. Dahil unang-una ay ito ang nang-iwan. Kaya hanggang kaya niya ay ipinaparamdam niya sa asawa ang mga bagay na sinasabi nitong pinagbago niya.
Kahit sa ganoon na paraan maiparamdam niya rito na hindi siya ang asawa nito. Hinihintay niya lang na usisain siya nito.
Gusto niya rin naman na mahalin siya nito sa kung sino man siya. Not as his wife who left them.
Nabalik siya sa sarili nang marinig ang boses ni Abygail.
Nilingon niya ito na papalapit sa kanila. .
"Hi po, tita," bati nito sa mommy ni Hycent saka humalik sa pisngi. Nginitian naman ito ng huli saka nagpaalam na papasok muna sa loob.
"Hi, Pearl," siya naman ang binati nito at nakipag beso.
"Hello, what are you doing here?" tanong niya.
"Masama ka na bang dalawin?" nagtatampo nitong sagot.
"Hindi naman sa ganun. Nagulat lang ako," sabi niya.
"Well, actually I came here to ask you a favor," malambing nitong sabi.
"What favor?" tanong niya habang inililigpit ang pinagkainan nila. Kasalukuyang nasa swimming pool sina Hycent at Harold. Niyaya nga siya ng mga ito pero tumanggi siya. Wala siya sa mood, kanina pang umaga masama ang pakiramdam niya.
"Samahan mo naman ako bumili ng damit. I know how good you are when it comes to choosing the best attire. So, please, help me."
Napalingon siya rito at bahagya pang nagulat nang nag puppy eyes pa ito.
"You know that I can't-"
"You can come with her, Mahal."
Nalipat agad ang kanyang tingin sa likuran niya kung saan nanggaling ang boses ng asawa.
"Oh, yes! Thank you so much Hycent. At least you are letting her go, that's a good way for both of you to start a new beginning," malapad ang pagkakangiti ni Abygail nang payagan siya ng asawa. "And what did you call her? Mahal?"
"Yes, she requested it. And it's cool right?"
Hindi nakalagpas sa mga mata niya ang pagdaan nang kakaibang emosyon sa mga mata ni Abygail.
Nagdadalawang-isip tuloy siya kung sasama. Kailangan niya muna yatang layuan ito. Paano na lang kung may alam ito sa kanyang tunay na pagkatao.
Humarap siya muli kay Hycent. "Baka hanapin ako ni Harold. Alam mo naman ang batang 'yan," paliwanag niya.
Tumingin naman ito sa kanya bago isinubo ang isang pirasong grapes at walang sabi-sabi na sinakop nito ang kanyang bibig.
Napa daing siya nang pilit nitong ibinuka ang kanyang bibig saka ipinasok ang kaninang isinubo nitong ubas. Ngayon ay nasa bibig na niya ito at pinutol na rin nito ang kanilang halikan.
Alam niyang nag kulay kamatis na ang kanyang mukha habang pasimpleng nginunguya ang ubas na nasa bibig.
Sino ba hindi? Hinalikan lang naman siya ni Hycent sa harapan ni Abygail.
"No more buts ok. Ako na bahala kay Harold just make sure to come back, ok." Hinalikan siya nito sa noo saka ito humarap kay Abygail. "You may take her but I warn you not to do something that you might regret again and again."
Nakita niyang nabigla si Abygail ngunit saglit lang at matamis na ngumiti.
"No worries, Hycent. Ibabalik ko siya sayo nang walang gasgas at buong-buo."
"WHERE ARE WE GOING?" tanong niya habang nakasakay sa kotse ni Abygail.
Wala siyang nagawa nang ipagtabuyan siya ng asawa.
Isa kasi 'yun sa paraan daw nito para ipakita na muli itong nagtitiwala sa kanya. Ayaw daw nito maramdaman niya na nakakulong siya na maaaring maging dahilan upang muli siyang magloko.
Napailing na lang siya. Dahil wala sa isip niya na lokohin ang asawa.
Well not in her case now. Alam niyang malaking kasalanan ang magpanggap na asawa nito..
Pero ang mga ito ang nagsabi at hindi siya. Kung may natuklasan man siya sa tunay niyang pagkatao ay maging siya ay hindi sigurado.
Sa ngayon, isa lang ang sigurado niya. She can't afford to lose Hycent and Harold.
Liningon niya si Abygail nang huminto ang kotse nito sa gilid ng daan.
"I'm sorry," sambit nito kasabay nang pagtakip ng panyo sa bibig niya.
Hindi na siya nakagalaw upang awatin ito nang unti-unting pumikit ang kanyang mga mata.
MASAKIT ang kanyang ulo at tila umiikot pa rin ang kanyang pakiramdam.
"Bakit hindi mo na lang siya pakawalan? Just tell her the truth, you don't need to kill her," rinig niya na boses ni Abygail ang nagsalita.
Kaya dahan-dahan niya iminulat ang mga mata.
"Boss, gising na siya," boses ng isang lalaki.
Sa tuluyang pagbukas ng kanyang mga mata ay sumalubong sa kanya ang isang mukha na lagi niyang nakikita sa salamin.
Napaawang ang kanyang bibig. Shocked. Confused. Scared. Mga naramdaman niya nang tuluyan luminaw sa kanya ang hitsura ng babae.
Nalipat ang tingin niya kay Abygail na bakas ang kalungkutan sa mukha nito at mabilis din nag-iwas ng tingin.
Doon niya lang napansin ang mga kamay na nakagapos sa kanyang likuran. Pati kanyang mga paa ay nakatali rin habang nakaupo siya sa isang silya.
"Who are you?" matigas niyang tanong. Kahit na may hinala na siya kung sino ang nasa kanyang harapan.
The girl with the same face just looked at her with an emotionless expression.
"Do I need to answer your question?" sagot nito na tuluyan nang humarap sa kanya.
She can't deny it. They really have the same face even the color of their eyes. Pinagkaiba lang mas matingkad ang pagka berde ng kanya.
Ang sa babae kasi maputla para bang anytime ay babalik ang tunay nitong kulay.
"Yes, you should!" Matapang niya pa ring sagot.
The girl's lips formed into an 'o' like she was amazed on how she could still be brave knowing she was tied and can't fight.
"Well, I'm Pearl Bustamante. The real one," nakangisi nitong sagot.
Kahit na may hinala na siya ay nabigla pa rin siya. Anong ginagawa nito? Bakit pa ito bumalik? Kukunin na ba nito ang pamilyang para rito?
Nagtagis ang kanyang bagang at pilit na ginagalaw ang mga kamay at paa upang maalis ito.
Pero bigo siya. Masyado mahigpit ang pagkakatali sa kanya.
"Don't try it. Hindi ka naman makakatakas." Lumapit ito sa kanya at itinapat ang mukha sa kanyang mukha. "Infairness, my face is good on you, but I need to get back what is really mine. Thank you for making my husband forgive me." Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi na ikinapilig niya.
Kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha. It's over. Bakit? Bakit ngayon pa?
"Abygail, nasaan na? Bilisan na natin at gusto ko nang mayakap ang anak at asawa ko."
Nagsunod-sunod ang pag-agos ng kanyang luha pagkarinig sa sinabi nito. Babawiin na nito ang pamilyang napamahal na sa kanya.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang baba saka siya nito ipinihit paharap rito.
Nagkatitigan sila. At sigurado siyang may lungkot siyang nasilayan sa mga mata nito.
"Any last word before you leave this wonderful world?"
Dinuraan niya ito sa mukha sabay sabing, "F*ck you! Ang kapal ng mukha mong bumalik! Pagkatapos mo siyang lokohin! Pagkatapos mo silang iwanan! May lakas ng loob ka pa bumalik. Bumalik ka na kung saan ka nanggaling. And leave us alone!" sigaw niya rito.
Pinunasan nito ang mukha na dinuraan niya saka masama ang tingin na ipinukol sa kanya.
Tumayo ito nang maayos at biglang pasabunot na hinila ang kanyang buhok na ikinadaing niya.
"Matapang ka? Bakit may magagawa ka ba? Wala! Binabawi ko lang naman ang ipinahiram ko sayo. And now, babawiin ko na 'yun kasabay nang pagsira ko sa mukha mo na mukha ko. Ako lang dapat ang tanging nagmamay-ari ng mukhang 'yan."
"Arghhhhh!" Malakas niyang daing nang may mainit na likido ang ibinuhos sa kanyang kalahating mukha.
Halos magwala siya sa kinauupuan sa sobrang sakit at hapdi. Pakiramdam niya ay nasunog ang mukha niya.
"Abygail, kill her."
"Pearl! That's too much! Sinira mo na ang mukha niya. I think that was enough. Hayaan mo na siyang mabuhay. Wala rin naman maniniwala sa kanya. Ipatapon na lang natin siya sa malayo," mahabang pahayag ni Abygail ang kanyang narinig.
"If you can't, ask someone to kill her."
Nanlaki ang kanyang mga mata na nasundan ng tingin ang tunay na Pearl.
"Sandali!" Tawag niya rito.
Huminto naman ito saka siya hinarap.
Umiyak ba ito?
"What?" Asik nito sa kanya.
"Who am I?" 'yun ang lumabas sa kanyang bibig. Kahit man lang bago siya mawala sa mundo ay makilala niya ang sarili.
"Wala naman siguro masama kung sasabihin ko sayo. Tutal, mamamatay ka na din." Umayos ito ng tayo paharap sa kanya. "You are Reese Arabejo Velasco."
Velasco?
Inisip niya kung saan niya ba narinig ang apelyidong 'Velasco'.
Kahit halos mawalan na siya ng ulirat sa sobrang sakit ng mukha ay pinilit niya alalahanin ang nagmamay-ari ng kaparehong apelyido.
Nang maalala niya si Rohan Velasco.
Nag-angat siya ng tingin upang makita lamang ang isang baril na nakatutok sa kanya.
At sunod niyang narinig ay ang malakas na putok ng baril at ang pagdilim ng kanyang paligid.
Hycent…