Chapter 19
"WHAT are you doing!"
"Ay kabayong buntis!" tili ni Pearl at sabay ubo nang halos masubo niya ang buong lollipop sa bunganga.
"F*ck!" rinig niyang mura ng taong bigla na lang sumusulpot na parang kabute.
Natulos siya nang maramdaman ang palad nito na hinahaplos ang kanyang likuran.
"What do you think you're doing?" sermon nito dahil halata ang pagkainis sa boses nito.
Pero mas nangingibabaw ang init ng palad nito na humahagod sa kanyang likuran at ang alaala ng gabing iyon ay nagbalik sa kanyang gunita.
"Are you okay?" Nabalik sa ulirat si Pearl sa tanong ng asawa. Napakurap-kurap pa siya just to make sure that her husband is really the one in front of her habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanya.
Tumikhim siya saka bahagyang umayos ng upo.
"Yeah, para ka naman kasing kabute na bigla na lang sumusulpot," dire-diretso niyang sabi na mas ikinataas ng kilay ni Hycent.
"Kabute? Like seriously? Your comparing me into that-"
"Hindi naman sa ganoon pero parang ganoon na rin," putol niya agad sa iba pa nitong sasabihin at baka bigla na naman magkaroon ng signal number 10. Mukha pa man din nasa mood ito.
"Whatever! What are you eating?" tanong muli nito.
Napatingin siya sa hawak na lollipop. Itinaas niya ito at iwinagayway sa harap ng asawa.
"Hindi mo alam ano ito?" kunot noo niyang tanong rito.
"Ofcourse, I know-"
"'Yun naman pala, e. Bakit tinatanong mo pa?" Sabay irap niya rito pagkatapos ay muling isinubo ang lollipop. Sinipsip niya pa ito na parang bata.
"Pearl!"
Akmang didilaan niya ang lollipop nang sumigaw si Hycent.
Nakaawang ang kanyang mga labi habang nasa tapat ang lollipop na tumingin siya rito.
She was not sure if she saw lust on his eyes.
"F*ck it!" mura nito sabay talikod sa kanya. "Stop l*cking or eating that stupid candy! Itapon mo 'yan…Ngayon na!"
"Pe-pero sayang naman-"
"I said throw it or I'll throw it," bakas na ang pagkainis sa boses nito na hindi naman niya malaman kung bakit.
Wala siyang nagawa kung hindi itapon ang kawawang lollipop na hindi man lang binigyan ng pagkakataon na maubos.
"Tinapon ko na." Ngumuso pa siya habang pinagmamasdan kung saan niya itinapon ito.
"How old are you? You're too old for that candy. Huwag mong sabihin nag-isip bata ka na din. And please stop pouting your lips, damn it!" Napahilot pa ito sa sentido habang nakahawak ang isang kamay sa baywang nito.
Naguguluhan siyang tiningnan ito. Ano ba problema ng lalaking ito at lahat na lang nang gawin niya ay napapansin nito. Mas lumala pa.
"Ano ba problema mo?" 'di niya napigilang tanong.
Halos manginig ang kanyang mga tuhod nang magsalubong ang kanilang mga mata. May kakaibang emosyon siyang nababasa pero ang hirap lang kumpirmahin.
"May itatanong lang ako sayo," sabi nito makalipas ang ilang minutong magkatagpo ang kanilang mga mata. Ito rin ang unang bumawi ng tingin.
"A-ano 'yun?" Rinig niya ang pagkabog ng kanyang dibdib. Pinagdarasal na sana hindi ang nangyari nang nakaraang gabi ang itanong nito.
"May nangyari ba sa atin nang umuwi akong lasing?"
Sunod-sunod na pag-ubo ang kanyang sagot sa tanong nito.
"F*ck! Here, drink it."
Agad naman niyang kinuha ang inaabot nitong bottled water. Mabuti na lang at talagang may nakaready na tubig roon.
"Salamat," sambit niya matapos makainom.
"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" Muli na naman nitong tanong. Akala pa man din niya ay titigilan na siya nito pero mukhang pursigido itong makuha ang sagot.
"Hi-hindi. Sa-saka wa-wala, wala nangyari," nauutal niyang tugon at hindi makatingin rito.
Nakita niya sa kanyang peripheral vision ang paglapit nito.
"Why do I feel like.... someone is lying?"
Napapikit na lang siya nang tumama ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha. Nakakulong na siya sa mga bisig nito. Dahil ang dalawang kamay nito ay inihawak nito sa armrest ng upuang kanyang kinauupuan.
Ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya. Kung lilingunin niya ito ay sigurado siyang magtatama ang hindi dapat magtama. Kaya naman kahit nahihirapan ay pinanatili niyang nakatagilid pa rin ang kanyang ulo.
"Look at me."
Pikit ang mga mata na humarap rito. Napakagat labi pa siya na hindi niya alam na mas nagbigay kay Hycent ng kaguluhan sa utak nito.
"Hy-hyce…uhmmm!" Huli na dahil muli na namang sakop ni Hycent ang kanyang mga labi.
At aaminin niya.. hindi niya kayang tanggihan ang halik ng asawa. Kahit pa nga sa kaibuturan ng kanyang puso ay alam niyang may mali. Sa isip niya na nagsasabing 'hindi niya ito asawa'.
Sinuklian niya ang paghalik nito. Pumulupot na rin ang kanyang mga braso sa leeg nito at nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi. Tinutugon ang mapusok na halik ng asawa.
"Mommy!"
Mabilis pa sa alas-kwarto silang naghiwalay ni Hycent nang marinig ang pagtawag ni Harold sa kanya.
Mabilis niya rin inayos ang sarili at natatarantang tumayo upang salubungin ang anak.
Sobra ang kaba ng dibdib niya sa isiping nakita ng anak ang paghahalikan nila ng asawa.
Pero wala naman mali doon? Mag-asawa naman sila.
'Kung ikaw si Pearl. Pero hindi ikaw.'
Natigilan siya sa sinabi ng isang bahagi ng isip niya.
Hindi!
Siya si Pearl. Siya nga ba talaga?
"Mommy! Mommy!"
"Yes. Baby," pagbalik niya sa sarili nang hawakan ng anak ang kanyang kamay. "Daddy said go mall, buy toys, Arold," masiglang balita nito sa kanya.
"Huh?"
"Prepare yourself. Papasyal natin si Harold."
Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong asawa.
Isasama siya nito na ipasyal ang anak?
Seryoso ba?
Nananaginip ba siya?
"Mommy, let's go. Go! Go!" Nagpatiunad na siya sa anak nang hilahin siya nito papasok sa loob ng mansion.
"PEARL, what are you doing here?" Napalingon si Pearl sa taong tumawag at nagtanong sa kanya.
Ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Sir Rohan. Ang lalaking nakilala niya sa school ng anak.
"Magandang araw, Sir Rohan," bati niya rito.
"Rohan will do. May kasama ka ba?" Lumingon pa ito sa kanyang likuran para siguro tingnan kung may kasama siya.
"Mayroon," tipid niyang sagot.
"Asawa at anak mo ba?" usisa pa rin nito.
Alam niyang mali na makipag-usap siya lalo na at nasa banyo lamang ang kanyang mag-ama. Baka ano na naman ang isipin ng asawa. Pero wala naman siyang lakas ng loob para bastusin ang kaharap. Bukod sa mabait ito ay sobra talaga panatag ang loob niya rito.
"Oo, nasa banyo lang sila. Ikaw?"
"I'm here to meet someone. Kaso hindi natuloy, he got an emergency call," nakangiting sagot nito.
Sasagot pa sana siya nang maramdaman ang isang kamay na pumulupot sa kanyang baywang.
"Who is he?" tanong ni Hycent na hindi niya namalayan na nasa tabi na niya.
"I'm Rohan Velasco," si Rohan na ang sumagot saka nito inilahad ang kamay upang magpakilala.
Mabuti na lang at kahit paano ay may manners ang kanyang asawa dahil tinanggap nito ang pakikipagkamay ni Rohan.
"Hycent, Pearl's husband."
Nagulat siya sa sinagot ng asawa. Hindi niya inaasahan na diretsahan nitong sasabihin ang bagay na 'yun. Napatingin tuloy siya kay Rohan.
Pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita niya ang pagdaan ng galit sa mga mata nito.
"Nice meeting you. I hope one day we could do business," sagot ni Rohan saka lumingon sa kanya. "I'll go ahead. Take care always."
Hindi niya alam pero may kakaiba sa pagkakasabi nito ng 'take care always'. Saka bakit ba pakiramdam niya ay kilala siya nito. Sino ba ito sa buhay niya.
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Hycent sa kanyang baywang.
"Ayokong nakikipag-usap ka sa lalaking 'yun. Don't try me, Pearl. Sabi mo gusto mo ayusin ang pamilya mo, diba? Then, I'm giving you the chance to fix our family."
Napakurap-kurap na lang si Pearl nang bumitaw na sa kanya ang asawa saka nito kinarga si Harold.
Second chance?
Tama ba ang narinig niya.
Binibigyan siya ng asawa ng pangalawang pagkakataon.
Nananaginip ba siya?
"Mommy, let's go!" Napatingin siya sa anak na buhat ng asawa. Nakahinto ang mga ito habang nakatingin sa kanya.
Nang magtama ang kanilang mga mata ni Hycent ay gusto na lang niya tumili nang malakas nang ngumiti ito. Isang ngiting makalaglag matris.
Napakagat labi siyang sumunod sa mga ito.
Siya si Pearl. Period!