Chapter 20

NAKATULALA si Pearl sa bulaklak na hawak-hawak.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

Parang kailan lang ay galit na galit ang asawa sa kanya. Tapos ngayon may pa bulaklak pang nalalaman.

'Binibigyan ka nga ng chance, diba?' Sabi ng isang bahagi ng isip niya.

Oo nga pala. Ang sinabi nito kahapon na bibigyan siya nito ng pagkakataon upang buuin muli ang kanilang pamilya.

Sumilay ang isang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi nang maalala ang mga nangyari kahapon.

Yesterday was her best moment since she woke up. Talagang naramdaman niya na may isang buong pamilya siya. Hycent treated her like how husband should be.

"Masaya ako at nagkakamabutihan na kayo ulit ni Hycent, iha."

Napalingon si Pearl sa nagsalita.

"Nay," naisatinig niya.

Umupo ito sa kanyang tabi. Nasa kusina sila dahil katatapos lang din nila magluto.

"Sabi ko naman sayo, maayos din ang lahat. Mahal na mahal ka kaya ni Hycent kaya alam ko mapapatawad ka niya. At sana huwag mo na 'yun sirain," madamdamin nitong pahayag na hinawakan pa ang isa niyang kamay.

"Hindi po, nay. Hinding-hindi." Pinapangako niya sa sarili na hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay ng asawa sa kanya.

"Hayan na pala ang sinusubaybayan kong palabas. Naiinis talaga ako sa lalaki. May mantsa na nga ng dugo saka halos hindi ba niya naramdaman kung paano niya winasak ang pagkababae ng babae. Tapos ayaw maniwala na birhen ang babae. Gigil ako, sobra."

Napalingon si Pearl sa pinapanood ni Nanay. Pamagat ay 'Papasukin mo ako', naipilig niya ang ulo sa nabasa. Pero naalala niya ang sinabi ni nanay kaya muli siya napatingin rito.

"Nay, may itatanong po pala ako."

"Ano 'yun?" sagot nito pero nanatiling nakatingin sa telebisyon.

"Virgin lang po ba ang pw-pwedeng duguin kapag nakipagsex," diretso na niyang tanong. Nakita niyang natigilan ito saka siya sinulyapan.

"Bakit mo naitanong?" bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Ah…" Hindi niya alam kung ano isasagot. Bakit nga ba niya naitanong. Nang biglang may pumasok sa kanyang isip. "Kasi po dyan sa pinapanood n'yo. Kaya siguro ayaw maniwala ng lalaki kasi ba-baka kahit hindi virgin ay pwede duguin."

Nakita niyang napaisip ito. Kaya nakahinga siya nang maluwang.

"Kungsabagay may punto ka. Pero, madalas kasi talaga mga virgin ang dinudugo. Duduguin lang ang iba kung sadista ang katalik nila. Saka sa part ng babae, malalaman niya 'yun. Para bang may napunit sayo sa unang pagkakataon," mahabang paliwanag ni Nanay na ikinatango niya.

Napalingon siya sa kanyang cellphone nang tumunog ito. Oo, mayroon na siyang cellphone. Binilhan siya kahapon ng asawa. Muli ay napangiti siya at nawala ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan.

"Hello," sagot niya matapos kuhanin ang cellphone.

"How's your day?" tanong ng asawa.

"Ok lang naman. Katatapos lang namin magluto. Anong oras ka uuwi?" Gusto niya tumili dahil kinikilig siya.

"Maybe after one hour. Did you receive the flower?"

Napatingin siya sa hawak na bulaklak pa rin. "Yes, thank you."

"Good, hintayin n'yo na ako ni Harold at sabay-sabay tayong kakain, okay, bye."

Nawala na sa kabilang linya ang asawa pero hindi pa rin mapukna ang ngiti niya.

Ito ba ang tunay na Hycent bago niya ito niloko? Kasi kung ito nga 'yun… Bakit niya nagawang magloko? Ano ba dahilan niya?

"Sana all in love."

Napalingon siya kay Nanay Marissa. Nakangiti ito habang nakatingin pa rin sa telebisyon.

"Ilalagay ko lang po ito sa vase, nay," paalam niya rito saka tumayo upang maghanap nang bakanteng vase para sa kanyang mga bulaklak.

"ARE YOU SURE about it?" tanong ni Noel kay Hycent.

Kasalukuyan sila nasa kanyang opisina. Kakatawag niya lang kay Pearl upang kumustahin at itanong kung natanggap nito ang bulaklak.

"Pearl, deserves a second chance," sabad naman ni Arsen.

"Pero sayo na nanggaling na hindi lahat ay deserving. At isa na roon si Pearl. So, why the sudden change, Hycent?" nagtataka pa ring tanong ni Noel.

Alam niya na nabigla ang mga kaibigan sa naging desisyon niya. Maging siya ay nabigla rin sa pagbabago ng nararamdaman niya. He admits that he hated Pearl for leaving and cheating. Pero hindi niya maunawaan ang sarili. The moment his lips touched her lips. Parang nawala lahat ng galit niya. Parang bula na biglang naglaho. He wants to know why.

Kahapon nang makita niyang kausap ng asawa ang lalaking kausap din nito sa school ng anak. Para siyang isang tigre na gusto lapain ang kalaban. He had never been so jealous before. Pero ngayon, ewan niya ba.

"Share what is in your mind, Hycent. We are your friends. Sa amin ka pa ba maglilihim," aniya ni Noel.

Napabuntung-hininga siya at isinandal ang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair.

"Hindi na ba pwedeng magbago ang isip ng tao? C'mon guys. Huwag na natin gawin big deal ito. Are you not happy about me? We are trying to fix our family. Para sa inaanak n'yo ito," pangungumbinse niya sa mga ito. Dahil wala rin naman siyang solidong dahilan bakit bigla na lang nagbago ang takbo ng isip niya.

"Bahala ka! I'll go ahead." Tumayo na si Noel at humakbang na patungo sa pintuan. Nang hahawakan na nito ang door knob ay lumingon ito sa kanya. "Make sure, this time…. Hindi ka na tatanga-tanga."

Naibato niya rito ang hawak na ballpen pero huli na dahil nakalabas na ito.

"F*ck that bastard!" mura niya. Ano tingin nito sa kanya tanga.

Sinamaan niya nang tingin si Arsen na kulang na lang ay umiyak ito sa kakatawa.

"Get out!" Bulyaw niya rito.

Natatawa namang tumayo si Arsen at lumabas nga ng opisina niya.

Napailing na lang siya sa kalokohan ng mga ito. Pero aaminin niya na ang dalawa ang mga kaibigan na hindi siya binitawan, iniwanan at pinabayaan.

Napatingin siya sa kanyang cellphone. Kinuha niya 'yun at binuksan.

Silang tatlo ang kanyang wallpaper. Nang magpunta sila sa mall. Napatitig siya sa mga mata ni Pearl. Para talagang tumingkayad ang kulay ng mga mata nito kumpara sa dati. Her green eyes. Ito yata ang bumihag sa kanya kaya talagang nahulog siya sa asawa.

Biglang sumagi sa isip niya ang gabing umuwi siyang lasing. Hindi niya pa ulit natatanong ang asawa kung may nangyari ba sa kanila.

Kagabi kasi ay napanaginipan niya ang isang babae na katalik niya at malinaw sa kanyang panaginip na siya ang nakauna rito.

Hindi siya ang nakauna sa asawa. Pero ayos lang 'yun. Pero aaminin niya na iba pa rin talaga kapag ikaw ang nauna sa isang babae lalo na sa magiging asawa mo.

Hindi niya alam bakit niya napanaginipan 'yun. Para lang kasing totoong-totoo na nangyari. Pero malabo ang mukha nito.

Napabuga siya ng hangin. Bakit ba niya iniisip ang bagay na 'yun. Nakapagdesisyon na siya na aayusin ang pamilya niya para sa anak. Mahal na mahal niya ang anak kaya gagawin niya ang lahat para rito.

Alam niya rin na kahit papaano ay may natitira pa rin siyang pagmamahal sa asawa. Sadyang natakpan lang ng galit dahil sa panloloko nito.

Tama naman ang sinabi ng mga kaibigan. Everyone deserves a second chance. At ibibigay niya 'yun sa asawa.