Chapter 18
PARA LALAGNATIN si Pearl dahil sa sakit ng kanyang pagkababae.
Pakiramdaman niya ay may buldozer na dumaan rito.
Pero hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang isang bagay na gumugulo sa kanya.
Ayaw niya paniwalaan at gusto niya i-justify na baka may pagkakataon talaga na dinudugo pa rin ang isang babae kahit hindi na ito virgin. Saka, sa laki at taba ng sawa ng asawa, talagang mawawasak siya.
"Iha, okay ka lang ba?" pukaw ni Nanay Marissa sa kanya.
"O-opo. Pasensya na po medyo masama lang po pakiramdam ko," sabi niya at hinawakan pa ang kanyang leeg. Mainit-init nga siya.
Inilapat naman ni Nanay Marissa ang palad nito sa kanyang noo. Bahagya pa siya napaigtad.
"Mainit ka nga. Magpahinga ka na muna kaya. Ako na bahala dito, mabuti na lang at walang pasok. Sandali ikukuha kita ng gamot." Nagmamadaling umalis ito na ikinangiti niya.
Hindi niya maikakaila na sobrang gaan ng loob niya sa matanda. Para nga talagang itong isang ina.
Mabuti na lang talaga at sabado. Walang pasok.
Natapos na sila maghanda ng almusal at kasalukuyan siya nasa kusina at nakaupo. Masakit talaga, eh.
Gusto niya nga silipin ang anak pero nararamdaman niya ang hapdi ng kaselanan niya.
"Bakit kasi ang laki naman ng alaga niya."
"Anong malaki, iha?"
"Ay, kabayong buntis!" tili niya nang bigla na lamang lumitaw si nanay Marissa. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib. "'Nay naman, e. Nanggugulat ka."
"Aba! Sinisi pa ako ng batang ito. Bakit ka ba kasi nagsasalita mag-isa. Nababaliw ka na ba?" Inilapag nito ang isang katamtamang laki ng kahon sa kanyang harapan. "Hayan, tingnan mo kung ano pwede mo inumin. Kung may masakit sayo. Inuman mo ng pain killer."
Napatango na lang siya saka niya binuksan ang kahon. Kumuha siya ng isa paracetamol at mabuti na lang ay mayroon pain killer din.
"Salamat po," sambit niya nang ilapag naman nito ang isang basong tubig.
"Ano ba kasi nangyari sayo? Maayos ka naman kahapon," usisa pa rin nito.
"Hindi lang po ako makatulog kagabi kaya siguro sumakit ulo ko. Tapos sumabay pa ang katawan ko. Pero ayos lang po ako."
"Nay, where are you?" Sabay pa sila ni Nanay Marissa na napalingon sa may pintuan.
Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib nang makitang papasok ang asawa habang walang suot na pantaas at sweatpants lamang. Sapo-sapo nito ang ulo na tila may dinadaing.
"Bakit, iho? May kailangan ka?" tanong ni Nanay na sinalubong ang asawa niya.
Iniwas niya agad ang tingin dahil hindi pa siya ready na magtagpo ang kanilang mga mata lalo na at sariwa pa sa kanyang isip ang sawa nito na tumuklaw at pumasok sa kanyang kweba.
"Sobrang sakit ng ulo ko. Pahingi naman po ng kape at gamot," rinig niyang sabi ng asawa.
"Ano ba kasi nangyari sayong bata ka. Saka anong oras ka ba nakauwi?" Bigla siyang napalingon kay Nanay Marissa na nagsisimula ng gawan ng kape ang asawa.
Habang ang kanyang tainga ay hinihintay ang isasagot ng asawa. Hindi niya alam bakit siya kinakabahan. Dahil ba sa nangyari? Pero mag-asawa naman sila ano problema doon?
"Pahatid na lang po sa may garden, nay." Pagkasabi no'n ay sunod nilang narinig ang papalayong yabag.
Nakahinga siya nang maluwag at doon lang napansin na kanina pa pala niya pinipigil ang hininga.
Bakit pakiramdam niya ay walang maalala ang asawa. Pwede kayang hindi nito natandaan ang kanilang mainit na gabing pinagsaluhan.
Ganoon lang ba 'yun?
Kung makatawag ito ng 'darling' sa kanya kagabi akala mo sinong in love na in love. Napasimangot siya dahil sa kaalamang wala itong maalala. Baka ayaw lang muna nito pag-usapan.
Tama.
Nahihiya pa ito.
Napalitan ng ngiti ang kanyang nakasimangot na mukha.
Malapit na niya muli itong makuha.
"Ok ka lang ba, iha? Kanina nakabusangot ka tapos bigla kang ngingiti? Hay naku, dyan ka na at ihatid ko pa ito sa asawa mo." Kumuha muna ito ng gamot saka lumabas.
"P*TANG-INA n'yo talaga! Ano ginawa n'yo sa akin at sobrang sakit ng ulo ko!" Bulyaw ni Hycent sa mga kaibigan na kasalukuyang ka-videocall.
"Aba! Malay namin sayo! You drink all the wine you see. Basta ka na lang nagyaya pagkatapos ay nagpakalasing ka!" Sagot ni Arsen.
"And you look so confused yesterday. We've been trying to talk to you but you ignored us and kept drinking," segunda naman ni Noel.
Wala talaga siya maalala. Hindi niya nga rin maalala kung paano siya nakauwi. But one thing he was sure of. He f*ck someone. But who?
"Naihatid ka naman namin sa gate n'yo. Kaya sigurado kami na ligtas kang nakauwi. Ano ba problema?" usisa ni Arsen na nagpabalik sa kanyang sarili.
"Iho, heto na ang kape mo at gamot. Gusto mo ba dalhan kita ng almusal dito?" tanong naman ni Nanay Marissa matapos ilapag ang kape at gamot sa wooden table dito sa may hardin.
"Where is Pearl, Nay? Dapat sa kanya n'yo na lang po pinahatid ito," sabi niya.
"Masama pakiramdam niya. Para nga siyang lalagnatin."
Napatingin siya rito dahil sa sinabi.
"Ano ba ginawa niya para magkasakit?" iritado niyang tanong. Ewan niya bakit sobra siyang naiinis. Oo, may kasalanan asawa niya sa kanya. Pero, basta. There is something wrong that he couldn't point out. Isa na roon ang paghalik niya rito kahapon. Her lips. Hindi niya alam kung nanibago lang ba siya dahil nakatikim na siya ng iba o sadyang may bago sa mga labi ng asawa. Sweeter that makes him forget her sin to him.
"Napagod siguro nang alalayan ka patungo sa silid mo kagabi saka niya nilabhan ang kobre kama mo dahil sinukaan mo raw. Sabi ko nga sana ginising niya ako," aniya nito na ikinagulat niya.
"Siya po nag-asikaso sa akin?" Naninigurado niyang tanong.
Tumango ito. "Oo, kaya huwag ka masyado matigas sa asawa mo. Baka naman pwede n'yo pang-ayusin. Nakikita ko naman ang effort ni Pearl para mapatawad mo siya. Huwag matigas ang puso mo. Nakikita ko naman mahal mo pa siya. Baka lang kasi kapag handa ka na, mawala na naman siya. Inumin mo na 'yan, balik na ako sa loob."
Nasundan na lang niya ito ng tingin.
"Muling ibalik ang tamis-"
"G*go ka, Arsen! Ang panget ng boses mo!" reklamo ni Noel nang kumanta si Arsen.
Doon niya lang ulit naalala na naroon pa pala at kausap ang mga ito. Napailing na lang siya dahil sigurado narinig ng mga ito ang usapan nila.
"Bakit nga ba hindi mo bigyan ng second chance…. but wait…Ano sabi? Sumuka ka sa kalasingan mo?" Mukhang naalala ni Arsen ang sinabi kanina ni Nanay kaya ngayon ay tawa ito ng tawa.
Sinamaan niya nang tingin ang dalawang kaibigan. Paano maging si Noel ay nakikitawa na.
"T*ngna n'yo! Magsilayas nga kayo!" Pinatay niya na ang tawag nang 'di man lang hinintay ang sagot ng mga ito. Tutal busy sa kakatawa sa kanyang kamiserablehan.
Pero…. sumuka ba talaga siya?
Kung nakauwi siya ng maayos. Sino ang nakatalik niya? Sigurado siya na mayroon.
Ang asawa niya ba?