Chapter 15

"WHO ARE YOU?" tanong ni Pearl sa isang magandang babaeng nakaupo sa isang bench sa may garden.

Tinawag siya kanina ni Nanay Marissa at sinabing may naghahanap sa kanya. Nagtataka nga siya kung sino naman ang hahanap sa kanya. Kaya mabilis siyang nagtungo sa garden kung saan daw ito pinatuloy ni Nanay Marissa.

Tumayo ang babae saka ngumiti sa kanya. "Ayokong biglain ka kung yayakapin kita agad. But I really want to hug you, Pearl."

Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Kilala siya nito at mukhang hindi lang basta kakilala.

Tumikhim siya. "I'm sorry but…. Do I know you?"

The girl showed a forced smile. She crossed her arms in front of her chest. And look at her with an emotion she can't understand.

"I'm Abygail Naguit…your one and only best friend." Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito.

May kaibigan siya? Hindi lang basta kaibigan kung di best friend

"Best…. friend?" ulit niya na patanong rito.

Lumiwanag ang bukas ng mukha nito at ngumiti. "Yes, your best friend. I heard what happened to you. Kaya naman mabilis akong nagtungo rito. How are you coping with no memory at all?"

Natahimik siya. Paano nga ba?

"Kung best friend kita. Ibig sabihin alam mo ang nangyari sa akin?" tanong niya.

"Can I hug you first?"

Siya na ang unang humakbang upang makalapit rito. Pagkalapit niya ay mabilis siyang niyakap nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Pero isa lang ang nasiguro niya. Nakahanap siya ng kakampi sa laban niya.

"Everything will be okay, Pearl. Magtiwala ka lang," sambit nito habang hinahagod ang kanyang likuran.

Nakaramdam siya ng kapanatagan. Kahit papaano ay magkakaliwanag ang mga bagay-bagay sa kanya. Siguro naman alam nito ang nangyari noon sa kanya, after all she was her best friend.

Ilang minuto silang magkayakap hanggang sa ito na ang bumitaw. Napansin niya ang namumuong luha sa mga mata nito.

"Are you okay?" nag-aalala na tanong niya.

Ngumiti ito at inaya siyang maupo.

"I have something for you." Kinuha nito ang isang paper bag na hindi niya napansin. "You will like it. Sinadya ko pa sa Baguio 'yan dahil gustong-gusto mo ang strawberry doon." Inilabas nito ang isang plastic container na naglalaman ng strawberry.

Bigla siyang naduwal.

"Hey, Pearl. You okay." Agad na tanong nito sa kanya at binitiwan ang hawak upang maasikaso siya.

Maayos naman siya. Kaya lang ay hindi niya gusto ang amoy na nagmumula sa strawberry. Ewan niya ba pero hindi niya gusto kainin ito. Hitsura pa lang nga bumabaligtad na ang kanyang sikmura.

"Could you please stay away from me that," sabay turo niya ng mga strawberry.

Hindi niya sigurado kung tama ang nakita niyang reaksyon sa mukha nito. Pero parang, inaasahan nito ang bagay na 'yun.

"Oh, ok." Mabilis nitong ibinalik sa paper bag ang container saka inilayo sa kanya. "Are you okay now? You need anything? Water?"

"Hindi na, salamat." Umayos siya ng upo at nakangiting tumingin kay Abygail. "Salamat at pinuntahan mo ako dito."

"Siyempre naman para na tayong magkapatid, diba? Remember na sabay tayo sa bahay ampunan lumaki."

Napatigil siya sa sinabi nito. Sa bahay ampunan siya lumaki? Kaya ba wala siya ni isang kamag-anak.

"How are you, Pearl? Hindi ka naman niya sinasaktan?" Alanganin tanong nito. "I mean, ano kasi-"

"Dahil sa kasalanan ko?" Siya na ang tumapos sa hindi nito matuloy-tuloy na sasabihin.

"Ye-yeah. So, you know?" Pagkumpirma nito.

Huminga siya nang malalim. "Yes. Alam ko-"

"What are you doing here?"

Boses ni Hycent ang nagpatigil sa iba pag sasabihin ni Pearl. Sabay pa sila ni Abygail na bumaling sa pinanggalingan ng boses.

Madilim ang mukha ni Hycent na papalapit sa kanila. Huminto ito sa may likuran niya.

"Sino nagbigay sayo ng permiso to enter my house?" diretsong tanong nito kay Abygail.

Napansin ni Pearl na natigilan ang kaibigan. Ipagtatanggol niya sana ito pero nauna na itong sumagot.

"Wala man lang ba 'kumusta ka?' By the way, I'm good. Thank you." Pamimilosopo ni Abygail kay Hycent na mas ikinadilim ng mukha nito.

"I don't need to show hospitality. Specially…. to you Abygail Naguit," madiin na tugon ni Hycent.

Tumayo si Abygail at hinarap ang kanyang asawa. Bilib din siya sa babae. Paano nito nakakayanan ang matatalim na tingin ng kanyang asawa?

"You can't stop me. Lalo na at kaibigan ako ng asawa mo…matalik na kaibigan," sabi ni Abygail.

Narinig niya ang pagak na tawa ng asawa.

"Come again? Oh, well… best friend, huh?" Bakas sa tono nito ang pang-i-insulto. "So, tell me, are you now admitting that you know from the very start your best friend affair?" Nanunuyang sabi ni Hycent.

Napatingin siya kay Abygail na wala ng bakas ng kahit na anong emosyon ang mukha nito.

"Believe what you want, Mr. Bustamante. I'm here for Pearl and not to talk to you. Bakit? Pagbabawalan mo rin ba ako na makita siya? And do you think I will allow that? I can even asked you to surrender her to me-"

"Get out! Leave my house! And you will leave alone! Hindi mo siya isasama!" Sigaw ni Hycent na ikinagulat ni Pearl. Mas lumakas ang madilim na awra mula rito.

Pero ang ikinamamangha niya ay ang buong tapang na pagharap ni Abygail sa kanyang asawa.

"What if I don't like it? Papahirapan mo lang ang kaibigan ko rito. Maghihiganti ka lang sa kanya. Hindi pa ba sapat ang nangyari sa kanya? Her memory is lost. Kaya kung papahirapan mo lang siya sa poder mo, then let me take her to me." Buong tapang na sagot ni Abygail.

Naningkit ang mga mata ni Hycent at halatang nagpipigil na patulan ang babaeng nasa harapan.

Napatayo na si Pearl upang pumagitna sa dalawa na anumang oras ay pwedeng sumabog.

"Sa-sandali lang. Pwede naman na-natin ito pag-usapan, diba?" Nauutal niyang sabi na pinaglipat pa ang tingin sa dalawa.

"I'm saving you from hell, Pearl

Kaya sumama ka na sa' kin." Hinawakan siya ni Abygail sa braso at hinila palapit sa kanya.

Napatingin siya kay Hycent na seryoso lamang ang tingin sa kanila.

"Pearl is going to stay here. You can visit here anytime you want. But…if she wants to go with you, then forget about her son." Pagkasabi no'n ni Hycent ay tinalikuran na sila at lumakad na palayo.

Nasundan niya ito ng tingin. Hinahayaan siya nito makaalis…

Pero, ano daw?

Hindi na niya makikita ang anak. No!

"Sasama ka sa akin, right?" Napukaw ang kanyang pag-iisip sa tanong ni Abygail na nasa tabi niya nga pala.

"I can't leave my son," sagot niya makalipas ang ilang minutong lumipas.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito.

"I know." Nasundan niya ito ng tingin ng may kunin ito sa bag na dala. "Here, inumin mo ito. Gamot ito para matulungan ka mabalik ang iyong ala-ala. May mga gamot bang ipinapainom ang asawa mo sayo?"

Dahil sa galak na nararamdaman niya sa isiping mas mapapabilis niyang maalala ang nakaraan ay hindi niya napansin ang tono ni Abygail na tila parang isang imbestigador.

"Wala. Ang sabi niya gastos lang at wala kaming pera. Kusa ko naman daw maaalala," bakas ang lungkot sa kanyang boses.

Naalala niya kasi nung minsan sinabi nito na hindi na niya kailangan magpacheck-up o nang kahit na anong gamot. Gastos lang daw at may mga mahalaga pa silang dapat unahin.

"Aalis na ako. Sigurado ka ayaw mo sumama?" tanong nito.

"O-oo, sigurado ako. Hindi ko iiwanan ang anak ko sa pangalawang pagkakataon," determinado niyang tugon.

"Okay. Pero dadalawin kita madalas, miss ko na rin si Harold. Mula kasi ng mawala ka hindi ako pinayagan ni Hycent na dalawin ang bata. Mukhang bago ang guard kaya napapasok ako kanina. Mauna na ako, itabi mo 'yan gamot at huwag mo ipakita sa asawa mo. Saka 'yung strawberry ibigay mo na lang kay Harold, gusto niya 'yun," mahabang bilin nito.

Napangiti tuloy siya dahil ang gaan ng pakiramdam niya. May tao na siyang malalapitan.

"Huwag ka ngang ngumiti dyan baka isipin ko nababaliw ka na. Basta kapag sinaktan ka ng asawa mo sabihin mo sa' kin. Sa susunod na tayong magkwentuhan at may importante akong lakad." Muli siya nitong niyakap na tinugon naman niya.

Hinatid niya ito hanggang sa may gate at ipinagtabuyan na niya dahil nagbilin na naman ito.

Bumalik siya sa loob ng bahay na may ngiti sa mga labi. Pero agad din nawala ng sumalubong sa kanya ang napakadilim na awra ng asawa.