Chapter 14

KASALUKUYANG naglilinis si Pearl ng mga kalat sa may bandang pool. Hindi man lang siya pinuntahan ng asawa o kahit tinanong kung ayos lang ba siya. Kung sabagay ano ba aasahan niya?

"Napaka unfair ng buhay, 'no?"

"Ay palaka!" tili niya ng may biglang magsalita. Mabilis niyang nilingon ang pinagmulan ng boses.

Isa sa mga kaibigan ni Hycent. Nakasandal ito sa may isang puno habang humihithit ng sigarilyo.

Pinatay nito ang sigarilyo saka itinapon. Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.

Huminto ito nang dalawang hakbang na lang ang pagitan nito sa kanya. Napa diretso si Pearl ng tayo. Nararamdaman niya ang matiim na titig na ibinibigay ng kaharap.

"Sana hindi ka na lang nagpakita kay Hycent…" Nagulat siya sa sinabi nito kaya naman napatingin siya rito. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Masyado mong sinaktan ang kaibigan namin. Ang pagbabalik mo sa kanya ay para mo na rin isinalang ang sarili mo sa impyerno," seryosong pahayag nito.

Biglang nangilabot si Pearl. Magagawa ba talaga ng asawa ang bagay na 'yun?

"A-asawa niya pa rin a-ako," nauutal na sambit niya. Pilit itinatago ang kabang nararamdaman.

Minadali na niya ang pagliligpit upang maiwasan ang kaibigan ng asawa. Ngunit pati ang kanyang mga kamay ay nanginginig kaya nabitawan niya ang isang plato at nabasag.

"Ouch!" daing ni Pearl ng masugat siya dahil sa pagtatangkang pulutin ang nabasag na plato.

"F*ck!" Narinig niyang mura ng kaibigan ni Hycent at sunod niyang napansin ay nasa tabi na niya ito at hawak-hawak ang kanyang kanang kamay.

"Next time be careful. Ang lalim ng sugat."

"I'm fine-" Nanlaki ang mga mata ni Pearl nang bigla na lamang isinubo nito ang kanyang daliri na may sugat.

"What the f*ck happening here!" Ang malakas na boses ang umagaw sa nawalang ulirat ni Pearl. Ang bilis niyang hinila ang daliri na nakasubo sa bibig ng kaibigan ni Hycent.

"Arsen, what is the meaning of this?" Madilim ang mukhang tanong ng kanyang asawa.

"She got hurt. I'm just giving her first aid." Nakakalokong ngumiti si Arsen.

Maliwanag sa kinaroroonan nila dahil sa ilaw na nasa apat na poste nakapalibot sa kinaroroonan nila.

"F*ck you!" mura ni Hycent kay Arsen na ikinagulat ni Pearl. Pero mukhang balewala lang kay Arsen dahil malakas lang itong tumawa kapagkuwan ay naglakad papasok sa bahay.

"Be careful next time, Pearl," bulong muna ni Arsen sa kanya nang dumaan ito sa kanyang tabi.

"Stay away from her, m*ther f*cker!" mura muli ni Hycent pero mas malakas na tawa lamang ang isinukli ni Arsen hanggang sa tuluyang nawala ito.

"Are you seducing him? Kaibigan ko pa talaga ang sunod na biktima mo?"

Napaawang ang mga labi ni Pearl sa sinabi ni Hycent. Pinagbibintangan ba siya nito?

"Hu-huh?"

Lumapit si Hycent sa kanya at sobrang dilim ng mukha nito. Dumoble ang kabang nararamdaman ni Pearl dahil sa awrang taglay ngayon ng kanyang asawa.

Hinawakan ni Hycent ang kanyang braso at walang sabi-sabing hinila siya.

"Sa-sandali." Pilit na binabawi ni Pearl ang kanyang braso dahil nasasaktan siya. Hindi pa nga magaling ito dahil kanina lamang na halos mamaga ang braso niya sa pagkakahawak rin nito. "I said stop!" Napalakas ang kanyang boses na ikinahinto ng asawa.

Kinuha niyang pagkakataon 'yun upang mabawi ang braso. Hinimas-himas niya ito dahil talagang masakit.

"Huwag mo akong sigawan, Pearl! Bakit? Siya na ba ang pinagmamalaki mo?"

Dahil sa inis ay buong tapang niyang hinarap ang nagbabagang mga mata ng asawa. "I let you do whatever you want. Dinala mo ako dito para gawing katulong mo. You brought me here while Leni is here too. Hindi pa ba sapat 'yun? Oo, may kasalanan ako sayo but don't you think is too much?" Gumaralgal ang kanyang boses pero pinipilit niyang huwag bumuhos ang luha. "Hindi porket nagawa ko noon ay gagawin ko ulit. I said sorry, yes, that was not enough but atleast give me a ch-chance."

Nagtagis ang bagang ni Hycent habang nakatingin sa kanya. Kita niya ang pagdaan ng isang emosyon sa mga mata nito pero hindi siya sigurado.

Nasundan na lang niya ng tingin ang asawa na papasok ng bahay. Mapait siyang napangiti. Kaya pa ba, Pearl? Tanong niya sa sarili. Pero nang rumehistro ang mukha ng anak niya ay napangiti siya. Kakayanin niya para sa kanilang anak.

"F*CK you, Arsen!" Malakas na sinuntok ni Hycent ang kaibigan. Pero imbes na magalit ay tatawa-tawa pa ito habang nakahandusay at hawak-hawak ang labi na may dugo.

Balak niya pang sugurin ang kaibigan nang pigilan siya ng dalawa pa niyang mga kaibigan.

"Enough, Hycent. You look like a jealous husband," biro ni Noel habang hawak-hawak ang isang braso niya.

Bigla siyang natigilan dahil sa sinabi nito at malakas na binawi ang mga braso sa dalawa. "F*ck you all!" malakas niyang mura saka kinuha ang baso niyang may alak at mabilis na tinungga.

Kasalukuyan sila nasa library. Bagsak na ang apat na babae na sadyang dinala lang nila doon.

"You still love her, right? Hindi naman basta-basta mawawa-"

"I don't!" Putol niya sa ibang pang sasabihin ni Noel. "I don't love her anymore!"

Sinamaan niya ng tingin ang tatlong kaibigan na tumawa lamang sa kanyang sinabi. Hindi naman siya nagbibiro! Simula nang makita niya ang s*x video ng asawa at ang pag-iwan nito sa kanilang mag-ama ay napalitan ng galit ang dating pagmamahal niya para rito.

"Then…. What was that reaction?" nag-uuyam na tanong ni Peter.

Muli nagsalin ng alak si Hycent sa baso at diretsong tinungga ito. Maging siya ay naguguluhan.

Mula nang makita niya muli ang asawa ay aaminin niyang puno ng galit ang kanyang nararamdaman. Pero hindi niya rin maunawaan bakit may parte ng pagkatao niya ay iba ang nararamdaman. Lalo na sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Para kasing…

"F*ck!" Malakas niyang mura nang may tumamang matigas na bagay sa kanyang dibdib. Nang tingnan niya 'yun ay nakita niya ang remote ng television.

"Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo," sabay tawa muli nang tatlo dahil sa sinabi ni Noel.

He gave them a dagger look. Sumosobra na ang tatlo sa pang-aasar sa kanya.

"Why don't you give her another chance?"

Napadako ang tingin ni Hycent kay Noel.

Noel is the person who helped him to recover. Kung hindi dahil dito baka hanggang ngayon ay gumagapang pa rin siya sa putikan kung saan siya dinala ng asawa. Aaminin niyang utang niya ang lahat rito. Noel is the new owner of his company as of the moment. Sinalo nito ang kanyang kumpanya upang hindi sa iba mapunta. Dahil alam nito na pinaghirapan ng kanyang ama ang kumpanyang 'yun.

"Seriously?" Naiiling na sabi ni Hycent saka isinandal ang kanyang likuran sa may sandalan ng sofa kanyang kinauupuan. Masyado marami ang kanyang iniisip.

"Yes, ikaw lang naman nagpapahirap ng sitwasyon. You want revenge on your wife. Ang tanong…. Are you happy seeing her suffering now? Losing your memory was not easy. I saw how hurt she was seeing you with another woman. Alam ko mas masakit ang ginawa niya but…. Everyone deserves a second chance."

"Except her," matigas niyang tugon.

Nagkatinginan ang tatlo sa sagot ni Hycent saka magkasabay na napabuntung-hininga na lang. They know being stubborn is one of their friend attitude. And no one could stop him for what he wanted to do.