Chapter 16
ISANG Buwan na rin ang nakalipas. Isang buwan na wala pa rin siya maalala. At tinupad nga ni Abygail ang sinabi nito na dadalawin siya.
Ang unang beses nitong dalaw ay talaga naman nakakatakot dahil sa kanyang asawa. Nang salubungin siya nito ay binilinan lang siya na huwag gagawa ng kalokohan. At kung subukan niya daw itakas ang bata at sumama kay Abygail ay hindi 'yun mangyayari.
"Ang sama talaga."
Si Abygail naman ay laging may binibigay na gamot sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya maalala kahit konti.
Minsan gusto niya nang itanong kung anong klaseng gamot ba 'yun dahil walang epekto. O, masyado lang siya nagmamadali.
Sino ba hindi. Isang buwan na simula ng magising siya nang walang maalala.
Pero sa tuwing pipilitin niya ay mas lalong sumasakit ang kanyang ulo kaya tinigilan niya na.
"Are you new here?"
Nabalik si Pearl sa ulirat nang marinig ang baritonong boses. Napaangat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang isang napakagwapong nilalang.
"Hu-huh?" nautal niyang sambit.
"Sabi ko, bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita," ulit nito.
"Ah, hindi. Dito nag-aaral ang anak ko," mabilis niyang sagot at tumayo.
"Oh. Ngayon lang kasi ako ulit nakadalaw dito. Sorry for disturbing you, mukha kasing ang bigay ng dinadala mo."
"Huh? Wala naman akong dala-dala," nagtataka niyang tanong.
He chuckled and that made her frowned.
"Sorry, you're funny. What I mean is being far from other's parents," paliwanag nito.
Napatango naman si Pearl. Minsan kasi literal siya mag-isip.
"Ayos lang ako." Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob sa lalaking kaharap.
"By the way, I'm Rohan and you?" Inilahad nito ang isang kamay tanda ng pormal na pagpapakilala.
"I'm Pearl," tugon niya at mabilis na tinanggap ang nakalahad nitong kamay. They do handshakes. Pero bakit parang kakaiba talaga ang kanyang nararamdaman sa lalaking kaharap.
Nang biglang pumasok sa kanyang gunita ang matalim na mata ng asawa habang binibigkas ang mga katagang, 'Don't do stupid things!'
Bigla niya tuloy binawi ang kanyang kamay mula rito at ipinalibot ang kanyang mga mata. Tinitignan kung may nakakita ba sa ginawa niya pakikipag kamay sa lalaki. At baka ano pa ang isipin.
"You look tense? Are you sure you're okay?" bakas ang pag-aalala sa boses nito na ipinagtaka niya.
Masyado yata concern ang lalaki sa kanya.
"Hi-hindi. I mean I'm fine-" Save by the bell. Dahil tumunog na ang bell kung saan hudyat nang labasan ng mga bata. "Sige, nice to meet you, Ro-Rohan. Sunduin ko na anak ko."
"Pwede ko kayo ihatid." Napatigil siya sa paghakbang dahil sa sinabi nito.
"My sundo kami. Sige mauna na ako, ingat ka." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at mabilis na siya naglakad patungo sa silid ng anak.
Nasundan na lamang ni Rohan ng tingin ang magandang babae.
"I will save you," bulong nito sa sarili.
HANGGANG SA makarating sa bahay ay hindi mawalan sa isip ni Pearl ang lalaking nakilala niya. Kakaiba talaga ang kanyang nararamdaman rito. There is something she couldn't explain.
"Mommy, here house."
Napukaw si Pearl sa pag-iisip nang magsalita ang anak.
"Yes, baby. Careful, ok," sigaw niya nang tumalon ito pababa ng kotse nang buksan ni manong Nomer ang pintuan.
Napailing na lang siya. Excited talaga lagi ang anak na makauwi dahil namiss daw nito ang mga laruan.
"Ako na dyan, ma'am."
"Ay ako na po, magaan lang naman po." Nginitian niya si manong Nomer saka na niya sinundan ang anak na hindi na niya nasilayan.
Naabutan niya ang anak na naglalaro na sa silid nito.
"Harold, come here for a while. Let's change your clothes. Di ba mommy told you to change first before you play. And are you not hungry? I can make some cupcakes for you." Nilapitan na niya ang anak na namimilog ang mga matang nakatingin sa kaya.
"Really? Cupcake? Yehey! Yehey!" Nagsimula na itong magtalon-talon dahil sa kasiyahan.
"Harold, stop jumping. Let me change your clothes or no more cupcakes." Mabilis naman itong tumigil at nagmamalaki pang ito mismo ang naghubad ng damit. Napailing na lang si Pearl.
Matapos niya bihisan si Harold ay bumaba na siya upang igawa ng cupcakes ang anak.
"Magandang araw 'nay," bati niya kay nanay marissa na mukhang may inililista.
"Magandang hapon din sayo, iha. May kailangan ka?" tanong nito.
"Wala naman po. Igagawa ko po ng cupcakes si Harold. Favorite niya po kasi 'yun daw. Ano po pala ginagawa n'yo?" naitanong niya habang inaayos ang kakailanganin para sa kanyang gagawin.
"Ah naglilista ako ng mga wala na. Mag grocery kasi ako mamaya. May gusto ka bang ipabili?"
Lumiwanag ang kanyang mukha. Sa isang buwan niya kasi ay bahay at school lang ang drama niya. Trabaho sa araw-araw. Mabuti na lang kahit paano ay may mga personal things naman na nasa kanyang silid.
"Nanay Marissa pwede n'yo po ba isingit na bumili ng lollipop." Napakagat labi siya dahil sa hiya. Alam niyang matanda na siya para doon pero gusto niya kasi.
Kunot-noo naman siyang tiningnan ni nanay marissa na tila sinisigurado ang narinig.
"Lollipop ba kamo? As in 'yung pambatang sinisipsip?" Pagkumpirma nito.
Tumango siya at pinagdikit ang mga labi.
"Si-sige," may pag-aalinlangan naman sagot ni Nanay Marissa.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Thank you nanay. Magbake na po ako." Sinimulan na niya ang pagbake sa cupcake ng anak.
Halos inabot siya ng isang oras para matapos ang kanyang ginagawa.
"Mommy!" Narinig niya sigaw ni Harold kaya naman mabilis niyang inalis ang suot na apron at sinalubong ang anak ng yakap. "Yummy!"
Nangiti na lang siya dahil sa reaksyon ng anak.
"Let's go. Let's try mommy's cupcakes." Binuhat niya ito at iniupo sa may lamesa. Saka siya kumuha ng isang cupcake at itinapat sa bibig ng anak. "Slowly, ok."
"Ok mommy." Ibinuka nito ang bibig at kumagat sa hawak niyang cupcake.
"How is it?" tanong niya sa anak na ngumunguya pa din.
"Yummy. More."
Natawa siya nang inagaw nito ang kanyang hawak.
"Dahan-dahan baby. Marami pa rito at sayo lahat 'yan."
"Yehey!"
"What's going on here?"
"Ay palakang buntis!" tili niya dahil sa gulat sa biglang pagsulpot ng masamang ispirito.
Malakas na tumawa si Harold na ikinailing niya at umayos ng tayo.
"Daddy! Mommy cupcake," sabi ni Harold at ipinakita pa ang hawak-hawak nito. "Yummy!"
"Mom!" pagtawag ni Hycent sa mommy nito na ikinapagtaka niya.
Maya-maya lang ay papasok na ang mommy ni Hycent sa kusina.
"Mom, accompany Harold here for a minute. I just need to talk to Pearl," sabi ni Hycent saka siya tinignan na para bang sinasabi na sumunod siya rito at humakbang na palabas.
Nasundan niya ito ng tingin.
"La, cupcake. Yummy."
"What are you still waiting for? Follow him." Napadako ang tingin ni Pearl sa mommy ni Hycent na ngayon ay inaasikaso na ang kanyang anak.
At sa sinabi nito ay tuluyan na rin niya naihakbang ang mga paa upang sundan ang asawa.
Nagtataka lang siya dahil ang aga nito kumpara sa normal nitong uwi.
Ano na naman kaya ang kailangan nila pag-usapan.
Parang biglang bumilis ang tibok ng puso niya at pilit iniisip kung may nagawa na naman ba siyang mali.
Pero wala naman siya maalala.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng may isang ideyang pumasok sa kanyang isipan.
"Are you going to stand there the whole day?" Ang matigas na boses ni Hycent ang pumukaw sa kanya.
Doon niya napansin na nakatayo na pala siya sa may pintuan ng library. Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa nakabukas na pinto.
"Close the door."
Isinarado niya ang pintuan at nanatiling nakatayo habang nakayuko. Hindi niya yata kayang salubungin ang tingin nito lalo na kung ang dahilan ng pag-uwi nito ay ang kanyang naiisip.
Ngunit lumipas na ang ilang sandali ay hindi ito nagsalita kaya iniangat niya ang kanyang ulo. Sumalubong sa kanya ang napakatalim na tingin ng asawa.
Halos mangatog at manghina ang kanyang mga tuhod sa nakikitang galit sa mga mata ng asawa. Napagsalikop niya ang mga palad na tila doon siya kumukuha ng lakas.
"Sinusubukan mo ba talaga ako Pearl."
Iniiwas niya agad ang tingin rito dahil hindi niya kayang salubungin ang galit nito.
"Hycent," mahina niyang sambit nang maramdaman ang paghapit ng asawa sa kanyang baywang.
Naitukod niya kaagad ang mga kamay sa napakatigas nitong dibdib. Sobrang magkalapit nila. Dahilan upang mas lalong magwala ang kanyang puso.
"Look at me." Maawtoridad nitong utos.
Napalunok muna siya ng ilang beses bago dahan-dahan iniangat ang mukha.
"Who is that guy?" Agad na tanong nito.
"Huh?" Halos mawala siya sa kanyang sarili dahil sa pagtama ng mabangomg hininga ng asawa sa kanyang mukha. Nakakatuliro.
"Bago mong lalaki-"
"No!" Mabilis niyang putol sa sasabihin nito. Lalaki? Ngayon niya pa nga lang nakilala 'yun.
"Do you think I believe you? Siya ba ang bago? Ano pa ginawa n'yo?" Bakas ang galit sa boses ni Hycent.
"Wa-wala kaming ginagawa. Nagpakilala lang siya kani-kanina. 'Yun lang. Umalis na ako. Umiwas na ako-"
"Liar!"
Halos mabingi siya sa sigaw ng asawa. Sino ba hindi gahibla lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
Nanlaki ang mga mata ni Pearl nang 'di niya inaasahan ang sunod na ginawa ng asawa.
Hycent is kissing her.