BONUS CHAPTER
These chapters are the flashback to how Devron planned everything.
Devron
“GELENE, you will be the one who are going to spy the illegal organization of Ryan Dela Fuente,” saad ko sa seryosong boses habang kaharap ko siya sa opisina ko at umiinom ng juice. Saglit siyang natigilan at itinuro niya pa ang sarili niya na parang naninigurado sa sinabi ko.
“Ako, boss?”
“Oo, ikaw? May problema ba?” Pagtatanong kong muli kaya napangiwi siya at umiling. Akala ko ay tatanggihan na naman niya ako, mabuti na lamang at hindi.
“Hindi naman ako mahuhuli?”
“Hindi, magdi-disguise ka.” Sagot kong muli at napakamot siya sa kilay niya na para bang hindi niya nagustuhan ang narinig.
“Amputa, sige na nga. Mukhang malaki naman ang bayad. ‘Yan lang ba ang gagawin ko, boss?”
“Yes, just update us. Ang kahinaan lang naman ni Ryan Dela Fuente ay mabilis siyang magtiwala kapag nakitaan ka niya ng potential na kaya mo siyang protektahan. Pero kailangan mo pa rin mag-ingat, demonyo din yon katulad ko.” Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay tumango siya.
Kaya kinuha ko ang mga gagamitin niya na kagamitan sa oras na pumasok na siya sa organization na ‘yon. Kinuha ko ang bag na naglalaman ng baril, earpiece, tracker at mga gamit na pwede niyang gamitin.
“Sige boss, ingatan mo ‘yang kaibigan ko. Kapag nasaktan yan ay makikita mo,” pagbabanta niya kaya ngumisi na lang ako at nagpaalam na siya sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay tinawagan ko naman si Sebastian na pumunta na dito.
Matapos kong gawin ang dapat gawin ay pumunta muna ako sa kwarto para silipin ang asawa ko na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog. Pagkatapos ng kasal naming dalawa ay dito ko muna siya dinala dahil delikado na naman ang nasa paligid namin.
Alam kong nagmamasid lang sila pero mas mabuti na ang alerto kaysa magsisi ako sa huli at mawala na naman ulit ang babaeng mahal ko na ayaw ko nang maranasan pa. Tahimik akong umupo sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang buhok niya at pisngi niya.
Pinagmasdan ko ang maaliwalas niyang mukha kaya hinalikan ko siya sa noo pababa sa ilong at pisngi niya at panghuli ay sa labi, saglit kong pinalalim ang halik ko dito at niyakap siya. Na para bang bukas o makalawa ay mawawala na siya sa akin.
“Mahal na mahal kita, Yngrid. Mahal na mahal.” Bulong ko at saglit na ipinikit ang mga mata ko para magpahinga pero muli ko itong naimulat ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko at sa pagaakala ko na si Sebastian ay sinagot ko ito. Pero halos umusok ang ilong ko ng marinig ko ang boses niya.
“Mukhang masayang-masaya ka dahil napakasalan mo na ang pamangkin ko, Montecillo. Pero mukhang nakalimutan mo na nandito pa ako. Hangga’t nabubuhay ang isang tulad ko, Montecillo. Araw-araw na nasa bingit ng kamatayan ang babaeng mahal mo. Mag-ingat ka, hindi mo alam kung kailan siya mawawala sa landas mo.” Buong boses na pananakot niya kaya kahit gustong-gusto ko ng sumugod at patayin siya ay pinigilan ko ang sarili ko.
“Bago mo gawin ‘yan kahit ni isang hibla ng buhok ng asawa ko ang hawakan mo ay hindi ako magkakamali na barilin ka para tuluyan ka ng mawala sa landas namin. Subukan mo lang Ryan Dela Fuente, madadamay ang anak mong babae.” Malalim at nagpipigil ang boses ko ng tapusin ko ang tawag.
Kahit wala na siya sa kabilang linya ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Kumuyom ang palad ko at marahas na nagbunga ng hangin, baka sa ginagawa kong ‘to ay magising ang asawa ko at magalala pa siya. Nang pakiramdam kong kalma na ako ay muli akong tumingin sa mukha ni Yngrid ay muli ko siyang hinalikan.
“Tatapusin ko na ang lahat, baby. Tatapusin ko na.”
Pagbaba ko ay naabutan ko kaagad si Sebastian na sa tingin ko ay kausap ang kapatid ko sa kabilang linya dahil kong naririnig kong binabanggit nito ang pangalan, tahimik lang akong umupo at hinintay siya na matapos. Nang naramdaman kong tapos ay inangat ko ang tingin na sinalubong naman niya.
“What’s the plan?” Panimula niya at umupo na rin sa katapat kong sofa kaya dumekwatro ako at nagsimulang magpaliwanag.
“Pinadala ko si Gelene para maging spy sa organization ni Dela Fuente. Sa oras na makapasok siya doon at makuha ang tiwala ni Ryan ay saka niya gagawin ang plano. Lalagyan niya ng bomba ang bawat pader ng gusali nito para sa oras na doon tayo sumugod ay at magulo ang plano ay ang illegal na gawain ang tatapusin natin bago siya.” Paliwanag ko kaya tumango naman siya at muling nagtanong.
“Paano kung dito siya sumugod? Anong gagawin mo?”
“Itatakas ko ang asawa ko.”
SPECIAL CHAPTER
Devron
ANG HIRAP pa lang magpalaki ng anak, lalo na kapag lalaki at kaugali mo pa. Alam kong matigas ang ulo ko dati noong bata ako pero hindi ko akalain na mas dodoble ito pagdating sa anak kong si Laxon. Ang panganay sa kambal ko.
Pagdating sa hapagkainan ay kumunot na lamang ang noo ko ng makita kong wala na naman si Laxon kaya humalik muna ako sa asawa ko at ang anak kong babae na si Cassandra at tinanong si misis ko. May inayos lang ako sa taas pagbalik ko ay wala pa rin si Laxon, ano bang nangyayari sa binata ko?
“Bakit wala na naman ang kapatid mo, baby?” Pagtatanong ko sa anak kong babae na ngayon ay 19 na. Pareho lang sila ng edad ni Laxon pero mas mabilis na maging matured si Laxon. Dati ay araw-araw naman siyang sumasabay sa amin pero nitong nakakalipas na araw lang ay hindi na ikinatatampo ng misis ko.
“I don’t know, Papa. Narinig ko lang na may nililigawan siya pero mukhang ayaw sa kanya ng babae,” pagsumbong niya kaya napangiwi naman ako at ng tingnan ko ang asawa ko ay nanlaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa narinig.
Putcha! May binata na talaga ako. Nabusted yata ng ‘di oras.
“Devron, pagkatapos nating kumain dito ay puntahan mo ‘yang anak mo at pagsabihan,” utos ng asawa ko kaya napatango na lamang ako nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko akalain na may nililigawan na ang anak kong lalaki.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ng anak kong lalaki na ngayon ay nakarado ang pinto kaya kumatok muna ako at ng marinig ko ang boses niya ay pumasok na ako. Nakita ko siya sa study table niya at nagbabasa ng lessons.
Napangiti na lamang ako dahil gantong-ganto rin ako bago ko makilala ang Mama nila na ngayon ay mas lalo ko pang minamahal kahit matanda na kaming dalawa. Para sa akin ay siya pa rin ang pinakamagandang babae na nakita ko dito sa mundong ibabaw.
Siya pa rin ang nagpapakalma at nagpapatibok ng puso at sistema ko. Siya pa rin ang nagpaparamdam ng kapayapaan sa buong buhay ko. Siya pa rin at wala ng iba. Si Yngrid Montecillo pa rin.
Kahit seryoso si Laxon sa pag-aaral ay inakbayan ko siya at sinabi ang kaninang binalita ng kapatid niya kaya saglit siyang napatigil at malakas na bumuntong hininga.
“Nabusted ka raw?” Pagtatanong ko kaya tumigil siya ginagawa niyang pagbabasa at tumingin sa akin gamit ang malamig at seryoso niyang mga mata. Isa ngang Montecillo, ganitong-ganito talaga ako dati, eh. “Sana ay pinaalam mo sa akin para tulungan kita,” dugtong ko pa para mabawasan ang tensyon sa aming dalawa.
“Kahit binusted niya ako ay sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang bagsak niya.” Ramdam ko ang determinasyon sa boses niya kaya napailing na lamang ako at tinapik siya sa balikat. Alam kong kapag nagsalita ang anak ko ay talagang tototohanin niya pero ilang taon na ba ang nililigawan niya?
“Ilang taon na siya, Laxon? Huwag bata dahil baka magkasala ka sa batas. Patay ka sa mama mo.” Pananakot ko pero umismid lang siya at muling nagbasa.
“18 na, Pa at kapag hindi ko talaga siya nakuha sa santong dasalan…” Tumigil siya saglit at mariing tumingin sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa akin talaga nagmana ang binata ko.
Kapag sinabi niyang sa kanya ay sa kanya talaga.
“Idadaan ko siya sa santong paspasan.”