THANK YOU NOTE
Hello po, hopies! I’m Your Hope at ikinatutuwa kong makilala at nanatili kayo hanggang sa dulo ng kwento nila Yngrid at Devron. Alam ko pong dati ay sobrang tagal ng update nito pero nagpapasalamat po ako dahil hanggang ngayon ay hinintay niyo po itong matapos. Kaya bilang pasasalamat ay gagawin ko po ito hanggang FREE sa March. Sa ngayon ay i-enjoy niyo po muna ang love story nilang dalawa.
Kung nami-miss niyo po si Devron at Yngrid ay anytime ay pwede po kayong bumisita dito sa You’re my miracle. Maraming salamat po sa pagbabasa. Ang sunod ko naman pong kukumpletuhin ay ang Love Me, Sir (Montiero Series #2) at Meeting the Storm (Mafia Series #3).
Sa ngayon ay baka magpahinga lang po ako saglit sa pagsusulat at minsanang mag-update dahil graduating na po ako ng Senior HighSchool at may work immersion po kami sa February. Pero isisingit ko po ang oras ko po sa pag-uupdate. Sa ngayon ay magbasa po muna tayo ng ibang akda ng manunulat.
Love Me, Sir (Montiero Series #2) ay hinihintay ko po ang kontrata para mag-update ng tuloy-tuloy.
Meeting the Storm (Mafia Series #3) naman ay hindi ko po ito inapply sa kontrata pero mukhang matatagalan po dahil hindi ko pa po ito pinag-iisipan ng plot. Last installment na po ito ng Mafia Series kaya stay tuned lang po. FREE TO READ po ito.
Para mas mag-enjoy pa kayo ay may iilan po akong katanungan na nais niyong sagutan.
By the way, ano yung pinaka-nagustuhan niyong scene dito sa You’re my Miracle at bakit?
At ano naman po ang nagustuhan niyong ugali sa mga bida o kaya iba pang karakter dito sa You’re my Miracle at bakit?
Muli maraming salamat po sa pagbabasa! More series and stories to come! Stay safe and healthy always! Mahal ko kayo.
-Your Hope.