Wakas

Devron

“HELLO kuya pogi!” Saglit akong natigilan sa ginagawa kong pagta-type sa laptop ng may sumulpot na isang batang babae sa tabi ko. Nang lingunin ko siya ay saglit akong natulala ng makita siya.

Bilugang mukha, matangos na ilong at hazel brown na mga mata. Mapupulang labi ganon na rin ang pisngi niya. Hanggang tiyan ko lamang siya kaya nakatingala siya sa akin. Ang inosenteng bata.

Kahit bata pa lang ay sobrang ganda na niya, paano kaya kapag lumaki na ay baka marami akong kaagaw? Kaagaw? Gago ka talaga, Devron. Bata ‘tong kaharap mo at hindi kaedad mo. Umayos ka, baka makasuhan ka pa ng child abuse.

“Hi baby,” malambing kong bati at natawa na lang ako ng makita ko ang pagsimangot niya at nagdadabog na umupo sa tabi ko. Nako, mukhang may katapat na ako sa pagiging masungit. Ang gandang bata, ang sungit naman.

“Hindi na ako baby! Ganto na ako, oh!” Sagot niya at pinakita niya sa akin ang sampung daliri niya na indikasyon ay sampung taon na siya kaya napangisi ako at hindi ko mapigilan at kurutin siya sa pisngi at ginulo ang maganda niyang buhok.

Maganda na nga, ang cute pa.

“Joke lang. Hindi ka na nga baby. Anong name mo?” Nakangiti kong pagtatanong at mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya kaya mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ko. Kaya nakailang mura ako sa sarili ko dahil mukhang magkakaroon pa ako ng kasalanan sa batas.

Pull yourself together, Devron. Bata ‘yan gago!

“Yngrid Dela Fuente po. Ikaw po? Ano pong name mo po kuya pogi?” Inosente niyang tanong dahilan para matunaw ang malamig kong puso dahil sa boses niya. Kalmado lang ito pero magaan sa tainga.

Ang sarap pakinggan.

“Devron. Devron Heize Montecillo.”

"Dev-dev, may gerlpren ka na?" Saglit akong natigilan sa pagmumuni-muni ng sumulpot sa harapan ko ang batang Yngrid.

Kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili kong pagpantayin ang mukha namin at kinurot siya sa pisngi.

"Wala… bakit?" Nakangiti kong pagtatanong kaya lumawak ang ngiti niya at nabingi na lang ako sa sinabi niya.

"Edi ako na lang!" Magiliw niyang saad kaya mahina akong natawa. Damn, sinong nagturo sa batang 'to? Hindi niya ba alam ang pinagsasabi niya.

"Hindi pa pwede, bata ka pa." Pagsakay ko sa biro niya ng ikinasimangot naman niya kaya hindi ko pa maiwasang mapangiti lalo.

Ang sarap niya talagang asarin.

"Anong bata?! Hindi na kaya. Kaya ito, oh. Patunay na ako na lang." Saad niya at natulos na lang ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang sinuot niya sa palasingsingan ko.

A paper ring. Fuck, kinikilig ako. Iba ang epekto sa akin ng batang 'to.

"Ipangako mo sa akin na ako ang pakakasalan mo balang araw." Inosenteng saad niya na ikinailing ko pero kalaunan ay sineryoso ko.

Kaya kahit hindi ko man alam ang mangyayari sa aming dalawa sa susunod na araw ay nangako ako sa kanya.

"Of course you're the only one that I want to spend my life with, Yngrid. You're the only one."

You make me weak, yet you make me stronger. You make my heart ache but you're the reason why it's racing sometimes. You make my thoughts calm but sometimes you're the reason why I'm in a mess. You make me believe in fate and love. You become my miracle and home.

Sa bawat araw na tumatagal ay napag-alaman kong anak pala ni Richard Dela Fuente si Yngrid. Ang isa sa mapagkakatiwalaan na bodyguard ni Papa. Nalaman ko rin na silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay kaya grabe nitong mahalin at protektahan ang anak niya para lang ‘di masangkot sa trabahong pinasok niya.

Sa mga oras na ‘yon ay parang gusto ko na ring protektahan ang anak niya. Si Yngrid na nagpatunaw ng yelo sa malamig kong puso. Ang bibong si Yngrid na kahit bata pa lang ay marami kang matutunan dahil sa angkin niyang talino.

Si Yngrid Dela Fuente, ang babaeng unang nagpatibok sa tahimik kong puso. Si Yngrid Dela Fuente na gusto kong protektahan at mahalin habang buhay. Si Yngrid Dela Fuente, ang babaeng bumihag sa akin. Si Yngrid Dela Fuente, ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Kapag nakikita ko siya ay gumagaan ang araw ko. Kapag kasama ko siya ay parang kami lang dalawa ang magkasama at hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil sa kanya. Alam kong napapansin na’to ng mga taong nasa paligid ko pero hinayaan lang nila ako dahil wala rin naman silang magagawa.

Tinamaan na nga ako sa isang Yngrid Dela Fuente at hindi ko alam kung may makakahigit pa sa kanya.

“Kitang-kitang sa mga mata mo na mayroon kang pagtingin sa nag-iisa kong anak na babae. Kaya sana, kung mawala man ako ng biglaan ay sa’yo ko na ihahabilin ang anak kong si Yngrid. Alam kong kagaya ko ay mahal mo rin siya at handa mo siyang protektahan. Kaya Devron, huwag mo sanang hahayaan na masaktan ng kahit na sino ang anak ko kahit ang kapatid ko pa na handang gawin ang lahat, mawala lang kami ng anak ko sa landas niya.”

Iyon ang huling narinig ko bago magulo ang lahat. Simula ng makita ko ang malamig na bangkay ni Richard Dela Fuente, ang ama ng babaeng mahal ko na walang ibang ginawa kundi ang ibuwis ang buhay pero dahil lamang sa away ay nadamay sila at tinuluyan siya.

Kaya ng makita ng dalawang mata ko ito ay hindi na ako nagdalawang-isip an itago muna si Yngrid sa mga Dela Fuente, lalong-lalo na kay Ryan Dela Fuente, ang kapatid ni Richard Dela Fuente at ang taong tumapos sa buhay niya. Kahit kamag-anak nila si Yngrid ay itinago ko siya dahil alam kong hindi ila ito tatantanan.

“Saan mo siya tinago Devron?” Pagtatanong ni Papa habang inaaral ko ang mga lesson ko. Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at mabilis na sumagot.

“Sa tagong lugar ng Laguna, Pa. Sa maliit na baryo kung saan hindi siya mahahanap ng mga Dela Fuente.” Sagot ko naman kaya napatango siya at tumabi sa akin. Nabigla na lamang ako ng akbayan niya ako at ngumisi na tila ba nang-aasar.

“Kailan mo siya balak kuhanin?”

“Kapag kaya ko na siyang protektahan. Saka ko siya ibabalik sa pamilya natin,” determinado kong sagot at sa mga oras na ito ay ramdam ko na ang galit na lumulukob sa pagkatao ko.

Ilalaban ko si Yngrid. Ibibigay ko ang hustisya na nararapat para sa kanila. Hindi ko hahayaan ang mga Dela Fuente na saktan ang babaeng mahal ko kahit na kamag-anak pa niya ito.

“Manang, nandyan na ba siya?” Pagtatanong ko habang nasa byahe ako pauwi. Hindi ako mapakali habang iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Yngrid sa oras na makita ko siyang muli. Halos sampung taon din ang tiniis ko na hindi siya lapitan at sa sampung taon na ‘yon ay sa malayo ko lamang siyang pinagmamasdan.

At ngayong nasa tamang edad na siya ay kailangan ko na siyang ibalik sa akin dahil kayang-kaya ko na siyang protektahan. Lalo sa Tito niya na kahit sampung taon na ang nakalipas ay patuloy pa rin siyang hinahanap.

“Oo, Devron. Nandito na si Yngrid. Jusko! Napakagandang babae naman niya.” Bakas ang saya sa boses ni Manang kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti at bumilis ang tibok ng puso ko.

Tangina, kinikilig ako. Sa sinabi pa lang ni Manang ay iba na ang epekto niya sa akin, paano pa kaya kapag kaharap ko na siya ay baka mahimatay na ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.

“Thank you, Manang. Pauwi na rin ako. Make sure na komportable siya.” Utos ko at pinatay na ang tawag. Napangisi naman ako ng maalala ko ulit ang plano para sa aming dalawa. Dahil ngayon, ngayon na bumalik na sa akin si Yngrid. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakaalis sa akin kahit si kamatayan pa man ang kalaban ko.

Sa nakalipas na taon kong pagbabantay at paghihintay sa malayo ay hindi ko akalain na makikita ko siya ng harapan kahit panandalian lamang. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya, ang babaeng nagpapakalma sa puso at sistema ko. Ang babaeng nagpaparamdam ng kakaibang pakiramdam kapag siya ang nakikita ko. Ang babaeng kaya akong dalhin sa ibang dimensyon kapag kaharap ko na siya.

Ngayon ay nasa harapan ko na siya ay hindi ko alam ang gagawin ko. Katulad ko ay nakatulala lang siya sa akin at kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya kaya saglit akong umiwas ng tingin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan siya.

At baka kapag ginawa ko iyon ay layuan niya ako ng ayoko namang mangyari dahil hindi ko pa naipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko na gusto ko ng iparamdam sa kanya. Sa sampung taon na lumipas ay nagtiis akong itago ang nararamdaman ko sa isang tulad niya. Tiniis ko ito kahit nahihirapan na ako.

Pero ngayong kasama ko na siya at nasa iisang bahay na kami ay hindi na ako magdadalawang-isip na iparamdam sa kanya ito. Kaya Yngrid, humanda ka. Hindi mo alam kung gaano ko kagusto ibuhos sa’yo ang lahat.

Habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Mas lalong lumalalim ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Kapag makikita ko siya ay pinapagaan niya ang araw ko. Mas lalo akong nagpupursigido na protektahan siya sa lahat lalong-lalo na kay Ryan Dela Fuente. Kulang na lamang ay pakasalan ko siya para lang masiguro kong walang makakapanakit sa kanya.

Handa kong bitawan lahat para lang mahalin mo ako.

“Dev, alam mo ba noong bata ako pangarap ko lang makapunta sa ganitong kaganda na beach tapos hindi na ako makapaniwala na ngayon ay napuntahan ko na siya!” Tumitiling saad ng asawa ko kaya niyakap ko siya at pinanggigilan ang labi niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako na nasa akin na muli si Yngrid. Ilang taon ang ginugol at tiniis ko para lang mailayo siya sa panganib. Para lang patunayan ko sa sarili ko at sa Ama niya na kaya ko rin siyang protektahan sa mga taong gustong manakit sa kaniya. Na sa ilang taon kong pagtitiis ay hindi ko akalain na magiging maganda ang kalalabasan ng paghihintay at pagsasakripisyo ko.

Hindi natapon sa wala ang paghihintay ko sa babaeng mahal ko. Hindi nasayang, naging worth it pa ito dahil ang dati ko lang na hinihiling na sana ay mahalin niya rin ako ay nangyari na at hindi ko akalain na nauwi sa lahat sa kasal at ang pagkakaroon namin ng kambal na anak.

Nang malaman kong kambal ang anak namin ay parang nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko. Lahat ng pinapangarap ko ay unti-unti ng natutupad. Lahat ng hinihiling ko ay unti-unti ng binigay sa akin. Kaya sobrang saya ng puso ko dahil worth it ang naging sakripisyo namin ng babaeng mahal ko.

Nagkaroon kami ng isang anak na babae kamukha niya at isang lalaki naman na kamukha ko. Apat na taon na ang lumipas pero pakiramdam ko ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa una naming pagkikita, sa kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya rin ako. Sa pagprotekta ko sa kanya at sa huli ay ang pagpapakasal muli namin sa simbahan.

Lahat ng ‘yon ay nasa alaala ko pa rin kaya hindi ko maiwasang pagmasdan ang magandang mukha ng asawa ko dahil hindi ako makapaniwala na sa akin na siya at ako na ang nagmamay-ari sa kanya.

Dati-rati ay pinagmamasdan ko lang siya sa malayo at humihiling na sana ay makatabi o mayakap ko lang siya kahit saglit lang pero iba ang ibinigay sa akin ng tadhana. Pinaglaruan niya muna kaming dalawa bago niya ibinigay sa akin ang hiling. Pinaglaruan niya muna ako bago ako tuluyang sumaya sa buhay ko.

Hindi na panandalian pero panghabang-buhay na. Habang buhay kaming magsasama at habang buhay ko ring ipaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Habang buhay ko sa kanya ipaparamdam kung paano ko siya pipiliin araw-araw at ang mga anak namin kahit ano pang problema ang dumating sa buhay ko. Dahil sila ang kalakasan at kahinaan ko sa mundong ginagalawan ko.

Alam kong may mga bagay pa kaming kailangan harapin ay hindi na ako matatakot dahil kasama ko na ang babaeng pinapangarap ko. Kasama ko na siya sa hirap at ginhawa. Hindi ko na muling bibitawan ang kamay niya. Sabay naming haharapin ang lahat.

Habang pinagmamasdan ko ang asawa ko ay naaalala ko noong mga panahong hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Noong mga panahong gusto ko na lamang sumuko dahil hindi ko mahanap-hanap ang kapatid ko. Noong mga panahong gusto ko na lang talikuran ang lahat dahil pakiramdam ko ay wala akong gagawing tama at puro kamalian lamang ang ibibigay ko. Pakiramdam ko ay kapag ako ang humawak ng sarili naming organization ay mabibigo ko lang sila lalo ang Ama ko na walang iba kundi ang pagkatiwalaan ako.

Pero nagbago ang lahat ng ‘yon. Nagbago ang pananaw ko sa buhay ng makita ko ang isang Yngrid Dela Fuente na nakangiti sa harapan ko. At ng makita ko ang mukha niya, nang makita ko ang ngiti niya. Binigyan niya ako ng pag-asa na magagawa ko ang lahat. Siya ang naging inspirasyon ko sa lahat.

Siya ang naging dahilan kung bakit mas naniniwala ako sa sarili ko. Siya ang naging dahilan kung bakit meron ako ng mga bagay na gusto ko. Kasi kasama ko siya sa bawat pangarap na naiisip ko hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin sa kanya.

Siya lang at wala ng iba. Siya ang naging dahilan kung bakit nandito ako. Siya ang dahilan kung bakit nagpatuloy ako sa buhay. Siya ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ulit ng liwanag ang mundo ko. Akala ko ay wala ng tatanggap sa akin pero ng marinig ko sa mismong bibig niya na mahal at tanggap niya ako ay halos isuko ko na ang lahat para lang makasama siya habang buhay.

Dahil sa gitna ng kaguluhan at kadiliman sa buhay ko. Dumating ang isang Yngrid Dela Fuente at hinigit ako sa madilim na mundong minsan ko ng ikinulong ang sarili ko doon. Nang dumating siya ay kakaibang saya ang nararamdaman ko.

Siya lang ang babaeng mamahalin ko at patuloy kong mamahalin.

“I love you, Devron.”

Saglit akong natulala at halos tumigil ang paghinga ko ng marinig ko ang malamyos niyang boses. Kahit araw-araw kong naririnig sa kanya ‘yon ay iba pa rin ang epekto niya sa akin lalo na sa puso at sistema ko. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako kapag siya na mismo ang nagbibitaw ng salitang ‘yon.

Iba pa rin ang epekto sa akin ng isang Yngrid Dela Fuente Montecillo.

Kaya saglit akong pumikit at dinamdam ang hangin na tumatama sa amin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ganun din sa akin. Nang makontento na ako ay iminulat ko ang mga mata ko at punong-puno ng pagmamahal ko siyang tiningnan.

Sa ilang taon na lumipas ay nalulunod pa rin ako sa mga mata niya. Hindi nakakasawang pagmasdan. Sobrang ganda ng misis ko. Kaya sisiguraduhin kong wala na talaga akong kaagaw.

“I love you too, Yngrid. In my world where everything doesn’t make sense, you become my miracle. You’re my miracle, Wife. You and our kids. You’re my miracle.”

WAKAS