Kabanata 26: Plano

Yngrid

NANGHIHINA akong napaupo sa harapan ni Devron ng marinig ko ang lahat. Mas lalong bumuhos ang luha ko sa narinig dahil mas lalo akong naguluhan sa paliwanag niya. Paanong nadamay dito si Kalista? Ibig sabihin, simula’t sapul pa lamang ay malapait na sa akin ang panganib?

“H-hindi kita maintindihan, Dev. Bakit nadamay si Kalista? Anong kinalaman niya? Ibig sabihin ay ang pamilya nila ang may kagagawan ng lahat kung bakit nawala sa akin si Papa?” Nahihirapan kong tanong kaya pinunasan niya ang luha na dumadaloy ngayon sa pisngi ko.

“I did an investigation about her. Pinalitan niya ang pangalan niya para hindi ako maghinala sa kanya at maisagawa ang plano niya na ihiwalay ka sa akin. Inutusan siya ng magulang niya na mapalapit sa akin at siguraduhin na buhay ka nga. Nang nalaman niyang ikaw ang babaeng nakaligtas sa ginawa nilang krimen ay inutusan nila si Kalista na patayin ka.” Mahaba niyang paliwanag. Kaya ngayon ay unti-unti na akong nalilinawagan.

Mula sa kung ilang ulit nila akong habulin para lang mawala sa landas ni Devron. Sa kung paano ako nasundan ni Kalista at pagbantaan na lumayo. Ang galit niyang mga mata kapag nagsasalubong ang landas naming dalawa. Bakit ngayon ko lang napansin ang lahat?

“Kaya ba inilayo mo ako at pinakasalan?”

“Kaya kita inilayo dahil kailangan kitang protektahan, hindi mo alam kung paano maglaro ang pamilya ni Kalista. At kaya kita pinakasalan dahil para ipakita sa kanila na akin ka at hindi ka na nila makukuha sa akin.” Malalim ang boses niya dahilan para kilabutan ako.

“Kalista is crazy, baby. That’s why I have to protect you. Kung kailangan na ilayo kita sa akin kahit saglit lang, gagawin ko para hindi ka lang mapahamak ulit,” aniya kaya namuo na naman ang sakit sa puso ko at hindi ko na mapigilan ang hampasin siya sa dibdib.

“Ayoko nga sabi! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?! Ayoko, ayokong malayo sa’yo,” nanghihina kong sigaw kaya binuhat niya ako at bumalik sa kama namin. Pinaupo niya ako sa kandungan niya kaya nilagay ko ang ulo sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit na akala mo ay mawawala siya sa akin.

“Baby please… hindi natin alam kung sa paanong paraan sila susugod. They are unbeatable too. Alam na nila ang kahinaan ko kaya alam kong ikaw mismo ang gagamitin nila para makuha ang gusto nila. Please listen to me, Yngrid. Once the situation worsens, I need to let you go. Kailangan muna kitang pakawalan para sa ikabubuti mo.”

PAGGISING ko ay grabeng taranta ang nararamdaman ko ng maramdaman kong wala si Devron sa tabi ko kaya bumangon ako at mabilis na inayos ang sarili ko. Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay hindi ko namalayang nakababa na pala ako at malakas na tinawag ang pangalan niya.

“Dev!” Naiiyak kong sigaw at narinig ko naman ang pagsagot niya papunta sa kusina kaya dali-dali akong pumunta don at ng makita ko siyang nakakunot ang noo ay wala akong pagaalinlangan na takbuhin ang distansya naming dalawa at niyakap siya ng sobrang higpit.

“Hey, nanaginip ka ba ng masama?” Nagaalala niyang tanong kaya umiling ako at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na akala mo ay iniwan niya na ako. Akala ko ay paggising ko ay wala na siya at iniwan na talaga ako.

“Takot na takot ako, akala ko ay iniwan mo na ako. A-akala ko ay nawala ka sa tabi ko kaya natataranta akong gumising at hinanap ka,” paliwanag ko kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napasimangot at ng akmang aalis sa yakap niya ay mas lalo niya pa akong ikinulong sa mga bisig niya.

Kaya ang mga takot at pangamba na nararamdaman ko ay bigla na lang nawala. Talagang si Devron lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganito. Na kahit gaano pa ako katakot sa mga mangyayari ay isang yakap niya lang o kasama ko lang siya ay bigla na lang maglalaho na parang bula ang lahat.

Mahal na mahal ko talaga ang isang Devron Heiz Montecillo.

“I’m sorry, baby. Nagluto lang ako ng agahan natin dahil gagala tayo dito sa beach.” Aniya kaya tumango na lang ako at parang batang sumabit sa kanya at inamoy ang leeg niya na ikinatigil niya saglit at malakas na napabuntong hininga.

“Baby, stop that… baka hindi ako makapagtimpi,” pagbabanta niya pero umiling ako at mas lalo pang binaon ang mukha ko sa leeg niya at muli itong inamoy. Dahil sa kapilyahan ay hinalik-halikan ko ang leeg niya pataas sa panga niya dahilan para mapadaing siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Narinig ko naman ang marahas at mabigat niyang paghinga na talagang nagpipigil talaga.

“Baby, stop… kakain na tayo.” Pagpigil niya kaya ng makuntento na ako sa kapilyahan ko ay inangat ko ang mukha ko at mabilis na hinalikan ang labi niya at bumaba na para kumain na kaming dalawa.

Nang tingnan ko ang katabi ko ay napangisi na lang ako ng maabutan ko siyang nakatingin sa akin ng masama kaya kinindatan ko siya at umupo na. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko pero hindi ko na pinansin dahil mas nakuha ko ng atensyon ko ang pagkain na nakahain ngayon.

Habang nagsasandok ako ng kanin at ulam ay sinabay ko naman siya, nakiliti naman ako ng bumulong sa akin si Devron na ikinatawa ko naman.

“May kapilyahan ka rin pala talagang taglay, misis ko.”

“Gawa mo kasi,” balik ko kaya umiling na lamang siya at tahimik na lang kaming kumain.

Matapos naming ayusin ang pinagkainan at maligo ay nagdesisyon kaming maglakad dito sa tabing dalampasigan. Magkahawak kamay naming tinatahak kung saan man kami dalhin ng paa naming dalawa. Ang buhok ko ay sumasabay sa sayaw ng mga puno dahi; sa malakas na hangin. Ang init ng araw ay hindi masakit sa balat kaya malaya kaming nakakagalaw ni Devron.

Kapayapaan at katahimikan ang nanaig sa aming dalawa ngayon. Sana ay ganito na lang ang buhay naming dalawa, malayo sa gulo at mga bala na nagbabanta sa buhay namin. Sana ay hindi matapos ang araw na ito, gusto ko pang makasama si Devron.

“Wife,” natigilan ako sa tinawag niya sa akin pero paglalaon ay bigla akong kinilig dahil lambing ng pagkakatawag niya sa akin. Dati ay baby ang tinatawag niya sa akin ngayon ay wife na, ang bilis talaga ng panahon.

Dati amo ko lang siya ngayon ay asawa ko na. Hindi ko alam kung deserve ko ba ‘tong nangyayari sa akin, eh. Baka mamaya kung gaano ako kasaya ay sobrang tindi naman na lungkot at sakit ang ibibigay sa akin na huwag naman sana.

“Wife, are you happy with me… kahit na ganitong sitwasyon ang kinakaharap natin? Napapagod ka na ba?” Nagulat naman ako sa naging tanong ni Devron at bakas na bakas doon ang pag-aalinlangan kaya ngumiti ako at kinalong niya ako sa kandungan niya ng maupo kaming dalawa sa duyan.

Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok at sinagot siya. “Sobrang saya ko, Dev. Sa sobrang saya ko hinihiling ko na sana ay huwag ng matapos ang araw na’to. Ayokong gigising ako na bukas o sa isang umaga ay hindi kita kasama dahil kailangan mo muna akong ilayo. Gusto kong ganito muna tayong dalawa, malayo sa gulo at nanggugulo.” Saglit akong tumigil at pinagmasdan ang alon na humahampas sa mga bato.

“At kung tinatanong mo ako kung napapagod at nahihirapan na ako sa sitwasyon natin ay hindi. Bakit naman ako mapapagod kung kasama kita,” dugtong ko at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya pero mas nangingibabaw ang pagmamahal.

“Mahal na mahal kita, Yngrid. Konting tiis na lang… matatapos din ang lahat. Lalagay na tayo sa tahimik. Wala ng manggugulo sa atin. Pangako.” Madamdaming saad niya kaya imbis na sumagot ay hinalikan ko siya sa labi na mabilis naman niyang tinugon.

Habang ibinubuhos ko ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko kaya inilayo niya ang mukha niya sa akin at pinunasan ang mga luha na ngayon ay dumadausdos pababa sa pisngi ko. Pumikit ako ng mariin at niyakap siya ng mahigpit.

“Mahal na mahal din kita, Devron.”

“Ilan ang gusto mong anak?” Pilyo niyang tanong kaya malakas naman akong natawa at kinurot siya sa tagiliran na ikinaiwas naman niya.

“Hmm… mga dalawa,” pagsakay ko naman kaya mas lalo pa siyang natuwa at inirapan ko naman siya. Alam ko namang iniiba niya lang ang usapan para mabawasan ang tensyon sa aming dalawa kaya sinakyan ko na lamang ang kalokohan niya.

“Kapag kambal ang anak natin. Magpapatayo ako ng malaking bahay sa nabili kong lupa sa Laguna. Kapag ayos na ang lahat ay doon na tayo titira kasama ang gwapo at maganda nating dalawa na anak,” masayang pagke-kwento niya kaya pinagmasdan ko siya habang binabanggit ‘yon na para bang buong-buo na ang future naming dalawa.

“Paano ka naman nakakasigurado na maganda at gwapo ang magiging anak natin? Paano kung dalawang gwapo o kaya ay dalawang maganda, anong gagawin mo?” Pagbasag ko ng trip niya kaya ngumisi siya at mas lalo pa akong niyakap ng mahigpit.

“Kapag dalawang gwapo, tuturuan ko sila kung paano rumespeto ng mga babae. Tuturuan ko sila kung paano sila mahalin ng tama. Kapag babae naman ay bugbog sarado muna ang mga manliligaw nila, ako muna ang haharapin nila bago mahawakan ang dalawa nating prinsesa.” Paliwanag niya kaya mahina naman akong natawa at pinisil ang pisngi niya dahil nanggigil ako sa kanya.

“You will be a great dad, Dev,” anas ko at mahina lang siyang tumango at nanaig muli ang katahimikan sa aming dalawa. Rinig na rinig namin ngayon ang mga huni ng ibon at paghampas ng alon sa mga bato. Ang lagaslas ng dahon sa mga puno ay nagbibigay kapayapaan din sa aming dalawa. Nang akmang magsasalita na sana ako ay bigla namang nagsalita si Devron na ikinaantig ng puso ko.

“Lord, I may not be the most religious person in this world but I’m praying that please protect my wife once I let her go. She’s my life and miracle in this cruel world of mine.” Mahinang usal niya dahilan para masaktan ang puso ko. Bakit niya ba sinasabi ang lahat ng iyan? Malapit na ba niya akong pakawalan?

“Anong ginagawa mo?” Paos kong pagtatanong kaya ngumiti muna siya sa akin at hinalikan ang labi ko.

“I’m… “ Tumigil siya saglit at malamlam na tumingin sa mga mata ko. “I’m praying for you. I’m praying that He will protect you once I let you go.” Anas niya kaya kahit sobra na akong nasasaktan ay muli akong nagtanong.

“Bakit?”

“Because you’re the only gem that I have, Wife. You and my future children.”

“Kapag pinalayo mo naman ako sa’yo, babalik ka naman sa akin agad ‘diba?” Paninigurado ko kaya unti-unti siyang tumango at hinawakan ang pisngi ko.

“Oo naman. I will find a way to come back to you, wife. I will.” Pangako niya at ng matapos kong marinig ‘yon ay sabay kaming napalingon sa likod naming dalawa ni Devron ng makarinig kami ng sigaw ng isang babae.

Kaya ng tumayo kami ay agad naman akong tinago ni Devron pero lumuwag ang pagkakahawak niya ng makita namin ng harapan kung sino ang taong ito. Si Iris ngayon ay may hawak na folder at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba ng magtagal ang titig niya sa akin.

May nangyari bang hindi maganda?

“Bakit Iris?” Si Devron na ang bumasag ng katahimikan kaya nakailang lunok pa si Iris bago niya sabihin ang pakay niya dito. Nang marinig ko ang ibinalita ni Iris ay mas lalong umusbong ang takot at kaba sa buong katawan ko.

Akala ko ay masaya na ang mangyayari sa aming dalawa pero muling nagbiro ang tadhana.

“Kalista’s family is now making a move, Devron. They are planning to kill your wife in front of you. They are planning to kill Yngrid tonight.”