Kabanata 27: Pagtakas
Yngrid
MAHIGPIT ang pagkakahawak sa akin ni Devron ng makapasok at makaupo kami sa loob ng resthouse, hindi na ako nagulat kung nandito ang asawa ni Iris na ngayon ay may tina-track at tinitingnan sa laptop.
Nang mapansin niya ang presensya naming tatlo ay umangat ang mga mata niya sa amin at kinilabutan naman ako ng malalim ito at handa na yatang pumatay ng tao base pa lamang sa titig niya. Nang makita niyang seryoso kaming lahat ay nagsimula na siyang magsalita.
“Base sa spy na nakapasok sa organization ng pamilya nila Kalista ay nakaplano na raw ang lahat sa kung paano sila susugod dito at kung paano papatayin ang asawa mo sa mismong harapan mo, Devron.” Mariin ngunit ang boses nito ay kasing lamig ng yelo kaya nakaramdam ako ng takot pero mas lumala pala ito ng marinig ko ang boses ng asawa ko.
“Ilan silang susugod?” Si Devron na ngayon ay nakakunot ang noo at malalim ang pagkakatitig sa laptop kung saan may gumagalaw na isang tuldok at hindi ko alam kung saan papunta ang direksyon nito.
“Lahat sila.” Tipid na sagot ni Sebastian kaya napaismid naman si Devron at malamig na tumawa na akala mo ay hindi nagustuhan ang sagot ng katapat nito. Lumipat naman ang tingin ko kay Storm na tumawa rin at napailing.
Anong nakakatawa sa sinabi ni Sebastian?
“Sasalubungin natin sila, sasalubungin natin ang mga bala nila,” taas noong utos ni Devron na mabilis naman tinutulan ni Iris kaya sa kanya natuon ang atensyon namin.
“That’s a suicide mission, Devron. Huwag kang bobo! Suicide ‘yang gagawin mo!” Ramdam ko ang galit at gigil sa boses niya kaya mabilis naman siyang hinawakan ni Sebastian sa kamay at pinapaupo pero hindi nagpatinag si Iris at nakipagtagisan ng tingin sa kapatid niya na ngayon ay para wala lang ang sinabi niya.
Miski ako ay napaisip sa sinabi ni Iris, paano kung sa pagsalubong nila ay iba ang mangyari? Pero kilala ko si Devron, hindi niya sasabihin ‘yon kung wala rin siyang matibay na plano.
“Sa tingin mo, Iris hindi ko ba sasabihin ‘yon kung wala akong matinong plano. Akala mo lang tahimik ako pero nakaplano na ang lahat bago pa nila gawin ‘yan. Hindi nila ako mauutakan.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Wife, calm down. Ipapaliwanag namin ang lahat sa’yo. All of us are involved to this kaya kumalma ka na dyan,” utos ni Sebastian at matagal munang tumitig si Iris bago umupo at makinig pero muli na naman kaming napatingin ng may sumingit na isang tao sa usapan namin at may hawak pa itong kape.
“Tama ang pinsan kong si Sebastian, hindi magbibitaw ng salita si Devron kung walang matinding plano ‘yan.” Aniya nito at sinundan ko naman to ng tingin at naupo sa tapat namin. Hazel brown ang kulay ng mata nito, mestizo at tama lang ang pangangatawan at tama lang ang hubog ng mukha.
Gwapo ito pero mas gwapo ang asawa ko.
“Misis ko, ‘wag mo ngang pagmasdan. Nagseselos ako.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang bulong ng katabi ko kaya mabilis ko siyang binalingan ng tingin at hinalikan sa pisngi.
“Huwag ka ng magselos, ikaw naman ang gwapo sa kanilang lahat.” Paninigurado ko na tipid naman niyang ikinangiti pero muli siyang sumeryoso ng marinig ang pinag-uusapan ng paligid namin.
“Bakit ka nandito, Kris Adler? Himala at pinayagan ka ni Julie na sumama sa amin?”
“Pinahiram ko kay Devron ang tauhan namin at yung helicopter na pagmamay-ari ko. Nagpaalam ako sa asawa ko na ako ang gagamit ng helicopter para sa pagtakas,” sagot naman ng Kris kaya napatango naman si Iris at sumabat naman si Sebastian.
“Devron plan is a bit risky too pero sisiguraduhin namin na isa sa amin ay walang masasaktan,” panimula ni Sebastian kaya napahigpit naman ang pagkakahawak ko sa kamay ni Devron. Hinalikan naman ako ni Devron sa noo kaya kumalma ako kahit kaunti.
“The first plan is to make sure that Yngrid is safe, itatakas niyo siya Kris Adler. Isasama mo ang asawa ko dahil ayokong pati siya ay madamay sa gulo na’to. Helicopter ni Kris Adler ang gagamitin sa pagtakas. Hindi tayo makakasiguro na kayang protektahan ni Devron ang asawa niya kung ang dalawang panig ay ayaw magpatalo. Ayos lang ba sa’yo, Yngrid kung itatakas ka muna namin palayo dito?”
Hindi agad ako nakasagot ng sa akin na bumaling ang mapanuri nilang mga mata. Nanlamig na ako at medyo naiiyak na dahil sa naging plano ni Devron, talagang desidido na siya na ilayo muna ako. Kahit masakit ay mahina akong tumango na ikinatango naman nila.
“A-ayos lang sa akin,” nanginginig na sagot ko at muling bumulong sa akin si Devron.
“Wife, this is for your own safety. Please trust me.”
“The second plan is… Devron will face the father of Kalista. The man who is going to kill Yngrid tonight. Si Devron ang haharap dito habang kami naman ay kinakabit ang bombang pasasabugin sa oras na magulo ang plano.” Saad ni Sebastian na ikinamura naman ni Iris.
“Tangina, suicide na nga ‘yang gagawin niyo! Paano kung sa pagsabog kayo hindi makaligtas?” Naiinis niyang tanong kaya huminga ng malalim si Devron at ito na ang sumagot.
“Iris, just trust us.” Maikli ngunit mapanganib niyang pagbabanta kaya wala ng nagawa si Iris kundi ang tumango. Kagaya ko ay kahit labag sa loob ay para na rin ito sa kaligtasan naming lahat.
“May tiwala naman ako pero sa kalaban ay wala.”
“Once our mission becomes successful, the illegal organization of the Kalista family will be next. Ito naman ang sunod na patutumbahin ni Devron at ng ama niyong dalawa, Iris.” Pagtatapos ni Sebastian kaya katahimikan ang nanaig sa aming lahat na tila ba ay pinoproseso ang mga narinig. Ilang minuto pa ay muli itong binasag ni Devron.
“Ilang oras na lang ang natitira sa atin?”
“Dalawang oras na lang ang natitira sa atin, Devron. Sa oras na nakatakas na at nakaalis na ang helicopter na sinasakyan ni Yngrid ay saka natin ihahanda ang lahat,” sagot naman ni Sebastian at nakita ko naman ang pagtayo nilang lahat na para bang bibigyan nila kami ng oras para mag-usap.
Nang mawala sila paningin namin ay nakatulala lang ako sa pader at nararamdaman ko naman ang pagpisil ni Devron sa palad ko kaya mariin naman akong napapikit sa ginagawa niya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang malayo pero kailangan.
“Yngrid… misis ko. Natatakot din ako. Pero kailangan dahil hindi ako makakasigurado kung kaya kitang protektahan sa gitna ng laban na kami rin ang nagsimula. Kaya sana… sana ay maintindihan mo. Kaya ko ‘to ginagawa dahil mahal kita.” Paliwanag niya na ikinatango ko naman at pinahid ang luhang tumulo sa mga mata niya.
“Alam ko pero… pero babalik ka naman ‘diba? Babalikan mo ako?” Paninigurado ko kaya tumango naman siya at mahigpit akong niyakap. Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay tuluyan akong humagulgol. “Dev, natatakot ako dahil baka mamaya ay ito na pala ang huling kita at yakap ko sa’yo. Ayoko, ayokong mangyari ‘yon. Bumalik ka sa akin kapag natapos na ang lahat. Bumalik ka please,” pagmamakaawa ko na ikinatango naman niya at mahigpit pa akong niyakap na para bang ayoko na akong pakawalan.
“Pangako, babalik ako sa’yo ng buhay at buong-buo.” Saad niya at ng humiwalay naman siya ay siya namang pagsingit ni Sebastian na ngayon ay mas lalo ng sumeryoso ang mukha at napatingin na sa orasan.
“Nagbago ang oras ng plano ng pagsugod nila, Devron. Isang oras na lang ang natitira sa atin. Kailangan mo ng itakas at pakawalan si Yngrid. Nakahanda na rin ang asawa ko at si Kris sa helicopter. Ihatid mo muna ang asawa mo.” Seryosong saad ni Sebastian kaya kahit pareho kaming nanghihina ay pareho kaming tumayo ni Devron.
Bawat hakbang na ginagawa namin ay mas lalong bumibigat. Ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti ng nahuhulog pero hindi ko pinapahalata kay Devron dahil ayoko ng mas mag-isip pa siya lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Ang paghinga ko ay mas lalong lumalalim ng marinig ko na ang malakas na makina ng helicopter na hudyat na malapit na akong pakawalan ni Devron sa mga oras na’to.
Ang tuhod ko ay unti-unting nanlambot na anumang oras ay bibigay na ito kung hindi lang ako mahigpit na hawak ngayon ni Devron. Ang kaninang hagulgol na tinatago ko ngayon ng harapin niya ako kaya kitang-kita ko ang sakit at lungkot ng magtama ang paningin naming dalawa.
“Ayoko, ayoko Dev. Puwede mo naman akong itago pero bakit kailangan mo pa akong ilayo? Nahihirapan ako, ayokong lumayo sayo. Itago mo na lang ako please…” Pagmamakaawa ko pero mariin niya lang pinikit ang mga mata niya at narinig ko naman ang nanginginig na boses ni Iris sa likuran ko.
“Kuya, let her go please. Maaabutan na nila tayo. Yngrid, please… para rin sa’yo to,” pagmamakaawa niya at mahigpit na hinawakan ang braso ko pero hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa kamay ni Devron.
“Baby… pagkatapos nito ay babalikan kita at magpapakasal ulit tayong dalawa. Pangako… babalik ako sa’yo ng buhay. Sa ngayon kailangan muna natin magsakripisyo na dalawa para sa kaligtasan mo na rin. Babalik ako sa’yo, Yngrid.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay mabilis niya akong binuhat na pangkasal at nagmamadaling pinasok niya ako sa loob ng helicopter.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay mabilis na sumakay si Iris kaya nagpumiglas ako dahil nagtagumpay si Devron sa ginawa niya ngayong plano. Kahit hirap na hirap sa pagpupumiglas ay pinilit ko pa ring itulak si Iris palayo sa akin pero hindi ako nagtagumpay.
“Tangina naman, Devron! Ako ang gusto nilang kuhanin pero ikaw lang ang haharap sa kanila ng mag-isa! Nangako ka, eh! Sabi mo sa harap ng Diyos ay sabay tayong lalaban pero bakit mo ginagawa sa akin ‘to! Ayokong malayo sa’yo, please sabay natin silang harapin. Baby… please,” humahagulgol kong pagmamakaawa pero mas lalo akong nadurog ng makita ko siyang napaluhod tila hirap na hirap sa narinig kaya ng ‘di ko na makayanan ay mabilis akong bumaba sa helicopter ay niyakap siya.
“Yngrid!” Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ni Iris at mahigpit na niyakap si Devron na ngayon ay humahagulgol na sa mga balikat ko. Kahit walang nagsasalita sa aming dalawa ay ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya na gawin rin ito.
“Baby… kailangan niyo ng umalis. Maabutan na nila kayo dito, mas lalong hihirap ang sitwasyon,” bulong niya pero umiling ako at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. “Kris Adler, ingatan mo ang asawa at ang kapatid ko. Kapag may nangyaring masama sa kanila ay may hindi magandang mangyayari sa’yo,” pagbabanta ni Devron kay Kris Adler na ngayon ay pilit na kaming pinaghihiwalay ni Devron gayon din si Iris na nasa likod ko na umiiyak na rin katulad ko.
“K-kuya, babalik ka. Babalik kayo ng buo at buhay… kapag hindi lang ay ako mismo ang papatay sa inyo ng asawa ko.” Pagkausap ni Iris at naramdaman ko naman ang pagtango ni Devron nang akmang iaangat ko na sana ang mukha ko ay napahiyaw ako sa sakit ng naramdaman kong parang may tumusok sa leeg ko.
Dahil don ay nakaramdam ako ng bigat ng katawan at ang huling nakita ko na lamang ay ang mukha ni Devron na hindi ko akalain na iyon na pala ang huling pagkikita namin. Dahil nagising na lang ako sa loob ng helicopter dahil sa sigaw ni Iris na ngayon ay natataranta at natatakot.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nasa himpapawid dahil hanggang ngayon ay lulan pa rin kami ng helicopter na ngayon ay dala-dala ni Kris at seryoso na rin ang mukha habang may kausap sa kabilang linya. Muli na namang tumuon ang atensyon ko ng sunod-sunod ang pagmumura ni Iris sa tabi ko.
“Fuck! Tingnan mo ulit kung kaya mong iconnect sa cctv at earpiece nila, Gelene!” Gigil na utos nito at ilang segundo pa ay muling nagsalita ito. “Paanong hindi ka maka-connect, Gelene? Hindi mo rin mahack ang cctv?” Sunod-sunod niyang tanong at napapikit na lamang na para bang hindi niya nagustuhan ang narinig sa kabilang linya. Kaya hindi na ako nakapagtimpi at nagsalita na.
“Anong nangyayari, Iris?” Nang marinig niya ang boses ko ay tulala siyang tumitig sa akin na para bang ayaw niyang sabihin ang nalaman pero malakas siyang bumuntong hininga at kitang-kita ko ang takot at pangamba sa mga mata niya ay lakas loob siyang nagsalita na ikinaguho naman ng mundo ko.
“Nanganganib ang buhay nila Devron.”