Kabanata 20: Beach

Yngrid

MALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko.

Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo.

Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya.

Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon.

Nang makita kong presentable na ang suot ko ay nagdesisyon na akong bumaba. Sa bawat paghakbang ng paa ko ay hindi ko maiwasang mamangha sa bawat pigura at painting na nakikita ko. Halatang galing pa yata ito ng ibang bansa at sumisigaw ito kung gaano ito kamahal.

Talagang mayaman nga si Devron. Grabe siya na.

Narinig kong may gumagalaw sa kusina kaya dahan-dahan akong pumunta doon at napasandal ako sa pader ng makita kong naka-black t-shirt si Devron kaya lihim akong napangiti. Ngayon ko lang narealize na sobrang swerte ko kay Devron dahil ako ang babaeng mahal niya kaya karapat-dapat lang na ipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at tahimik siyang niyakap mula sa likod kaya naramdaman ko naman ang panandaliang pagtigil niya sa ginagawa habang ako naman ay pumikit at ninamnam ang init ng katawan niya.

“Good morning, baby,” bati niya ng makabawi siya kaya lumipat ako sa tagiliran niya at niyakap siya. Nakita kong napangiti siya at hinalikan ang noo ko kaya nakaramdam na naman ako ng paru-paro sa tyan ko.

“Paano mo nalaman ako ‘to?” Pagtatanong ko at pinatay niya muna ang kalan at nahampas ko ang braso niya ng buhatin niya ako at iniupo sa upuan, mabilis naman niyang niyakap ang bewang ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko na parang inaamoy ito.

“I know your scent and warmth of your body, Yngrid,” paos niyang sagot kaya nakailang lunok ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon ng marinig ko ang sinabi niya. Kinikilig ako sa mga oras na ito kaya niyakap ko siya pabalik at mariin ko namang hinalikan ang pisngi niya na ikinatawa naman niya.

“Ganito ka pala magmahal, Yngrid. Mas lalong nakakahulog. Damn,” ramdam ko ang panggigil sa boses niya kaya ako naman ang natawa. Umalis ako sa pagkakayakap niya at marahang hinaplos ang pisngi niya. Lumamlam naman ang mga mata niya ng gawin ko iyon kaya matamis akong ngumiti sa kanya.

“Mahal na mahal kita, Dev. Hindi ko man alam ang mangyayari sa susunod na araw pero handa akong harapin ‘yon dahil mahal kita. Handa akong harapin ang mga panghuhusga nila pero mas mamahalin pa kita. Matagal ko ng gustong sabihin sa’yo to at ngayon ay nasabi ko na. Lalaban tayo sa mga taong paghihiwalayin tayo,” emosyonal kong saad at napapikit na lamang ng magaan niya akong halikan.

Pinunasan niya ang luha ko at ipinagdikit ang noo naming dalawa. “Damn baby, we will fight. Hindi ko hahayaang masaktan ka ulit nila. Magbabayad sila, magbabayad sila sa ginawa nila sa’yo. Ngayong nasa akin ka na, hindi ko na hahayaang mawala ka pa ulit sa akin.”

MATAPOS naming kumain ay diretso takbo ako sa labas ng rest house ni Devron. Napapatalon na lang ako sa tuwing nararamdaman ko ang malamig na tubig sa paa ko. Ang pinong buhangin ay sumasama sa mga paa ko dahil basa ito.

Naramdaman kong may matitipunong braso ang pumalibot sa bewang ko kaya isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at sabay naming pinanood ang papalubog na araw. Naramdaman ko naman na pinapaulanan niya ng halik ang balikat ko kaya nakiliti ako at mahinang natawa.

“I’m content now, Yngrid. It feels like home when you’re in my arms. I love you, Yngrid.” Madamdaming saad niya kaya pumikit ako at nanalangin na sana ay tumigil muna ang oras dahil alam kong pagbalik namin sa dating buhay ni Devron ay iba na ang kakaharapin ko. Nang akmang magsasalita na sana ako pero natigil ito ng makarinig ako ng matitinis na boses sa kaliwa ko kaya napalingon ako dito.

“Kuya Dev-dev! Kuya Dev-dev!” Panabay na sigaw ng apat na bata na ngayon ay tumatakbo sa direksyon ni Devron at napangiti na lang ako ng sabay-sabay silang yumakap. Nang pagmasdan ko si Devron ay kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya habang kausap ang apat na bata. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Panigurado akong magiging mabuting ama si Devron kapag nagkaroon na siya ng anak. Pansin kong mahilig siya sa mga bata kaya segurista ako na magiging mabuting ama siya sa magiging anak niya.

“Kuya Dev-dev, sino po si Ate Ganda?” Turo sa akin ng batang lalaki habang nakatingin sa akin kaya kumaway ako at nginitian siya. Nakita ko namang pumula ang pisngi niya dahil sa ginawa ko at nagpapakilala.

“Ako si Ate Yngrid-” Bigla na lamang naputol ang sinasabi ko ng sumingit si Devron at nakangising sumagot.

“Siya si Ate Yngrid, asawa ni Kuya Devron,” aniya kaya ako naman ang namula at napailing na lamang ng umulan ng pang-aasar sa apat na bata. Nagulat na lang ako ng may humigit sa akin at sinabuyan ako ng tubig kaya gumanti naman ako.

“Ikaw po pala si Ate Ganda na tinutukoy ni Kuya Dev-dev na lagi niyang kinekwento sa amin. Alam niyo po bang ikaw po lagi ang sinasabi ni Kuya Dev-dev kapag nagpupunta siya dito,” panlalaglag ng isa sa kanila kaya natawa na lang ako at mapang-asar na tiningnan si Devron na ngayon ay namumula na ang pisngi. Siguro ay nahihiya dahil nilaglag siya.

“Talaga? Ano pang sinasabi niya sa’yo?” Pangungulit ko pa kaya naman napahawak naman siya sa baba niya na akala mo ay malalim na nag-iisip. Nakakatuwa naman ang batang ‘to.

“Sabi niya pa po, papakasalan ka raw po niya kapag naging kayo raw po. Kaso may problema po,” tumigil siya saglit at naramdaman ko namang umupo si Devron sa tabi ko at ipinagsiklop ang kamay naming dalawa.

“Kung papayag ka raw pong magpakasal kay Kuya Dev-dev. Payag ka po ba Ate Ganda?” Pang-uusisa niya kaya palihim naman akong napangiti habang ang katabi ko naman ay humigpit ang pagkakahawak sa mga kamay ko na akala mo ay hindi handa sa isasagot ko.

Kaya bago sumagot ay tiningnan ko siya ng malalim sa mga mata niya para malaman niyang seryoso ako sa mga sasabihin ko.

“Oo naman, kapag handa na ako ay papakasalan ko ang lalaking mahal ko,” walang pag-aalinlangan kong sagot at sunod-sunod naman na mura ang narinig ko sa kanya.

“Fuck. Damn it. Goddamn it, baby. You make my heart flutter. Kapag natupad na ang pangarap mo at maayos na ang lahat, papakasalan kita.” Aniya sa desididong boses kaya tumango na lang ako at masayang nakipag-usap sa mga batang kasama namin ngayon.

“Ikaw ha, inlove na inlove ka talaga sa akin,” pang-aasar ko habang hawak kamay kaming naglalakad sa malamig na dalampasigan. Ang buwan na lamang ang tanging ilaw namin sa mga oras na ito. Balak naming pumunta sa bonfire activity ni Devron.

“Of course, sino ba naman hindi ka mamahalin. You’re not just beautiful Yngrid, also your mindset too,” paos niyang wika kaya kinurot ko naman siya sa pisngi dahil pinapakilig na naman niya ako.

Habang papalapit kami sa umpukan ng tao ay muli na naman akong nagsalita dahil may naalala akong isang tao na masasaktan kapag nalaman niya ang relasyon namin ni Devron.

“Si Kalista, Dev. Paano na siya?” Nababahala kong tanong kaya tumigil kami saglit sa paglalakad at ikinulong niya sa palad ko ang pisngi ko at mariing tumingin sa mga mata ko.

“Matagal ko na siyang pinapatigil, baby. But if she finds out our relationship is and once she hurt you. Kakalimutan kong babae siya,” aniya sa malamig na boses kaya hinalikan ko siya para pakalmahin na ginawa naman niya.

Akmang magsasalita na sana ako pero napahiwalay ako kay Devron ng marinig ko ang isang boses na lalaki na ngayon ay tumatakbo sa direksyon ko. Kahit madilim ang kinatatayuan namin ay natulos na lang ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang taong matagal ko ng kinakalimutan at iniiwasan.

Nang makita niya ang naging reaksyon at itsura ko ay napangisi siya at pinasadahan ang buong katawan ko kaya hindi ko namalayang napasiksik na pala ako kay Devron na ngayon ay naging alerto sa kilos ko.

“Long time no see, Yngrid.”