Chapter 21: Kabanata 21: Huli
Yngrid
NAPASINGHAP na lang ako ng hawakan niya ako sa kamay kaya mabilis naman itong inalis ni Devron kaya dito naman napatingin ang lalaking muntikan ng sumira sa buhay ko. Napangisi siya at mas lalo pang lumapit kaya hindi ko naman maiwasan ang mapasigaw sa sobrang takot kahit pinoprotektahan naman ako ni Devron.
“Yngrid, gusto ko lang naman ulit mahawakan ang makinis at malambot mong balat. Ayaw mo pa rin o siguro ay may nakahawak na kaya ayaw mo naman sa akin,” mapang-asar niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin at ng akmang sasampalin ko na sana siya sa mukha pero naunahan ako ni Devron dahil mabilis niya itong kinwelyuhan.
“Anong sabi mo sa girlfriend ko?” Mapanganib ang boses ni Devron dahilan para manlamig ako pero itong lalaking na kaharap niya ay ngumisi lamang at muli akong pinasadahan ng tingin kaya tumalim ang pagkakatitig ko sa kanya.
“Tantanan mo na ako, Julio.” Matapang kong sagot pero mahina lang siyang natawa at napatingin kay Devron na ngayon ay umiigting na ang panga at handa na yatang pumatay pero alam kong pinipigilan niya ang sarili niya dahil nasa harapan niya ako.
“Kaya pala ayaw ng magpahawak dahil may humahawak na sa kanya. Mas magaling ba siya sa akin, Yngrid?” Demonyong pagtatanong niya at napasigaw na lang ako ng tumalsik siya sa buhanginan at dinagaanan ni Devron na ngayon ay hindi na maawat dahil sa narinig.
“Tangina ka! Wala kang karapatan bastusin ang girlfriend ko! Wala kang karapatan na hawakan siya dahil simula’t-sapul pa lamang ay akin na siya! Gago ka, mapapatay kita!” Galit na galit na sigaw ni Devron kaya mabilis ko siyang hinilat at niyakap. Walang nakakapansin sa pwesto namin dahil sa malakas na music na sumasabay dito.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit para pakalmahin siya sa ginagawa niya. Ayoko lang na makapatay siya ngayon, alam kong may karma na dadating kay Julio. “Baby, uwi na tayo. A-ayoko siyang makita, lumayo na tayo dito,” pagmamakaawa ko kaya tumigil siya pero malalim pa rin ang paghinga niya.
“Hindi pa ako tapos sa’yong gago ka, kilalanin mo ang binabangga mo. Baka bukas ay naghihirap ka na,” pagbabanta ni Devron at hindi ko na nakita ang reaksyon ni Julio dahil binuhat niya na ako at tumalikod na.
Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay unti-unti ng humuhupa ang takot na nadarama ko dahil nasa bisig na ako ni Devron, saglit kong inangat ang mukha ko at kitang-kita ko pa rin ang galit sa mga mata niya na para bang gusto niya ng pumatay ng tao.
Kaya ang ginawa ko ay mahigpit kong niyakap ang mga leeg niya at hinayaan muna siyang magapalamig ng ulo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako sa malambot na kama at naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Devron kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
“Sorry, hindi tayo nakapunta sa bonfire,” paghingi ko ng tawad kaya hinalikan niya ang noo ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay niya kaya mas lalo pa akong kumalma sa ginagawa niya.
“It’s okay, baby. May next time pa naman. By the way, can you… can you tell me what that bastard is talking about?” Bumalik na naman ang galit sa boses ni Devron kaya napakagat labi ako at napatulala saglit sa kawalan ng maalala ko ang nangyari anim na taon na ang nakakalipas.
“Si Julio, ang lalaking anak ng kapitan sa amin at may lihim na pagtingin sa akin. Aware naman ako doon pero inilalayo ko ang sarili ko sa kanya dahil ramdam kong may hindi siya magandang gagawin sa akin,” panimula ko at naramdaman ko naman ang pananahimik ni Devron kaya nagpatuloy ako.
“Routine ko ang ganoon kapag mapapadaan ako sa bahay nila o kaya sa University na pinapasukan ko ay iniiwasan ko siya hanggang isang araw hindi siya nakapagtimpi at basta na lang ako hinigit sa madilim at doon,” saglit akong tumigil sa pagsasalita dahil nararamdaman ko naman ang panginginig ng kamay ko kaya hinawakan niya ito.
“At doon ay muntik niya na akong pagsamantalahan-” Hindi ko agad natapos ang sinasabi ko ng mabilis na umalis si Devron sa tabi ko at may kinuha na baril sa drawer kaya mabilis akong humarang sa pinto at niyakap siya.
Makakapatay na talaga si Devron kapag hindi ko siya pinigilan.
“Baby, please kumalma ka. A-ayokong pumatay ka sa harapan ko. Alam kong babalik din sa kanya ang ginagawa niya,” pagmamakaawa ko kaya naramdaman kong pumalibot ang braso niya sa bewang ko at muli kaming bumalik sa kama.
Hinawakan ko ang mukha niya at mariing tumingin sa mga mata niya na ngayon ay punong-puno ng galit. “Damn him. Damn that bastard, Yngrid. Hindi ako makakapayag na gantihan ka sa ginawa niya. I’ll make sure that all his hardships will turn into ashes. Ginalaw niya ang pagmamay-ari ko, gagalawin ko rin ang pagmamay-ari niya.” Bawat salitang binibitawan niya ay para bang gagawin niya ang lahat. Nangilabot naman ako ng tumingin ang malalamig niyang mata sa akin.
“Ang akin ay akin, Yngrid. Kung sino man ang gagalaw at mananakit sa’yo ay paniguradong bala ko ang sasalubong sa kanila. You’re mine, Yngrid.”
NAGISING na lang ako ng may nararamdaman kong may humahaplos na mainit na bagay sa pisngi ko. At ng imulat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa aking ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Devron kaya napaiwas naman ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ko.
Lord, bakit kasi ang gwapo ni Devron.
“Good morning, baby. Bangon na dyan, nandito si Iris,” saad niya kaya nanlaki naman ang mata ko at inalalayan niya ako sa pagbangon. Dumiretso naman ako banyo para maghilamos at magsipilyo, nang tapos na ako ay nakita ko naman si Devron na nakahilig lang sa pintuan na tila ay hinihintay pa ako.
Magkahawak kamay kaming bumaba ni Devron sa sala at doon ay naabutan naming naglilinis si Iris ng baril, nang maramdaman niya ang presensya namin ay umangat ang mukha niya at nagtama ang paningin naming dalawa na ikinangisi niya.
“Akala ko ay tinanan ka na ni Devron gawa ng nalaman nila Papa na magkasama kayong dalawa. Muntik ka pa ngang puntahan nila Mama kasi akala niya ay tinanan mo na ‘yang si Yngrid, dapat ay pinakasalan mo raw muna,” may halong pang-aasar niya kaya tumawa naman ang katabi ko habang ako naman ay pekeng tumawa.
“Dadating naman kami dyan, Iris at saka wala pang nangyayari sa amin ni Yngrid,” walang prenong sagot ni Devron kaya hindi ko naman maiwasang hampasin siya sa braso dahil baka iba ang isipin ni Iris lalo na at kaming dalawa ni Devron ang magkasama dito.
“Devron, bunganga mo.”
“Sanay na ako sa mga ganyan ni Devron. Ikaw ba naman ang laging bukambibig kung magkikita kami. Kailan ba kasi kayo magpapakasal?” Panguusiyosyo niya kaya sabay kaming natahimik ni Devron.
“Gawin mo na lang ‘yung pinag-uutos ko sa’yo. Alis na, iniistorbo mo kami ni Yngrid,” malditong saad niya kaya inirapan siya ni Iris at isinukbit na ang ba niya na hindi ko alam ang mga laman. Bago siya umalis ay tumingin muna siya sa akin at ngumiti.
“Kapag nag-propose sa’yo si Devron, huwag mong sasagutin. Bwisit siya.”
Natawa na lang ako ng nakasimangot siyang umalis at inaya naman ako ni Devron palabas ng resthouse at dinala niya ako sa cottage na puno ng mga pagkain kaya nagtataka ko naman siyang tiningnan.
“Pambawi kagabi, hindi tayo nakapag-bonfire kaya date na lang tayo dito.” Nakangiting paliwanag niya kaya sinumulan ko naman siyang subuan ng pagkain at ganoon din siya sa akin. Minsan naglalandian kami pero mas lamang ang seryosong pag-uusap namin sa buhay.
“Baby, kunwari hinayaan kitang gawin ang gusto mo. Ano ang una mong gagawin?” Seryoso niyang pagtatanong habang nakahiga ako sa dibdib niya at sinusuklay naman niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.
“Tatapusin ko na ang pag-aaral ko tapos magaapply ako bilang model. Ikaw?” Balik kong tanong sa kanya kaya wala siyang pagdadalawang isip na sumagot.
“Hihintayin kita tapos magpapakasal na tayong dalawa.”
“Bakit mo pa ako hihintayin? Paano kung matagalan ako sa pag-abot ng pangarap ko, hihintayin mo pa rin ba ako?”
“Oo, hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Ikaw na lang ang kulang sa akin, Yngrid. Kuntento at masaya na ako kapag kasama kita, kaya kahit matagal mong makuha ang pangarap mo ay hihintayin pa rin kita.”
Dahil sa narinig kong ‘yon ay hindi ko maiwasang mapangiti. Anong ginawa ko at sa akin napunta si Devron?
Matapos ang ginawa namin ay ang nagdesisyon akong maglibot-libot sa lugar na pinuntahan namin. Nakita ko ang iba’t-ibang souvenir shop, marami akong nakita na maganda pero hindi ako nakabili dahil hindi ko dala ang pera. Siguro pagbalik ay isasama ko si Devron para makalibre sa kanya, charot.
Hindi ko namalayan na napalayo na ako sa lugar namin. Alam ko naman na hahanapin ako ni Devron dahil susundan niya ako pagkatapos ng importanteng gagawin niya. Napadpad na pala ako sa mabatong lugar kaya umupo ako sa isang bato at nagpahangin.
Dito muna ako mamamalagi dahil baka dumating si Devron. Pinanood ko lang ang alon na humahampas sa mga bato na nasa ibaba, ang ibon na malayang lumilipad kaya napangiti ako at napahinga ng malalim. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagmahal ka. Masaya pero alam kong may iilan na sakit ako na kailangang pagdaanan kaya kailangan maghanda rin ako.
Nang makarinig ako ng kaluskos sa likuran ay nakangiti akong humarap dahil sa pag-aakalang si Devron ang sasalubong sa akin pero nagkamali ako. Iba ang sumalubong sa akin at hindi ko alam kung paano siya napadpad sa lugar na ito.
Si Kalista na may hawak na baril na ngayon ay nakatutok na sa akin.