Chapter 19: Kabanata 19: Pag-amin

Yngrid

WALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas.

Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya.

“Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran.

“Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy.

“Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”

“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus naman ang braso niya at tinaasan ako ng kilay, hindi ko alam kung para saan na naman ang ipinapakita niyang ugali sa akin.

“Ano na namang problema mo sa sagot ko?”

“Alam mo Yngrid kung pwede lang na batukan ka ngayon para matauhan ay gagawin ko. Bakit pinag-iisipan mo pa kung kailan ka aamin? Umamin ka na ngayon, alam mo kung bakit? Para tumigil na ang Kalista na ‘yan na lumapit ng lumapit kay boss. Ikaw na lang pala ang hinihintay niya para maging mutual ang feelings mong dalawa, ang kupad-kupad pa,” mahaba niyang litanya kaya huminga na lang ako ng malalim at napaiwas ng tingin.

“Alam ko ang pinupunto mo pero kumukuha lang ako ng lakas ng loob na umamin. Kaya kalma, aamin din ako,” biro kong sagot pero hindi na lang siya kumibo at sabay kaming pumunta sa kusina kung saan naabutan namin si Manang na may hinahandang pagkain kaya tinulungan na namin ito.

“Oh Yngrid, bakit nandito ka sa baba? Dapat ay hinintay mo na ang Senyorito sa taas dahil mabilis lang naman ang gagawin niyang pagkausap kay Kalista,” ani ni Manang kaya imbis na ako ang sumagot ay naunahan ako ni Gelene na ngayon ay kinuha ang juice kaya tinapay na ang kinuha ko.

“Nainip po kakahintay kay boss kaya sumabay na muna sa akin,” tipid niyang sagot kaya napatango na lamang si Manang at ako naman ang nagtanong kung saan ba dadalhin itong mga pagkain na inihanda niya.

“Manang saan po ba ito dadalhin?”

“Sa garden niyo dalhin, nandoon nag-uusap ang dalawa. Kaya pumunta na kayo,” pagtutulak sa amin ni Manang kaya sabay na kaming lumabas ni Gelene sa kusina at habang tinatahak namin ang daan papunta sa graden ay muli na namang nagsalita si Gelene.

“Sinasabi ko sa’yo, be. Umamin ka na at baka maunahan ka pa ng iba,” pananakot niya tumango na lang ako pero ang pagtango ko ay biglang napatigil ng ibang senaryo ang naabutan namin sa garden.

Si Devron at Kalista na magkayakap.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa tray at napaiwas ng tingin ng magsalubong ang mata naming dalawa ni Devron na ngayon ay punong-puno na ng takot. Mas lalong nanikip ang dibdib ko at walang pasabi na inilapag ang tray sa harapan nilang dalawa.

“Yngrid,” anas ni Devron pero pinagpatuloy namin ni Gelene ang ginagawa namin at hindi inalintana ang nangangamba niyang boses.

Nararamdaman ko naman ang paninitig nilang dalawa sa akin pero yumuko lang ako para pigilan ang sarili ko na maiyak, ang sakit pala sa puso kapag ang lalaking mahal mo ay kayang yakapin ng iba.

“Papasok na po kaming dalawa ni Yngrid, senyorito,” seryosong saad ni Gelene at bigla na lamang akong hinigit paalis sa lugar na iyon, hindi pa man kami nakakapasok sa kusina ay napasinghap na lang ako ng may humawak sa kamay ko at basta na lang ako hinigit sa kung saan.

“Senyorito,” panabay na pagkakabigkas ni Manang at Gelene ng makita kung sino ang may hawak sa akin ngayon. Gusto ko mang umalis sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa dahil ang higpit nito na akala mo ay mawawala ako sa tabi niya.

Pumasok kami sa elevator at hindi ko alam kung saan lugar na naman ako ng bahay niya dadalhin kaya minabuting tumahimik muna. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko dahil sa nakita ko. Alam kong wala lang iyon kay Devron pero nakaramdam ako ng inggit kay Kalista.

Dahil buti pa siya ay malaya niyang gawin ang lahat kay Devron dahil isang ordinaryo samantalang ako ay isang katulong kaya hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil baka iba ang maging tingin ng ibang tao sa paligid namin kapag nalaman nilang may relasyon kaming dalawa.

Ayoko lang na may masabi silang iba kay Devron kaya hindi pa ako pwede magtake ng risk kahit kaya ko naman talaga. Naghahanap lang ako ng tyempo pero sa bawat paghahanap ko ng tyempo ay kailangan kong magtiis at masaktan sa ginagawa ko.

Namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng kwarto niya ng maramdaman ko ang malambot na kama niya taranta naman akong tumayo pero napabalik ako ng yakapin niya ako at sabay kaming naupo sa kama. Dahil sa ginawa ni Devron ay unti-unting lumalambot ang puso ko at nawala na ang bigat sa dibdib ko.

Nakakainis, isang yakap niya lang mawawala na ang bigat sa dibdib ko.

“Baby, wala lang ‘yon. Hindi ko alam na gagawin niya ang yakap na iyon. I swear hindi ako gumanti,” paliwanag niya kaya nakailang pikit ako ng mata dahil naiiyak na naman ako. Gustong-gusto ko na talagang ipakita kay Devron kung gaano ko siya kamahal pero bakit ayaw ko pang umamin eh wala namang pumipigil sa akin.

Meron Yngrid, ang sasabihin ng mga taong nasa paligid mo ang pumipigil sa’yo pero hahayaan mo na lang ba na itago mo ang nararamdaman mo? Huwag kang duwag, ‘di ka pinalaki ng Tatay mo na magtago ng nararamdaman.

“Yngrid, kausapin mo naman ako,” pagmamakaawa niya at namalayan ko na lang na hawak-hawak niya ang pisngi ko at ng magtama ang mata naming dalawa ay tuluyan ng nalaglag ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Traydor na mga luha.

“Alam ko,” naiiyak kong saad at pumikit ng mariin si Devron saka pinunasan ang luha na dumadaloy na ngayon sa pisngi ko. Kitang-kita ko ang pagkabigla at pag-aalala dahil sa nangyayari sa akin.

“Damn, I made you cry. Why are you crying, baby? Please tell it to me,” mahinahon niyang utos kaya sinisinok naman akong sumagot sa kaniya.

“Kasi nasasaktan ako,” hindi ko na mapigilang umamin kaya naging malamlam ang mga mata niya na akala mo ay natutuwa sa mga naririnig niya na lumalabas sa bibig ko ngayon.

“Bakit ka nasasaktan?”

“Kasi kayang iparamdam sa’yo ni Kalista ang nararamdaman niyang pagmamahal… I’m sorry, hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon, Dev,” anas ko at mabilis na tumayo.

Dahil sa ginawa kong ‘yon ay kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya kaya sinamantala ko ito at dali-daling lumabas ng kwarto niya. Mabuti na lamang at walang nakakita sa amin kaya nagderetso ako sa kwarto ko at doon ay pinakalma ko ang sarili ko.

Bukas na bukas ay magde-desisyon na ako sa nararamdaman ko. Baka kapag hindi ko ito inilabas ng ayos ay sumabog na lang ako bigla at hindi makapaghanda sa harapan ni Devron.

…

KINABUKASAN ay rest day namin, nagpapasalamat na lang ako pagbaba ng tahimik na mansion ang naabutan ko. Hindi ko alam kung nasaan ang iba kong kasamahan, siguro ay umalis din sila para mag-relax.

Katulad ng naisip ko kagabi ay balak ko munang magpalamig para sa oras na aminin ko na kay Devron ang nararamdaman ko ay hindi ako magmumukhang ewan sa harapan niya. Oras na rin siguro para umamin sa kanya dahil tulad ng sinabi ni Gelene ay baka maagaw pa ng iba.

Nasa akin na nga, hahayaan ko pa bang mawala? Siyempre, hindi.

Nang akmang lalabas na sana ay nagulat na lang ako ng harangan ako ng isa sa mga guard kaya napakamot naman ako sa kilay ko dahil paniguradong marami na naman silang itatanong sa akin. Gusto ko lang naman lumabas, jusko.

“Ma’am saan po kayo pupunta?”

“Magpapahangin lang, Kuya. Promise, hindi ako magpapagabi,” paninigurado ko kaya matagal niya akong pinagmasdan at napahinga na lang ng malalim at tuluyan ng umalis sa harapan ko, kaya ngumiti naman ako at nagpasalamat.

“Mag-iingat po kayo, Ma’am. Kami po ang malalagot,” hindi ko na pinansin ang sinabi niya at deretso sakay na sa sasakyang naghihintay sa akin. Isa ito sa pinaka-gusto kong trabaho namin dito, kapag aalis kami o kaya rest day ay hinahatid kami ng mga driver sa kung saan namin gusto.

“Ma’am saan po tayo?” Tanong ni Kuya kaya sinabi ko ang lugar na pupuntahan ko. Habang binabagtas namin ang daan sa lugar na paborito ko ay tumigil muna kami sa isang store at patago akong bumili ng isang wine na nasa lata, trip kong uminom nito ngayon.

Baka makatulong na lumakas ang loob ko kapag umamin na ako kay Devron.

Makalipas ang ilang minuto ay na byahe ay tumigil kami sa isang payapang bahay na matagal ko ng hindi nabibisita, ang dati naming bahay. Ngumiti at nagpasalamat naman ako kay Manong ng makababa na ako. Pagtapak ko sa loob ng bahay ay malungkot akong napangiti dahil maraming alala ang bumalik sa akin.

Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa garden namin at doon ko nakita malaking duyan kaya umupo ako doon at inilagay sa mesa ang wine na hawak ko at binuksan ito. Dahil sa katangahan ko na malimutang magdala ng baso ay tinungga ko na lang ito.

Napangiwi na lang ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang mainit na sensasyon na dala ng wine kaya napangisi ako. Ano ba naman ‘tong trip ko, bat kasi tinungga ko ng tuloy-tuloy. Kaya habang iniinom ko ito ay marami namang katanungan ang pumasok sa isip ko.

Katulad ng kung ano ang susunod na mangyayari sa oras na umamin na ako kay Devron? Titigilan na ba siya ni Kalista? Huhusgahan ba kami ng mga nasa paligid namin dahil si Devron ay isang mafia boss at ako ay hamak na katulong lamang? Mas lalo ng manganganib ang buhay ko pero handa akong sumugal.

Dahil kagaya ni Devron ay ipaglalaban ko siya, wala na talagang makakapigil sa akin.

Hindi ko alam na habang nakatulala ako ay napatingin naman ako sa bote na hawak ko at natawa na lamang ng makita kong kalahati na lamang ang laman nito. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding hilo kaya mariin kong ipinikit at mga mata ko at ng buksan ko ito ay halos lumabas ang puso ko sa gulat ng makita ko kung sino ang nakaupo sa harapan ko at matiim akong tiningnan.

“Devron,” mahinang usal ko at namalayan ko na lamang na hawak-hawak ko na ang pisngi niya kaya pumikit siya at isinandal ang pisngi niya sa palad ko para maramdaman niya ang init na hatid nito.

“Mahal na mahal kita,” dugtong ko at mabilis naman niyang idinilat ang mga mata niya kaya nagpatuloy ako ng hindi siya magsalita, hindi ko alam kung bakit napaamin ako ngayon. Dahil ba sa alak o sa bugso ng damdamin ko.

“Alam kong magiging delikado ang buhay ko sa’yo pero malaki ang tiwala ko sa’yo dahil mahal kita. Mahal na mahal,” tumigil ako saglit dahil nagsimula ng mangilid ang luha ko at nagpatuloy ako. Siya naman ay taimtim lang na nakikinig sa akin.

“Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay maipakita ko sa’yo kung gaano kita kamahal katulad ng ginagawa mo sa akin. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari sa ating dalawa pero kagaya mo, handa kong harapin ang lahat makasama ka lang,” umiiyak kong saad at napaiyak na lang ng hinawakan ni Devron ang pisngi ko at pinagdikit ang noo naming dalawa.

Nang tingnan ko ang mga mata niya ay kitang-kita ko ang kakaibang kislap doon pero mas nangingibabaw ang pagmamahal sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang intensidad ng pagmamahal niya sa akin kaya hindi na ako nagdalawang-isip na hiliahin ang batok niya at siniil siya ng halik.

“Mahal na mahal kita, Devron. Mahal na mahal.” Saad ko sa pagitan ng halik naming dalawa at naramdaman kong pinalalim niya pa ito.