Kabanata 16: Punishment

Yngrid

PUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.

“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa.

Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin.

"Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang sinabi ko ikinulong niya ako sa dalawang bisig niya at ngumisi.

"Tell me, baby. You're thinking that Kalista is my girlfriend, right?" Malambing anas niya natulala ako saglit dahil sa tinawag niya sa akin.

Baby? Ako ba ang tinutukoy niya? Baka lasing ito at napagkamalang ibang tao ako.

"Lasing ka ba?" Hindi ko na mapigil ang tanong kaya mahina siyang natawa at napasinghap na lang ako ng dampian niya ako ng halik sa pisngi kaya mahina ko siyang naitulak.

"I'm not drunk, Yngrid. You're my baby," muli niyang paliwanag kaya naramdaman kong namula ang pisngi ko at mabilis umiwas ng tingin. Anak ng! Bakit ako kinikilig?!

"Gago ka ba?" Hindi ko na mapigilang anas kaya kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. "May pangalan ako, hindi baby ang pangalan ko. Mukhang nakainom ka yata, Devron. Kung ganto lang ay aalis na ako," naiiritang saad ko at halos matulos ako sa kinauupuan ko ng bumulong siya sa tainga ko.

"Walang aalis sa atin dito, Yngrid hanggat hindi natin naririnig ang paliwanag ng bawat isa…" Tumigil siya saglit at huminga ng malalim. "And I want to explain my side first. Hear me first, baby." Pagsusumamo niya at napakapit na lang ako sa gilid ng damit niya ng patakan niya ng mumunting halik ang panga ko papunta sa noo.

“Devron, stop,” pagsusumamo ko pero halos mangatal ang labi ko sa sunod niyang ginawa, marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at ng magtama ang mata naming dalawa ay may nakita akong kakaibang kislap sa mga ‘yon. May kung anong emosyon ang nakabahid dito pero mas nangingibabaw ang pagmamahal na tingin niya.

Pagmamahal? Baka namamalikmata lang ako, imposibleng tingnan ako ng ganon ni Devron.

“Kalista is not my girlfriend,” panimula niya pero ang paningin niya ay nasa akin. “Wala kaming relasyon at kailan hindi naging kami. Kahit ilang beses ko siyang ipagtulakan at sinabing may ibang babae na nagmamay-ari na sa akin ay hindi siya naniniwala at patuloy pa rin sa akin sa paglapit,” dugtong niya pa at tinantiya ang emosyon ko.

Alam kong nakita niya ang mabilis na pagdaan ng sakit sa mga mata ko mabilis ko itong iniwas, ayokong makita at malaman niyang may nararamdaman na ako sa kanya. Pero muli na naman nitong hinaplos ang pisngi at pinaharap sa kanya.

“At ikaw ‘yon, Yngrid. Ikaw ang babaeng nagmamay-ari sa akin,”anas niya kaya kumunot ang noo ko at ng akmang magsasalita na sana ako pero hindi ko na naggawa dahil hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa sa akin.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at nawalan na ng espasyo ang katawan namin ng maglapat ang labi naming dalawa, natulos ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa ni Devron. Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ko dahil sa bilis ng tibok ng puso nito. Gusto ko siyang itulak palayo pero nadala na ako sa magaan niyang halik at tumugon na rin.

First kiss ko ‘to, ‘di ko alam kung tama ba’to.

Naramdaman ko ang pagngiti niya at mas lalo niyang hinapit ang bewang ko para mas mapalapit pa sa kanya kaya kumapit na ako sa batok niya at mas idiniin pa ang labi niya sa akin. Kasabay ng paggalaw ng labi ni Devron ay ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso naming dalawa na tila sumasabay ito sa ritmo.

“Oh god, ang tagal kong hinintay na matikman ito, Yngrid and finally… nakuha ko rin,” bulong niya ng matapos namin ang ginawa kaya para hindi niya makita na namumula ako ay humilig ako sa dibdib niya na ikinatawa naman niya.

“My baby is shy but don’t worry. I love kissing your lips now, they are sweet and…” Tumigil siya at muling tiningnan ang mga labi ko kaya hinampas ko ang braso niya. “Delicious.”

“Hindi kita pagmamay-ari, Devron,” anas ko pero umiling lamang siya at nagulat na naman ako ng dampian niya ako ng halik sa labi. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. “A-at walang tayo, so kailan kita naging pagmamay-ari?” Hindi ko na mapigilang tanong kaya ngumisi siya at taimtim akong tiningnan.

“Simula ng tumapak ka sa mansyon na’to at ng dumating ka sa buhay ko ay pagmamay-ari na kita… at kahit hindi mo sabihing may nararamdaman ka na sa akin ay alam ko ‘yon, naghihintay lang ako ng pagkakataon na umamin ka sa akin. Dahil Yngrid, sa oras na malaman kong mahal mo ako, ipaglalaban kita. Isusuko ko ang lahat dahil ikaw na lang ang hinihintay ko,” anas niya at napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil hindi ko maproseso ang mga sinabi niya.

"Devron, hindi mo kailangan isuko ang lahat ng dahil sa akin dahil simula't sapul pa lamang ikaw ang naghihirap diyan at hindi ako. Kaya huwag mong isuko ang lahat ng dahil lang sa akin," sagot ko at nakita kong umawang ang labi niya sa sinabi ko.

Hindi ko na kasi mapigilan ng masabi ko iyon. Pakiramdam ko kasi ay talagang gagawin niya iyon. Kilala ko si Devron, kapag sinabi niya ay gagawin niya at hindi siya titigil kapag hindi niya ito natapos.

"At saka wala naman tayo kaya hindi kita pagmamay-ari," lakas loob kong anas at ng tingnan ko muli siya ay kumuyom ang kamao niya at marahas na huminga na akala mo ay nagpipigil sa kung ano ang gagawin niya.

"Yngrid, ipapakita ko sa'yo gaano ako kaseryoso sa'yo kahit sa tingin mo ay parang nagbibiro ako," matapang saad niya at napasinghap na lamang ako ng haplosin niya ang pisngi ko at direktang tumingin sa mga mata ko.

"At sa oras na nanggaling na mismo sa mga bibig mo na mahal mo na rin ako, ipaglalaban kita hanggang sa gusto ko."

…

HANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Devron, hindi ko alam kung umamin ba siya o dala lang yon ng bugso ng damdamin niya pero hindi pa rin ako makapaniwala sa kanya.

Mahal? Mahal niya ako? Pero paano nangyari 'yon? Baka pinagloloko niya lang ako? Pero hindi, eh. Sa bibig niya na mismo nanggaling na papatunayan niya ang nararamdaman sa akin. Kaya umayos na lang ako ng higa at malakas na bumuntong hininga.

"Lord, alam kong may nararamdaman ako kay Devron pero hindi ko naman aakalain na mauuna siyang aamin sa akin… grabe ka manggulat. Naiistress tuloy ako," natatawang saad ko pero muli akong natulala.

"Pero Lord kung seryoso na talaga 'to, hayaan mo pong mismo na ang puso naming dalawa ang gumawa ng paraan. Natatakot ako, Lord. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Kilala ko si Devron, kung ano sinabi niya ay gagawin niya. Huwag sanang dumating sa puntong isuko niya ang lahat dahil sa akin. Huwag na huwag sana…"

Kinabukasan ay rest day naming lahat, nakuha ko na rin ang sahod ko at balak ko itong itago ang iba. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang pinag-usapan namin ni Devron kaya napailing na lang ako at magdesisyon pumunta ng mall para may bilhin.

Nang matapos kong maligo ay nagsuot ako ng highwaist na pantalon at croptop na kulay maroon. Pinaresan ko na rin ng puting sapatos at sling bag kung saan dito nakalagay ang importanteng gamit ko na dadalhin. Nang makita kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na.

Hindi ko alam kung nasaang lupalop na naman ng mundo si Devron. Hindi ko pa nakikita. Nagkagulatan pa kami ni Gelene ng makita ko siya sa baba at kagaya ko rin ay nakapang-alis din siya.

"Saan ka pupunta?" Ako na mismo ang nagtanong kaya kumapit siya sa braso ko at hinila na ako palabas ng mansion, ng akmang lalabas na sana kami ng gate ay hinarangan kami ng dalawang bodyguard.

“May gagawin lang sa maal,” sagot niya na sinundan naman nitong guard.

"Saan po kayo pupunta Ma'am Yngrid at Ma'am Gelene?"

"Sa mall lang magagala lang kaming dalawa ni Yngrid, bakit niyo natanong?" Pagtataka niya kaya tumabi naman ang guard at tuluyan na kaming pinalabas.

"Ipapaalam lang po namin kay Sir Devron at Sir Storm ang pag-alis niyo pong dalawa. Ihahatid na po kayo ni Lito papuntang mall.” Sagot niya kaya nagkatinginan muna kami ni Gelene bago sumakay sa sasakyang tumigil sa harapan namin, mabuti na lamang at umalis ang iba naming kasamahan. Baka kapag nakita nila kami ay panigurado ng pag-uusapan kaming dalawa lalo na si Aubrey.

“Anong meron sa inyo ni Senyorito?”

“Anong meron sa inyo ni Sir Storm?”

Sabay naming tanong sa isa’t-isa kaya natawa na lang kami at nailing, nakita ko pang medyo namumula si Gelene kaya kinurot ko siya sa tagiliran ikinasigaw at ikinaiwas naman niya. Alam ko na kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa.

“Nagde-date kayo no?” Pagbibiro ko pa at natawa na lang ng umamin siya. Huli ka! Mukhang date nga ang gagawin nila ni Storm kaya napangiti na lang ako dahil masaya ako kay Gelene. Mukhang mauunahan niya akong magkaroon ng lovelife.

Sana all.

Makalipas ang ilang minuto ay naghiwalay na kami ni Gelene dahil sa ibang way pala siya ng mall pupunta, kumaway na lang ako at tuluyan ng tumalikod para bilhin na ang dapat kong bilhin. Pumasok ako sa Victoria Secret na shop dahil nandito ang pabango na lagi kong binibili kapag sumasahod ako. Marami pa akong binili katulad ng damit, sapatos at mga bagay na kailangan ko.

Ang huli ko namang ginawa ay ang kumain sa fast food chain para hindi na ako kakain sa bahay pag-uwi. Nawala na rin ang mga pinamili ko dahil nakasalubong ko sila Gelene at siya na mismo ang nagprisinta na magdala ng mga binili ko dahil mauuna pala siyang uuwi sa akin.

Noong una ay nahihiya pa nga ako dahil naistorbo ko yata sila pero pinilit niya ako at wala na akong magagawa kundi ibigay sa kanila at manood sa sinehan na matagal ko ng gustong gawin. Nang matapos ako ay hindi ko namalayan alas-dyes na pala ng gabi, mukhang napasarap ako sa ginagawa ko.

Kaya ng makuntento na ako ay sinukbit ko na ang sling bag ko at kumunot na lang ang noo ko ng makitang tumatawag sa akin si Devron kaya walang nagdadalawang isip ko itong sinagot, akmang magsasalita na ako pero naunahan niya na ako.

“Where are you, Yngrid?” Bakas ang pagaalala at pagmamadali sa boses niya kaya saglit akong napatigil sa paglalakad ng makalabas na ako ng mall. Anong nangyari dito kay Devron?

“Nasa labas na ng mall, bakit?” Taka kong tanong at nailayo ko ang cellphone ko ng sunod-sunod na mura ang narinig ko sa kabilang linya, narinig ko pa ang mabilis na tunog ng sasakyan na akala mo ay hinahabol siya.

Teka? Nagda-drive ba tong si Devron?

“Bumalik ka sa loob ng mall,” utos niya kaya napakamot na ako sa kilay dahil nagtataka na talaga ako.

“Bakit ba? Magsasara na ang mall, imposibleng papasukin pa nila ako dito,” sagot ko pa kaya narinig ko ang marahas niyang paghinga.

“Just do what I said baby, please,” pagmamakaawa niya kaya nakaramdam ako ng kilig ng sabihin niya ‘yon. “At huwag mong papatayin ang tawag hangga’t hindi ako nakakarating sa’yo,” dugtong niya pa at tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

Nang akmang tatalikod na sana ako para gawin ang sinasabi niya ay nabigla na lang ako ng may tumigil na kulay itim na van sa harapan ko at lumabas don ang dalawang lalaki na nakabonet. Dahil sa takot na nararamdaman ko ay mas humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at sunod-sunod ang pagtawag sa akin ni Devron, akmang tatakbo na sana ako para makatakas pero mabilis kumilos ang dalawa at tinakpan ng ilong ko ng panyo dahilan para manlabo ang paningin ko at mabitawan ang cellphone na hawak ko.

“Devron.”