Chapter 17: Kabanata 17: Tattoo

Yngrid

NANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.

Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?

“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila.

Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.

“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeling ko ay matutumba na ako.

“At saka ano kayang amoy mo? Mukhang mabango ka, eh,” mapaglarong dugtong niya pa at napasinghap na lang ako ng marahas niyang iangat ang ulo ko at inamoy ang leeg ko.

Dahil sa sobrang taranta at takot na nadarama ko ay mabilis ko siyang sinipa sa tuhod na ikinasigaw niya sa sakit kasabay no’n ay masama ko siyang tiningnan dahilan para manlinsik ang mata niya at mabilis na lumapit sa akin.

“Gagp ka! Wala kang karapatang gawin sa akin ‘yon da-”

Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng malakas na sumampal sa akin ang kamay niya kaya napabaling ako sa kaliwa, ramdam na ramdam ko ang hilo sa ginawa niya. Miski ang dugo ko sa labi ay nalasahan ko dahil pumutok ito. Pucha! Kapag nakawala talaga ako dito ay lalabanan ko siya.

“Tarantado kang babae ka! Halika dito ng maparusahan ka!” Gigil niyang sigaw at napasigaw na lang din ako ng malakas niya akong sabunutan kaya pinagsisipa ko siya hanggang sa makaya ko, napahiyaw na lang ako ng muli niya akong sampalin sa kabilang pisngi kaya lakas loob ko siyang sinamaan ng tingin,

Shet, bugbog sarado na ako sa hinayupak na’to.

“Ano bang kailangan niyo sa akin?! Wala kayong makukuha sa akin dahil mahirap lang ako!” Nanggagalaiti kong sigaw kaya tumawa naman ang tatlong lalaking na nasa harapan ko at may lumapit na isa sabay hawak sa panga ko.

Sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay pakiramdam ko ay sa akin niya binubuhos ang galit na kinikimkim niya kung sino man iyon, mas lalong nanlinsik ang mata niya ng magtama ang mata naming dalawa.

“Ikaw ang babae ni Devron, kaya kinuha ka namin para gantihan siya. Hindi ko alam kung matunton ka pa niya dito. Kasi kung hindi ka niya matunton ng buhay, malamang isa ka ng malamig na bangkay na naghihintay sa kaniya,” pananakot niya mabilis na dumaloy sa sistema ko ang takot.

Bakit nadamay ako kung si Devron naman pala ang kailangan nila? Bakit ayaw nilang harapin ang taong ‘yon? Dahil mga duwag sila? Mga duwag nga ang mga gagong ‘to!

Kaya kahit natatakot ay tumawa ako na nangaasar na ikinataka naman nila kaya onti-onti silang lumayo sa akin. “Eh bakit ako ang ginagantihan niyo? Wala akong alam diyan, ang alam ko lang ay ako ang babae ni Devron pero hindi ko alam kung bakit may galit kayo sa kaniya,” matapang kong saad at nagpatuloy. Kitang-kita ko naman ang pagtitimpi nila sa maaaring gawin nila sa akin.

“Kayong mga gago kayo! Mga duwag kayo! Mga duwag! Bakit hindi si Devron ang kaharapin niyo? Kasi natatakot kayo? Mga duwag tala- ah!” Napahiyaw na lang ako sa sobrang takot ng sunod-sunod na putok ng baril ang tumama sa mga gilid ko. Naramdaman kong nadaplisan pa ako sa kaliwang balikat kaya maraming dugo ang tumulo doon.

Dahil don ay napaiyak ako sa matinding sakit ng hilahin niya ang buhok ko at tinutukan ako ng baril sa tapat ng noo ko, kahit hilam ng luha ang mga mata ko ay nakaya ko pa ring samaan ng tingin ang taong may hawak sa akin ngayon.

“Kapag hindi mo itinigil iyang bunganga mo ay hindi ako magdadalawang isip na pasabugin yang bungo mo, naiintindihan mo?! Naiintindihan mo ba ako?!” Sigaw niya kaya umiiyak akong tumango at basta na lang binitawan ng malakas buhok ko.

“Marunong ka rin naman palang matakot na babae ka!” Aniya at lumingon sa dalawang kasamahan niya na ngayon ay nanonood at tila ay tuwang-tuwa sa nangyayari. Akmang magsasalita na sana siya pero napayuko na lang kaming lahat ng sunod-sunod na bala ang umulan sa lugar namin.

Kahit nanginginig sa takot ay mabilis kong pinatumba ang upuan ko para hindi ako tamaan ng mga bala, hindi ko alam kung sino ang may gawa non pero kailangan kong maging alerto. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang dalawang taong wala ng buhay habang ang isa naman na kanina pa ako sinasaktan ay may tama sa bala at mabilis akong itinayo ng humupa na ang barilan.

“Tangina, nandito na ang hari ng mga Mafia,” nakangising saad niya at malademonyong ngumiti sa akin bago ako hilahin patayo at napasinghap na lamang ako ng tutukan niya ako ng baril sa sentido at malakas na itinulak na akala mo ay pinapapunta ako sa unahan.

Sino ang sinabi niyang mafia? Hari ng mga Mafia?

“LAKAD!” Malakas niyang sigaw kaya wala na akong magagawa kundi ang sundin siya, ramdam na ramdam ko na rin ang pananakit ng balikat ko dahil don ako nadaplisan ng bala. Punong-puno tuloy ng dugo ang kaliwang damit ko.

Napasinghap na lang ako ng makalabas kami ng bahay na ito, kitang-kita ko ang mukha tuloy ng lalaking kanina ko pa inaalala. May hawak siyang baril habang nakatutok sa aming dalawa ng lalaking may hawak sa akin ngayon. Pero mas lalong dumilim at bumagsik ang mukha niya ng makita niya ang kalagayan ko.

“What did you do to my woman?” Mapanganib na tanong ni Devron habang ang baril ay nakatutok pa rin, siya lang mag-isa at hindi ko alam kung may kasama ba siya. Huwag mong sabihing si Devron ang tinutukoy niya na Mafia?

“Oops! Huwag kang lalapit kung hindi sabay kaming mamatay nitong babae mo!” Mapaglarong saad ng lalaking may hawak sa akin at napasinghap na lang ako hindi dahil sa inilabas niyang granada kundi dahil sa tattoo na ngayon ko lang napansin sa kamay niya.

Butterfly Tattoo. Ang tattoo na ‘to, ang tattoo na’to ang dahilan kung bakit nawala sa akin si Papa. Ito ang tattoo na’to ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko at bumalik sa alaala ko ang gabing gusto ko ng kalimutan.

“Mga demonyo kayo.” Buong diin kong sabi kaya mas lalong sumeryoso ang mukha ni Devron at tumawa naman ang lalaking may hawak sa akin ngayon.

“Demonyo talaga kami pero mas demonyo ang lalaking mahal mo,” saad niya pero hindi ko ‘yon binigyang pansin dahil mas nananaig ang sakit at galit na lumulukob ngayon sa katawan ko.

“Kayo ang mga demonyo! Kayo ang dahi-” Hindi na natuloy ang sinasabi ko ng sumuka ng dugo ang lalaking may hawak sa akin kaya sabay kaming bumagsak sa sahig, nagmamadali naman akong lumayo ng makita kong sunod-sunod ang pagpasok ng bala sa bungo ng lalaki kaya dilat ang mga mata niyang bumagsak sa lupa ang walang buhay niya ng katawan.

Nang iangat ko ang mata ko ay ibang Devron na ang nakikita ko, mas lalong bumangis at dumilim ang mukha niya. Kitang-kita ko ang pag-usok ng bunganga ng baril niya dahil sa ginawa niya. Gusto ko mang magsalita pero parang naumid ang dila ko ng malamig niyang mga mata ang sumalubong sa akin.

Ibang Devron ang nasa harapan ko ngayon, pakiramdam ko ay siya ang tinutukoy ng lalaking kumuha sa akin. Si Devron nga ba ay isang Mafia katulad ng mga lalaking humahabol sa amin na gusto kaming pataying dalawa ni Papa?

“Devron,” huling sambit ko ng pangalan niya bago ko maramdaman ang matinding hilo at ang pagdilim ng paningin ko.

. . .

"P-papa, may butterfly tattoo po sa kamay ang humahabol sa atin," nanginginig kong saad habang patuloy kami sa pagtakas dito sa madilim na kagubatan. Hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin ang mga putok ng baril kaya binuhat ako ni Papa at hinawakan sa pisngi.

"Mafia sila anak, mga masasamang tao sila. Pumapatay sila ng masamang tao," paliwanag niya gamit sa nanginginig na boses kaya mas lalo pa akong umiyak dahil sa takot. Kahit bata pa ako ay naiintindihan ko na ang ibig sabihin ni Papa.

"Pero papa, hindi naman po tayo bad people. Bakit po nila tayo binabaril?" Sinisinok kong tanong kaya binaba ako ni Papa at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

"Huwag kang matakot, Yngrid. Tutulungan tayo nila Sir Montecil-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Papa ng sunod-sunod na bala ng baril ang tumatama ngayon sa direksyon namin.

"PAPA!"

Napabalikwas ako ng bangon ng mapanaginipan ko na naman iyon, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Ang pawis ko ay tumutulo na rin. Hilam na rin ng luha ang mga mata ko at napahikbi na rin ako sa sobrang takot.

"Yngrid," isang malamyos na boses ang nagpaangat sa ulo ko. Nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya ay basta ko na lamang iniyakap ang mga braso sa leeg niya at doon umiyak ng umiyak.

"D-Devron, natatakot ako. Yung mga kumuha sa akin… sila-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang akong humagulgol at mas lalong hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.

Naramdaman ko na lamang na binuhat niya ako at pinaupo sa kanyang kandungan. Para tuloy akong bata na pinapatahan at pinapakalma mula sa masamang panaginip. Mas lalong pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at unti-unting kumalma.

“Baby… sleep. Nandito lang ako sa tabi mo,” malambing niyang bilin kaya umiling ako at mas yumakap pa sa kanya. Wala na akong hiyang nararamdaman ngayon dahil sa kapayapaan na dulot ng mga bisig ni Devron ngayon na nakapalibot sa katawan ko.

“Ayoko,” pinal kong saad at inangat ang mukha ko. Sumalubong sa akin ang malamlam niyang mata kaya tumitig ako dito. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at ganun din sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko na tuluyang nagpakalma sa magulo kong sistema.

“Baby, sino sila?” Pagtatanong niya kaya mariin akong pumikit ng maalala kong muli ang tattoo na nakita ko. Hindi naman masama kung sasabihin ko kay Devron ang naalala ko, alam kong papakinggan niya ako.

“Noong bata ako, napagbintangan si Papa na nagnakaw ng malaking pera sa mga taong ‘yon. Natunton nila ang lugar namin, hinabol kami at gustong patayin. Dahil bata lang ako non, wala akong magawa kundi ang tumakas kami ni Papa para lang makaligtas…” Tumigil ako saglit dahil feeling ko ay may nakabara sa lalamunan ko.

“Pero hinabol nila kami. Ang sabi ni Papa ay may tutulong sa amin pero nahuli na sila. Natamaan kaming dalawa ni Papa at nahulog sa ilog at doon… simula non naging mag-isa na lang ako sa buhay. Nawala sa akin ang taong mahalaga sa akin.” Tuluyan na akong umiyak at muli na naman niya akong niyakap. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa katawan niya.

“Magbabayad sila, Yngrid. Magbabayad sila sa ginawa sa’yo. Hinding-hindi ko na palalampasin ang ginawa nila sa’yo, sinaktan ka na nila. Dinamay ka na nila, handa akong makipagpatayan bago ka nila makuha at saktan sa akin, Yngrid. Handa kong salubungin ang mga bala nila.” Ramdam ko ang gigil at pagkaseryoso ni Devron kaya napakapit ang pagkakayakap ko sa kanya

Naalala ko ang tinawag sa kanya. Isang Mafia daw si Devron, ibig sabihin masama siyang tao? Pero hindi halata sa kanya. Kahit ilang beses ko na siyang nakikitang may hawak ng baril at pumatay sa harapan ay ayokong maniwala. Gusto kong sa kanya mismo manggaling kung totoo ba talaga ang sinabi ng lalaking ‘yon.

“Devron, sino ka ba talaga?”