Chapter 49: Traitor

(Shakira’s POV)

‘Superiors please go to my office now.’

Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni HM sa isip ko pati na rin sa biglaang pagpapapunta niya sa amin sa office niya.

Minabuti kong magtungo na lang sa opisina nito nang malaman ko kung anong sasabihin niya.

Nang makarating sa office ay napansin kong si Kira na lamang ang wala ngunit mukhang importanteng-importante ang sasabihin ni HM kaya naman pagkaupong-pagkaupo ko ay nagsalita na ito agad.

"Alam kong nagtataka kayo sa biglaang pagtawag ko sa inyo—" naputol ang sasabihin ni Headmistress nang bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Kira.

"Sorry, I'm late," hinging paumanhin niya bago nagdire-diretso patungo sa katabing upuan ni Dash. Mabilis ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang aking kilig.

Bagay talaga sila!

Nang matapos naming panoorin si Kira sa pagdating niya ay nagsalita na muli si HM at ipinagpatuloy ang sinasabi nito kanina.

"So, as I was saying alam kong nagtataka kayo sa biglaan kong pagtawag sa inyo rito." Hindi ko man aminin, hindi naman nagsisinungaling ang mata ko sa katotohanang mukhang malaking problema ang kinahaharap ni Headmistress.

Mas lalong naging visible ang lines sa kaniyang mukha at tila ilang taon din ang itinanda niya.

"Bakit nga ba ninyo kami pinatawag, Headmistress?" Tanong ng kaharap kong si Cyclone. I mentally rolled my eyes dahil sa sobrang ka-excited-an ng lalaking ito. Well, siya si Cyclone, eh. He will never be Cyclone if he's not like this.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Headmistress nang malakas itong bumuntong hininga.

"You have a new mission," seryosong aniya.

"Yes! Yuhooo!!" Sigaw ni Cyclone at sumuntok suntok pa sa ere. Hindi ko magawang makipagtalo kay Cyclone dahil nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Headmistress, isama pa ang seryoso nitong mukha.

Nang maramdaman ni Cyclone na siya lamang ang maingay ay mabilis itong tumahimik at tiningnan ang mukha ni HM.

"Mission po, Headmistress? Anong klaseng misyon po 'yan?" Nabaling naman kay Kira ang atensyon ko nang mahimigan ko ng interes ang boses nito.

Muli kong ibinalik kay HM ang paningin nang sagutin nito ang tanong ni Kira.

"Someone's missing and you need to find him immediately."

Mabilis na nangunot ang noo ko at inilibot ang paningin sa aking mga kasama. Tiningnan ko kung sino ang nawawala at mas lalong lumalim ang pagkakakunot ko nang makitang kumpleto naman kami.

"He's not from Superiors, Shakira," ani Headmistress na naging dahilan ng pagbaling ko sa kaniya, nagtataka. "His name's Lokie," dugtong niya kaya napaawang ang bibig ko.

Ang matigas ang ulo na lalaking 'yon, nawawala? Pero paano? Sino naman ang kikidnap sa kaniya?

"Bakit, Headmistress?" Takang tanong ko. Hindi naman sa ayaw kong hanapin namin si Lokie. Pero bakit kaming Superiors? Sa tuwing may nawawala namang ibang estudyante minsan, hindi naman kami ang napapag-utusan ah?

"Iyon ay dahil bilang kabayaran sa ginawa niyang pagtulong sa Academy na malaman kung sino ang traydor," nakangisi si Headmistress ngunit unti-unti ay napalitan iyon ng pagkaseryoso.

Napahigpit ang kapit ko sa armrest ng inuupuan ko kasabay ng pagtungo ko dahil sa sinabing iyon ni Headmistress.

Si Sheira ba? Siya ba ang kumidnap kay Lokie? I... I never thought she could do such things.

"Sheira..." I whispered.

Hindi ko maiwasang hindi magalit sa kaniya. Paano niya nagawang mag-traydor sa Academy? Kahit kailan ay hindi namin sila ng ina niya itinuring na sampid sa pamilya namin. We even welcome them wholeheartedly kahit pa hindi sila tunay na nagmula sa pamilya namin.

I don't understand her. Noong una binuhay niya ang mga tao sa Crymton Dimension, ngayon naman pati si Lokie ay idinamay niya. I will never understand her reasons.

Itinuring ko siyang tunay na kapatid kahit pa magkapatid lang kami sa ama. How could she?

"No," rinig kong sabi ni HM kaya napatunghay ako at takang itong tiningnan. "Your sister is not the traitor. Hindi rin siya ang bumuhay sa mga taga-Cyrmton."

Lahat kaminay tila nagulat sa sinabi ni Headmistress. Kunot na kunot ang noo namin dahil sa pagtataka.

Kung ganoon, sino ang traydor?

Huminga nang malalim si HM bago may kinuha sa drawer na nasa may table niya.

"Noong nalaman namin na nawawala si Lokie, mabilis naming pinuntahan ang dorm niya at nakita namin ito," she said as she handed me the thing she got from the drawer.

Nang makita ko ang picture ng taong nasa likuran ng lahat ng nangyayaring kaguluhan sa mundo namin ay halos hindi ako makapagsalita. Titig na titig ako sa litrato habang hindi marehistro sa utak ko ang nalaman.

S-siya? Bakit siya? Anong... Anong nagawa namin para traydurin niya ang Academy at ang buong Elemental World? Sa lahat ng tao, bakit siya pa?

"B-bakit sya?" Gulat na gulat na tanong ni Kira habang nakaturo sa picture na hawak ko.

"Alam kong nagulat kayo sa nalaman niyo ngunit maski ako ay nagulat din nang makita ko ito. Hindi ko akalain na sa isang anghel at napakaamong mukha ay may nakakubli palang demonyo sa loob. Tanggapin na lang natin na hindi natin siya kakampi at kung hindi natin siya papatayin ay baka siya pa ang tumapos sa'ting lahat," walang kaemo-emosyong sabi ni HM. Alam kong sa mga oras na ito ay nasasaktan si Headmistress dahil sa katauhan ng traydor. We never thought na ang taong lubos pala naming pinagkakatiwalaan ay ang sumasaksak sa amin patalikod.

"When will we start?" Seryosong tanong ni Kaela matapos nang mahabang katahimikan.

"Tomorrow afternoon," mabilis naman na sagot ni HM na siyang tinanguan namin. Hindi na rin kami nag-abala pang magtagal sa office niya at tumayo na rin agad para umalis.

"Well, I think kailangan nating patayin ang traydor sa Academy," mariing sabi ni Zhia bago ngumiti kay Headmistress. "Bye, Headmistress. See yah!" Paalam niya bago ako hinila palabas kasunod ng iba pa naming kasama.

Hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang traydor. Pero bakit niya ginagawa ito?

* * *

(Zhia’s POV)

Matapos kong hilahin si Shakira paalis sa office ay dinala ko siya sa dorm ko. May gusto lang akong sabihin sa kaniya at patutulugin ko na rin siya rito sa dorm ko para may kasama naman ako. Ngayon pa at nalaman na namin kung sino ang traydor.

"Zhia, bakit mo ba ako dinala sa dorm mo? Mag-aayos pa ako ng gamit ko, e!" Maktol niya at saka umupo sa couch habang nakahalukipkip.

"Shh. May gusto lang akong sabihin at kaya rin kita dinala rito kasi rito ka matutulog. 'Yong mga gamit mo? Pinaayos ko na. Dadalhin na lang mamaya rito." Sagot ko habang sinasaraduhan ang mga pinto at bintana pati mga kurtina. Hindi pa ako nakontento at kinandado ko pa ang mga iyon.

Nagtaka naman ang mukha niya at naupo nang ayos, mukhang handa ng makinig sa sasabihin ko.

"Spill it."

Matapos kog masara lahat ng pinto at bintana sa sala ay naupo na ako sa upuan na kaharap niya.

"Wala ka bang napapansin?" Panimula ko, kinakabahan dahil baka may makarinig sa amin kahit pa alam kong wala naman.

"Napapansin? Na ano?" Takang tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko at nag-isip kung itutuloy ko ba ang sasabihin. Pero nang muli akong mapatingin kay Shakira na kunot-noong nag-aantay ng sasabihin ko ay napagpasyahan kong ituloy na lang.

"Hindi mo ba napapansin na parang may iba ngayon kay Krey? Alam mo 'yon? Lately, parang hindi na siya sumasama sa atin. Parang iniiwasan niya tayo. Nakakapagtaka lang," mahabang sabi ko na naging dahilan ng pagtahimik ni Shakira na tila nag-iisip.

"Yeah, napapansin ko rin 'yon. He seemed so nervous all the time," aniya.

Kung gano'n ay hindi lang pala talaga ako ang nakakapansin sa actions ni Krey.

"Hindi kaya isa siya sa tray—"

"Zhia, 'wag ka ngang mag-isip nang ganiyan! Hindi si Krey ang tipo ng tao na sasanib sa kasamaan okay?" Putol ni Shakira sa sinasabi ko kaya napabuntong hininga ako.

"Ang hirap kasi ngayon, e. Hindi na natin alam kung sino 'yong mga kakampi natin. Tulad ngayon, isa sa pinakamalapit sa atin ang siya pang nag-traydor sa atin." Naramdaman ko ang panunubig ng aking mata dahil sa pinaghalo-halong nararamdaman.

Tumayo naman si Shakira at niyakap ako. "Don't worry, Zhia. We'll get through this. I know Krey is not one of the traitors. Mukhang alam ko na nga kung bakit ganoon siya, e. Pero syempre, hindi ko muna sasabihin sa'yo kasi baka mali ang nasa isip ko," natatawang sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

Alam niya kung bakit gano'n si Krey?

Tumigil na ako sa pag-iyak at kumalas na rin naman siya ng yakap. "Stop stressing yourself too much, okay? Magpahinga ka muna kaya," she said with concern. I shook my head before smiling at her a little.

"Hindi na. Hihintayin ko pa ang gamit ko, bayad ko na sa'yo sa pagsama mo sa'kin dito," natatawang sabi ko na sinagot naman niya ng pabirong irap bago ako sinabayan sa pagtawa.

"Alright. Matutulog na ako," paalam niya at umakyat na patungong second floor. Gabi na rin naman kasi, e.

Habang naghihintay ng magdadala ng gamit ni Shakira ay nagpunta muna akong kusina at kumuha ng cookies na nasa ref. Nakakailang kagat pa lang ako ay nakarinig na ako nang mahinang pagkatok sa pinto.

'Ito na siguro 'yong nagdala sa gamit ni Shakira," bulong ko sa isip habang naglalakad patungo sa pinto.

Nakangiti kong binuksan ang pinto at akmang babatiin na ang nagdala nang makita ko ang taong kaharap ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko habang dinadama ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Kamusta?" Nakangising aniya na nagpabalik sa akin sa katinuan. Akmang isasara ko na ang pinto nang mabilis niyang iniharang ang kaniyang kamay at may ichinant na spell.

Sa bilis ng pangyayari ay ang huling natatandaan ko na lamang ay ang tila paghigop ng kung ano sa aking kaluluwa bago ako tuluyang nawalan ng malay.