Chapter 51: Traitor's Identity
(Shakira’s POV)
Bigla akong nagising sa hindi malamang dahilan. Tinignan ko ang paligid at mukhang madaling araw pa lang. Madilim pa ang paligid at tanging liwanag lang ng buwan na lumulusot mula sa malaking bintana sa kwarto na natatakpan ng hinahanging kurtina ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Napahinga ako nang malalim at napasapo sa aking dibdib dahil sa mabilis na tibok nito. Ilang ulit akong huminga nang malalim bago napagdesisyunang bumaba ng kwarto para uminom ng tubig.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw maalis ng kabang nararamdaman ko. Iba ang pakiramdam na ito at hindi ko ito gusto. Parang may masamang mangyayari...
Pagdating sa kusina ay mabilis akong kumuha ng baso at tubig at mabilis iyong nilagok hanggang sa maubos ito. Hinawakan ko muli ang dibdib ko ngunit hindi pa rin naaalis ang kaba na nararamdaman ko.
"Aish. Kung ano-ano kasing iniisip ko, e," inis na bulong ko sa sarili habang habang nililinis ang basong pinag-inuman.
Panigurado namang tulog na tulog na si Zhia ngayon kaya hindi ko siya pwedeng gisingin. Sisipain lang ako no'n dahil sa panggigising ko. Tsk.
Hindi ko na lang pinansin ang kabang nararamdaman at bumalik na sa kwarto para ipagpatuloy ang pagtulog.
* * *
"Argh!" Naiinis na sinabunutan ko ang sariling buhok kasabay ng pagtayo ko sa kama. Nakailang ikot na ako sa higaan ay hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok. Nawala na rin ang kaba ko pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi naman ako makatulog.
Napatingin ako sa kurtinang hanggang ngayon ay hinahangin pa rin. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at naglakad palapit sa may bintana na hindi pala nakasara. Mukhang nalimutan ni Zhia na isara ito.
'Ang babaeng 'yon talaga,' iling-iling na sabi ko sa sarili bago sinarhan ang bintana.
Pabalik na sana muli ako sa higaan nang may napansin ako sa labas. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ng bahagya ang bintana. Tinignan ko nang mabuti ang bagay na iyon. May isang uwak 'di kalayuan sa dorm ni Zhia ang nakadapo sa isang puno. Para itong may sariling utak. Nakakatakot ang tingin nito dahil sa itim na itim niyang mga mata isama pa ang itim na kulay nito.
"Kwak... Kwak... Kwak..."
Mabilis na nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko nang humuni ito. Bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil tinis ng huni nito na tila may ibang pahiwatig.
Nakipagtitigan ako nang ilang sandali rito hanggang sa muli akong mabalik sa sarili. Mabilis kong sinarhan ang bintana at tinakpan ito ng kurtina.
Naupo ako sa kama bago napabuga ng hangin. Hindi ko pala napansin na pigil na pigil ko ang aking paghinga pamula pa kanina noong tinitignan ko ang hayop na 'yon.
Nakarinig ako ng kaluskos sa labas kaya naman dahil sa kaba at takot ay mabilis akong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pinilit ko ang sariling matulog at hindi naman ako nabigo.
* * *
Mumukat-mukat akong bumangon ng kama at nag-inat-inat. Nakangiti akong tumingin sa labas na maliwanag na maliwanag na dahil sa liwanag ng araw. Nakangiti akong tumingin sa orasan na nasa may bedside table dahil pakiramdam ko ay sapat na sapat ang oras na naitulog ko.
Pero unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng nanlalaking mata nang makita kong alas dos na ng hapon.
Natataranta akong umalis sa kama at kumuha ng gamit sa closet. Hindi ko na inalam kung akin ba ang laman no'n o kay Zhia. Kinakabahan ako dahil alas tres ang usapan na aalis kami ng Academy at ngayon ay may isang oras na lang ako para maghanda. Aish! Kung bakit ba naman kasi hindi ako ginising ni Zhia, e.
Wala pang labing-limang minuto ay nakatapos na ako sa pagligo. Mabilis naman akong nagbihis ng komportableng damit at nagsuklay habang pababa ng hagdan.
Aligaga na ako sa gagawin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Zhia.
"Zhia, come on! Late na tayo!" Sigaw ko mula sa sala habang hinahanap ang gamit ko. Nang makita kong bahagyang nakabukas ang pinto at nando'n ang gamit ko ay kunot noo at iiling-iling ko iyong kinuha bago isinukbit sa aking likuran.
Pero mas lalong nangunot ang noo ko nang hindi man lamang sumasagot si Zhia sa tawag ko. Naman oh! Baka tulog pa 'yon!
Mabilis akong tumakbo pataas at pinuntahan siya sa kwarto niya pero nadatnan kon malinis ito at walang katao-tao.
"Daya, 'di man lang ako ginising," I murmured.
Aalis na sana ako sa kwarto ni Zhia ngunit may isang bagay sa table niya ang nakapukaw sa atensyon ko. Lumapit ako roon at kinuha ang nakatuping papel na nasa ibabaw ng table niya katabi ng kaniyang lamp shade.
Shakira, susunod ako sa inyo sa tagpuan natin. May pinuntahan lang ako saglit. Wait for me, okay? I'll be right there." - Z
Napahinga na lang ako nang malalim bago ibinulsa ang sulat na 'yon. Dali-dali akong tumakbo paalis sa bahay ni Zhia at pumunta na sa tagpuan namin.
Pagdating sa tagpuan ay nakita kong ako na lamang pala at si Zhia ang hinihintay.
"Ang tagal ninyo!" Singhal ni Cyclone kaya inirapan ko siya. Napansin kong tumingin siya sa likuran ko at kumunot ang noo.
"Where's Zhia?" Nagtatakang tanong pa niya.
"Don't know. Nakita ko lang 'to sa kwarto niya," kibit balikat na sabi ko bago kinuha ang sulat na nakita ko sa kwarto ni Zhia.
Ngunit imbes na si Cyclone ang kumuha ng sulat ay mabilis na kinuha ito ni Zack habang nakakunot ang noo. Mas lalo pa iyong kumunot nang mabasa ang sulat.
"This is not her handwriting," seryosong pahayag ni Zack na siyang napakunot na rin sa noo ko. Kahit ang iba naming kasmahan ay lumapit na rin sa amin upang malaman ang nangyayari.
"What are you talking about?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Galit siyang humarap sa akin at galit ding ipinakita sa akin ang sulat na nakuha ko kanina sa kwarto ni Zhia.
"Shakira, hindi ito ang handwriting niya! Alam ko kung paano sumulat si Zhia at hindi siya kailanman nagsulat ng hindi cursive. At kung nagsusulat man siya, hindi ganito!" Ramdam na ramdam ko ang inis at pagkabahala sa boses ni Zack.
"I'm not making up stories, Zack! Nakita ko ang letter na 'yan sa kwarto ni Zhia!" Depensa ko sa sarili dahil pakiramdam ko ay sinisisi ako ni Zack.
Napasabunot naman si Zack sa kaniyang buhok dahil siguro sa frustration.
"Zhia, where are you?" Rinig kong bulong niya habang ikinakalma ang sarili.
"Pero kung hindi nga si Zhia ang sumulat niyan, then who?" Nagtatakang tanong ni Kira na nakapagpatahimik sa aming lahat.
Sino naman kaya ang siraulong ki-kidnap kay Zhia?
"HAHAHAHAHAHAHA!"
Naalerto kaming lahat nang isang nakakakilabot na tawa ang narinig namin sa buong paligid. Inilinga-linga namin ang aming paningin sa paligid ngunit puro dumaraan na estudyante na nagtataka at natatakot ang itsura ang siyang nakikita namin.
"KAMUSTA, ELEMENTIANS? NAGUSTUHAN N'YO BA ANG SIMULA NG PAGHIHIGANTI KO?" Dumadagundong ang boses nito sa paligid at kasunod nito ay ang malakas na naman nitong tawa na tila kinikiliti.
"Magpakita ka, duwag!" Galit na sigaw ni Zack.
"HUWAG MO AKONG MATAWAG-TAWAG NG GANiYAN BATA. HINDI MO KILALA KUNG SINONG BINABANGGA MO," sagot nito sa isang seryoaong boses. Napatawa naman ng bahaw si Zack bago muling sinagot ang kausap.
"Bakit hindi ka pa magpakita, traydor?" Nakangisi ngunit napakalamig ng boses ni Zack. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan at sa tingin ko ay hindi maganda ang mga sunod na mangyayari.
Tama nga ang hula ko dahil unti-unting binalot ng maitim na ulap ang kalangitan at lumamig ang paligid. May parang anino rin na pawang lumalakad ang papalapit sa kinatatayuan namin. At mula sa aninong iyon ay unti-unting nabuo ang pigura ng isang tao hanggang sa tuluyan namin itong nakaharap.
"Kumusta mga mahal kong estudyante?" Nakangising sabi niya na siyang nagpakuyom ng aming kamao.
Kung ano man ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa, wala na akong pakialam do'n. Gusto ko na lamang tapusin ito dahil sa lahat ng kasamaan niya.
Ngumisi muna ako sa kaniya bago muling sumeryoso at saka ito sinagot.
"Mabuti pa sa inaakala mo, Prof. Cassy."