Chapter 48: Mission. Lost. Important.

(Krischelle’s POV)

Marami na ang nagbago rito sa Elemental World mula ng huli naming bisita. At ang pinaka-ikinalulungkot ko na batid kong nakapagpalungkot din sa iba kong kasama ay ang makitang kasama si Evergreen sa mga nagbago.

Hindi na siya ang dating Evergreen na nakilala namin. Ilang taon na rin siyang namalagi rito at hindi ko siya masisisi kung napamahal na siya rito, lalo pa at nagkaanak siya sa taga-rito.

Si Haring Caleb, ang ama ni Evergreen na syang dati naming hari, ang nagpasimuno na pumunta kami sa ibang dimension which is ang Elemental World. Hindi totoo ang pinaniniwalaan ng mga Elementians na isang Elementian si Haring Caleb. Iyon lamang ang pinalabas ni Haring Caleb noong nadiskubre niya nang 'di inaasahan ang paaralan ng Magistic Academy.

Kasama kaming lahat ni Haring Caleb na nagtungo sa Elemental World. At hindi ko lubos maisip na iyon pala ang magiging dahilan kung bakit kami mawawalan ng pinuno sa aming lugar.

Flashback…

"Gusto niyo ba ng panibagong adventure?" May galak ang tono ni Haring Caleb nang sabihin niya iyon sa aming tatlo nina Eve at Stella.

Walang pag-iisip kaming tumango dahil sa sobrang excitement. Hindi namin inisip kung anong pwedeng mangyari sa'min kapag umalis kami.

Kahit isang maharlika si Haring Caleb at pati si Evergreen ay nakikisabay sila sa kalokohan namin. Saka lamang sila nagiging ganito kapag kami-kami lamang ang magkakasama. At kapag seryoso na naman ang pinag-uusapan ay bumabalik na sa pagiging strikto ang dalawa.

"Papa, saan po tayo pupunta?" Halatang-halata sa boses ni Princess Eve ang excitement nang tanungin niya ang ama.

Kaming dalawa ni Stella ay naghihintay ng isasagot ng Hari.

"Malalaman mo rin anak," nakangiting sabi ni King Caleb bago tumingin sa paparating na si Jackson at Hunter.

"Tapos niyo na ba?" Tanong nito nang makalapit ang dalawa na siyang ipinagtaka naming tatlong babae.

"Tapos na? Ang alin po, King Caleb?" Hindi na napigilan ni Stella ang hindi magtanong. Kahit ako ay hindi ko rin alam ang pinaplano ni King Caleb na kasama si Jackson at Hunter.

"Malalaman din ninyo," huling sabi nito bago kinausap ang dalawang lalaki na medyo may kalayuan sa amin.

Nang matapos silang mag-usap tatlo ay lumapit ang hari sa amin at nakangiti kaming iginiya patungo sa kung saan.

Halos manlaki ang mata naming tatlo dahil sa nakita sa aming harapan. Isang portal! Ibig sabihin ay pupunta kami sa ibang dimension!

Manghang-mangha kaming tumingin kay King Caleb na tuwang-tuwa sa reaksyon naming tatlo.

Sino ba namang hindi matutuwa? Aalis kami ng Himeria sa unang pagkakataon! Nag-aadventure kami noon pero hanggang dito lamang sa loob ng Himeria. Masyadong matagal ang paggawa ng portal patungong ibang dimension na inaabot pa ng ilang araw.

"Woah! Portal! So it means sa ibang dimension tayo?!" Excited na sabi ni Stella.

Tumango naman si King Caleb bago kami tinanong. "Are you all ready?"

And we nod our heads like there is no tomorrow.

* * *

Pagtapak na pagtapak pa lamang ng mga paa namin sa lupain ng mundong pinuntahan namin ay manghang mangha na agad kami. Halos nakanganga na kaming tatlong babae dahil sa mangha sa lugar.

"Wow! This is soooo beautiful! What dimension is this, Papa?" Namamanghang tanong ni Eve.

"You guess," nakangiting ani King Caleb sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Evergreen bago tiningnan ang buong lugar at nag-isip.

"Hmm... It's not Crymton Dimension but I think it's... Elemental World?!"

Tumango si King Caleb upang sang-ayunan ang sinabi ni Eve.

"Ang ganda rito... I wish I'm living here," wala sa sariling sambit nito kaya mabilis kaming napatingin sa kaniya lalong lalo na si Hunter.

"You wish what?" Halata ang pinipigilang galit ni Hunter nang tanungin niya si Evergreen. Mukha namang natauhan si Eergreen at mabilis na hinawakan sa kamay ang lalaki.

"Love, it's nothing. I'm just happy."

"Tss." Hunter blew a harsh breath. "Don't say that again, Eve. You can't live here permanently because of the time limit. You'll gonna die if you reached your twenty years of living here, so, stop wishing that kind of nonsense," seryosong sabi ni Hunter na siyang ikinatungo ni Eve.

"Yeah. I know," she whispered but enough for us to hear.

"Tsk. Let's go. We'll start exploring this place," huling sabi ni Hunter bago hinawakan sa palapulsuhan si Eve at saka ito hinila.

Napailing-iling na lang ako bago sumama sa kanilang libutin ang dimensyon ng Elemental World.

Flashback ends…

Iyon ang rason kung bakit nawalan kami ng pinuno ng nagdaang mga taon. Tumakas siya sa mundo namin at saka lang namin nalamang palihim pala siyang gumagawa ng portal nang araw na aalis na ito. Nalaman ni King Caleb ang plano ni Evergreen at aksidenteng nakasama sa pagpunta sa mundo ng Elementians.

At ngayon nandito kami para kuhanin ang mga nawala sa kaharian namin.

* * *

(Klaire/Kira’s POV)

“Princess Kira... bumangon ka para sa isang balitang aming isisiwalat.”

Nagising ang diwa ko dahil sa napakalamyos na boses na aking narinig. Unti unti ay iminulat ko ang aking mga mata at tila may humihila sa katawan ko para bumangon.

Malabo ang aking mata nang imulat ko iyon kaya naman muli ko itong ipinikit at iminulat bago tuluyang luminaw ang aking paningin.

Bahagyang nanlaki pa ang aking mata nang maalalang nahimatay nga pala ako nang malaman ang tungkol sa mga Himerians.

Speaking of...

Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa buong lugar nang mapansin na wala ako sa palasyo. Nangunot ang noo ko nang mapagtantong nasa kaharian ako ng mga Gods and Goddesses.

“Mabuti at gising ka na. May nais kaming sabihin sayo Mahal na Prinsesa," seryosong sabi ng isa sa mga Goddesses.

Nagtaka naman ako sa sinabi nila at itinuon sa kanilang ang buong atensyon.

Bahagya pa akong nakaramdam ng kaba ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon. “A-anong gusto nyong sabihin?”

Ilang segundong hindi umimik ang mga ito bago sila sabay-sabay na nagsalita.

“Misyon. Nawawala. Importante. ‘Yan ang nais naming ipabatid. Paggising mo malalaman mo kung ano ang ibig sabihin ng mga clue na ibinigay namin sayo. Bilisan ninyo Mahal na Prinsesa… bago pa mahuli ang lahat,” anila.

Hindi pa ako nakakareact sa sinabi nila ng maramdaman kong unti unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Alam ko...

Magigising na ako.

* * *

“Anong nangyari sa kanya? Bakit ba bigla na lang siyang nahimatay?”

“Tanong mo kaya sa pagong. Mukha bang alam ko?”

“Shh. Jackson at Stella, maaaring magising si Kira dahil sa boses ninyo.”

Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na aking naririnig. Nagunot ang aking noo bago unti-unting iminulat ang aking mga mata. Nang maadjust ko na ang aking paningin ay namukhaan ko kung sino ang nakapalibot sakin.

Si Krischelle na mahinhing nakangiti, si Stella na magkasalubong ang kilay at si Jackson na ngiting-ngiti na halos umabot na sa kanyang tenga.

“Gising ka na, mabuti naman!” Sarcastic ang pagkakasabi ni Stella kaya naman napakunot ang aking noo.

“Shh... Stella!" Suway sa kaniya ni Krischelle na inirapan naman nito.

Naupo ako sa kama na hinihigaan ko at inilibot ang aking mata sa paligid. Hindi mahagip ng paningin ko si Mama at iyong Hunter kaya naman nagtaka ako.

Nasaan sila?

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok mula roon ang kanina ko pang hinahanap. Si Mama at kasunod si Hunter.

May something sa kanila na hindi ko mawari kung ano kaya pinabayaan ko na lang.

“Anak, gising ka na pala. Nag-alala kami sa'yo nang bigla ka na lang mawalan ng malay," nag-aalalang sabi ni Mama bago siya naupo sa gilid ng aking kama.

Nginitian ko naman siya at inilingan. "Ayos na po ako, Mama. Nagulat lang po siguro ako sa mga nalaman ko hehe."

Sinuklian naman niya ako ng ngiti bago hinawakan ang aking pisngi. "Kung gusto mo magpahinga ka muna. Iiwan ka muna namin dito para makapagpahinga ka nang ayos," aniya. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko bago siya tinanguan.

Tumayo na rin naman siya at tiningnan ang mga bisita bago muling tumingin sa akin.

"Tawagin mo na lamang ang isa sa mga dama kung may kailangan ka. Kapag hinanap mo ako ay nandito lamang ako sa palasyo."

Muli akong tumango. "Sige po, Mama," sagot ko sa kaniya bago muling ngumiti.

Umalis na rin sila sa kwarto ko kaya muling tumahimik ang paligid. Napahinga naman ako nang malalim bago muling bumalik sa pagkakahiga at naghintay na muling dalawin ng antok.

Ilang minuto na ang nakararaan simula nang umalis sina Mama ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

“Aish!” Inis na sambit ko at mabilis na naupong muli sa kama.

“Misyon. Nawawala. Importante. Tsk. Ano ba kasing ibig sabihin no'n? Haist," naiinis na bulong ko sa sarili bago ginulo gulo ang buhok dala ng frustration.

Bakit kasi hindi na lang ako diniretso ng mga Gods and Goddesses?

'Superiors please go to my office now.'

Napaupo ako nang tuwid nang marinig ko sa isip ang boses ni Headmistress. Muli akong napahinga nang malalim bago umalis sa pagkakaupo sa kama.

Siguro ay konektado ang kung ano mang sasabihin ni Headmistress sa amin sa sinabi sa akin ng mga Gods and Goddesses sa panaginip ko.

'Kailangan ko ng malaman 'to,' sabi ko sa isip bago mabilis na nag-ayos ng sarili at nagteleport patungo sa Academy, hindi na nagawa pang makapag-paalam kay Mama.